Malbarosa
Kuwento ni Alberto Segismundo Cruz
(Liwayway, Abril 22, 1944)
I.
Umuulan noon. Masisinsin ang patak.
Nguni't masisinsin ma'y patak din ng ulang
malaong hinihintay ng tigang na lupa. Unang luha ng langit, unang ambong sa palagay ng isang makata’y “mga ambon ng Abril na nagpapabukad sa mga bulaklak ng Mayo!"
Buong lungkot na minamasid, noon, ni Elvira ang binatang kawal na nasa kanyang pagpapala. Makaraan ang ilan pang saglit ay ibinaling ang tingin sa durungawang nakabukas — sa maliit na durungawang iyon ng pagamutan ng hukbo, hindi kalayuan sa larangan ng labanan — at natiyak niyang umuulan... umaambon… lumuluha ang langit!
Ibinalik na muli ng dalagang "nurse" ang tingin sa binatang nakaratay — sa kawal na sugatan at nilalagnat pa bago hinawakan ang pulso nito. Nangunot ang noo ni Elvira at nagbuntong-hininga nang malalim. Kung sa labas ng pagamutang iyon ay umuulan o umaambon, sa loob naman ng kanyang dibdib ay may bagyo; nakataas ang ikapitong palatandaan ng bagyo ng dalamhating halos ay lumuluray sa kanyang puso.
Paano'y nasa harap niya ang sinasabing binatang bayani, nguni't... ah! ayaw niyang bitiwan ang pangungusap! Nadaraig siya ng simbuyo ng damdaming nakapangyayari sa kanyang kalooban at ng alapaap na nagpapadilim halos sa kanyang isip. Habag, oo, nahababag siya. Datapuwa't siya ay napopoot din naman. Habag at pagkapoot! Tungkulin at paghihiganti! Karangalan at pagkadungis nito! Utang at kabayaran! lyan, iyang lahat ang sumusurot sa kanyang isipan.
Ano ang marapat niyang gawin? Bathala! At nang matiyak niyang siya'y ganap nang napag-isa sa harap ng maysakit ay naibulong niya ang ganito: "Diyos ko! Hulugan po Ninyo ako ng liwanag ngayon din upang mapanuto ako sa dapat kong gawin. Dapat kaya siyang mabuhay o dapat nang mamatay? Ngayong itinulot Ninyo, Poong Bathala, na matagpuan ko ang lalaking malaon ko nang hinahanap sa pagdungis ng aking karangalan ay di baga Ninyo ako tutulutang makapaglapat ng nararapat na parusa sa kanya?"
II.
Wala pang isang oras ang nakalilipas ay inihatid ng kamilya sa pagamutang iyon ng hukbo ang Tenyente Heraclio Butalid sa pangkat ng artilyerya, makaraan ang isang mabangis na pagpapanagpo sa may paanan ng Bundok Samat. May malubhang tama ng punglo sa kaliwang dibdib at may malalalim pang sugat.
Sa mga bisig at hita, ang binatang kawal ay masasabing sadyang nasa malubhang kalagayan. Sa katotohanan, ang punong-manggagamot ay nag-utos na huwag iwan ni Elvira ang maysakit upang magawa nito ang lahat ng nararapat bago tistisin. Kaya't halos ay naririnig pa rin noon ni Elvira ang huling pahayag ng tinurang punong-manggagamot: "Nasa kamay mo ang kanyang buhay at kamatayan!"
At natatandaan pa ni Elvirang siya'y tumango lamang sa nag-atas. Ni isang kataga ay walang namulas sa kanyang labi. Nababatid niyang siya na ang hukom na magpapasya! Paano'y inihatid man din doon ng Tadhana't ng Pagkakataon ang tanging pinagkatiwalaan ng hiyas ng kanyang pagkadalaga. Sa hinaba-habang panahon at binilis-bilis ng takbo ng mga pangyayari, noon, oo, noon, ay nasa harap niya ang pinag-uusig niya: ang salaring magnanakaw ng puri niya't dangal nang hindi man lamang natutong magpakatapat sa kanyang naging kapangakuan!
"Nasa kamay mo ang kanyang buhay at kamatayan!"
