Ikaw. . . Ang Gabi. . . At Ang Musika!
Kuwento ni Alberto Segismundo Cruz
(Inilathala ng Tagumpay, Nobyemre 27, 1963)
Patuloy ang galaw ng tala-orasan. Hindi na babalik pa ang nakalipas na oras, ang mga sandali’t saglit nito. Katulad ng isang kinapal, ang nakalipas sa kanya’y hindi na babalik pa, kailan man. Kawangis din ng kabataan at kasiglahan; habang gumugulang, ang sigla’y natatapos at ang kabataa’y nahahalinhan ng katandaan.
Alaala lamang ang nalalabi - ang alaalang walang pagmamaliw. Masaya man o malungkot ang alaala'y nagbabalik, kahi’t kangino man, anuman ang kanyang kalagayan, kahi’t sa anumang panahon siya nauukol at kahi’t saan mang bahagi ng daigdig siya naroroon.
Ito ang dahilan kung bakit naalaala kita. Nagunita kita sa isang panahong masasabing “iba ang takbo ng mga pangyayari” kaysa kasalukuyan. Sa isang kalagayan at katayuang ikaw ay itinuturing ko pang “kasintahan”. . .
Maseselan ang gawain sa aking tanggapan; nguni’t isang hapon, sa pagbasa ko ng isang aklat ay kung bakit nakatagpo ako ng isang katagang napagpapagunita: “Kasintahan ng Makata” . . .
Itinanong ko sa aking sarili kung ano ang kahulugan ng katagang iyan sa aking buhay. Kailan naging mahalaga iyan sa aking·pagkatao. Kailan napaugnay iyan sa aking palad! At, sumagot ang Alaala ng Nakalipas – ang tinig ng yumaong kabataan.
Inihatid ang larawan mo, noon, sa akin. IKAW! Ikaw, na pinag-ukulan ko ng mga liham na sinasapian pa ng mga tulang hindi ko ipinalalathala sa mgapahayagan o lingguhan. Ibig kong ikaw lamang ang makatunghay ng mga tula kong iyan – ng mga tulang tigib sa mga pangakong makatibokpuso at makapukaw-damdamin.
Buwan ng mga bulaklak, at panahong mainit ang araw hanggang dapit-hapon, datapawa’t umuulan kung gabi. Kaya't ang mga kamya't sampagita'y namumulaklak na rin sa Laguwerta ng Kabulusan. At, isang gabi ng Mayo, nang tanghalin kang Reyna ng mga Bulaklak, ako pa ang minarapat mong magputong ng isang korona ng mga piling bulaklak din at nagsabit pa sa may gatla mong leeg ng tatlong kuwintas ng sariwang sampagitang may palawit na ilang-ilang at rosal. Hindi naglaon ay napaiba na kayo ng pook, bagaman nasasaklaw din ng purok na kapuwa natin nilakhan . . . hanggang sa tayo’y ganap nang papaglayuin ng Tadhana!
Isang GABI . . . nabilang ko na ang maraming taong nagdaan. Naging sali-salimuot na ang takbo ng mga pangyayari sa lungsod at sa nayon; naghalili na ng tahanan at pook ang mga tao; nasa iba nang kalagayan sa buhay ang marami, kabilang na ang aking mga dating kababata’t kamag-aral . . . saka kita natagpuan sa isang anyo’t ayos na ibang-iba na kaysa dati; kalansay ka na ng isang kagandahang hinangaan at sinamba-samba sa panahon ng iyong kasariwaan at kayamungmungan . . . sapagka’t isa ka nang pangit ngayon; isang inang namumutla’t nangangayayat; kalung-kalong ang pasusuhin mong bunso, bukod sa may isa pang musmos na nasa iyong piling. Sa ayos ninyong mag-iina’y nakalarawam amg karalitaan.
“Bumili na kayo ng swipisteks, Mama, Ale. Sa Linggo na ang bola. Naririto na ang inyong kapalaran,” paos na turing mo, nguni’t narinig kong iyan ang sinasabi mo sa nagdaraan.
