Short stories from the pen of the Philippines' prolific well-known writers.
Mga maiikling kuwentong piling-pili mula sa panulat ng mga batikang kuwentista.
_______________________________________________________________________________
Mga maiikling kuwentong piling-pili mula sa panulat ng mga batikang kuwentista.
_______________________________________________________________________________
BOMBAY! BOMBAY!
Maikling kuwento ni Percival Campoamor Cruz
Ang pook namin noon doon sa Santa Cruz, Maynila ay tila United Nations. Lima ang pinto ng accessoria na aming tahanan (hindi apartment ang tawag noon sa mga bahay na dikit-dikit ang dingding kundi, accessoria). Sa amin ang unang pinto, kay Mr. Singh ang pangalawa (Bombay siya), kay Mr. So ang pangatlo (Intsik siya), kay Mr. Delucci ang pang-apat (Italian siya), at kay Mr. Castrence ang pang-lima (Bisaya siya).
Yari sa kahoy ang accessoria. Hindi pa uso noon ang bahay na konkreto. Wala rin itong bakal at aluminum. Ang malalaking bintana sa pangalawang palapag ay may maliliit na bintana sa ilalim nila na maaaring buksan upang papasukin ang hangin kung mainit ang panahon. Wala pang airconditioner noon. Bentilador lamang ang mayroon.
Mula sa bintana sa likod ng bahay, sa pangalawang palapag, ay makalalabas patungo sa yerong bubong. Ang dakong likod ng bahay ay kusina at bodega. Wala itong pangalawang palapag. Kung kaya’t ang bubong ay nagiging kulahan ng damit at palaruan ng mga bata.
Maganda ang estilo ng accessoria. Ang estilo ay masasabing may Spanish influence. Ang mga bintana ay may media agua na yari sa yero. Sa paligid ng media agua ay makikita ang magagandang desenyo na inukit sa yero. Tila baga may burda ang yero. Malalaki ang bintana na pinadudulas sa riles ng pasimano kapag binubuksan o isinasara. May mga bakal na barandilla sa durungawan. Kahoy ang mga sahig. Kahoy ang mga upuan (muebles). At kahoy din ang mga aparador na lalagyan ng damit. Uso pa noon ang baul na taguan ng kung ano-anong bagay.
Minsang namimili kami ng sapatos para sa akin ay nakita namin si Mr. Singh sa Escolta. Ito ang shopping area noong araw. Kasama ko ang aking tatay at nanay. Malapit na ang pasko. Taon-taon, bago mag-pasko ay ibinibili kami ng bagong sapatos ng mga magulang namin. Isa-isa kaming isinasama sa Escolta at Avenida Rizal at doon naghahanap ng sapatos. Iniisa-isa namin ang mga department store hanggang sa makakita ng sapatos na akma sa aming paa at mura ang presyo.
Nakasuot ng khaki si Mr. Singh at nakabalot ng turban ang kanyang ulo. Gaya ng ibang Bombay, mataas at payat si Mr. Singh. Ang mukha niya ay natatakpan ng balbas.
“Nay, anong trabaho ni Mr. Singh,” tanong ko sa Nanay pagkakita kay Mr. Singh. Nakatayo siya na parang estatwa sa harap ng isang tindahan ng alahas.
“Sireno siya,” sagot ng nanay ko.
“Ano po iyong sireno?” Kinulit ko ang Nanay.
“Taga-bantay ng tindahan. At nang walang magnakaw.”
Ngayon, security guard ang tawag sa sireno.
“Hindi sila natutulog. Nagbabantay araw at gabi,” dagdag pa ng nanay ko.
Takang-taka ako. Paano maaaring hindi matutulog ang tao? Ngayong may edad na ako ay naiintindihan ko ang ibig sabihin ng nanay ko. May mga trabaho na pang-araw at pang-gabi. Batay sa pangangailangan ng tao, maaari siyang mag-trabaho nang araw at pati gabi upang kumita ng hustong salapi sa pangangailangan. Kakaunti ang tulog. Hindi naman ibig sabihin na hindi talaga natutulog ang tao.
Minsan ay nagawi kaming muli sa bandang Escolta. Sa pagkakataong ito ay gabi at ang aming pamilya ay may pakay na kumain sa isang pansiteryang Intsik sa Binondo upang ipagdiwang ang kaarawan ng aking nanay. Nakita kong muli si Mr. Singh na nakatayo na tila estatwa, doon din sa harapan ng tindahan ng alahas.
Sa pagkakataong ito ay nakapikit si Mr. Singh.
“Nay, bakit nakapikit si Mr. Singh?”
“Natutulog siya, anak.”
“Ano po? Natutulog na nakatayo?”
“Oo anak. Marahil ay pagod na siya sa katatayo at kababantay.”
“E bakit po siya hindi umuwi at matulog?”
“Kailangan siyang mag-trabaho, anak.”
Tumigil ako sa harap ni Mr. Singh upang pagmasdan ang kanyang ayos.
“Halika na, anak, nagmamadali tayo,” ibig akong hatakin ng nanay ko.
“Sandali l’ang.” Nakita ko na may nakaipit na sigarilyo sa daliri si Mr. Singh. May sindi ito at umuusok. Ilan pang sandali ay umabot ang sindi sa kanyang daliri at nagising si Mr. Singh sa pagkakapaso ng daliri.
Sa sandaling iyon ay hinatak ko na ang nanay ko papalayo at nang hindi kami makita ni Mr. Singh.
“Ang may sinding sigarilyo, anak,” paliwanag ng nanay ko, “ay paraan ng mga sirenong Bombay na mapanatiling gising ang sarili nila. Dahil sa paso ay nagigising sila kung nakakatulog man.”
“Akala ko po ay nakapikit at natutulog. Bakit ibig na magising?” patuloy ang aking pag-uusisa.
“Mangyari ay masisisante ang bantay pag nakita ng kanyang amo na natutulog siya sa trabaho.”
Nagkamot na lamang ako ng ulo sa dahilang hindi ko maintindihan ang sinasabi ng nanay ko.
Naaalaala ko na may mga retrato ang nakatatanda kong mga kapatid. Maya’t maya ay ipinakikita sa amin ng tatay ko ang mga lumang retrato upang kami ay aliwin. Radyo pa lamang ang libanagan noon. Wala pang TV. Nakita ko sa retrato na ang mga kapatid ko nang bata pa ay may mga yaya – tagapag-alaga, at ang sila ay Intsik.
“Tay, bakit Intsik ang mga yaya?” Tatay ko naman ang kinulit ko sa tanong.
“Mangyari, anak, ay sila ang nangangailangan ng trabaho ng pagiging yaya.”
“Bakit po walang yayang Filipino?”
“Mangyari ay masagana ang buhay ng Filipino, anak. Di nila kailangan ang trabahong mababa ang uri.”
“Hindi po masagana ang mga Intsik?”
“Anak, sa Tsina ay may tag-gutom. Malupit ang mga namumuno. May digmaan pa doon – Intsik laban sa Intsik. Ang mga Intsik na naririto sa ating bayan ay mga dayo. Pumarito sila upang magka-trabaho at magkaroon ng masaganang buhay katulad ng mga Filipino.”
Pipitong-taong-gulang ako noon. Siguro ay kalahati lamang ng mga paliwanag ang tunay kong naiintidihan.
Minsan naman ay nanay ko ang aking tinanong. “Nay, bakit ang mga sireno puro Bombay? Walang Filipino?”
“Anak, sa India ay may tag-gutom. Walang kakayanan ang mga namumuno. May digmaan pa doon – Bombay laban sa Bombay. Ang mga Bombay na naririto sa ating bayan ay mga dayo. Pumarito sila upang magka-trabaho at magkaroon ng masaganang buhay katulad ng mga Filipino.”
Isang dapit-hapon ay naisipan kong maglaro sa bubungan sa may likod ng bahay sa pangalawang palapag. Malapad at malawak ang lugar na nasabi; hindi nga ba’t dikit-dikit ang limang pinto ng accessoria. Ang bubungan ay bubungan ng limang bahay kung kaya’t ito ay napakaluwang. Makalalapit din sa likod-bintana ng alin man sa limang bahay sa pamamagitan ng bubong.
Lumapit ako sa likod-bintana ng bahay ni Mr. Singh.
Nakasara ang bintana nguni’t may maliit na siwang na maaari akong makasilip.
Hindi pumasok sa trabaho sa oras na iyon si Mr. Singh. Naroon siya sa silid, sa loob ng bahay, at may pinagkakaabalahan.
Nakahubad siya mula itaas hanggang sa ibaba. Noon ko lamang nakita si Mr. Singh na walang suot na turban sa ulo. Ang kapal at ang haba ng buhok niya.
Nasa kama si Aling Doray, asawa ni Mr. Singh na Filipino. Nakahubad din.
Bata pa ako noon at di ko naiintindihan ang nakikita ko. Sumakay si Mr. Singh sa kama, sa ibabaw ni Aling Doray at nagsimula silang magbuno. Nag-aaway ang mag-asawa! Naisip ko. Ayaw ko nang makita ang mangyayari pa. Umurong ako at mabilis na bumalik sa aming bahay.
Naging nakaaaliw na bagay sa akin, hanggang sa ako ay lumaki, ang pagmasdan at pag-aralan ang mga dayuhan. Bukod sa pagsisireno, ang mga Bombay ay naging tanyag na mangangalakal sa lungsod. Naglalakad sila o di kaya ay sumasakay sa motorsiklo at naglalako ng payong, kumot, kulambo, alahas, damit at kung ano-ano pa. Hulugan ang bayad.
Napamahal sila sa mga Filipino batay sa kanilang sipag, pagiging mabubuting tao, at sa pagtitinda ng hulugan na kapag nagiging napakahaba ng panahon ang pagbabayad ay nagiging “paiyakan”, sa halip na hulugan.
Noon ay palaisipan sa akin ang bagay na lahat ng Bombay na nakilala ko ay Mr. Singh ang pangalan.
Minsang si Mr. Singh ay nakausap ko ay tinanong ko siya. “Bakit po lahat ng Bombay Mr. Singh ang pangalan?”
Paliwanag niya – kami ay mga sheik; ‘yan ang aming relihiyon. Lahat ng sheik, Singh ang pangalan. Pero may mga pangalawang pangalan kami. Katulad ko, ang pangalawa kong pangalan ay Chawardivajagit.”
“Puede po ba. . . , Mr. Singh na l’ang ang itatawag ko sa inyo?” sabi ko.
“Mr. Singh, mahaba pala ang buhok n’yo at may nunal kayo sa kaliwang pigi.”
Natigilan si Mr. Singh, nag-isip, bago nagsabi: “Bakit mo alam?”
“Ah, eh, wala po. Naisip ko lamang. Sige, po. Ako’y uuwi na.”