Parang narinig na naman ni Elvira ang huling pahayag na iyon ng punong-manggagamot. At, sa iilang iglap, ay sumaisip niyang kaligtaan ang kanyang tungkulin o ang nararapat na gawin ng isang tagapag-alaga ng maysakit sa isang malubhang nakatakda ang kapalaran, una, kay Bathala, at pangalawa'y sa karunungan, sa pagtitistis. Maaari niyang palitawin, halimbawa na natusukan na niya ng suero ang maysakit, bagaman at hindi pa, dili kaya'y hugasan ang mga
sugat nito sa isang paraang hindi maingat upang huwag na maligtas sa pagkakalason ang dugo o dili kaya'y pabayaang tumaas ang lagnat nito hanggang sa magsikip ang paghinga, bukod sa iba pang bagay na maaaring isagawa nang buong pagpapakunwari, nguni't sadyang makapagpapanganyaya sa may karamdaman... sapagka't sa palagay niya'y hindi dapat na mabuhay pa si Heraclio— ang ganitong uri ng lalaking isang tunay na masamang binhi ng
lahi!
Nakaraan ang ilan pang saglit... Napuna ni Elvirang nagpapawis ang noo ng maysakit samantalang ang labing tuyot na tuyot ay naghihintay naman ng pagpapala — ng
maibibiyayang kaunting tubig, ng bahagyang wisik ng dalisay na tubig! Nagunita tuloy ng dalaga ang panahon, ang aambon-ambong langit, na waring pagpapala ng Katalagahan sa tigang na lupa. Tumataas ang lagnat ng nakaratay: hindi mapalagay sa pagkakahiga't lipos ng pagka-balisa. Walang anu-ano'y gumalaw na muli ang tuyot na labi at parang nagbitiw ng pangungusap, nguni't pangungusap na tuyot din, sapagka't di man nakarating ga pandinig ng nag-aalaga. Ano kayang mga kataga ang kanyang binitiwan? Siya kaya'y nagdarasal?
Siya kaya'y may tinatawag o. humihingi nga lamang ng kaunting tubig sanhi sa matindi niyang pagkauhaw?
Walang anu-ano'y natigatig din si Elvira. Kumuha ng kaunting tubig at inilapit ang sisidlang kristal sa labi ng maysakit upang mabasa man lamang ang mga labi nito. Nang mapadaiti ang lamig sa labing iyon, napatahimik kaagad ang nakahiga. At sa di pagkilos nito ay nagulumihanan si Elvira. Binuksan ang amerikana— ang tapat ng dibdib na mapulang mapula sa dugong nagdaranak — at sa isang bulsa ng maysakit ay natuklasan ang isang maliit na dasalan. Natawag agad ang pansin niya't pananabik sa maliit na aklat, at kapagdaka'y binuksan itong nanginginig ang mga daliri — inisa-isa ang mga dahon na waring may nais na
matagpuan sa mga titik ng kabanalang nakalimbag doon. At... nakita niya ang kanyang hinahanap: sa kalagitnaan ng aklat, ipit ng namumula-mula nang dahong anaki'y sadyang "tagapag-ingat" ng dakilang lihim. At sa ilang saglit ay namula ang mga mata ni Elvira at dalawang patak na luha ang nangilid sa dalawang magaganda't mapupungay na matang iyon. Para siyang baliw na nagbagong bigla ng kilos at anyo. Niyapos ang maysakit at hinagkan ito sa noo. At tinawag, nguni't di sumagot. Tumawag uli. nguni't di man kumilos ang nakaratay. Kaya't noon din ay ginawa niya nang buong kabilisan, datapuwa’t buong ingat ang lahat ng dapat niyang gawin upang iligtas ang sana'y ibig na niyang mamatay. At nang maisagawa
na niya ang lahat — sa loob ng iilang saglit — ay nagdasal siya at sinabing:
"Bathala, maawaing Bathala, huwag Mo Pong tulutang mamatay ang lalaking ibig kong mamatay kangina nguni't ngayo'y ibig ko nang mabuhay!"
Paano'y napatunayan ni Elvirang hindi taksil o sinungaling si Heraclio — ang binatang kawal na noo'y nasa gitna ng buhay at kamatayan. Sa isa sa mga dahon ng maliit na aklat ng kabanalan, na may tandang malbarosa, ay maliwanag niyang natunghan ang ganito:
"Elvira:
"Hindi ako nakalilimot sa iyo; simula noon ay pinaghanap kita, nguni't nagkait ang
panaho't pati ang mga pangyayari upang matupad ang aking kapangakuan sa iyo.
Iniibig kita, katulad ng pag-ibig sa aking inang naghandog ng aklat na ito sa aking kaarawan upang madala ko kailanman sa tapat ng aking puso.
