Wala akong kasalanan.
Wala lang akong nagawa.
Ni Harold Inacay
"Biel! Biel! Lintik ka talaga no?"
"Ano na naman ba 'yan Nestor? Ayoko ng makipag-away! Aga aga."
"Anong ayaw? E gaga ka pala e! Almusal na, wala ka pang luto!"
Mga eksena sa buhay ni Biel. Isang simpleng may bahay na nagtitiis sa kalive-in n'yang si Nestor. May tatlong taon na silang nagsasama sa isang apartment sa may Caloocan. Ako naman, ako 'yung lagi n'yang kinakausap, lalo kapag may problema s'ya. Nasa iisang bahay lang kami pero ni minsan di ako kinakausap o pinapansin ni Kuya Nestor, pero 'di ko s'ya masisisi.
Noong ika-7 ng Agosto noong 2005, nagkakilala sila sa may Monumento. Kinuwento sakin lahat ni Ate Biel. Trabahador kasi si Ate Biel sa isang Ukay-ukay don. Si Kuya Nestor naman, isa lang tambay sa Monumento, tagatanaw lang ng mga umiikot na sasakyan sa paligid ng Monumento. Pero nagbago ang timpla ng buhay ni Kuya noong nakita n'ya si Ate Biel noong araw na 'yon. Doon na nagsimula ang ligawan, paglabas-labas, at hanggang umabot na sa pakikipaglive-in.
Mga 2007 ako napunta sa bahay nila. Galing kasi akong probinsya, pero `di ko na ikukuwento ang mga pangyayari kung bakit ako napadpad don.
"Biel! Halika nga rito." ika ni Kuya Nestor habang nakaharap sa computer nila malapit sa kinatatayuan ko noon.
"Bakit Nestor?"
"Kuhanin mo nga 'yung wallet ko sa ibabaw ng cabinet natin. Kunin mo dun 'yung mga resibo."
"Oh sige, ano naman gagawin mo dun?" tanong ni Ate Biel.
"Kunin mo nalang, dami mo pang tanong!"
Pumasok si Biel sa kwarto at hinanap ang wallet ni Nestor. Wala sa ibabaw ng cabinet. Wala sa may TV. Wala rin sa bulsa ng pantalon n'ya. Hinanap nalang n'ya ito sa damitan ni Nestor. Doon n'ya nakita ang nakatagong kwarenta'y singkong baril.
"Bakit kaya may baril si Nestor?" sa isip ni Biel.
"Asa bulsa ko pala wallet ko. Wag mo ng hanapin" sigaw ni Nestor mula sa may sala.
Naging balisa si Biel dahil sa nakita. Alam n'yang delikado ang bagay na
'yon lalo pa't hindi ito lisensyado.
Makalipas ang ilang araw...
"Tao po!" tawag ng isang lalaki na nasa labas habang kumakatok.
"Sino po sila? Sandali lang maghugas lang ako ng kamay" sagot ni Biel mula sa lababo. Pagkatapos n'yang maghugas, pinuntahan n'ya ang tao sa labas pero wala na ito. Hindi ko naman s'ya nakita noon kasi asa may kwarto ako nun. Wala si Kuya, asa trabaho s'ya at stay-in sa may Guadalupe.
Maggagabi na noon, mga ala-singko y medya. Nakatulog noon si Ate Biel sa may sofa. May kumatok uling lalaki sa pintuan. Hindi pa nakatatayo si Ate, pumasok na ang lalaki na may suot na sumbrero at maong na jacket, sabay sakal kay Ate Biel. Sobrang natakot ako nun na talagang hindi ako makaalis sa pwesto ko.
Binuhay ng lalaki ang radyo at pinalakasan ito ng todo. Sobrang naawa ako kay Ate. Kinagat n'ya ang kamay ng lalaki at sabay pasok sa kwarto at inilock ito. Bago pumasok ng kwarto, hinarangan ako ni Ate ng kurtina para di ako makita ng lalaki.