Nagbuhat ako sa simbahan, noon. May “novena” sa Ina ng Awa.
Palibbasa'y nagmamasid-masid pa ako sa paligid ng patyo, malapit sa dating pook ng aking kabataan, kaya’t ako’y nakaratng sa dako ng mga nagtitinda. Nagmamasid ako noon sa galaw ng buhay at kilos ng mga tao. Inibig kong mabatid kung ano ang buhay sa isang panig ng purok na aking nilakhan. Bukod sa maliwanag ang mga dagitab ay kabilugan pa rin ng buwan. Maaaring matalas lamang ang aking paningin, kaya’t nakilala kita. Maaari namang matalas din ang iyong mga mata, sapagka’t kapagdaka’y tumindig ka’t tumigil sa pag-aalok ng mga tiket ng swipisteks; binalot sa lampin ang iyong bunso’t binatak na ang kamay ng musmos na nasa iyong piling. May tangka kang lumayo! Natakot ka sa Alaala ng Nakalipas, na ngayo’y sugat ng alaala sa iyong dibdib.
Datapuwa’t hindi koi big na makaraan ang pagkakataong yaon. Malaon na rin kitang ibig ma-kumusta. Makita, bagaman hindi na gaya ng dati. May nakapagbalita sa akin na ikaw’y nag-asawa na, diumano. Magkaiba na ang ating daigdig at kalagayan. Kaya’t sa ilang hakbang pa’y nasabi kong . . .
“Ale, bigyan ninyo ako ng dalawang tiket.”
Iniabot mo sa akin ang librito, bago sinabing: “Pumili na kayo, Mama,” kasabay ang isang tuyot na ngiti, bagaman sinadya mong huwag nang ititig sa akin ang malalalim mong mata.
“Pakiusap ipili na ninyo ako ng dalawa,” tugon ko naman agad, saka inilabas ang dadalawahin buhat sa aking lukbutan. Pagkatapos. . .
“Hindi ba Rosita ang inyong pangalan? Huwag sana kayong magagalit!’ usisa kong may bahagyang alinlangan.
“Rosita?” pamangha mong tugon, nakababa pa rin ang paningin. “Nagkakamali kayo, Mama; marahil ay nakakahawig ko lamang ang Rositang iyon.”
Hindi na ako kumibo. Nagbayad na ako agad, pagkaabot sa dalawang tiket saka mabilis na lumayo sa pook.
Wala pang isang oras ay nakarating na ako sa loob ng aming bakuran. Napuna kong nakangiti pa rin ang mga alagang rosas ng aking maybahay na nasa iba’t ibang kulay na paso at nakahanay sa sariling hardin. Pag-akyat ko sa hagdanang bato ay naulinigan ko agad an gaming radio, na bagaman ipinagbabawal kong huwag na munang patugtugin, sapagka’t may kapitbahay kaming may karamdaman, ay pinatugtog din pala ng malikot kong anak na binatilyo. May isang awit – isang awit ang aking narinig na parang sumasalubong sa aking pagdating – ang makabagong himig na . . .
You, and the Night, and the Music . . .
Pinihit ko upang “mapatay” ang tinig. . . ang musika na nagbubuhat sa aming “radio set”, subali’t. . .
Naririnig ko pa rin ang Tinig ng Kabataan at ang kasariwaan ng katawan, ng puso’t kaluluwang ngayo’y isa nang Kalansay ng Kahapon. . .

Dalawang Bulaklak sa Iisang Tangkay
Alberto Segismundo Cruz
(Liwayway, Marso 15, 1940)
Si Lita at si Claudia ay hindi “magkapatid na kambal”. Maglalabing-waluhing taon ang una at katutuntong pa lamang sa ikalabing-anim ng ikalawa. Subali't ang magkapatid ay magkatulad sa kagandahan — magkahawig ang mukha, ang balat-sibuyas at saka ang anyo at kilos na anaki ay katugma ng musika. Sa malayo ay sadyang mahirap na matiyak kung “sino ang sino” sa kanila; sa malapit ay saka lamang mapagsusuri ang bahagyang kataasan ni Lita, datapuwa't sa isang tinitibukan ng pag-ibig, ang bagay na ito ay hindi na rin mapapansin.
