YOU CAN FOLLOW AUTHOR P CAMPOAMOR CRUZ AT https://www.facebook.com/pcampoamor.cruz/ THANK YOU.)
The short stories featured in this website are available in book form at amazon.
https://www.amazon.com/s?k=percival+campoamor+cruz&qid=1632167596&ref=sr_pg_1
https://www.amazon.com/s?k=alberto+segismundo+cruz&ref=nb_sb_noss

ANG TATO NI APO PULE
Maikling Kuwento ni Percival Campoamor Cruz
(Nailathala ng Asian Journal noong Agosto 12, 2011):
http://www.scribd.com/doc/62127718/Asian-Journal-August-12-2011-edition
-- Nang si Fernando Magallanes ay dumating sa lupain ng Homonhon noong Marso 17, 1521, ang unang nakita niyang mga tao ay may tato. Tinawag niya silang "Pintados". Sa katotohanan, bago pinalitan ng mga Kastila ang pangalan ng arkipelago na "Filipinas", ang tawag nila dito ay "Las Islas de los Pintados" (Lupain ng mga May Tato). . .
-- Karamihan ng mga tato ng mga lalaki ay sagisag ng katapangan sa pakikipaglaban. May mga tato, tulad ng babalakay at mangkid, na iba ang kahulugan. --
-- Lane Wilcken
May-akda, "Filipino Tattoos"
Si Pule at ang kanyang nakababatang kapatid na si Legleg ay kabilang sa pangkat ng kabataan na noong gabing iyon ay gagampanan ang isang makasaysayang gawain. Dalawampung binatilyo ang pinakawalan ng matatanda sa kuko ng dilim at sa pusikit na dibdib ng kagubatan upang mag-uwi ng baboy-damo, patay man o buhay.
Bahagi ng kabihasnan sa kabundukan ang pagsasanay sa mga batang lalaki na maging mahusay sa paghuli ng usa at baboy-damo na gamit ay sibat at gulok. Sa wastong paggamit ng mga nasabing patalim, kaakibat ang lakas ng katawan at talas ng isip, ang mga kalalakihan ng tribo ay naitataguyod ang pagpapatuloy ng lahi.
Pag-uwi ng mga bata, na bawa’t isa ay may dalang huling hayop-gubat, ang buong tribo ay nagkakaroon ng isang dallung o pagsasaya. Kinabukasan, ang mga nakababatang mangungubat na naipakilala ang kanilang katapangan at kahusayan, ay ipinagkakalooban ng kauna-unahan nilang batek o tato.
May isa o dalawang nakatatandang tao sa tribo na bihasa sa pagbabatek o pagtatato. Kung lalaki, ang tawag sa kanya ay mambabatek; kung babae naman ay manfafattong. Ang pagtatato ay pinangungunahan ng pagdarasal at pag-aalay ng dugo ng hayop sa mga anito o ispiritu ng mga ninuno. Habang nagaganap ang pagtatato ang hinanghangal na may tato sa lalamunan, tanda na siya ay may ginintuang tinig, ay inaawit ang mga pakiusap sa mga anito na ang mga tumatanggap ng tato ay mabantayan sana at nang sila ay hindi magkasakit o mapahamak.
Ang mga babae at lalaki ng tribo na may edad na ay karaniwang tadtad na ng tato ang mga katawan, bisig, at binti. Kaugalian noon na ipagtanggol ang kabundukan sa mga di kilala na dumadayo o naliligaw. Ang matatapang na nagbabantay sa kalupaan ay madalas na napasusubo sa pakikipaglaban. Iniuuwi nila sa kanilang nayon ang pugot na ulo ng nasawing kalaban at umaani sila ng isang tato sa bawa’t ulo na nakakamit.
May tato na hugis aso. Tanda ng pagkakaroon ng bangis at talas ng aso sa pagbabantay at pagtatanggol. May tato na hugis bundok, at kung marami nang naani na gantimpala, nagkakapatong-patong ang mga bundok. May tato na hugis alupihan (sa kabundukan ang tawag ay gayaman) na isa ring tanda ng katapangan at nagiging pananggalang laban sa lason. May hugis na uwak o mga mata – ang mga ito ay ibinibigay sa mga may kakayahang makipag-ugnayan sa mga kaluluwa na nasa kabilang-buhay. Minminata ang tawag sa kanila, nakakikita sa mga ninuno.
Chak-lag ang pinakamataas na uri ng tato na ang hugis ay tila pananggalang. Ito ay ipinipinta sa dibdib ng subok at batikang mandirigma . Mayroon ding tato na ibinibigay sa kadangyan, tao na may dugong-bughaw at yaman.
Ang mga babae ay nagpapatato sa bahagi ng hita na malapit sa singit. Ang layunin nito ay upang magkaroon ang mga babae ng maluwalhating panganganak.