Maikling kuwento ni Percival Campoamor Cruz
Ang pook namin noon doon sa Santa Cruz, Maynila ay tila United Nations. Lima ang pinto ng accessoria na aming tahanan (hindi apartment ang tawag noon sa mga bahay na dikit-dikit ang dingding kundi, accessoria). Sa amin ang unang pinto, kay Mr. Singh ang pangalawa (Bombay siya), kay Mr. So ang pangatlo (Intsik siya), kay Mr. Delucci ang pang-apat (Italian siya), at kay Mr. Castrence ang pang-lima (Bisaya siya).
Yari sa kahoy ang accessoria. Hindi pa uso noon ang bahay na konkreto. Wala rin itong bakal at aluminum. Ang malalaking bintana sa pangalawang palapag ay may maliliit na bintana sa ilalim nila na maaaring buksan upang papasukin ang hangin kung mainit ang panahon. Wala pang airconditioner noon. Bentilador lamang ang mayroon.
Mula sa bintana sa likod ng bahay, sa pangalawang palapag, ay makalalabas patungo sa yerong bubong. Ang dakong likod ng bahay ay kusina at bodega. Wala itong pangalawang palapag. Kung kaya’t ang bubong ay nagiging kulahan ng damit at palaruan ng mga bata.
Maganda ang estilo ng accessoria. Ang estilo ay masasabing may Spanish influence. Ang mga bintana ay may media agua na yari sa yero. Sa paligid ng media agua ay makikita ang magagandang desenyo na inukit sa yero. Tila baga may burda ang yero. Malalaki ang bintana na pinadudulas sa riles ng pasimano kapag binubuksan o isinasara. May mga bakal na barandilla sa durungawan. Kahoy ang mga sahig. Kahoy ang mga upuan (muebles). At kahoy din ang mga aparador na lalagyan ng damit. Uso pa noon ang baul na taguan ng kung ano-anong bagay.
Minsang namimili kami ng sapatos para sa akin ay nakita namin si Mr. Singh sa Escolta. Ito ang shopping area noong araw. Kasama ko ang aking tatay at nanay. Malapit na ang pasko. Taon-taon, bago mag-pasko ay ibinibili kami ng bagong sapatos ng mga magulang namin. Isa-isa kaming isinasama sa Escolta at Avenida Rizal at doon naghahanap ng sapatos. Iniisa-isa namin ang mga department store hanggang sa makakita ng sapatos na akma sa aming paa at mura ang presyo.
Nakasuot ng khaki si Mr. Singh at nakabalot ng turban ang kanyang ulo. Gaya ng ibang Bombay, mataas at payat si Mr. Singh. Ang mukha niya ay natatakpan ng balbas.
“Nay, anong trabaho ni Mr. Singh,” tanong ko sa Nanay pagkakita kay Mr. Singh. Nakatayo siya na parang estatwa sa harap ng isang tindahan ng alahas.
“Sireno siya,” sagot ng nanay ko.
“Ano po iyong sireno?” Kinulit ko ang Nanay.
“Taga-bantay ng tindahan. At nang walang magnakaw.”
Ngayon, security guard ang tawag sa sireno.
“Hindi sila natutulog. Nagbabantay araw at gabi,” dagdag pa ng nanay ko.
Takang-taka ako. Paano maaaring hindi matutulog ang tao? Ngayong may edad na ako ay naiintindihan ko ang ibig sabihin ng nanay ko. May mga trabaho na pang-araw at pang-gabi. Batay sa pangangailangan ng tao, maaari siyang mag-trabaho nang araw at pati gabi upang kumita ng hustong salapi sa pangangailangan. Kakaunti ang tulog. Hindi naman ibig sabihin na hindi talaga natutulog ang tao.
Minsan ay nagawi kaming muli sa bandang Escolta. Sa pagkakataong ito ay gabi at ang aming pamilya ay may pakay na kumain sa isang pansiteryang Intsik sa Binondo upang ipagdiwang ang kaarawan ng aking nanay. Nakita kong muli si Mr. Singh na nakatayo na tila estatwa, doon din sa harapan ng tindahan ng alahas.
Sa pagkakataong ito ay nakapikit si Mr. Singh.
“Nay, bakit nakapikit si Mr. Singh?”
“Natutulog siya, anak.”
“Ano po? Natutulog na nakatayo?”
“Oo anak. Marahil ay pagod na siya sa katatayo at kababantay.”
“E bakit po siya hindi umuwi at matulog?”
“Kailangan siyang mag-trabaho, anak.”
Tumigil ako sa harap ni Mr. Singh upang pagmasdan ang kanyang ayos.
“Halika na, anak, nagmamadali tayo,” ibig akong hatakin ng nanay ko.
“Sandali l’ang.” Nakita ko na may nakaipit na sigarilyo sa daliri si Mr. Singh. May sindi ito at umuusok. Ilan pang sandali ay umabot ang sindi sa kanyang daliri at nagising si Mr. Singh sa pagkakapaso ng daliri.
Sa sandaling iyon ay hinatak ko na ang nanay ko papalayo at nang hindi kami makita ni Mr. Singh.
“Ang may sinding sigarilyo, anak,” paliwanag ng nanay ko, “ay paraan ng mga sirenong Bombay na mapanatiling gising ang sarili nila. Dahil sa paso ay nagigising sila kung nakakatulog man.”
“Akala ko po ay nakapikit at natutulog. Bakit ibig na magising?” patuloy ang aking pag-uusisa.
“Mangyari ay masisisante ang bantay pag nakita ng kanyang amo na natutulog siya sa trabaho.”
Nagkamot na lamang ako ng ulo sa dahilang hindi ko maintindihan ang sinasabi ng nanay ko.
Naaalaala ko na may mga retrato ang nakatatanda kong mga kapatid. Maya’t maya ay ipinakikita sa amin ng tatay ko ang mga lumang retrato upang kami ay aliwin. Radyo pa lamang ang libanagan noon. Wala pang TV. Nakita ko sa retrato na ang mga kapatid ko nang bata pa ay may mga yaya – tagapag-alaga, at ang sila ay Intsik.
“Tay, bakit Intsik ang mga yaya?” Tatay ko naman ang kinulit ko sa tanong.
“Mangyari, anak, ay sila ang nangangailangan ng trabaho ng pagiging yaya.”
“Bakit po walang yayang Filipino?”
“Mangyari ay masagana ang buhay ng Filipino, anak. Di nila kailangan ang trabahong mababa ang uri.”
“Hindi po masagana ang mga Intsik?”
“Anak, sa Tsina ay may tag-gutom. Malupit ang mga namumuno. May digmaan pa doon – Intsik laban sa Intsik. Ang mga Intsik na naririto sa ating bayan ay mga dayo. Pumarito sila upang magka-trabaho at magkaroon ng masaganang buhay katulad ng mga Filipino.”
Pipitong-taong-gulang ako noon. Siguro ay kalahati lamang ng mga paliwanag ang tunay kong naiintidihan.
Minsan naman ay nanay ko ang aking tinanong. “Nay, bakit ang mga sireno puro Bombay? Walang Filipino?”
“Anak, sa India ay may tag-gutom. Walang kakayanan ang mga namumuno. May digmaan pa doon – Bombay laban sa Bombay. Ang mga Bombay na naririto sa ating bayan ay mga dayo. Pumarito sila upang magka-trabaho at magkaroon ng masaganang buhay katulad ng mga Filipino.”
Isang dapit-hapon ay naisipan kong maglaro sa bubungan sa may likod ng bahay sa pangalawang palapag. Malapad at malawak ang lugar na nasabi; hindi nga ba’t dikit-dikit ang limang pinto ng accessoria. Ang bubungan ay bubungan ng limang bahay kung kaya’t ito ay napakaluwang. Makalalapit din sa likod-bintana ng alin man sa limang bahay sa pamamagitan ng bubong.
Lumapit ako sa likod-bintana ng bahay ni Mr. Singh.
Nakasara ang bintana nguni’t may maliit na siwang na maaari akong makasilip.
Hindi pumasok sa trabaho sa oras na iyon si Mr. Singh. Naroon siya sa silid, sa loob ng bahay, at may pinagkakaabalahan.
Nakahubad siya mula itaas hanggang sa ibaba. Noon ko lamang nakita si Mr. Singh na walang suot na turban sa ulo. Ang kapal at ang haba ng buhok niya.
Nasa kama si Aling Doray, asawa ni Mr. Singh na Filipino. Nakahubad din.
Bata pa ako noon at di ko naiintindihan ang nakikita ko. Sumakay si Mr. Singh sa kama, sa ibabaw ni Aling Doray at nagsimula silang magbuno. Nag-aaway ang mag-asawa! Naisip ko. Ayaw ko nang makita ang mangyayari pa. Umurong ako at mabilis na bumalik sa aming bahay.
Naging nakaaaliw na bagay sa akin, hanggang sa ako ay lumaki, ang pagmasdan at pag-aralan ang mga dayuhan. Bukod sa pagsisireno, ang mga Bombay ay naging tanyag na mangangalakal sa lungsod. Naglalakad sila o di kaya ay sumasakay sa motorsiklo at naglalako ng payong, kumot, kulambo, alahas, damit at kung ano-ano pa. Hulugan ang bayad.
Napamahal sila sa mga Filipino batay sa kanilang sipag, pagiging mabubuting tao, at sa pagtitinda ng hulugan na kapag nagiging napakahaba ng panahon ang pagbabayad ay nagiging “paiyakan”, sa halip na hulugan.
Noon ay palaisipan sa akin ang bagay na lahat ng Bombay na nakilala ko ay Mr. Singh ang pangalan.
Minsang si Mr. Singh ay nakausap ko ay tinanong ko siya. “Bakit po lahat ng Bombay Mr. Singh ang pangalan?”
Paliwanag niya – kami ay mga sheik; ‘yan ang aming relihiyon. Lahat ng sheik, Singh ang pangalan. Pero may mga pangalawang pangalan kami. Katulad ko, ang pangalawa kong pangalan ay Chawardivajagit.”
“Puede po ba. . . , Mr. Singh na l’ang ang itatawag ko sa inyo?” sabi ko.
“Mr. Singh, mahaba pala ang buhok n’yo at may nunal kayo sa kaliwang pigi.”
Natigilan si Mr. Singh, nag-isip, bago nagsabi: “Bakit mo alam?”
“Ah, eh, wala po. Naisip ko lamang. Sige, po. Ako’y uuwi na.”
BAKIT DI KA SUMAGOT, RENE?
Maikling kuwento ni Percival Campoamor Cruz
Matagal ding tiniis ni Margie ang maraming sama ng loob sanhi ng pambabae at pag-iinom ng asawa.
“Mamamatay ka sa ginagawa mong pang-aabuso sa iyong katawan,” banta niya sa kanya.
Sa tuwing magsasalita si Margie tungkol sa problema ng asawa ay hindi kumikibo ito. Parang walang naririnig.
Nguni’t ang kasagutan ay umaalingawngaw sa isipan ni Rene. Hindi nga lamang niya ito maipahayag.