Minsan lamang sila nagkatulad ng damit — sa tabas at sa kulay. Noong ipagluksa ang isang amain nila sa lalawigan. Noon, lahat nang nakamasid at nakakilala sa kanila ay nagkaroon ng hinagap na sila ay kambal — magkabiyak na bunga ng pag-ibig!
Katakataka nga naman ang magkapatid na ito. Ganap na nagkakasundo. Laging magkasama sa lakad. Hindi nagkakahiwalay sa gawain. Ang kinakain ng isa ay masarap ding pagkain ng ikalawa. Ang pangarapin ng ikalawa ay nasa balintataw din at mataos na hangarin ng una.
Sa paaralan, simula nang sila ay tumuntong sa unang baytang pa lamang ng primaria hanggang sa unibersidad, ay lagi silang nagkakasabay sa pagpasok, at maging sa pag-uwi ng tahanan, bihirang hindi sila nagkakasama.
Palibhasa'y magaganda sila, kaya't hindi mabilang na mga binata ang gumawa ng daan upang sila ay makakilala at maging kabatian. At, sa pag-alinsunod aa karaniwang takbo ng mga pangyayari, marami sa mga ito ang tahasan nang nagsiligaw. May nagpapahatid ng iba't ibang uri ng sulat. May nanunuyo sa iba't ibang paraan. May ilang isinusumpa ang langit at lupa.
Subali't ang dalawa ay nagtatawa lamang kung sila ay napag-iisa na. Ang sulat ni Lita ay ipinababasa kay Claudia; ang liham na tinanggap ni Claudia sa isang nangingibig ay ipinatutunghay kay Lita. Naroon ang kung minsan ay pagsaluhan nila ang kahon ng malilinamnam na kendi na handog o alaala ng isang kaibigan at nangingibig. Naroon naman, kung minsan, ang paghatian ang ano mang “alaala”, halimbawa ay panyolito na ipinagkakaloob ng isang binata sa sino man sa kanila.
Dumating sa di-kawasa ang isang pagkakataong hindi nila hinihintay Nang magtapos sila sa kanilang pag-aaral; si Lita ay sa “education” at si Claudia ay sa “home economics” — minarapat ng kanilang ama at ina na sila ay handugan ng isang piging at sayawan sa kanilang tahanan sa isang mataong purok ng siyudad. Palibhasa'y kilalang-kilala sila, at napalagay pa sa pitak ng lipunan ang pagkakataon, kaya't kay-dami ng mga dalaga at binatang nagsidalo, bukod sa iba pang matataas na pinuno sa pamahalaan.
Sa nasabing pagkakataon ay napadalo hindi lamang ang may paanyaya, kundi pati ilang kaibigan o kamag-anak ng mga inanyayahan. Nakarating silang lahat sa tahanan ng magkapatid o sa tahanan ng mga Gumersindo. (“Gumersindo” ang kanilang apelyido.)
Isa sa mga binatang napansin ng magkapatid sa pagtitipon at sayawang yaon ay si Angel Ramiro. Noon ay nakaterno siya ng kremang kordakol at naka-kamisadentro na kulay dalandan at korbatang may patakpatak na pula na kahawig ng panyolito sa tapat ng kanyang dibdib. Kulot nang bahagya ang kanyang buhok na nahahawi na alanganin sa gitna at may kaunting kislap ito, nguni't hindi likha ng pomada. Minsan ay nagsayaw siya at noon lamang napansin ang kanyang sapatos na abelyana na ang dulo lamang at saka ang sakong ang may “pangiting” puti.