Ipinagbilin ng ama kay Pule na bantayan ang nakababatang kapatid na si Legleg at nang siya ay hindi mapahamak. Napahiwalay sa pangkat ang magkapatid at marahan silang naglalakad sa may gilid ng isang burol. Sa di inaasahang pangyayari, si Legleg ay nahulog sa gilid ng burol. Nahawakan niya ang isang ugat ng puno na nakalawit at nakuha niyang sumabit panangdalian.
-- Lakay Pule, Lakay Pule, hatakin mo ako. Abutin mo ako, para mo nang awa! –-
Nanigas sa takot si Pule. Ibig niyang iligtas ang kapatid nguni’t wala siyang lubid. Maaaring iabot niya ang sibat na mahaba ang hawakang-kawayan, at kung ito’y mahahawakan nang mahigpit ni Legleg ay maaari siyang hatakin paitaas; nguni’t kaya ba niyang batakin ang kapatid? Kapag nagkataon ay siya pa ang mahahatak pababa at dalawa pa silang masasawi. At nangyari ang mangyayari. Hindi natagalan ni Legleg ang pagsabit sa ugat ng puno, bumitiw siya at tila batong nahulog at kumalabog nang malakas nang bumagsak sa ilalim ng bangin.
Bumalik si Pule sa kanayunan na tumatangis. Binalikan ng mga matatanda ang pook na pinangyarihan ng kapahamakan. Umaga na nang maiahon ang katawan ni Legleg sapagka’t napakatarik ng bangin na kinahulugan niya. Kinailangang ang mga taong kumuha sa kanyang katawan ay tahakin ang mahaba at paikut-ikot na landasin patungo sa ilalim ng bangin.
Pagluluksa at pagtangis ang bumalot sa buong kanayunan na dapat sana ay pagsasaya sa tagumpay ng mga bagong mangungubat. Ang mga kabataan ay nakabalik na may kani-kanyang huling-hayop. Tiyak na sila ay magkakamit ng tato. Ang iniuwi ni Pule ay ang walang buhay na katawan ng kapatid na nagkaluray-luray sa pagbagsak sa mabatong bangin...
Lumipas ang panahon at naging ganap na binata na si Pule. Lumaki siya sa kanayunan na taglay ang sakit ng loob sa pagkawala ng kapatid. Tiniis niya ang pag-aalipusta sa kanya ng mga kanayon. Duwag! Ang naging turing sa kanya ng lahat. Walang magka-ibig sa kanya na dalaga. Hindi siya isinasama ng mga lalaki sa kanilang pangungubat o pakikidigma sa mga dayuhan. Wala siyang pugot na ulo na iniuuwi. Walang saysay ang buhay niya. Wala siya ni isa man lamang tato sa isang lipunang tato ang sagisag ng pagkalalaki, ng katapangan, ng tagumpay, ng karangalan.
Nagpasiya si Pule na lisanin ang sinilangang pook, pumaroon sa kapatagan, sa totoo ay sa siyudad, upang doon magsimula ng isang panibagong buhay. May mga Kastila na sa Pilipinas noong panahong iyon at sila ang namamahala sa gobyerno at nagpapakalat ng relihiyong Kristiyanismo. Sa kabundukan ay pinupugutan ng ulo ang mga naliligaw na Kastila. At pambihira ang pag-ikot ng kapalaran sa kalagayan ni Pule - ang mga Kastilang pinupugtan ng ulo ng kanyang mga kalahi ay silang nagmagandang-loob na umampon at tumangkilik sa kanya sa lipunang sabi nga ay higit na makabago at maunlad kaysa makaluma at marahas na kabihasnan sa kabundukan.
Nakapag-aral ng medisina si Pule at naging isang ganap na manggagamot. Hinangad ng kanyang kasintahan na si Consuelo na sila ay magpakasal na. Tila iyon ang naging kasunduan ng dalawa: Ang lumagay sa tahimik pagkakatapos na makapag-aral si Pule. Nguni’t may ibang balak ang lalaki.
Inibig niya na ipagpaliban ang pagpapakasal. Ipagpaliban ang pagpasok sa isang ospital sa Maynila bilang isang dalubhasa sa panggagamot. Inibig niya na bumalik sa kabundukan ng Kordilyera at nang doon ay minsan pa niyang makapiling ang mga minamahal sa buhay.
Inaasahan ni Pule na tatanggapin siya ng kanyang mga kalahi na may pananabik at pagpapatawad sa kanyang nakalipas. Pagdating sa kabundukan ay hinubad ni Pule ang kasuotang-pangkapatagan at bumalik sa bahag na siyang kaugaliang-suot doon.