“Margie, hindi mo lamang nalalaman; ang bumubuhay sa akin ay ang alak!” Ito ang diwang namumuo sa isipan ni Rene at isinasagot sa sumbat ng asawa, iyon nga lamang ay hindi lumalabas sa kanyang bibig.
Hindi nagkukulang sa salapi at pangangailangan ang mag-asawa; bagkus ay mariwasa sila. Magkatulong nilang pinatatakbo ang negosyo na may kinalaman sa paggawa ng mga drama na inilalabas sa TV. Samakatuwid ay producers sila.
Sila ang gumagawa ng pangunang programa sa TV kapag alas dos ng hapon ng tuwing Sabado, na may pamagat na, “Puso sa Puso”. Ang host ng programa, si Tina Tomas, ang nagsisiwalat ng mga problema ng mga totoong tao na nagpapadala ng sulat sa TV station; bago ang problemang tinatalakay sa sulat ay isinasadula (ginagawang drama) ng producers.
Dahilan sa katanyagan ng programa ay naging kilalang-kilala si Tina Tomas sa buong bayan. Maganda siya, mataas, maputi, may mahabang itim na itim na buhok at maganda ang pangangatawan. Palibhasa ay si Rene ang di lamang producer kundi director pa ng programa, nagkaroon ng malapit na pagkakaibigan ang Rene at Tina. Umunlad nang umunlad ang kanilang pagkakaibigan hanggang sa ito ay dumating sa pagkakaroon ng bawal na relasyon. Bagama’t dalaga si Tina ay may asawa si Rene.
Noong una ay hindi alam ni Margie ang nangyayaring pag-iibigan na kubli na namamagitan kina Tina at Rene. Nguni’t sabi nga, may pakpak ang balita at taenga ang lupa, at, kapag may ipinakukulo ay tiyak na may sisingaw.
Nang umabot sa kaalaman ni Margie ang ginagawang pangdaraya sa kanya ni Rene ay kinausap niya ito nang masinsinan. “Kapag hindi mo itinigil ang iyong relasyon kay Tina ay hihiwalayan kita. Paalisin mo sa ating negosyo at buhay ang walang kahihiyang babaeng iyan!” pagmamatigas ni Margie. Bagama’t alam niya na madaling sabihin ang nasabi, nguni’t mahirap gawin. Paanong gagawa siya ng hakbang na ikagagalit ni Tina at ikasisira ng kanilang ikinabubuhay?
Oo ang sagot ni Rene, ititigil ang bawal na relasyon, nguni’t hindi niya maaaring paalisin sa programa si Tina! Ang ganyang katayuan ay tinanggap ni Margie alang-alang sa ipagpapatuloy ng kanilang hanapbuhay.
Nguni’t tumigil nga ba si Rene? Ang sagot ay hindi. Naging higit na maingat lamang siya at nang wala nang naririnig at nakikita si Margie.
Tatlong taon na ang nakalilipas nang si Rene ay kumunsulta sa isang heart specialist. Nawawala sa lugar ang tibok ng kanyang puso. Kung minsan ay mabilis, kung minsan ay mabagal ang tibok. Kapag nangyayari ang ganoon ay nagugulat si Rene at natatakot. Natuklasan na ang kanyang puso ay may maliit na butas. Maaaring magkaroon ng operasyon upang matakpan ang butas, nguni’t magiging maselan ang nasabing operasyon; na maaaring ikamatay ng pasyente. At kung ang kalagayan ay hindi gagamutin, maaaring higit na tatagal ang buhay ng pasyente; nguni’t palaging may peligro na ang puso ay sasabog o siya’y malulunod sa kanyang sariling dugo at mamamatay ang tao. Samakatuwid ay, sala sa init, sala sa lamig, ang katayuan ni Rene. Nagpasiya siya na hindi paoopera at pababayaan na lamang na mangyari ang mangyayari.
Ang pangyayari tungkol sa natuklasang problema sa puso ni Rene ay hindi niya sinabi sa asawa at nang ito ay hindi mag-alaala.
Dati nang umiinom ng alak si Rene. Nguni’t ang pag-inom ay kung kinakailangan lamang; halimbawa na kung may okasyon o nakikipaghambugan sa mga kaibigan. Nang lumaon, nang napagsabihan ng doktor na ang puso niya ay may problema, naging higit na malimit ang pag-inom ng alak ni Rene. Natuklasan niya na ang alak ay puksa sa mga tibok ng puso niya na kung minsan ay mabilis at kung minsan ay mabagal. Samakatuwid, alak ang lunas!
Ang pag-iinom ni Rene ay humantong sa pagiging alcoholic niya. Nguni’t ang maganda kay Rene ay hindi siya nalalasing. Bagkus ay lalong tumatalas at humuhusay sa pagsasalita habang napaparami ang inom. Johnny Walker ang pangmumog ni Rene sa umaga. Buong maghapon ay inom nang inom. Sa gabi ay inom din ang kanyang pampatulog. Sa maghapon ay isa hanggang sa dalawang bote ng Johnny Walker ang naiinom niya.
Bilang direktor ng isang sikat na TV show, si Rene ay naging pakay ng maraming magagandang babae, na naghahangad na maging artista. Laging may pagkakataon si direk na bigyan ng audition ang mga babae. Naroong isinasama ang babae sa out-of-town trip upang mag-shooting. Naroong dinadala ang babae sa otel upang doon kunan ng retrato at nang matiyak kung ang babae ay photogenic. Walang tutol ang mga babae kahi’t na sila ay paghubarin ng damit o pagawin ng ano mang maibigan ni Rene.
Iba siguro ang sigla ng nasa influencia ng alak. Matalas, madaldal, mahilig sa sex. Naging mabilis at makulay ang buhay ni Rene gawa ng alak at ng kanyang pagiging sikat na direktor. Walang minuto man lamang upang mag-isip tungkol sa kanyang karamdaman sa puso. Walang pag-aalaala na baka mabuko sa asawa sapagka’t ang asawa ay busy sa oficina at nagtitiwala sa kanya. “Heto ang matamis na buhay,” malimit na isipin ni Rene. Tagumpay, salapi, alak, babae! “Ano pa, Rene, ang hahangarin mo sa buhay?” bulong sa sarili.
Nguni’t si Margie ay nagtitiis lamang, nagkukunwari na hindi nasasaktan, nagmamaang-mangan na siya ay walang naririnig, nakikita at nararamdaman. Batid niya na si Rene ay isang mandarambong, isang halimaw, isang mapagsamantala, asawang walang pagmamalasakit sa damdamin ng asawa. Ang mahirap ay walang magawa si Margie, alang-alang sa ipagpapatuloy ng kanilang hanapbuhay.
Sa bahay ay ulirang asawa at ama si Rene. Masaya, mapagmahal, mapag-alaala sa pangangailangan ng familia. Malimit na wala siya sa bahay dala ng trabaho, nguni’t naroon siya tuwing ang familia ay nangangailangan. Oo, may dalawang buhay si Rene. Dalawa ang kanyang mukha. Mabait siya na asawa at ama. Siya rin ay isang lasenggo, babaero, at mapaghanap ng ligaya.
May farm si Rene sa labas ng siyudad. Doon ay may bahay-pahingahan siya at taniman ng kalamansi. Kapag naroroon siya ay may tagapag-luto siya ng naiibang pagkain. Kung nagsasawa na sa pagkain sa siyudad ay doon siya sa farm nagpupunta at nagpapaluto kay Christy ng pagkaing-bukid. At doon na rin siya natutulog at nagpapa-umaga.
Karaniwan ang anyo ni Christy. Hawig niya ang mga babae sa bukid; may kaitiman, mahaba ang buhok, walang make-up sa mukha, pambukid ang suot na damit. Humigit-kumulang ay dalawampu’t walo ang edad ni Christy. Maaga siyang nag-asawa nguni’t ang pagiging may-asawa ay hindi halata sa kanyang anyo. Tila pa siya dalaga. Kaakit-akit at amoy-pinipig.
Wala pang anak si Christy at ang asawa ay namamasukan sa siyudad. Tuwing Sabado’t Linggo lamang kung umuwi. Palaging may mga tao sa farm ni Rene na nag-aalaga sa mga tanim at pinanatiling malinis at maayos ang kapaligiran. Si Christy ay dumarating lamang sa farm kung may aviso na si among Rene ay padating at nagpapaluto ng pagkaing-bukid.
Nang gabing iyon ay dumating si Rene sa farm. Nagpahinga sandali, lumakad-lakad sa palibot ng farm at pagkatapos ay umupo na sa hapag-kainan upang matikman ang luto ni Christy. Habang kumakain ang amo, si Christy ay nakatayo lamang sa malapit at nang agad ay maibigay ang hihingin ng pinaglilingkuran. Habang kumakain ay nagkukuwento, nagtatanong si Rene upang mayroon silang mapag-usapan ni Christy. Sa tuwing titingin siya kay Christy ay tumatakbo sa kanyang isip: Kay ganda mo, Christy! Kanais-nais ka! Simple ka lamang, nguni’t may angkin kang bato-balani!
Kahi’t na nasa siyudad si Rene, lalo na kung siya’y matutulog na, ay sumasagi sa isipan niya si Christy. Nakakatulog siya na dala sa pagtulog ang magandang larawan ng dalagang-bukid, at malimit na sa kanyang panaginip ay nakikita niya ang babae na kanyang kayakap at kahalikan sa buong magdamag. Sa dami ng babae na kinakalantari ni Rene, bukod tangi ang pagnanasa niya, kay Christy.
Doon natulog sa farm si Rene. Nang dumating ang umaga, naghiyawan ang mga trabahador doon, nang makita si Rene sa kama, hiwa-hiwa ang mukha at katawan, duguan, at patay na! Ginamit ang machete sa pagpatay sa kanya.
Nagkaroon ng imbestigasyon. Tinanong ng mga pulis ang nalalaman ng lahat ng taong may kinalaman sa buhay ni Rene, pamula kay Margie hanggang kay Christy. Hanggang sa isinusulat ang kuwentong ito ay hindi pa nababatid ng pulisya kung sino ang pumatay kay Rene at kung ano ang motibo.
Ang katawan ni Rene ay dumaan sa autopsy. Ang doktor na gumawa ng autopsy ay nakita na ang atay ni Rene ay kasing-tigas na ng goma at maitim na; na kung hindi siya napatay ay malapit na rin siyang pag-iwanan ng kanyang atay na tiyak ay ikamamatay niya. Nang malaman ni Margie ang bagay na ito, hindi siya natuwa, nguni’t hindi rin siya nagulat. Sa nakita niyang buhay na pinili ni Rene ay alam niya na ang asawa ay may kahahantungang hindi mabuti.
“Sinabi ko na sa iyo noon, Rene; ikamamatay mo ang sobrang pag-inom ng alak,” sabi ni Margie na may magkahalong damdamin ng lungkot at sisi.
Gaya noong dati, hindi sumasagot si Rene sa tuwing uungkatin ni Margie, ang problema.