Madaling matiyak ang loobin ng binatang ito. Sa katotohanan ay naging kaakit-akit sa mata ng lahat sa gabing yaon lalo na sa magkapatid na Lita at Claudia. Paano'y hindi siya magaslaw, bihirang ngumiti at nais pa ang magmasid. Kung hindi kausapin ng ilang kaibigan ay hindi man lamang magsalita; at kung hindi pa pilitin ay ayaw na makipag-agawan sa pagsasayaw, gayong may mahigit sa isang dosena ang maririkit na dalagang nakahanay sa pagkakalikmo sa bulwagan ng tahanan.
Noon pa lamang, ang mapaglarong si Kupido ay naghagis na ng palaso sa puso ng mga dalaga, subali't ang palaso ay kung bakit naglagos nang malubha sa dibdib ng dalawang magkapatid at siyang sanhi at dahilan ng pagtitipon at sayawang yaon.
Si Lita ay nagpasiya noon din na makilala ang binata; si Claudia ay gayon din. Halos magkasabay silang dumako sa panig ni Ana, isang pinsan ni Angel, na nagsama rito sa pagkakataon upang magkaroon ng dahilan na sila ay makilala at kung maaari ay makasayaw ng binata.
— Claudia — ani Lita, nang mapansing nakikipag-unahan si Claudia sa kanya . — Harapin mo ang ilan nating bisita doon, — at itinuro ang nangakahanay sa gawi ng piano.
— May kailangan lamang ako, ate, kay Ana, — wika naman ni Claudia, at saka ngumiti nang makahulugan.
Noon pa lamang ang magkapatid ay nagkahalataan na, bagaman, hindi naging gaanong malubha, palibhasa'y nangyaring makapagpauna si Ana na bumati sa kanila.
— Naku! Mapapalad kayo, — ani Ana. — Tapos na ngayon sa inyong kurso. Makikinabang na kayo sa inyong napag-aralan.
— Ang lagay ay mabuti-buti at mapapahinga na kami ng kapapasok, araw-araw, — ani Lita.
— lyan ang mahirap ngayon, Ana, — ang saad naman ni Claudia — kailangan na ang maglingkod naman kami sa aming mga magulang; nguni't kung paano namin matatagpuan ang paraan upang makapagtrabaho ay siyang suliranin ngayon.
— Ow! — ani Ana, — Itong si Claudia ay bata pa nga. Ano at iisipin mo agad ang maghanap-buhay. Hindi mo naman kailangan ang magmadali, Hindi ka naman humahabol sa biyahe. — At natawa na lamang si Claudia at saka si Lita. . .
Natigil ang orkesta. Narinig ang mga palakpakan: Naibigan ng mga panauhin ang “La Marcornadora”. Kaya't ang masipag na orkesta ay nagpatuloy.
Sa sandaling ito ipinakilala ni Ana ang kanyang pinsang si Angel sa magkapatid. Anopa't si Angel ay nagayuma at hindi malaman kung sino ang aanyayahan sa pagsasayaw. Gayon man, siya ay isang matalinong binata, kaya't hindi maaaring hindi niya malusutan ang suliranin.
— Isasayaw ko muna kayo, kung pahihintulot ninyo! — at saka minasid at tinitigan si Lita. — Kung hindi naman magiging pangit at kalabisan, sa kapahintulutan din nila, ay nais ko rin naman sanang makipagsayaw! — at saka minasid naman si Claudia.
Si Lita ay kumapit agad sa bisig ni Angel. Nadama niya nang mga sandaling yaon ang ganap na kasiyahan. At, palibhasa'y nasa panahon na siya ng matitimyas na panagimpan, si Lita ay naniwalang “maaaring mahulog” sa kanyang patibong ang binata. Umiibig, marahil, ang binata. lyan ang nasa loob niya.
Nang natapos ang tugtog, halos ayaw pang humiwalay ni Lita, subali't inihatid agad siya ni Angel sa luklukan sa tabi ng pinsan nitong si Ana, at saka nagpasiyang tuparin ang naipangako kay Claudia naman.