“Heraclio.”
At higit sa katibayang ito ay nagunita pa rin ni Elvira ang kanyang malbarosang ipinagkaloob sa binata noong gabing ipinagkatiwala niya ang malinis niyang pag-ibig. Ibig ni Heraclio na pangalagaan ng dalaga ang bulaklak, nguni’t siya, si Elvira, ang nagpasiyang iwan ang malbarosa, sapagka’t di na siya bulaklak noon sa kanyang palagay, sapagka’t wala na siyang halimuyak. Gayunman ang kanyang kaluluwa, ang kaluluwa ng kanyang pagkabulaklak ay
mananatili, dapat manatili, katulad ng pananatili ng halimuyak ng malbarosa!
Bago tinistis ang binatang kawal ay kinailangan ang dugo —ang dugong makakalapat. Inihandog ni Elvira ang kanyang dugo — ipinasubok at, nang matiyak na maaaring gamitin, ay ipinagkaloob!
At nang matapos ang pagtitistis at ang maikling panahon ng pagsubok, ang punong manggagamot ay nagsabi:
''Elvira, iuulat ko ang iyong kabayanihan! Dapat kang gantimpalaan ng iyong bayan!"
At si Elvira ay nangiti na lamang, sapagka't nababatid niyang nasa kanya na ang kaukulang gantimpala!

MAKINIS AT BUGHAW ANG KABIBI
Kuwento ni Alberto Segismundo Cruz
(Nailathala ng Asian Journal San Diego noong Hulyo 30, 2010:
http://www.scribd.com/doc/35264933/Asian-Journal-July-30-2010)
Kinailangan muna ng Tadhanang maulila ako sa aking inang-suso bago mapaharap sa pakikipagsapalaran sa dibdib ng karagatan. Katulad ng ibang “lamang-dagat” ay nabuhay ako’t umunlad sa pagpapala ni Neptuno. Nasasaliksik ko ang burak sa kailaliman; naging kalaruan ko ang maliliit na isda, lalo na ang mga isdang gintong nagbibigay ng kulay at ligaya sa “tanghal ng Katalagahan” sa tubig na kakulay ng abuhing langit; at naging taguan at kublihan ko ang halamang-dagat at lumot kung dumarating ang mga maninilang pating at iba pang dambuhala ng karagatan.
Nguni’t habang lumalao’y napapansin kong ako’y dumirilag, at kasabay ng aking pagdilag ang kakinisan at bahagyang kabughawang parang naipamana sa akin ng tubig na bughaw. At, habang lumalao’y sumisigla ako - nagpapagulung-gulong sa dibdib ng karagatan kung maalon ang tubig, napatitilapon akong sadya sa salpok ng alon kung napapaspas ng buntot ng malalaking isda’t nagpapaanod naman kung may malakas na daluyong na nagbubuhat sa kung saang panig ng dagat, lalo na’t lumalaki ang tubig.
Sa pagbabagu-bago ng panig na aking nararating ay umabot ako sa isang dako na ang tubig ay kasiya-siya sa aking pandama. Sa unang pagkakatao’y nasiyahan ako sa aking buhay, sapagka’t sa palagay ko’y lumusog ako’t lalo pang dumilag. Malimit kong mapuna ang maraming isdang parang namamalikmata sa akin, aywan kung sa aking hugis o kulay, datapuwa’t. . . dami ng umaaligid na “kaibigan” sa akin. Kabilang sa mga kaibigang ito pati ang mga isdang-bituing nakikiagaw ng katangian sa iba pang lamang-dagat na “nawawalang bigla” sa aming sinapupunan upang maibilanggo sa “aquarium”.
Hindi nagtagal at ang tubig na aming kinaroroona’y narating ng mga maninisid. Akala ko’y nagsisipaligo lamang sila o may “tinutugis” na salaping inihahagis buhat sa mga sasakyang-dagat na malimit na mambulahaw sa aming katahimikan, lalo na’t kung malaki ang elise. Nguni’t ang mga maninisid na iyon pala’y nagsisihanap ng mapapakinabangang hiyas sa pusod ng karagatan. Kapiling ko’y isang malaking taklobo na may iniingatang magandang mutya. Akala ko’y ang hiyas na ito ang kanilang lunggati; datapuwa’t. . . sa aba ng aking palad! Nang mabatid ko ang mapait na katotohana’y huli na sa panahon at di ko na kaya ang magpumiglas pa. Isang binatang maninisid na kayumanggi ang balat at may malalakas at matitibay na daliri ang dumampot at biglang "nagbilanggo” sa akin sa kanyang palad, at bago ako nakahinga sa nabaon kong tubig ay nabatid kong tinamaan na ako ng liwanag ng araw sa ibabaw ng karagatan.