Pilit pinapasok ng lalaki ang kwarto. Naalala ni Ate ang baril sa damitan ni
Kuya at kinuha ito. Isang segundo lang ang bilis ng pagtutok ni Ate sa lalaki
pagkatapos buksan ang pinto. `Di ko na talaga alam ang gagawin ko. Wala akong magawa!
Sabay sipa ng lalaki sa may bandang t'yan ni Ate at kinuha ang baril. "Hindi ako aalis hangga't di ako nakakaganti kay Nestor! Pinatay n'ya ang anak ko. Gago s'ya!"
Kinuha ng lalaki ang patalim sa may bewang n'ya at itinutok sa leeg ni Ate. `Di pa nakuntento ang lalaki at hinubaran si Ate Biel ng suot. Di ko na magawang tumingin noon. Ayoko ng nangyayari! Narinig ko nalang ang pagmamakaawa ni Ate.
"Parang awa mo na, WALA AKONG KASALANAN! WALA AKONG KINALAMAN!" sigaw ni Ate.
"Sandali lang `to, wag ka ng pakipot." ika ng lalaki at inikot ng dila n'ya ang
paligid ng kanyang labi.
"TAMA NAAAA!!!!!!!! PARANG AWA MO NA!!!!!!!!" pagmamakaawa ni Ate Biel.
"BANGG!!!"
Isang ingay ang nagpatahimik ng lahat. Sabay takbo ng lalaki palabas ng bahay. Nakita ko ang lahat. Nakita ko ang dugong tumutulo mula sa may ulo n'ya. `Di ko makakalimutan ang itsurang pumatay kay Ate Biel.
Gusto kong gumanti. Gusto kong sumigaw. Wala akong nagawa... kasi... isa lang akong hamak na MANIKA!

MALAGIM NA UMAGA
Harold Inacay
Ilang araw na naman ng exam. Kailangan ko na namang mag-aral sa Geometry. Bagsak ako nung first grading e, baka pagalitan na naman ako sa bahay, hahay. Nahihirapan talaga ako sa math na 'yan, bakit pa kasi nauso 'yun? Heto at pauwi na ako mula sa school. Natapos na namin ang Araling Panlipunan, EKAWP, at Chemistry. Nakakapagod talaga 'to. Ayoko na! Siguradong mahaba ang itutulog ko nito mamayang gabi.
"Sheryl, kumain ka muna ha, baka makatulog ka na naman ngayon ng 'di nakain." sigaw ni Nay mula sa banyo.
"Okay! Ano bang ulam natin?" tanong ko habang paakyat sa hagdanan.
"Asa mesa 'yung Adobong tira ni Jeboy, pagkasyahin mo nalang, napapagod na akong magluto." sagot ni Inay na parang idinaan sa sama ng loob ang lahat para 'di na ako makaangal.
Pagkatapos kumain...
Kailangan ko ng matulog. Alas-kwatro pa ang gising ko bukas. Exam na naman 'to.
zZzzz....
Gising na ba ako? hahay, nakatatamad talaga 'to. Dali dali akong pumunta sa banyo para maligo, nagbihis pagkatapos at kumain.
4:47AM na kaagad, malayo pa lalakarin ko.
Tinahak ko ang daan patungong school. Medyo 'di pa ganoon kaliwanag ang paligid. Ramdam ko ang lamig sa paligid kasabay ng pagtulo ng hamog mula sa mga dahon ng napakalaking Narra na humaharang sa liwanag ng papasikat na araw. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng panglaw. Hinihintay ko ang araw pero parang napakatagal nitong sumikat.
Pansin ko ang katahimikan ng umaga. Sa barrio namin, hiwahiwalay ang bahay. Malayo ang kasunod mong kapitbahay. Malayo na ang nalalakad ko pero bakit ganoon? May iba sa paligid. Dapat kasi nagpahatid ako kay Tatay kaso marami pa pala s'yang ginagawa kanina. Nasa may tapat na ako ng lumang bahay. Ito ang pinakakinatatakutang lugar sa amin. Isa s'yang lumang bahay, walang bubong, at punong puno ng ligaw na halaman ang mga pader nito. Pinagpapawisan ako ng malamig. Pumikit ako sa takot at naglakad. May kadiliman pa rin noon ang paligid. Pagmulat ko, napasigaw ako sa takot. Bakit andito na naman ako sa tapat ng bahay na 'to?