Si Claudia ay tumingin muna sa kanyang ate, at saka ngumiti. Marahil, ay naniniwala noon si Claudia na si Angel ay may “lihim na damdamin” sa kanya. Sa katotohanan, gaya ni Claudia, ay may malaki siyang
pagnanais na makapalagayang loob agad ang binata, dangan nga lamang at magiging napakabilis sa isang babai na magbukas ng daan agad sa isang binatang gaya ni Angel.
Nang maglaho ang liwanag sa bulwagan ni Terpsikore, walang nalabi kundi ang malamlam na ilaw na bughaw sa silid ng magkapatid. Noon ay abala sila sa paghuhubad ng damit na isinuot sa pagkakataon, at nagsisipagpahid
ng pawis, upang makapaghanda sa pamamahinga. Kung ang sino man ay nasa pagkakataong sinundan at makasusubaybay sa magkapatid, walang pagsalang maghihinuha na simula na noon ay talagang nagkasira na nga ang itinuturing na “magkabiyak na bunga ng pag-ibig”.
Si Lita ay nagbihis nga ng kanyang damit sa pamamahinga nang hindi kumikibo kay Claudia. Ito naman ay nagbihis din at nagpalit ng kanyang kasuutang ginamit sa piging at sayawan nang hindi man lamang nag-uusisa kahi't ano sa kanyang kapatid. Anopa't mahihinuha na sa kanilang isip ang matitimyas na gunitaing nakalipas ay nananatili pa. At ang lalong malubha, ay ang pangyayari na simula sa pagkakataong yaon nang makatagpo nila ang kanilang “Prince Charming”, hindi na sila nagkaimikan na gaya ng dati. Subali't anong pait na biro ng pagkakataon! Umiibig si Lita sa iniibig ni Claudia; lihim na naninibugho si Caludia kay Lita nang wala pa man lamang gahanip na dahilan upang manibugho ito sa kapatid niya.
Kung ang Gabi ay mapaghimala, marahil ay itatambad nito sa paningin nila nang sila ay nahihiga na sa katre na si Kupido — ang malikot na anghel ng Pagibig — noon, ay nagtatawa... humahalakhak lamang sa kanila!
Si Claudia ay hindi nakatulog na mabuti. Si Lita naman, sa tabilang dako, ay hindi mandin sinagian ng antok. Sa malas, ay talagang hindi sila talagang makakatulog nang gabing yaon. Dumalaw sa kanila, sa unang pagkakataon, ang mga unang bugso ng kalungkutang kaakibat ng kanilang lihim na dinaramdam.
Kinabukasan, nang sila ay mag-agahan, napaghalata ng kanilang ama at ina ang kanilang panglalata. Sa katotohanan, ay masakit kapuwa ang kanilang ulo at lalong pumungay ang mga mata nila, sapagka't ni hindi man lamang napahinga kahi't isang oras hanggang sa magbukang-liwayway.
— Mabuti ang kayo ay magpatuloy sa pamamahinga! — ang payo ng kanilang amang mangangalakal, si Don: Mateo, na nakahalata waring nais pang mag-pahingalay na muli ng magkapatid.
— Lalong bibigat ang katawan ninyo! — pakli naman ni Niyora Teang, ang kanilang ina. — Mabuti ay maligo kayo ng mainit na tubig na may kanangga.
Ano pa't natapos ang pag-aagahan ng mag-aanak nang walang ano mang mahalagang nangyari. Datapuwa't pagkatapos noon, ay lalo nang sumidhi ang lihim na pagkakasamaan ng loob ng magkapatid. Paano'y malimit nang dumalaw sa kanila si Angel. Kung minsan ay naghahatid ng mga bungangkahoy buhat sa lalawigan na parang alaala sa kanila. Kung minsan
ay naghahandpg naman ng kahon ng tsokolateng “Kisses” kay Claudia; at may pagkakataon namang, naghahandog din ng kahon ng malilinamnam na kending kulay bahag-hari kay Lita.