Simula na ang pangyayaring ito ng aking panghihina. Naramdaman kong ang aking katawa’y natutuyo’t kasabay nito’y ang panghihina hanggang sa nabatid kong walang malalabi sa aking pagka-suso kundi ang aking marikit na pabalat o pinakakabibi, na siyang mahalaga sa mata ng mga nakamamasid na sa akin.
-- Magandang suso ito! Mahigit sa perlas, hiyas na angkop sa isang Mutya, sapagka’t taglay niya ang bughaw na kumikislap ng karagatan! -- anang maninisid na nag-ingat sa akin nang buong pagsuyo.
Palibhasa’y isang binatang di-binyagan ang “nagbilanggo’t” nag-ingat sa akin ay inilagay ako sa isang supot-suputang anaki’y gamusa, at sa kanyang dibdib, na di kalayuan sa tapat ng puso’y doon ako napatalaga. Akala ko kung gabi, ako’y nasa pusod pa rin ng karagatan at inaaalon, datapuwa’t natiyak kong ang tibok ng puso pala ng binata ang nakatitigatig sa akin.
Para kong naririnig ang puso niyang nagsasalita, lalo na sa mga sandali ng pag-iisa o kahi’t na sa kanyang pagtulog. May ngalang binabanggit at inuusal!
Ngalan ng isang dalagang binyagan, sapagka’t kung “binibigkas” niya ito’y nakatanaw siya sa malayo - sa kabila ng mga abuhing bundok, sa ibayo ng malaking lawa, sa kabila ng mga puno ng saging at abaka. . . doon sa ang bahaghari’y tila mahahagdan buhat sa langit hanggang sa dakong iyon ng mahiwagang pook.
-- Marina!. . . -- iyan ang sa wakas ay narinig ko sa kanyang labi. Iyan ang pangalan ng dalagang lihim niyang sinusuyo.
Paano’y isa siya, si Tulawi, ang binatang di binyagan, sa mga nahirang upang mag-aral sa gugol ng pamahalaan sa high school sa Sambuwangga, hanggang sa magkasabay silang magtapos, ni Marina. Nguni’t ang ama ng dalaga’y nagpauna sa mga pinuno ng paaralang-bayan. Nagpasiya ang ama niyang taga-Luson at taliba noon sa parola sa dako ng Sulu na pabalikin na sa sariling lalawigan, ang dalaga upang dito na magpatuloy ng pag-aaral, sa pagtangkilik at pangangasiwa ng isang mayamang ale at matandang dalaga.
Nang sumakay na sa isang bapor ng “Compania Maritima” si Marina’y inihatid ng langoy ni Tulawi buhat sa daungang kinatitigilan ng tinurang sasakyang-dagat. Akala ni Marina’y hindi makararating si Tulawi sa malalim na karagatan sa pagsunod sa kanya. Gayon na lamang ang kaba ng kanyang dibdib. Lalong naging rosas ang mala-rosas niyang pisngi! Lalong dumilag ang mga mata niyang nag-iingat ng isang makapal na aklat ng mga lihim ng kabataan.
Kinumpasan niya si Tulawi upang magbalik na, upang huwag nang sumunod at baka mapahamak. Nababatid ni Marina na sa bughaw na tubig na yao’y may mga maninilang pating. Maaaring mapahamak ang binatang di-binyagan na natitiyak niyang baliw na baliw sa pag-ibig sa kanya. Sa wakas, ay nabatid niyang may ibig palang ibigay lamang ang binatang umiibig. Itinaas ni Tulawi ang isang kamay sa tubig at sa tama ng maningning na araw ay napatanghal ako, akong isang maliit na suso ni Neptuno, na nakapagpasabik sa mata ng magandang paralumang naglalayag.
Tumango sa kasiyahan si Marina’t sa isang iglap, si Tulawi’y napansin ng mga pasaherong nangungunyapit na sa pinakatimon ng malaking sasakyang-dagat. Gayon na lamang ang pangamba ng lahat at pati kapitan at timonel ay nagsisigaw na sa takot ngang baka abutin ang elise ng pangahas na maninisid. Datapuwa’t napansin nilang nalulugod ang isang magandang dalagang sakay at patungo sa dako ng timon upang abutin ang nasa kamay ng binatang moro, dili iba’t ako nga, ang makinis at bughaw na kabibi. -- Salamat! -- at hinagkan ako ni Marina nang sumapalad na niya.