Malamig ang pagtanggap kay Pule. May narinig siyang mga pasaring na kung bakit siya ay bumalik pa. Nakikita niya ang pag-iwas sa kanya ng mga tao. At kung sila’y nagbubulungan, ipinalalagay niya na siya ang pinag-uusapan. Ang Duwag bumalik! Ano kayang buti ang maidudulot ng Duwag!
Naging mapag-isa si Pule. Naglagi siya sa kanyang pawid na unti-unti ay iniba niya ang ayos. Ang loob ng pawid ay ginawa niyang mumunting klinika na may ilang makabagong kagamitan. Ang mga kumatok sa kanyang pinto upang magpatingin ay tinanggap niya nang marubdob at ginamot na walang karampatang kabayaran.
Nagalit ang mga matatanda, ang mga pantas ng tribo, ang mga dati’y pinaniniwalaan na "manggagamot" ng nayon. Ang pangahas! Nagpapakilala ng makabagong medisina! Magagalit ang mga anito! May kapahamakang darating sa kabundukan sapagka’t labag sa Batas ng Katalagahan ang kanyang ginagawa! Himutok nila.
Ang mga napagaling naman ni Pule ay nakiusap sa mga pinuno ng tribo na pabayaan na lamang siya at payagan na gamutin ang ibig magpagamot.
Marami ang napagaling ni Pule. Bagama’t may isang bata na sadyang malubha ang kalagayan. Sa kawalan ng karampatang kagamitan ay hindi nagampanan ng doktor ang isang operasyon at ang bata ay namatay.
Dumating sa bahay ni Pule na walang paanyaya ang mga lalaking may tato. Itinali nila ng lubid ang mga kamay niya at kinaladkad siya patungo sa kagubatan. Doon ay halinhinan ang mga lalaki sa pagsuntok, pagpalo sa ulo, at pagdura kay Pule. Nang iwan nila si Pule ay halos wala na siyang buhay.
Nang matauhan si Pule ay nasa loob na siya ng isang pawid at napaliligiran ng mga babae ng tribo. Kinuha ng mga babae si Pule doon sa kinabagsakan niya at binuhat patungo sa isang ligtas na pook upang maalagaan.
Hindi na nakapag-asawa si Pule. Si Consuelo, ang kasintahan na naiwan sa siyudad, ay hindi na nakapaghintay sa kanya. Ang mga babae naman na kanayon ni Pule ay umiiwas na magkaroon ng kinalaman sa kanya. Tiyak na ang sino mang babae na magkakaroon ng kinalaman kay Pule ay magiging biktima rin ng pag-aalipusta.
Tumanda si Pule at sa wakas ay natuto ang mga kalipi niya na siya ay mahalin at igalang. Nguni’t may ilan pa rin na mahaba ang pangtanda at hindi malimut-limutan ang pangyayari sa burol na ikinasawi ni Legleg. Hinding-hindi nila mapatatawad si Pule kahi’t na pumuti na ang uwak. Sa mata nila, si Pule ay isang mistulang bato o matandang punung-kahoy na nasa kanilang paligid. Naroroon, nakikita, nguni’t hindi binabati, hindi kinakausap. Isang bagay o isang anino na walang gaanong saysay, walang pakiramdam, at walang gaanong kinalaman sa kanilang pamumuhay.
Lumakad pa ang mahabang panahon, umabot sa katandaan si Pule, at sasandali na lamang ang itatagal niya sa mundo. Damdam niya ang panghihina ng kanyang katawan. Minsan ay nanaginip siya at nakita sa panaginip si Legleg. Naroon si Legleg sa isang pulo at kumakaway. Narinig niya ang sinabi ni Legleg na inilipad sa kanyang taynga ng hangin.
-- Pule, Lakay, wala kang kasalanan. Hindi mo kailangan ang patawad. Maluwag sa kalooban ko na ikaw ay salubungin sa iyong pagdating. --
Paniniwala ng mga taga-bundok na pagkamatay ng tao, ang kaluluwa nito ay itinatawid ng isang bangka sa isang malawak na ilog patungo sa isang pulo. Ang pulo ay binabantayan ng isang ninuno na ang pangalan ay Kutao. Pinapapasok niya sa pulo ang may karapat-dapat na tato.
Palubog na ang araw sa kabundukan ng Kordilyera. Ang lambong ng gabi ay marahang lumalaganap at tila ito’y lambong ng pagluluksa. Sa isa sa mga tahanan na yari sa kahoy at pawid, na ayon sa kabihasnan ay mataas ang pagkaka-angat sa lupa, ay nag-ipon ang matatanda ng tribo, kasama ang mga kamag-anak ng matandang lalaki na hubad at nakadapa sa banig.