Abo na lamang si Rene sa loob ng isang ceramic vase. Paano siya makasasagot pa?
Magpinsan
Ni Amado V. Hernandez
"Magandang araw po." Pamimintana ni Ligaya sa kanilang durungawan ay isang liham ang inihagis sa kanya ng tagahatid sulat na nagbigay ng "magandang araw." Marahan niyang ginupit ang isang dulo ng sobre, tiningnan, nangunot ang noo at saka napahalakhak ng malakas.
"Ha, ha, ha. Nasisira yata ang ulo ni Nestor!" ang nasabing tatawa-tawa.
Ang totoo ay hindi sukat akalain ni Ligayang makapangangahas si Nestor na magpapahayag sa kanya ng pag-ibig. Silang dalawa ay magpinsan. Makipagsintahan siya kay Nestor ay walang salang magiging bukang-bibig ng madla na sila ang magpinsang "nagpipisan." Kay laking kahihiyan, marahil! At saka si Nestor, ayon sa kanya, ay hindi pa naman tunay na binata kundi bago pa lamang nagbibinata. Kailan lamang ay nakaputot na salawal at ni hindi makuhang ayusin ang buhok. Noon lamang mga nakararaang taon ay lagi silang magkasama sa paglalaro. Madalas pa siyang ipinamimitas ni Nestor ng sari-saring bungang-kahoy sa kanilang bakuran na pagkatapos ay pinagsasalunan nilang dalawa. Kung tanghaling tapat ay madalas silang makagalitan tuloy ng kanyang ina dahil sa hindi nila makuhang matulog at nalilibang sa paglalaro ng sintak sa puno ng hagdan. Ganon na lamang ang sarap ng kanilang matalik na pagsasama na wala silang iniwan sa tunay na magkapatid. Kaya lamang sila nagkahiwalay ay nang ipasok na siya sa kolehiyo. Nagkaiyakan pa silang matagal dahil sa pangambang makalimot ang isa't-isa. Awang-awa siya kay Nestor.
Ngunit noo'y mga batang musmos pa lamang sila halos. Marami ng araw at taon ang nakalipas. Nang kanyang lisanin ang kolehiyo ay magdadalaga na siya. Sa dahon ng kanyang alaala ay malabo na ang titik ng panahon. Nagdaan ang masayang kabataan nila ni Nestor na hindi na niya ganoon nagugunita. Nang magkita sila ng kanyang pinsang binata, pagkaraan ng isang mahabang panahon ng pagkakahiwalay, ay nagkahiyaan sila, kung bakit, at hindi nakuhang magbatian. Si Nestor ay nasilaw sa kanyang kisig at ganda, samantalang siya naman ay nanibago kay Nestor. Binata na pala ito! Ang nasabi sa kanyang sarili. Buhat noon, kung sila'y magkasalubong ay tumutungo siya upang mailagan ang mata ng kanyang pinsang binata at si Nestor naman ay lumilihis ng daan dahil sa malaking pagkaumid at pag-aalang-alang sa kanyang pinsang dalaga.
Kaya ganoon na lamang ang panggilalas ni Ligaya ng tanggapin niya ang sulat ni Nestor.
"Marunong na palang lumigaw ang pilyong yaon," ang wika pang nakangiti.
Ipinalagay niyang si Nestor ay nahihibang. Dili kaya'y nagbibiro. Kaya hindi pinansin ang liham ng binata. Saka ang pag-ibig ay hindi pa rin naman nagigising sa kayang puso.
Pagkaraan ng mahigit na dalawang linggo ay nagsisi si Nestor kung bakit siya nakapagtapat pa kay Ligaya. Wala nga namang unang pagsisisi. Ngayon na lamang niya nakurong malayo siyang ibigin ng kanyang magandang pinsan. Si Ligaya ay tanyag na tanyag sa mga lipunan, mula ng lumabas sa kolehiyo, samantalang siya'y palad ng makadalo sa isang piging minsan sa isang buwan. Maraming maginoo at hombres de profesion na nangingibig kay Ligaya at siya'y isang estudyante pa lamang na pinakakain at pinaghihirapan ng kanyang ama. Isa nga naman palang kabaliwan ang kanyang pag-ibig. Lalong nag-ibayo ang kanyang pagkakimi sa harap ni Ligaya. Kung minsang sila'y nagkakatagpo sa isang sayawan o piging ay hindi niya magawang sumulyap man lamang sa mukha ng kanyang pinsang dalaga, habang yao'y ngingiti-ngiti at parang ikinasisiyang-loob ang makitang siya'y labis na nagugulumihanan.
Nguni't ano ang kanyang gagawin? Siya ay lalaki at lalaking may puso. Ang tibok ng puso ay makapangyarihan. At hindi maaaring pigilin, lalong mahirap at hindi mangyayaring limutin niya si Ligaya. Si Ligaya ay inibig na niya at minahal, sinundan-sundan ng paningin at pinintuho ng buong kaluluwa mula pa sa kanilang kabataaan. Ang isang bagay na naukit sa diwa at napunla sa puso sa panahon ng kamusmusan, ay hindi na malilimot at mamamatay sa habang panahon. Ang mga alaala ng ating kabataan ay siyang matamis sa lahat, sariwa sa lahat at mahal sa lahat. Talagang si Nestor ay hindi nakalimot kay Ligaya. Ewan nga lamang niya kung bakit naparam na sa isip ng dalagang yaon ang kanilang kahapong lipus sa kaningningan ng mga murang guni-guni at masamyo sa pabango ng kawalang-malay. Wala nang masakit na alalahanin na gaya ng mga alaalang nagbabalik sa gunam-gunam ni Nestor. Ngayon siya'y nasa gitna ng luha at lungkot.
Nang hindi nagtamo ng tugon ang ikalimang sulat ni Nestor kay Ligaya, ay niyari sa loob ng binata na hindi na siya muli pang susulat sa pinsang walang puso. Naisip niyang sayang lamang ang panahon at pagod nang magpakabaliw sa isang bagay na tila hindi matatamo. Ang pag-ibig ay may dalawang hanggahan: luwalhati at pagtitiis. Yamang sa pagtitiis siya itinalaga ng tadhana ay tila kabaitan ang sumang-ayon sa gunita ng palad. May araw ding mabibihis ang kanyang pagdurusa. Sadyang ang alin mang pangarap na mahalaga at dakila ay hindi natutupad sa iisang gabi. Kinakailangang maglamay at magpakasakit, magbata at lumuha.
Pinag-ibayo ni Nestor ang pagsisikap sa pag-aaral. Kung siya'y makatapos na ng karera, sa paano't paano man ay hindi na kahiya-hiyang mangibig kahit kanino. Ang titulo ay isang kalasag na malaki ang nagagawa. Kung wala mang paglingap si Ligaya sa kanya ngayon baka kung siya ay isang doktor na ay malamuyot din ang puso at mabagbag ang kalooban ng pinsang walang awa. Kaya nagsunog ng kilay si Nestor.
Samantalang si Ligaya ay patuloy sa kanyang pagkabulaklak ng lipunan. Kung sa bagay ay hindi naman siya katulad ng ibang dalagang pag natatanyag na sa gitna ng palalong sosyedad ay nagkakaroon ng marungis na batik ang iwing dangal at ang angking kabanguha'y napagsasamantalahan ng ilang mapagsamantala. Si Ligaya ay hindi gayon. Habang siya ay napapasa-itaas ay lalo siyang nagpapakalinis, lalong pinag-iibayo ang kanyang kababaang-loob, at katamisan ng ugali, lalong sinikap na siya'y maging karapat-dapat sa mata ng sambayanang nakapako sa kanyang mga kilos.
Pagkaraan pa ng tatlong mahahabang panahon ay nagtapos din si Nestor sa pagka-manggagamot. Isang batang-batang manggagamot na nginingitian ng pag-asa at pinatatapang ng lalong matatamis na pangarap. Datapwat kung ano ang tagumpay ngayon ni Nestor ay siya namang kabiguan ni Ligaya. Dahil sa malabis na pagpupuyat gabi-gabi sa kung saan-saang sayawang idinaraos ng gayo't ganitong samahan at kapisanan, bukod pa sa panonood ng mga dulaan at sine, ang murang katawan ni Ligaya ay hindi nakatagal. Siya'y lumura ng dugo at unti-unting nangayayat. Dahan-dahang nalanta ang rosas sa kanyang dalawang pisngi at naglamlam ang langit sa kanyang mata.
Nang mabalitaan ni Nestor ang kaawa-awang kalagayan ni Ligaya ay dali-daling inihandog ang kanyang tulong. Ang pinsang dalaga ay tumalima naman sa kanyang mga tagubilin. Ang buong panahon at pagsisikap ni Nestor ay inukol na lahat sa pagpapagaling ng karamdaman ng kanyang minamahal.
"Malulunasan mo pa kayo ako, Nestor?" ang tanong sa kanya minsan ng maysakit.
"Oo, gagaling ka, pagagalingin kita, aalagaan kita," ang masuyong sagot ni Nestor.
Isang matamlay na ngiti ang itinugon ng dalaga. May apat na buwan na si Ligaya sa kanyang cottage sa mataas na siyudad ng Baguio . Ang sariwa at malinis na simoy ng hangin, ang mabibiyaya at katangi-tanging singaw na nagmumula sa pusod ng mga bundok at ang mabuting paraan ng panggagamot ni Nestor ay siyang nagkatulong-tulong upang lubusang bumuti ang karamdaman ng paralumang maysakit. May dalawang buwan pa lamang si Ligaya sa itaas ng Baguio ay tumigil na ang paglura ng dugo, sumunod ang pagkapawi ng ubo sa gabi at sa umaga. Nanumbalik din ang dating mapulang kulay sa kanyang mukha at nanauli ang bulas ng kanyang katawan.
Isang malamig na gabing ang buwan ay parang nakabitin sa langit na mangasul-ngasul, si Nestor at si Ligaya ay mapayapang nangakaluklok sa dalawang silyon sa lilim ng mayayabong na puno ng isang puno.
"Salamat sa iyo, Nestor," anang binibiro, "utang ko sa iyo ang aking buhay. Ano kaya ang maibabayad ko sa iyong kagandahang-loob?"
"Ligaya," anang binata naman. "Pinagaling ko ang iyong sakit sa tulong ng Maykapal. Datapuwa't ang karamdaman ko ay hindi mo pa nalulunasan hanggang ngayon."
"Anong karamdaman mo?"
"Ang karamdaman ng aking puso."
" Aba , si Nestor, hindi mo pa ba nalilimot ang bagay na iyan?"
"Kailan man ay hindi! Ang aking pag-ibig ay malala kaysa dati, Ligaya, lalong malubha."
"Ano ang sasabihin sa atin ng tao? Magpinsan tayo'y..."