Sa halik na iyo’y nalimot ni Tulawi na siya’y nakakapit lamang sa lubid na dagusdusan sa dako ng timon. Akala niya noo’y nasa balantok siya ng bahaghari’t kausap ang kanyang prinsesita o ang pinapangarap niyang maging dayang-dayang, sa sandaling ang kanyang ama’y kilalanin nang makapangyarihang Sultan ng Sulu. (Ako nama’y nakisama na rin ng kasiyahan sa bangong aking nalanghap!)
Katulad ng lahat ng di-binyagang pangahas, lalo na kung nais na magpakilala ng giting o pag-ibig- sa pinag-uukulan ng dakilang damdamin, si Tulawi’y di man nabahala na ang bapor ay nasa malalim nang panig ng karagatan at sa kalalimang ito’y naglipana na ang mga dambuhala sa tubig.—Tulawi! -- at iniwasiwas ni Marina ang kanyang panyolito.
Naulinigan ko ang sigaw na muli ng kapitan at ng timonel sa gitna ng panggigilalas at pangamba ng mga pasahero sa maaaring mangyari pag nagkataon, sa binatang moro.
Sa wakas ay umalinsunod din si Tulawi sa dapat na mangyari. Bumitaw siya sa pagkakakapit sa sasakyang-dagat sa dako ng timon at pasirko pang sumisid sa karagatan. Noo’y malamlam na ang araw. Mandi’y may balitang patungo sa pagsama ng panahon. At, ang mga langay-langaya’y nagsisipaghabulan na sa abuhing himpapawid.
Pakiwari ko’y, sa paglangoy ni Tulawi’y nakasagupa ng isang maitim na bagay na nang makaiwas siya'y iyon pala’y maninilang pating. Binilisan niya ang paglangoy, sa pangambang baka siya pagbalikan pa ng dambuhala. Matapos ang mabilis na kampay ng kanyang mga kamay ay unti-unti siyang nanghina at inabot ng pulikat. Sumigaw siya subali’t nilunod lamang ng malakas na hangin ang kanyang tinig, itinaas niya ang kamay, datapuwa’t walang nakapuna man din kundi ang mga dahon ng niyog sa malayo pang pampangin na kukunday-kunday lamang sa hanging-habagat. Sa wakas ay namulikat ang kanyang mga paa. Hindi na siya gaanong nakagalaw! Noon niya nagunita si Marina, kaya’t sumigaw nang ubos-lakas. -- Marina! – at tuluyan nang lumubog.
Ang mga bulubok ng tubig ay kaakit-akit sa malamlam na dapit-hapong nakiki-ugali man din sa mga huling pangyayari. At, makaraan ang ilang saglit pang pagkatigatig ng kabughawan ng tubig na naging abuhin na rin sa kalamlaman ng dapit-hapong yaon, ay lumaganap naman ang kapulahang nagbabalita ng malungkot na wakas ni Tulawi. Pagkatapos, ay may umigtad sa tubig . . . igtad na mapagtagumpay ng isang maninila sa karagatan!
. . . At parang pinagtiyap ng Tadhana, sa sariling kamarote ng bapor, si Marina’y nagdarasal nang matiyak na yaon na ang oras ng “Angelus”. Sa kalagitnaan ng kanyang dasali’y kinuha ako sa dibdib, akong makinis kaysa perlas at may bughaw ng dagat, bago hinagkan saka ipinagpatuloy ang dasalin.
Lingid sa kaalaman ni Marina’y may namatay na bayani sa kalamlaman ng dapit-hapon sa gitna ng karagatan – isang bayani ng pag-ibig na nakatagpo ng langit sa kanyang kagandahan.
At, parang himala ng pagkakataon, ang kinalibingan ng bayani’y walang iba kundi ang pook kong sinilangan - akong isang dating susong naging sangla ng kanyang mataos na pag-ibig . . . ang kabibing may kinis ng perlas at bughaw ng tubig ng dagat sa Timog.

Dapit-hapon ng Sining
Ni Alberto Segismundo Cruz
(Bulaklak, Abril 28, 1954)
Bawa't buhay natin ay mayroong Silangan, nguni't nagwawakas sa kanyang Kanluran.