Nakita ko ang isang lalaking nakatayo sa may likuran ng bahay. Nakatalikod ang lalaki na parang may tinitingnan kung saan. Napatigil ako at pinagmasdan ang galaw ng lalaki. Naglakad ako ng kaunti upang makita ng maayos ang lalaki. Doon ko nakita ang isang bata na hawak-hawak n'ya sa kanang kamay n'ya. 'Di ko alam kung bakit, pero tumingin ang bata sa akin. Nakaramdam ulit ako ng matinding takot.
Naramdaman ko na parang may masamang mangyayari. Naglakad ako papalayo habang nakatingin pa rin sa bata. Laking gulat ko noong pagharap ko sa harapan ko ay naandoon ang lalaking nakatayo sa may likuran. Wala ang bata. Napasigaw ako at tumakbo.... tumakbo.... tumakbo.... pero bakit? Bakit hindi ako makaalis? Tumulo ang luha ko nung mga oras na 'iyon. Lumingon ako sa lalaki at nakangiti ito sa akin.
Hindi ko makalimutan ang itsura n'ya. Lubog ang mga mata n'ya at pisngi, matangkad, moreno, at suot-suot n'ya ang damit pangmagsasaka. Parang hihimatayin ako sa takot.
Lumapit ang lalaki sa akin at hinawakan ang kamay ko. Hinila n'ya ako papuntang lumang bahay. Nakita ko noong dumaan si Mang Fred, nakatalikod na s'ya na parang nakalampas na s'ya sa lumang bahay. Tinawagan ko s'ya at nagmakaawang tulungan ako. Nagsusumigaw ako pero pagharap n'ya, ngumiti lang si Mang Fred sa'kin.
May mali sa lugar na ito. Umaapaw ang takot sa dibdib ko. Binitawan ako nung lalaki sa loob ng bahay. Andoon ang bata, may itinuturo s'ya. Nakita ko si Mang Fred, duguan at wala ng buhay. Doon ko naalala at naunawaan ang kababalaghang nangyayari.
Noong ika Hunyo 5, 1996, namatay sa bahay na 'yon ang mag-asawa at ang kanilang nag-iisang anak na lalaki. Kwento kwento ng matatanda na madaling araw noon ng pinasok ang pamilya ng 'di pa ring nakikilalang grupo ng lalaki. Minassacre daw sila pasado alas-singko ng umaga.
Bawat dumaan sa lugar na 'yon ng alas-sais ng umaga ay pinapatay nila.
Alam ko na ang kahihinatnan nito, tumakbo ako palabas ng bahay. Naiwan ko na ang gamit ko roon at ang kabiyak ng sapatos ko. Hindi ko inaasahang mapatid ako sa mga halaman doon. Kasunod ko na 'sya, palapit ng palapit. Dala-dala ang itak na puno na ang dugo, itinaas n'ya ito na parang bubwelo... sabay bagsak nito ng mabilis hanggang....
"Sheryl, alas-kwatro na. Gising ka na. Sheryl." sigaw ni Inay mula sa labas ng kwarto ko.
Tumayo akong tulala at basang-basa ng pawis. Nabasa ng luha ko ang aking unan. Pilit kong ginigising ang sarili ko sa realidad na buhay ako.
.....
Tinahak ko ang daan patungong school. Medyo 'di pa ganoon kaliwanag ang paligid. Ramdam ko ang lamig sa paligid kasabay ng pagtulo ng hamog mula sa mga dahon ng napakalaking Narra na humaharang sa liwanag ng papasikat na araw. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng panglaw. Hinihintay ko ang araw pero parang napakatagal nitong sumikat. Pansin ko ang katahimikan ng umaga -- Petsa, Hunyo 5, 2010.