"Sa pagsinta ay walang magpinsan, " ang putol ni Nestor. "Lalong mabuti sapagka't iisa ang dugong nananalaytay sa ating mga ugat, iisa ang ating damdamin, iisa ang ating puso. At bakit natin pakikinggan ang sasabihin ng tao? Ang dila ng tao'y talagang makasalanan at hindi marunong humatol. Alalahanin mo ang ating kabataan, ang pagmamahalan natin noong tayo'y mga batang musmos. Hindi ka ba nanghihinayang sa lahat ng yaon kung ikaw o ako, ngayong kita'y may gulang nang ganap, ay mapasaibang kamay at mapasaibang dibdib?"
"Ngunit".
"Huwag ka ng magdahilan, Ligaya. Sabihin mo na sa aking ako'y minamahal mo. Ang laman ng iyong puso ay nakasulat sa iyong mga mata, kaya huwag mo na sanang susian ang iyong bibig.
Hindi na nakuhang magmatuwid ni Ligaya. Ang katotohanan ay matagal na rin siyang umiibig nang lihim kay Nestor at malaon na ring nanariwa sa kanyang puso ang matamis na alaala ng kanilang kabataang yumao.
Bago sila naghiwalay ng gabing yaon ay pinabaunan muna niya si Nestor ng isang matamis na halik at inabutan ng isang bulaklak ng everlasting.
"Hayan ang aking pag-ibig."
"Pag-aralan mo sanang mahalin."
Nabalitaan na lamang ng lahat sa kahanga-hangang siyudad na rin ng malamig na Baguio idinaos ang luna de miel ni Ligaya at ni Nestor.
Malas na Toyota
Kuwento ni P Campoamor Cruz
Sabi ni Bien kay Bal, "May mga lalaking nagtatanong kung dito ka nag-oofisina. Armado sila.
Namutla si Bal, bago nagtanong, "Pare, mukha bang delikado?"
"Halika sa bintana. Nang makita mo."
Mula sa glass wall ng gusali, sa ika-pitong palapag, ay nasipat ni Bal ang pangkat ng mga pitong malalaking lalaki na nakatayo sa may gilid ng kalye. May inaabangan sila. Bawa't isa sa kanila ay mukhang papatay ng tao. May kalong sa mga braso na mahahabang baril. Sa mga baywang ay may nakasuksok na mga pistola.
May isa pang ka-ofisina si Bal, si Manuel, na isa ring malaking tao at bihasa sa babag. Pinakiusapan siya ni Bal na kung maaari ay bumaba siya ng gusali at kausapin ang lider ng mga armadong lalaki.
"Hinahanap daw ako," sabi ni Bal.
Agad-agad ay bumaba si Manuel mula sa itaas ng gusali at pinuntahan ang lider ng mga armadong lalaki na nasa gilid din ng kalye, nguni't nasa loob ng isang kotse.
Ang lider ay si Victor. Matapos ang pagbati at pagpapakilala, tuwirang nagpahayag si Manuel. "Adre, hinahanap mo daw iyong si Bal Hernandez."
"Oo," sagot ni Victor. Ka-ofisina mo ba?"
"Oo, adre, ka-ofisina at kumpadre pa. Desenteng tao siya."
"Babaero siya!" agad ay paratang ni Victor. Ang binabae niya nitong huli ay ang asawa ko! Parang nilagyan niya ng tae ang ulo ko."
Kapagdaka ay sumagot si Manuel, "Nagkakamali ka! Di babaero si Bal! Mabuti at nagkaharap tayo bago umuwi ang galit mo sa di maganda."
Ipinagtapat ni Victor na nakita niya si Bal, sakay sa isang Toyota Corolla at ang kasama ay ang kanyang Mrs. Sinundan niya ang Toyota nguni't dahil sa kinailangang tumigil siya sa isang red light ay nakapuslit ang sinusundan. "Malamang ay pumasok sa motel ang dalawa," pakli ni Victor.
"Ang lalaking nakita kong nagmamaneho ng Toyota ay 5'4" ang taas, humigit-kumulang. Kulot ang buhok at may bigote, at magandang lalaki."
"Pumunta ako sa Land Transportation Office upang mabatid ang may-ari ng Toyota. Ang Toyota Corolla na may Plate # SVC97460 ay naka-rehistro sa pangalan ni Bal Hernandez."
Nakiusap si Manuel kay Victor na huwag padalos-dalos at kung maaari ay magharap si Victor at si Bal. Pumayag naman ang napendehong lalaki.
Ang napagkasunduang lugar ng pagkikita ay isang Cafe sa may riles ng tren. Dumating sa Cafe si Bal na napaliligiran ni Manuel at apat pang bodyguards na may dalang paputok. Naghihintay na sa Cafe si Victor, at siya rin ay napapaligiran ng mga lalaking mababangis ang itsura.
Kung hindi magkakasundo sa paliwanagan ang dalawang pangkat ay tiyak na dadanak ang dugo sa Cafe. Anong laking disgrasya!
Lumilitaw, sa kuwento ni Vic, na siya at ang kanyang asawa ay di na nagsisiping sa iisang kama. Kasalukuyang inaayos ng mga abogado ang kanilang legal na paghihiwalay. Nguni't sa panahon na nakita ang asawa na kasama si Bal sa loob ng isang Toyota ay hindi pa tapos ang paghihiwalay.
Nang dumating ang pagkakataon kay Bal na magpaliwanag, ito ang kanyang naging pahayag:
Ang Toyota Corolla ay kanya. Nguni't ang kotse na iyon ay napakamalas. Isang linggo pa lamang sa kanya ay nakabundol na siya ng isang batang babae na biglang tumawid. Dinala ang bata sa ospital at sa awa ng Diyos ay nabuhay.
May iba pang kamalasan ang dumating sa buhay ni Bal. "Hindi ko na iisa-isahin pa." sabi niya.
"Ang naging pasiya ko ay ibenta ang kotse. Ibinenta ko kay Tom Reyes, anak ng may-ari ng malaking real estate development company. Guwapo, kulot ang buhok, at may bigote si Tom. Mapagkakamalian mo na siya at ako ay iisang tao."
Pinutol ni Victor ang paliwanag at nagsabi, "Paano mo maipapaliwanag na ang auto ay naka-rehistro sa pangalan mo?!"
Ipinakita ni Bal ang Deed of Sale. Ang petsa sa Deed of Sale ay matagal na, maraming buwan bago pa naganap ang pagkakakita sa iisang sasakyan ang nagmamaneho ng Toyota at ang asawa ni Victor.
"Ang auto ay naka-rehistro pa sa pangalan ko hanggang sa ngayon."
MAKINIS AT BUGHAW ANG KABIBI
Kuwento ni Alberto Segismundo Cruz
Kinailangan muna ng Tadhanang maulila ako sa aking inang-suso bago mapaharap sa pakikipagsapalaran sa dibdib ng karagatan. Katulad ng ibang “lamang-dagat” ay nabuhay ako’t umunlad sa pagpapala ni Neptuno. Nasasaliksik ko ang burak sa kailaliman; naging kalaruan ko ang maliliit na isda, lalo na ang mga isdang gintong nagbibigay ng kulay at ligaya sa “tanghal ng Katalagahan” sa tubig na kakulay ng abuhing langit; at naging taguan at kublihan ko ang halamang-dagat at lumot kung dumarating ang mga maninilang pating at iba pang dambuhala ng karagatan.
Nguni’t habang lumalao’y napapansin kong ako’y dumirilag, at kasabay ng aking pagdilag ang kakinisan at bahagyang kabughawang parang naipamana sa akin ng tubig na bughaw. At, habang lumalao’y sumisigla ako - nagpapagulung-gulong sa dibdib ng karagatan kung maalon ang tubig, napatitilapon akong sadya sa salpok ng alon kung napapaspas ng buntot ng malalaking isda’t nagpapaanod naman kung may malakas na daluyong na nagbubuhat sa kung saang panig ng dagat, lalo na’t lumalaki ang tubig.
Sa pagbabagu-bago ng panig na aking nararating ay umabot ako sa isang dako na ang tubig ay kasiya-siya sa aking pandama. Sa unang pagkakatao’y nasiyahan ako sa aking buhay, sapagka’t sa palagay ko’y lumusog ako’t lalo pang dumilag. Malimit kong mapuna ang maraming isdang parang namamalikmata sa akin, aywan kung sa aking hugis o kulay, datapuwa’t. . . dami ng umaaligid na “kaibigan” sa akin. Kabilang sa mga kaibigang ito pati ang mga isdang-bituing nakikiagaw ng katangian sa iba pang lamang-dagat na “nawawalang bigla” sa aming sinapupunan upang maibilanggo sa “aquarium”.
Hindi nagtagal at ang tubig na aming kinaroroona’y narating ng mga maninisid. Akala ko’y nagsisipaligo lamang sila o may “tinutugis” na salaping inihahagis buhat sa mga sasakyang-dagat na malimit na mambulahaw sa aming katahimikan, lalo na’t kung malaki ang elise. Nguni’t ang mga maninisid na iyon pala’y nagsisihanap ng mapapakinabangang hiyas sa pusod ng karagatan. Kapiling ko’y isang malaking taklobo na may iniingatang magandang mutya. Akala ko’y ang hiyas na ito ang kanilang lunggati; datapuwa’t. . . sa aba ng aking palad! Nang mabatid ko ang mapait na katotohana’y huli na sa panahon at di ko na kaya ang magpumiglas pa. Isang binatang maninisid na kayumanggi ang balat at may malalakas at matitibay na daliri ang dumampot at biglang "nagbilanggo” sa akin sa kanyang palad, at bago ako nakahinga sa nabaon kong tubig ay nabatid kong tinamaan na ako ng liwanag ng araw sa ibabaw ng karagatan.
Simula na ang pangyayaring ito ng aking panghihina. Naramdaman kong ang aking katawa’y natutuyo’t kasabay nito’y ang panghihina hanggang sa nabatid kong walang malalabi sa aking pagka-suso kundi ang aking marikit na pabalat o pinakakabibi, na siyang mahalaga sa mata ng mga nakamamasid na sa akin.
-- Magandang suso ito! Mahigit sa perlas, hiyas na angkop sa isang Mutya, sapagka’t taglay niya ang bughaw na kumikislap ng karagatan! -- anang maninisid na nag-ingat sa akin nang buong pagsuyo.
Palibhasa’y isang binatang di-binyagan ang “nagbilanggo’t” nag-ingat sa akin ay inilagay ako sa isang supot-suputang anaki’y gamusa, at sa kanyang dibdib, na di kalayuan sa tapat ng puso’y doon ako napatalaga. Akala ko kung gabi, ako’y nasa pusod pa rin ng karagatan at inaaalon, datapuwa’t natiyak kong ang tibok ng puso pala ng binata ang nakatitigatig sa akin.
Para kong naririnig ang puso niyang nagsasalita, lalo na sa mga sandali ng pag-iisa o kahi’t na sa kanyang pagtulog. May ngalang binabanggit at inuusal!