— Aalis ako, Sinang, tunay. . . nguni't inaasahan kong ikaw ay mananatili ring may pananalig sa aking pag-ibig. --
— Selmo, pinalulubha mo lamang ang damdamin ng aking puso. Buhat nang makilala ang iyong kadalubhasaan sa pintura, nababatid kong iba na ang iyong daigdig. Higit sa akin ay may lalo kang minamahal! --
— Hanggang sa pagpapaalaman natin ay naninibugho ka pa, Sinang? --
— Oo, Selmo, naninibugho ako sa Sining, sapagka't iyan ang una mong pag-ibig... --
— Sinang! --
Nagkahiwalay ang dalawang magsing-ibig sa himpiIan ng tren ng nayong Manggahan. Nangingilid ang luha sa magagandang mata ni Sinang, lalo na nang kumilos ang sasakyan sa daang-bakal at samantalang ang buong nayon, sa pamamatnugot ng tininte Selo ay naghatid at naghayag ng hangarin sa magandang kinabukasan para sa anak ng Manggahan -- ang itinuturing na henyo sa pintura ng lalawigang Plaridel.
Nang ang kahuli-hulihang bahid ng usok ay mapawi sa himpapawid sa pagkaka-habol ng pananaw ni Sinang, ang dibdib naman niya ang nagsisikip; sa ilang saglit lamang ay nawalan ng malay-tao.
Kamakailan nga ba lamang, silang dalawa rin ang nagsisinaya sa mga sandaling ginto ng kanilang kabataan. Malimit silang magparaan ng oras kung Linggo at araw na pangilin sa baybay-ilog. Doon ay umuupo sa isang batong-buhay siya, si Sinang, samantalang siya naman, si Selmo, ay hawak ang pinsel at sa harap ng “lienzo” ay isang buhay na “Mona Lisa” ang larawan ng Mahal na dalagang pinapanata ng kanyang puso.
Akala ni Sinang noon ang ginawang iyon ng kanyang kasintahan ay para sa kanya lamang . . . alaala lamang ng pagmamahal upang magkaroon ng katibayan ang panahong ginto ng kanilang pagsusuyuan. Akala nga niya'y mga likha lamang iyon ng malaking hilig ni Selmo sa pintura na dahilan pa ng kayamutan ng ama nitong si Tata Inong na ang pagkakakilala sa isang pintor ay walang kabuluhan, lalo na sa nayon at lalawigan man, sapagka't bihira ang nangangailangan ng mga likha sa pintura.
Datapuwa't nang minsang mapatanghal ang isang likha ni Selmo nang magtanghal ang mga nag-aaral sa “Trade School”, sa tanghalan ng pampaaralan sa bayan, sa tagubilin ng punong guro, ang mga tinatawag na kritiko sa sining at ang ilang panauhing nagkakataong napadako roon ay nanggilalas at humanga sa larawang may pamagat na “Sa Baybay-Ilog”.
— Kay Amorsolo ito! — anang isa.
— Hindi! Kay Pineda! --
— Pupusta ako kay Dela Rosa iyan! — sabad ng isa.
Kaya't nang makilala nila na ang may-likha ay isang binatang taga-nayon, ipinagtanong kapagdaka ang kinatitirahan hanggang sa mapagkilalang talagang si Selmo ay may ipinangangako.
Ang pagkakataon ay nagbukas ng bagong pangitain sa ating binata. Sa sumunod na pagpapanayam ng mga puno ng paaralan saka ng ilang tagatangkilik ng sining sa Maynila, ay napagkayariang bigyan ng pagkakataon si Selmo na makapagpatuloy ng pag-aaral sa “Bellas Artes” sa Maynila, hanggang sa siya'y makapaghanda sa pagpapaka-dalubhasa sa Paris at sa Roma.
Ang mga pangyayaring iyan sa kabanata ng buhay ng binatang pintor ay mga hibla ng alalahaning nakintal sa isip ni Sinang at
nang ang dalaga'y mawalan ng malay-tao ay siya pa ring ginugunita niya. Nang mapamulat ang dalaga ay nasa kandungan na ng kanyang minamahal na magulang at kapatid, na nagpala agad sa dalaga.
— Ano ang nangyari sa akin, Inang? — pataka pang tanong ng dalaga.