Ang magbabatek ay iginuguhit sa likod ni Pule, ngayon ay may pitagan na ang tawag sa kanya – Apo Pule - ang isang tato na larawan ng isang bangka na may katig sa magkabilang tabi at tinatawid nito ang isang malawak na ilog. Ang tato ay pagbibigay karangalan sa mabuting tao na ang kabutihan ay nakulimliman ng isang pangyayaring di inaasahan na nagdulot sa kanya ng habang-buhay na mapait na kapalaran.
Sa wakas ay nagkaroon ng tato si Apo Pule. Tanggap na siya ng tanging lipunan na may halaga sa kanyang buhay. Makatatawid na siya sa malawak na ilog, makapapasok sa pulo na binabantayan ni Kutao, at doon ay makakasama habang buhay ang kanyang pinakamamahal na kapatid.
Related articles:
The iconic “Visayan Pintados” of the Boxer Codex (c. 1595), is just one of the very few surviving documentations of early Filipino tattoos. It was believed to have been commissioned by the Spanish Governor General Gomez Perez das Mariñas. He fell victim to a mutiny involving Sangley (Filipino-Chinese) pirates in 1593 and lost his life. Upon completion of the manuscript, his son Luis Perez das Mariñas, took hold of it. It is believed to have been illustrated by a Chinese artist based on the style and medium used.The manuscript was then found in the possession of Lord Ilchester. In 1942 his London estate, Holland House, was hit by a German air raid. His extensive collection of Far-Eastern artifacts and manuscripts were destroyed, very few were left undamaged, this includes the now famous Boxer Codex. The manuscript got its name from a professor specializing in Far-Eastern culture named Charles Ralph Boxer, who acquired it in a 1947 auction. The manuscript is now in the collection of the Lily Library at the Indiana University.
Containing over 75 illustrations of Far-Eastern peoples, including 15 illustrations depicting Filipino tribes namely the Cagayanes, Zambals, Negritos and Visayans – the manuscript must have served as a report to be submitted to Spanish colonial officers.
The illustration of the Visayan Pintados depict two heavily-tattooed men with tattoo patterns that share similarities to Polynesian, Micronesian and Austronesian tattoos. Some believe that the floral patterns were based on early chinese pottery that the Filipino natives acquired through trading. Some patterns also shared some similarities to Ilocano weaving. It is also debated as to whether the two illustrations depicted the same man in different poses.
Geometric/triangular patterns behind the men could have been a representation of crocodile scales, python scales or a even a river. It is still unclear as to what the patterns actually represent. The crocodile scales and python pattern angles though, in my opinion, are more likely. They seem to also have similarities with the tattoo patterns of the Igorots and the other tribes of the Cordilleras. It is possible that in pre-colonized South-East Asia, tattoos were prevalent, and the dispersion of symbolisms and patterns were brought about through the rampant trading among the South-East Asian and East Asian peoples.
The iconic “Visayan Pintados” of the Boxer Codex (c. 1595), is just one of the very few surviving documentations of early Filipino tattoos. It was believed to have been commissioned by the Spanish Governor General Gomez Perez das Mariñas. He fell victim to a mutiny involving Sangley (Filipino-Chinese) pirates in 1593 and lost his life. Upon completion of the manuscript, his son Luis Perez das Mariñas, took hold of it. It is believed to have been illustrated by a Chinese artist based on the style and medium used.The manuscript was then found in the possession of Lord Ilchester. In 1942 his London estate, Holland House, was hit by a German air raid. His extensive collection of Far-Eastern artifacts and manuscripts were destroyed, very few were left undamaged, this includes the now famous Boxer Codex. The manuscript got its name from a professor specializing in Far-Eastern culture named Charles Ralph Boxer, who acquired it in a 1947 auction. The manuscript is now in the collection of the Lily Library at the Indiana University.
Containing over 75 illustrations of Far-Eastern peoples, including 15 illustrations depicting Filipino tribes namely the Cagayanes, Zambals, Negritos and Visayans – the manuscript must have served as a report to be submitted to Spanish colonial officers.
The illustration of the Visayan Pintados depict two heavily-tattooed men with tattoo patterns that share similarities to Polynesian, Micronesian and Austronesian tattoos. Some believe that the floral patterns were based on early chinese pottery that the Filipino natives acquired through trading. Some patterns also shared some similarities to Ilocano weaving. It is also debated as to whether the two illustrations depicted the same man in different poses.
Geometric/triangular patterns behind the men could have been a representation of crocodile scales, python scales or a even a river. It is still unclear as to what the patterns actually represent. The crocodile scales and python pattern angles though, in my opinion, are more likely. They seem to also have similarities with the tattoo patterns of the Igorots and the other tribes of the Cordilleras. It is possible that in pre-colonized South-East Asia, tattoos were prevalent, and the dispersion of symbolisms and patterns were brought about through the rampant trading among the South-East Asian and East Asian peoples.