Ngalan ng isang dalagang binyagan, sapagka’t kung “binibigkas” niya ito’y nakatanaw siya sa malayo - sa kabila ng mga abuhing bundok, sa ibayo ng malaking lawa, sa kabila ng mga puno ng saging at abaka. . . doon sa ang bahaghari’y tila mahahagdan buhat sa langit hanggang sa dakong iyon ng mahiwagang pook.
-- Marina!. . . -- iyan ang sa wakas ay narinig ko sa kanyang labi. Iyan ang pangalan ng dalagang lihim niyang sinusuyo.
Paano’y isa siya, si Tulawi, ang binatang di binyagan, sa mga nahirang upang mag-aral sa gugol ng pamahalaan sa high school sa Sambuwangga, hanggang sa magkasabay silang magtapos, ni Marina. Nguni’t ang ama ng dalaga’y nagpauna sa mga pinuno ng paaralang-bayan. Nagpasiya ang ama niyang taga-Luson at taliba noon sa parola sa dako ng Sulu na pabalikin na sa sariling lalawigan, ang dalaga upang dito na magpatuloy ng pag-aaral, sa pagtangkilik at pangangasiwa ng isang mayamang ale at matandang dalaga.
Nang sumakay na sa isang bapor ng “Compania Maritima” si Marina’y inihatid ng langoy ni Tulawi buhat sa daungang kinatitigilan ng tinurang sasakyang-dagat. Akala ni Marina’y hindi makararating si Tulawi sa malalim na karagatan sa pagsunod sa kanya. Gayon na lamang ang kaba ng kanyang dibdib. Lalong naging rosas ang mala-rosas niyang pisngi! Lalong dumilag ang mga mata niyang nag-iingat ng isang makapal na aklat ng mga lihim ng kabataan.
Kinumpasan niya si Tulawi upang magbalik na, upang huwag nang sumunod at baka mapahamak. Nababatid ni Marina na sa bughaw na tubig na yao’y may mga maninilang pating. Maaaring mapahamak ang binatang di-binyagan na natitiyak niyang baliw na baliw sa pag-ibig sa kanya. Sa wakas, ay nabatid niyang may ibig palang ibigay lamang ang binatang umiibig. Itinaas ni Tulawi ang isang kamay sa tubig at sa tama ng maningning na araw ay napatanghal ako, akong isang maliit na suso ni Neptuno, na nakapagpasabik sa mata ng magandang paralumang naglalayag.
Tumango sa kasiyahan si Marina’t sa isang iglap, si Tulawi’y napansin ng mga pasaherong nangungunyapit na sa pinakatimon ng malaking sasakyang-dagat. Gayon na lamang ang pangamba ng lahat at pati kapitan at timonel ay nagsisigaw na sa takot ngang baka abutin ang elise ng pangahas na maninisid. Datapuwa’t napansin nilang nalulugod ang isang magandang dalagang sakay at patungo sa dako ng timon upang abutin ang nasa kamay ng binatang moro, dili iba’t ako nga, ang makinis at bughaw na kabibi. -- Salamat! -- at hinagkan ako ni Marina nang sumapalad na niya.
Sa halik na iyo’y nalimot ni Tulawi na siya’y nakakapit lamang sa lubid na dagusdusan sa dako ng timon. Akala niya noo’y nasa balantok siya ng bahaghari’t kausap ang kanyang prinsesita o ang pinapangarap niyang maging dayang-dayang, sa sandaling ang kanyang ama’y kilalanin nang makapangyarihang Sultan ng Sulu. (Ako nama’y nakisama na rin ng kasiyahan sa bangong aking nalanghap!)
Katulad ng lahat ng di-binyagang pangahas, lalo na kung nais na magpakilala ng giting o pag-ibig- sa pinag-uukulan ng dakilang damdamin, si Tulawi’y di man nabahala na ang bapor ay nasa malalim nang panig ng karagatan at sa kalalimang ito’y naglipana na ang mga dambuhala sa tubig.—Tulawi! -- at iniwasiwas ni Marina ang kanyang panyolito.
Naulinigan ko ang sigaw na muli ng kapitan at ng timonel sa gitna ng panggigilalas at pangamba ng mga pasahero sa maaaring mangyari pag nagkataon, sa binatang moro.
Sa wakas ay umalinsunod din si Tulawi sa dapat na mangyari. Bumitaw siya sa pagkakakapit sa sasakyang-dagat sa dako ng timon at pasirko pang sumisid sa karagatan. Noo’y malamlam na ang araw. Mandi’y may balitang patungo sa pagsama ng panahon. At, ang mga langay-langaya’y nagsisipaghabulan na sa abuhing himpapawid.
Pakiwari ko’y, sa paglangoy ni Tulawi’y nakasagupa ng isang maitim na bagay na nang makaiwas siya'y iyon pala’y maninilang pating. Binilisan niya ang paglangoy, sa pangambang baka siya pagbalikan pa ng dambuhala. Matapos ang mabilis na kampay ng kanyang mga kamay ay unti-unti siyang nanghina at inabot ng pulikat. Sumigaw siya subali’t nilunod lamang ng malakas na hangin ang kanyang tinig, itinaas niya ang kamay, datapuwa’t walang nakapuna man din kundi ang mga dahon ng niyog sa malayo pang pampangin na kukunday-kunday lamang sa hanging-habagat. Sa wakas ay namulikat ang kanyang mga paa. Hindi na siya gaanong nakagalaw! Noon niya nagunita si Marina, kaya’t sumigaw nang ubos-lakas. -- Marina! – at tuluyan nang lumubog.
Ang mga bulubok ng tubig ay kaakit-akit sa malamlam na dapit-hapong nakiki-ugali man din sa mga huling pangyayari. At, makaraan ang ilang saglit pang pagkatigatig ng kabughawan ng tubig na naging abuhin na rin sa kalamlaman ng dapit-hapong yaon, ay lumaganap naman ang kapulahang nagbabalita ng malungkot na wakas ni Tulawi. Pagkatapos, ay may umigtad sa tubig . . . igtad na mapagtagumpay ng isang maninila sa karagatan!
. . . At parang pinagtiyap ng Tadhana, sa sariling kamarote ng bapor, si Marina’y nagdarasal nang matiyak na yaon na ang oras ng “Angelus”. Sa kalagitnaan ng kanyang dasali’y kinuha ako sa dibdib, akong makinis kaysa perlas at may bughaw ng dagat, bago hinagkan saka ipinagpatuloy ang dasalin.
Lingid sa kaalaman ni Marina’y may namatay na bayani sa kalamlaman ng dapit-hapon sa gitna ng karagatan – isang bayani ng pag-ibig na nakatagpo ng langit sa kanyang kagandahan.
At, parang himala ng pagkakataon, ang kinalibingan ng bayani’y walang iba kundi ang pook kong sinilangan - akong isang dating susong naging sangla ng kanyang mataos na pag-ibig . . . ang kabibing may kinis ng perlas at bughaw ng tubig ng dagat sa Timog.
SA LILIM NG ISANG PUNUNGKAHOY
Alberto Segismundo Cruz
(Liwayway, Marso 23, 1953. Nailathala muli ng Asian Journal San Diego noong Marso 25, 2011)
Ako’y isang punungkahoy. . . Nguni't hindi ako namumunga. Hindi ako namumulaklak. Ang silbi ko'y magbigay lamang ng lilim sa dampa at sa bakurang aking kinaroroonan. Masibol na akong punungkahoy nang ipagbili ng dating may-ari ang dampa at bakurang iyon kay Mang Sendong, isang lalaking dayuhan sa aming pook, walang nakaaalam kung saan galing. . . at dala ang isang sanggol na wala pang anim na buwan.
— Nabalitaan kong ipinagbibili ninyo ang inyong dampa at bakuran. . . at ang inyong bukid sa libis, — narinig kong wika ni Mang Sendong sa dating may-ari. — Ibig ko pong bilhin kung. . . tayo'y magkakasundo. Nguni't naging madali ang pagkakasundo.
Sa halagang itinuring ng may-ari'y hindi na tumawad si Mang Sendong.
— Ang aking anak ay ulila na sa ina. . . — narinig kong sinabi ni Mang Sendong, upang kaipala'y sagutin ang pagtatanong na ipinahihiwatig ng may-ari sa pagtingin-tingin sa sanggol na nasa bisig ng kausap.
— Namatay ang kanyang ina nang siya'y isilang... at ako ngayon ang ina at ama niya! --
Makailang araw lamang ay lumipat na ang mag-ama sa dampa. Mula noon ay napaukol ang aking pansin kay Mang Sendong at sa kanyang anak. Nakita ko kay Mang Sendong ang dapat hangaan sa isang lalaki -- ang siya'y maging ama't ina ng kanyang anak. Maaga siyang bumabangon upang gumatas sa kanyang inahin — iyon ang ipinasususo sa sanggol. Masipag siya. Habang gumagawa siya sa kanyang bukid ay pasaglit-saglit siya sa bahay upang tingnan ang kanyang sanggol. Ang mga halaman sa kanyang bakuran ay alagang-alaga rin niya - ang mga puno ng mangga, bayabas, santol at tsiko, na sa masinop na pagpapala niya'y masaganang nagsisipamunga. Ang kaliit-liitang sulok ng looban ay napapakikinabangan ng mga alaga niyang mga baboy at manok.
Kahanga-hanga ang pagsisikap niya sa kabuhayan, at sa palagay ko, ang lahat ay ginagawa niya alang-alang sa kinabukasan ng kanyang sanggol. Madalas na si Mang Sendong ay nagpapahingalay sa aking lilim. Hindi nakakaila sa akin ang kanyang kalumbayan.
Naririnig ko ang kanyang mga bunting-hininga. May pangalan ng babaeng lagi niyang tinatawag-tawag: — Priscila! Priscila! — Naririnig ko rin ang may panambitan niyang sambitin: — Ano ang nagawa kong pagkukulang at nilisan mo ako? — Sa simula'y hindi ko maunawaan kung ano ang kahulugan ng kanyang mga binibigkas.
At sa maraming pagkalagas ng aking mga dahon at sa pagsusupling na muli ng aking mga sanga, ay nasaksihan ko ang unti-unting pagsibol ng anak ni Mang Sendong. Priscila ang kanyang pangalan, Ngayon, ang kanyang malilikot at mumunting paa'y naghahabulan na sa bakuran. At nasasaksihan kong tila unti-unting nagkakakulay ang buhay ni Mang Sendong. Sumasaya na siya.
Kung hapon, hindi na si Mang Sendong lamang ang nauupo sa aking lilim. Kapiling na niyang nauupo sa paanan ko si Priscila. Matabil si Priscila. Marami siyang itinatanong; mga tanong ng kamusmusan.
Minsa’y narinig kong sabi ni Mang Sendong sa kanyang matabil na anak. —- Marami ka pang hindi maiintindihan. Nguni't paglaki mo'y saka mo malalaman ang mga sagot...