— Wala, anak, marahil ay nainitan ka lamang lubha. --
Kapagdakang dumating sl Selmo sa Maynila ay sumulat sa kanyang mga magulang at kay Sinang. At, ang kaugaliang ito ay nagpatuloy nang kung ilang buwan pa. Datapuwa't nang makilala ni Selmo ang anak na dalaga ng kanyang kasera sa San Sebastian, si Delila, isang bagong daigdig ang nadama niyang kinasayaran ng kanyang mga paa.
Kasunod nito ang paglimot na sang-ayon sa isang makatang Kastila ay “Amor es Olvidas”. At ang nakapagpalubha pa sa mga pangyayari ay ang pagkakakilala niya sa ilang dalaga at binata, na sadyang alagad ng sining: nagpupuyat, sa “night club”; nagpaparaan ng mga sandali sa mga “bar” at palamigan; nagsisipagsayaw sa himig ng mga tugtuging makabago, sa paniwalang ang daigdig ay isang “tio vivo” lamang, inog nang inog, samantalang patuloy ang tugtugin, ang halakhakan, ang takbo ng mga pangyayari, ang lakad ng buhay na mahiwaga sa daigdig ding ito ng mga makasalanan.
— Kung hindi ka iinom at tutungga, — tukso ng isa niyang kasama sa “Bellas Artes”, -- hindi mo makakausap si Juan Luna.
— Kung hindi ka magsasayaw, — anang isa naman, — hindi mo mababatid kailan man kung ano ang mabuhay, sapagka't mananayaw lamang tayong lahat sa kabilugan ng daigdig na ito. --
— Kung hindi ka iibig, katulad ng pag-ibig ng isang artista, —sabi pa ng isa niyang kaibigan — kailan man ay hindi ka magkakaroon ng kaluluwang artista, at, kung iyan ay wala, paano ka makalilikha ng “obra maestro”? --
— Mabuhay kayo! mga alagad ng sining. . . — halakhak naman niya.
— Mabuhay si Selmo, ang kasintahan ni Delila! — ang sigaw ng magkakasama.
Si Selmo ay patuloy. Inabot niya ang kanyang hangad na magkatitulo, mag-angkin ng kabantugan at kaluwagan sa pamumuhay. Ilang kuwadrong naipagbili ang nagdulot sa kanya ng dalawampung libong piso. Sa ilang “paisaje” na kanyang nalikha ay nakagawa ng malaki-Iaki ring salapi, kaya't laging magugol siya sa kanyang pamumuhay sa magulong lunsod. At ang lahat ng kanyang natamo ay lalo pang nag-ibayo nang siya'y makapanggaling sa Paris at Roma.
Datapuwa't ang pinagmulan nlya - ang nayong Manggahan ay sadyang nakaligtaan. Para bagang isang maliit na kusot na papel na napailalim sa bunton ng kanyang katibayan sa pananagumpay at sa salansan ng mga salaping papel na kulang lamang sa silaban, kung inaabot siya ng kalasingan, at halos ay pagkabaliw.
— Ito ang buhay ... Ito ang buhay! . . — malimit niyang isigaw na waring wala nang katapusan ang lahat sa kanya noon.
Datapuwa't matulin at mabilis ang takbo ng mga pangyayari sa daigdig. Dumami ang mga bagong tuklas. Lalong nag-ibayo ang kaunlaran ng “Fotografia”, ang pagkuha ng larawan. Kasabay nito, ang pintura ay napasukan na ng malaking pagbabago, isang tunay na paghihimagsik sa larangan ng sining sa pamamagitan ng mga guhit at bilog. Lipas na ang paggamit ng mga kulay . . . ng mga larawang halos ay katulad ng sa “Fotografia”. Kasabay nito'y nabago na rin ang pangitain ng mga alagad ng sining na nahumaling sa aninong gumagalaw . . .
Kaya't sa malaking gugol ni Selmo sa araw-araw ay inabot na niya tuloy ang manghiram sa mga dating kasama na naghihirap na rin. Si Delila naman sa mga araw na ito ay para nang Iumalayo sa kanya, at sa katotohanan, ay nagpapasakit pa man
din sa kanya sa pagsamang malimit sa isang binatang mestiso, na di umano'y ahente ng mga makabagong automobil.
Habang may barya pang tumutunog sa kanyang bulsa ay hindi siya nakalilimot sa alak. At ang pagtungga niya sa mga araw na ito ay lalo pang lumulubha upang malimot, di umano, ang damdamin ng kanyang kaluluwa.
Isang dapit-hapon, paglabas niya sa isang “bar” ay bigla siyang napadupilas. Sa pagkakadupilas niya ay nagtawanan ang mga nakapansin, kabilang ang ilang dalaga.