Marami akong narinig na ikinuwento si Mang Sendong kay Priscila — ang kuwento ng Sanggol na ipinanganak sa sabsaban, ang pastol na si David na sa lilim ko nangaganap ang mahabang kasaysayan na karugtong ng pighati, pakikipaglaban sa higante, ang batang si Jose na ipinagbili ng kanyang mga kapatid.
Sa kabaitan iginising ni Mang Sendong ang anak.
—Ibig kong maging mabait ka, anak... — narinig kong sabi pa ni Mang Sendong, na napabuntung-hininga at napatingin sa malayong parang may nagugunita. — Nguni't ikaw ay maganda... mabibilog ang iyong mga mata... maitim at malago ang iyong buhok… maganda ka, nguni't... hindi ka rin magiging maganda kung di ka magiging mabait.
-—Magiging mabait ako, Tatay... magiging mabait ako. . . — sagot ni Priscila at yumapos siya kay Mang Sendong. Nakita kong nangingilid ang luha sa mga mata nang hagkan ni Mang Sendong ang anak.
Nasubaybayan ko ang paglaki ni Priscila. Pinapag-aral siya ni Mang Sendong at nakarating hanggang ikalawang taon ng haiskul. Si Mang Sendong ang matiyagang naghahatid at sumasalubong sa anak sa pagpasok sa paaralan sa kabayanan. Nang magdalaga si Priscila ay iningatan ni Mang Sendong ang anak na tulad sa isang mahalagang hiyas. Iminulat niya kay Priscila na ang kalinisan ng isang dalaga ay “maningning pa sa mga bituin sa langit kung ang puri ay dalisay at walang bahid-dungis”.
Nguni't isang araw, sa tahimik na pamumuhay ng mag-ama na tila hiwalay sa labas ng daigdig, ay may napaligaw na isang binata. Nakaupo isang umaga sa aking lilim si Priscila nang lumapit sa kanya ang binatang iyon at magalang na bumati. Nakita ko ang biglang pamumula ng mga pisngi ni Priscila, at parang isang mailap na ibong nagipit kaya lamang hindi agad nakalipad sa malayo.
— Ipagpatawad ninyo ang paglapit ko, Binibini... — sabi ng binata na nakapamintana sa mga mata ang paghangang di maikaila sa pagkatitig kay Priscila. — Malungkot lang talaga ang walang kakilala sa isang pook, kaya di man dapat ay nangahas na akong lumapit upang makipagkilala. . .
-- Aba, e... e... — at utal sa pagsasalita si Prisciia. — tatang ko po e . . . — at napaurong siya at tinanaw si Mang Sendong na lumalakad na palapit at iniwan ang ginagawa sa duluhan nang makitang may kausap si Priscila.
Magalang na nagbigay ng magandang umaga ang binata.Nagpakilalang siya’y si Milo Verdeflor, isang manunulat. Nagbabakasyon sa pook na iyon. Walang kakilala at nasasabik magkaroon ng kausap.
— Kayo ang pinakamalapit sa aking kinatitirahan. . . — nasabi pa ng binata, at sinulyapan si Priscila na nasa likuran ng ama. -- Natatanaw ko kung gabi ang liwanag ng inyong ilaw, kaya naisip ko pong magsadya naman dito sa inyo upang makipagkilala. . . --
Mula noon, si Milo ay madalas nang dumalaw kina Mang Sendong. Madalas silang nag-uusap sa aking lilim.
-- Mabait at magalang si Milo. Madaling nagkahulihan sila ng loob ni Mang Sendong. Maraming naibabalita si Milo — ang matuling pag-unlad ng Maynila, ang malakas na pagsulong ng karunungan, at ang mga nagaganap na pangyayari sa iba't ibang panig ng daigdig. Kung dumarating si Milo na si Mang Sendong ay gumagawa sa kanyang bukid sa libis, ay si Priscila na ang tumatanggap sa binata. Nahalata kong si Milo ma'y madaling kinalugdan ni Priscila. Madalas na namamasyal sila sa bukid at kung umuuwi'y may dalang mga bulaklak na ligaw. Kung nauupo sila sa aking lilim ay napapakinggan ko ang kanilang pag-uusap, Ikinukuwento ni Milo kay Priscila ang buhay sa Maynila, ang mga kasayahan, ang sine, ang mga naitklub. Nakikita kong kumikislap ang mga mata ni Priscila sa kaligayahan.
—- Nguni't lahat ng iyon ay pagsasawaan mo. . . — minsa'y narinig kong sinabi ni Milo.
— Hahapuin ang buhay mo sa walang tigil na pag-inog ng buhay roon. Sa palagay ko'y naririto ang tunay na buhay. . . walang ingay na nakababagot, nakakausap mong palagi ang iyong sarili sa katahimikan. . . Malapit sa kalikasan, kaibigan ng punungkahoy na ito, ng bukid, ng mayayamang lupa... walang pagbabalatkayo ang lahat ng bagay. . .
— Oo nga, Milo. . . — at napabuntung-hininga si Priscila.
— Maligaya ako sa ibinabalita mo sa aking Maynila. Nguni't sa puso ko'y nakatanim ang lahat ng naririto. Ito ang aking daigdig... Katulad ko ang punungkahoy na ito na kapag binunot sa kinatatamnan ay walang salang mamamatay...
At nakita kong hinawakan ni Milo ang isang kamay ni Priscila.
— Kung mapaniniwalaan mo lamang... — anang binata. — Mula nang makilala kita, ang daigdig mo'y inari ko na ring aking daigdig. sapagka't kung saan ka naroroon ay naroroon ang aking ligaya. . .
Nanatili si Milo na hawak ang kamay ni Priscila. Kapwa nakasandig ang kanilang likod sa aking puno at nakatingin sa malayo at tila nangangarap. Nguni't hindi ko sila mapagpagunitaang lumalapit si Mang Sendong.
Nang makita ng matanda ang kanilang ayos na magkahawak ang kamay ay napatigil si Mang Sendong, at pagkatapos ay yuko ang ulong tumalikod.
Hinatinggabi si Mang Sendong sa pag-iisip sa tabi ng aking puno nang gabing iyon. — Kalikasan ng buhay ang umibig... — narinig kong ibinuntung-hininga niya. — Hindi ko siya mahahadlangan kung hangad ko rin lamang ang kanyang kaligayahan. --
Hindi nagtagal at nasaksihan ko sa bakurang iyon ang isang tahimik na kasal. Walang hangad si Mang Sendong liban sa kaligayahan ni Priscila. Ang tanging hinihingi ni Mang Sendong kay Milo ay huwag lamang ilayo sa kanya ang anak na tanging aliw ng kanyang kaluluwa.
—Iyan po ang napagkayarian naming talaga ni Priscila, — sagot ni Milo. — Naririto po ang kanyang kaligayahan at di ko siya maiaalis dito. . .
Paminsan-minsan lamang kung lumuwas ng Maynila ang mag-asawa. Ilang araw lamang kung mamalagi sila roon at bumabaiik na muli. Kung naiiwang mag-isa si Mang Sendong, ang kanyang mga sandali'y madalas na paraanin sa pag-upo sa aking lilim na parang may malalim siyang iniisip, at madalas tuloy na manasa kong matunghayan ang tunay na laman ng kanyang puso.
Isang araw na wala ang mag-asawa, isang babaeng may katandaan na ring katulad ni Mang Sendong ang tumawag sa dampa. Nang walang sumagot ay naupo ang babae sa hagdan. Mula sa bukid ay dumating si Mang Sendong at gayon na lamang ang pagkagulat niya sa pagkakita sa babae.
— Priscila! — nabigkas ni Mang Sendong.
— Oo, Sendong... —anang babae na parang mapapaiyak, — hindi mo akalaing matatagpuan kita rito. Nguni't marami nang taong naghahanap ako... ipinagtatanong kita... salamat na lamang at may nakapaghimaton din sa akin...
— Nguni't bakit pa, Priscila? Bakit pa ? — nagugulumihanang sagot ni Mang Sendong.
— Nagkasala ako sa iyo't sa ating anak. Panahon ang nagpadala sa akin sa malaking pagkakasalang aking nagawa. Maikli na lamang ang aking buhay. Ibig kong makahingi ng tawad sa iyo at makilala ang aking anak. . . --
— Matagal ko nang natutuhang patawarin ka, Priscila... — sagot ni Mang Sendong na gumagaralgal ang tinig. — Napawi na ng panahon ng pagdaramdam ko sa iyo. . . Nguni't ukol sa iyong anak, kay Priscilang iyong anak. . . — patuloy ni Mang Sendong, — hindi ka na dapat pakilala sa kanya. Akala niya'y matagal ka nang patay. Maligaya siya sa piling ng isang marangal na lalaking ngayo'y kanyang asawa. Hindi siya magiging maligaya kung malamang ang kanyang ina'y may madilim na kahapong pinagdaanan. . . --
— Nguni't hindi na niya kailangang ako'y makilala pa, Sendong. . . — at malungkot na napaiyak ang babae. — Ibig ko lang mapalapit sa piling niya. Mapaglingkuran siya kahit paano. . . ibig kong madama kahit sa maikling panahon ang kaligayahan ng isang pusong-ina na aangkin sa kanya kahit sa sarili ko man lamang. . . sabi nito.
— Nguni't ingatan mong huwag kang makilala niya . . . --
Minsan pang ipinakilala ni Mang Sendong, ang kadakilaan ng puso niya. Nguni't sa ibabaw ng kapyang pagpapatawad ay sinikap niyang maingatan ang kaligayahan ni Priscila.
Nang magbalik sa bahay ang mag-asawang Priscila at Milo ay ipinakilala ni Mang Sendong sa anak ang matandang babaeng dinatnan. — Si Silang ay kamaganak kong malayo . . . — anang
matanda. — Dito siya maninirahan sa atin upang makatulong mo. At pagkaraan ay nanaog na si Mang Sendong. Pinabayaan niyang magkaharap ang mag-ina. Saglit siyang napatigil sa aking
lilim. May kalungkutan akong nabakas sa kanyang mukha.
-- Ina rin siya ng aking anak — narinig kong usal ni Mang Sendong. — At di ko maipagkakait sa kanya ang kaligayahan ng pusong-ina. Maiingatan din niya ang kaligayahan ng aming
anak. --
At lumakad na si Mang Sendong na patungo sa kanyang bukid sa libis. Sa pagkakatalikod niya'y nakita kong may pinapahid siya sa kanyang mga pisngi.
The Whisperer
Short story by Percival Campoamor Cruz
It is very tragic for parents to be preceded in death by their children. It is presumed and it is commonplace that the parents, by sheer factor of age, will die first.
Once in a rare time, though, accidents or sickness happen; crimes and wars happen. These happenings can end the life of anyone, young and old.
Such was the fate of the couple Ivan and Dolores, and their daughter, Mercedes. Mercedes was a 40-year old unmarried woman. She worked in the bank and had an above-average income. Her co-workers and friends loved her for her liveliness and kind-heartedness.