Yamot na yamot siya sa nangyari. Halos minura ang may “bar”, sa pagpapabayang maglinis sa dinaraanan ng mga suki. Nguni't ang may-ari ay nagpaliwanag.
— Amo, hindi po kalat dito sa amin iyan. lyan po'y naiwan ng
nagtitinda. --
— Naiwan? — pagalit niyang tanong, bago dinampot ang naging sanhi ng kanyang pagkadupilas.
Isang balat ng mangga. Balat sa pisngi ng isang manggang nahinog sa pausok.
— Mangga! Diyos ko! — at nasambit niya ang banal na kataga sa unang pagkakataon, makalipas ang ilang taon. Saka niya nagunita ang alalahaning nawala sa kanyang isip - sa kanyang diwa, sa kanyang puso. 0o, ang Manggahan. May mga suIat siyang hindi man lamang binuksan ang sobre. May galing sa kanyang ama, sa isang kapatid at sa. . . marahil ay kay Sinang. 0o, kay Sinang, kaya't biglang kumirot nang matindi ang sugat ng kanyang puso.
— Ah! si Sinang ay lumimot na sapagka't nilimot ko na siya. Marahil ay may asawa na. Kay tagal na! — nasabi niya sa sama ng loob.
Sa di-kawasa'y may mahabagin ding nakapaghatid sa kanya sa kinatitirahan. Sa buong magdamag ay nakapangyari sa katauhan niya si Morpeo at ang pangarap, palibhasa'y masidhi ang kalasingan niya nang nagdaang gabi. Napangarap niyang patay na ang kanyang mga magulang, napupoot ang kanyang kapatid at isinusumpa siya ni Sinang. . .
— Ah! Bathala ko. . . mabuting bawian na Ninyo ako ng buhay, — nasambit niya sa kawalang-pag-asa. Sa isang lihim na taguan niya ay may nalalabi pang “Canadian Club”. Ito ang lunas. . . at pagkatungga, ay parang baliw na nagtatakbo sa daan, nagsisigaw. . . humihingi ng kapatawaran. . . nananambitan. . . nananaghoy. . .
Kaya't nagpasiya ang mga alagad ng batas na ihantong siya sa nararapat na hantungan; sa pagamutan ng mga baliw.
— Ni dito'y hindi siya nararapat, — anang puno ng pagamutan.
— Hindi slya baliw lamang, kundi isang asong ulol! . . --
At ang pamamaraan sa paglulunas na inilapat sa kanya ay nawalan ng saysay lamang. Hindi nagkakabisa sapagka't tunay siyang ulol: hindi na nakatatanggap ng pagkain at inumin.
— Hindi siya magtatagal, — anang punong-manggagamot, bago umiling at ibinaba ang paningin.
Dumating ang balita sa Manggahan.
Agaw-buhay sa pagamutan ng mga baliw si Selmo. Buhay pa rin ang mga magulang at kapatid ni Selmo, na malaon nang naghahanap sa kanya, nguni't hindi siya matagpuan sa kinatatahanan buhat nang tigilan niya ang mga “bar”. Ang treng naghatid sa kabantugan kay Selmo ay siya ring treng sinasakyan ng kanyang mga magulang at kapatid. Datapuwa't nang sila ay dumating sa pagamutan, si Selmo ay wala nang buhay. Yumao na kanya ang nagdurusang kaluluwa.
lsang malungkot na dapit-hapon nang idating ang bangkay ng dating dangal ng Manggahan. Noon din ay ililibing ang sawing-palad, ililibing na wala na ang maraming nagsipaghatid sa kanya, gaya nang lisanin niya ang tinubuang nayon tungo sa landas ng kabantungan. Ngayon ay iilan na lamang ang naghatid, at ilan sa mga ito ay isang matandang dalagang may itim na talukbong sa mukha. Sa gilid ng hukay, nang ilalapag na ang kabaong ni Selmo, ay saka siya nanambitan.
— Selmo, pinatay ka ng iyong unang pag-ibig. Ngayon ka lamang naging sarili ng aking puso. Sumalangit nawa ang iyong kaluluwa. --
Ang babaing iyon ay si Sinang. Tumakas na ang kasariwaan sa kanyang buhay, nguni't sa gayong anyo at sa pagpapakasakit sa sarili ay lalo siyang naging kaakit-akit. Matingkad na lalo ang kanyang kagandahang pinagpala ng dapit-hapon.