She was always up-and-about, cheerful, she loved making jokes and making people feel relaxed and happy. She was out-going; she often went out with friends to dine and dance. A fulfilling professional and social life she had.
Very unusual but she did not have a serious relationship with any man or woman. On top of her good qualities as a person, Mercedes was attractive. If she remained single, it was, perhaps, because of her choice to be independent, a free spirit. It was unusual, compared to other women of her age and status, that she was single and that she lived with her parents. But that was the case.
Her parents, in their 70s, took care of her needs at home. The concern for each other was reciprocal for she, in turn, took care of her parents. She drove the car for them and shopped supplies for them. She did not have to give financial support to the parents because they were well off. What she earned she saved in the bank. She was very good with her money.
One morning, Mercedes did not feel well and asked her parents to take her to the hospital. They called 911 and an ambulance came down to pick her up. She, later on, assured her parents that nothing much was going on. She came home from the hospital, went to work, and life went on as before.
After a month, she became ill again. She was brought to the hospital and, this time, she was confined.
A year ago, Mercedes was diagnosed as having cancer. The doctor recommended an aggressive treatment, but she refused it. She dreaded going through chemotherapy and surgery. She believed that her condition was irreversible, and to suffer from the pains, discomfort, and toll on the body brought about by chemotherapy and radiation, was unwarranted. She kept her condition a secret. She did not want to make her parents anxious.
The next trip to the emergency was the final one. She was already dying. The parents asked Mercedes’ siblings to come to the hospital immediately; they came from different parts of the country. Gathered in the hospital, everyone took a turn in looking after her and in outpouring love for her.
An uncle, when it was his turn to talk to Mercedes, told her, “I’m going to recite a short prayer. Say this prayer whenever you need to; it will heal you and give you comfort.” Matter-of-factly, Mercedes said, “Uncle, I’m not going to heal. I know I'm dying.” The uncle followed up, “It does not matter. If not your body, the prayer will heal your spirit and you will have comfort on the coming journey.”
She was strong and brave regardless of her condition. She knew she was dying. But she never shed a tear nor showed any sign of fear. Up to the end, her concern was to not cause sadness and despair to her parents. The doctor gave her morphine intravenously, and she went away slowly and peacefully.
She was given a beautiful memorial and interment. Thereafter, the grieving parents came to the park every Friday. It was there that they interred the remains of their daughter.
It was a beautiful day at the park. The weather was toasty. The sky was clear. And the trees and flowers were blooming in inspiring colors. From a distance the parents saw a middle-aged woman walking toward them. People who came to the park to visit usually came in cars. This woman was walking and the parents did not get to see whether she came from the gates or from the far end of the park.
It turned out her object was to meet and talk to them. She began, “My name is Maria Luna. I’m a diviner, a whisperer.” The parents looked at each other with expressions of wonder. Ivan replied, “I’m sorry. What’s a diviner, a whisperer?”
“I communicate with the dead. I can summon the spirit to appear before relatives.”
“My God!” Dolores exclaimed.
“Do you want to see your daughter once again?”
“You’re hurting us this way, whoever you are!” Dolores exclaimed.
“My purpose is to show you that your daughter is all right and she’s happy where she is. I’m sorry to hurt you; my purpose is to lessen your grief, not to add to it,” the stranger said. And she started to leave.
Ivan called her back and said. “If this is not a kind of scam, I’m for it.”
The woman pointed her finger to the horizon. “Look over there,” she said.
The parents saw their Mercedes in the field amidst the trees. There was a certain glow around her. She was wearing her favorite pink dress. She was happy and looked like chasing and playing with a butterfly. Her golden hair was being blown by the wind and her feet seemed to bounce off the grass.
The parents had mixed emotions about what they saw. It was gladdening to see that Mercedes was happy and still bursting with energy; however, it was saddening to think that they could not have her back.
“You see her, but you cannot touch her. You cannot talk to her,” the woman explained.
“But watch, she will wave her hand to acknowledge that she knows you are here.”
The parents waved back and then she faded away.
Then the woman asked to be excused. She needed to go.
Ivan asked her, “Where do we look for you?”
The woman said, “You can find me at the St. Ignatius Church in the City of Loyola.”
Ivan and Dolores could not believe what they had experienced. They wanted to believe that the experience was real; but at the same time, they entertained the doubt that perhaps they were just hallucinating. Perhaps, it was just a trick. Maybe the woman was just some kind of a hypnotist.
To find out the truth, they sought to find Maria Luna and talk to her again. One day, they went to the St. Ignatius Church in the City of Loyola.
They were met at the church by a young man, he was the church’s porter.
“Very well, let me take you to Maria Luna,” the young man said.
He led them to the crypts which were in the basement of the church. Then he showed them one particular crypt. The inscription on the crypt read: “Maria Luna March 15, 1947 – September 1, 1987”
Dolores gasped in disbelief, “Oh, my God. She had been dead for thirty-one years!”
Conde de Guantes
Short story by P Campoamor Cruz
In Spain there lived this gentleman who became known as the Conde de Guantes, the Gloved Count of Seville.
He had a friend doctor but would not ask him about his developing medical problem. He and the doctor lived in the same community, went to the same sports club; often played golf together and went to the same social activities. However, he did not want the doctor to know about his problem. He could have fun with him, but would not discuss problems with him. He did not want their circle of friends and neighbors know about his weird and troubling condition. Once he told the doctor, the information would surely spread around, as did a gossip.
His wife knew about the rare condition. She saw that everything else was well with him. Except that thing. His body mass index was fine. His latest blood test showed good sugar levels and ideal cholesterol levels. He was feeling fine and healthy. He was full of energy. He had good appetite and a more than average sex life.
The couple was well-to-do. They were prosperous and happy. They had no financial worries nor business stresses. Only that thing.
No, it was not cancer. But something was growing out of him.
Instead of consulting with a doctor, he went to see an Indian guru who told him about about Shiva, one of the major Hindu deities who had multiple arms.
The guru explained: “Shiva had many arms, first, because he was energy himself. He was so full of energy he could wish to become anything, or everything. His multiple arms signify his power over many things, such as, the ocean, the weather, the enemies, the land, sickness, war, and so on and so forth.”
“In the case of human beings”, he said, “we are made up of atoms and neurons. We can only have limited energy. We have energy equal to our size. If we had more atoms and neurons we would be over our capacity and we could explode. That is why, he said, we can only have two arms, two feet, five fingers in each hand, one head, two eyes, and so on.”
“In your case, there is not much more I can say,” the guru said, “just rejoice that you have that thing extra compared to other human beings and it is not hurting you.”
Eventually, he went to see a doctor, not his friend doctor, another doctor. He was given a complete physical and blood check up. His body was scanned under the MRI. The conclusion of the doctor was that he was in perfect health.
The doctor confirmed and, nonetheless, the fact was obvious. He was growing three fingers at the back of his right hand. When the fingers were fully grown, he would have two pointer fingers, two middle fingers, and two ring fingers – he would have eight healthy fingers on his right hand. “You’re one in a million lucky guy!” the doctor exclaimed.
“Doctor, it’s a curse.” He said.
“You’re in great health. Take it as a gift.”
“Doc, between us boys, I’d sooner prefer to have an extra penis than three useless, weird-looking fingers.”
“Your wife will love them.”
“It’s shameful. My friends might think I’ve turned into a ghoul or someone from another planet. Doctor, can you explain why?”
“I can’t. There is no medical explanation. For sure it’s your DNA. Hard to explain. I can assure you, though, it is not a disease.”
‘I’m cursed for life.”
The doctor tried to prop up his spirit. “Again I’ll say, you’re a lucky guy. When somebody asks you for direction, you have two pointer fingers to give directions. You can wear two rings and that’s very cool. And when you want to give someone the dirty finger, you give two. Strong as a bull!”
Our subject decided to always wear gloves so he could hide the three extra fingers. And that was how he became to be known as the Conde de Guantes or the Gloved Count of Seville.
ANG KAPANGYARIHAN NG KANYANG PAG-IBIG
https://www.tagalogshortstories.net/ang-kapangyarihan-ng-kanyang-pag-ibig.html
Sa paghaplos sa katawan ng lalaki ay napansin ni Leonor na ang tato ni Manuel sa likod, sa gawing kaliwang paypay, ay wala. Tumakbo nang mabilis sa kanyang isipan: “Marahil ay ipinabura niya. Baka bawal sa Saudi ang tato. Mamaya ko na siya tatanungin.” Sa pagkakataong iyon ay di mahalaga ang pangungusap. Di mahalaga ang paliwanag.
IISANG SINGSING. DALAWANG KUWENTO
https://www.tagalogshortstories.net/iisang-singsing-dalawang-kuwento.html
“Sa Sabado nang hapon!,” nasabi sa sarili ni Mang Miroy. “Akala ng maraming nagpapagawa ay madali lamang ang pagyari ng hiyas. Hindi man lamang sumasagi sa kanilang isip na maaaring makasira sa paggawa ang isang platero. Kung ito’y mangyayari, sadyang kahabag-habag ang gaya ko, na sapilitang uutang nang patubuan makabayad lamang sa kapinsalaan. Isipin na lamang kung mabasag ang brilyante sa pagtatampok.”
The "Enchantress"
OLD AND NEW MANILA
Slide show:
San Francisco Book Festival
http://tripwow.tripadvisor.com/tripwow/ta-0301-b590-7354?
The Writers
Mga kuwentista:
P Campoamor Cruz
Alberto Segismundo Cruz
Amado V. Hernandez
Genoveva Edroza-Matute
Efren Abueg
Antonio B. L. Rosales
Vicente Albano Pacis
Rogelio Sikat
Serafin Guinigundo
Bienvenido N. Santos
Edgar Maranan
Augusto de Leon
Vic Macapagal
TV interview with Janelle So, "Kababayan LA"
Los Angeles, California Channel 18
http://www.youtube.com/watch?v=F0tiqyq07IA
https://philippineexpressionsbookshop.wordpress.com/2012/10/26/twenty-fil-am-authors-to-sign-at-launching-of-the-philippine-heritage-collection/
San Francisco Book Festival
http://tripwow.tripadvisor.com/tripwow/ta-0301-b590-7354?
The Writers
Mga kuwentista:
P Campoamor Cruz
Alberto Segismundo Cruz
Amado V. Hernandez
Genoveva Edroza-Matute
Efren Abueg
Antonio B. L. Rosales
Vicente Albano Pacis
Rogelio Sikat
Serafin Guinigundo
Bienvenido N. Santos
Edgar Maranan
Augusto de Leon
Vic Macapagal
TV interview with Janelle So, "Kababayan LA"
Los Angeles, California Channel 18
http://www.youtube.com/watch?v=F0tiqyq07IA
https://philippineexpressionsbookshop.wordpress.com/2012/10/26/twenty-fil-am-authors-to-sign-at-launching-of-the-philippine-heritage-collection/