Sino nga kaya sa kanila ang iniibig ni Angel? Ito ang nagpasasal pa rin ng tibok ng puso sa magkapatid na dalaga. Sa malas ay magkatimbang ang pagtingin sa kanila ni Angel, datapuwa't sumagi sa alaala nila, na marahil si Angel ay hindi pa lamang nagkakaroon ng pagkakataon.
Subali't ang tumapos sa “suliranin” ng magkapatid ay ang isang "declaracion de amor" ni Angel kay Lita. Nagtapat ito ng pag-ibig kay Lita, na siyang halos ay ikabaliw nito sa kasiyahan, nguni't siya namang ipinagdamdam nang gayon na lamang ni Claudia.
Buhat na noon sa mag-aanak ay nabunyag na rin ang lihim. Si Lita ay laging masaya, laging umaawit; masigla ang katawan sa ano mang gawain. Si Claudia naman, sa araw-araw, ay napaghalatang sumasakit ang ulo, at kung tumutugtog ng piano, walang laging ipinaririnig kundi ang lalong malulungkot na tugtugin.
Talagang nasa “magkabilang panig’ na ngayon ang magkapatid. Hindi na sila namasid noong magkasama sa pamimili sa Eskolta. Hindi na sila napansing nagkakatuwaan sa pagniniig. Maging sa pagkain ay hindi halos nagkakaimikan.
Ang pangyayari ay nakatawag ng pansin sa kanilang ama, na minsan, nang si Dona Teang, ang kanilang ina, ay magsimba, ay nagsabi ng ganito sa kanyang mga anak na dalaga:
— Mga anak, huwag ninyonpakakadamdamin ang pag-ibig. Hindi ko nais na mangyari na iyan ay maging malubhang damdamin na makapagpabago pati sa inyong dating pagtitinginan. Maging matapang at matatag sana kayo sa harap ng ano mang mga pangyayari. Magmahalan kayo, sapagka't kayo ay magkapatid. --
Hindi nakaimik ang sino man sa dalawa. Nguni't si Claudia ay hindi nakatagal. Napaluha. Napaiyak, kaya't patuloy na nagtatakbo sa kanyang silid. Ang simbuyo ng pag-ibig na nag-iinapoy ay nasa katauhan ni Claudia: ang lalabing-animing anak na dalaga ng mga Gumersindo. Si Lita na nasa kanyang ganap na pagka-dalaga, ay naging maselang din sa dumalaw na damdaming ito sa pag-ibig, subali't ang mga pangyayari at saka ang pagkakataon ay lalong naging malupit kay Claudia, ngayon pa namang siya ay na sa tinatawag nang “mapanganib na gulang”.
Hindi pinansin ng ama ng magkapatid na dalaga ang panyayari, sapagka't itinuturing niyang kabataan lamang ni Claudia ang nag-aakay dito upang siya magkagayon. Subali't kung kayang masdan, sa araw-araw; lumulubha ang takbo ng mga pangyayari.
Si Angel, kung nakikipagniig kay Lita, ay nakakausap din paminsan-minsan si Claudia. Ang huli ay masidhi sa pakikipanayam sa binata, at may mga pagkakataon na nagiging magiliw dito, kaya't kung magkabihira ay hindi na natatapos ang pakikipagpanayam kay Lita.
Sa ganitong ginagawa ni Claudia ay namuhi na si Lita. Siya naman ang inabot ng simbuyo ng pag-ibig hanggang sa siya ay makapagsalita nang mahayap sa kanyang kapatid.
— Walang dahilan upang hadlangan mo ang pag-ibig niya sa akin! — ang sigaw halos ni Lita.
— Ate, alalahanin mong hindi mo pa kabiyak ng dibdib si Angel.
— Siya ay iniibig ko at ako ay kanyang iniibig naman, — ani Lita.
— Hindi ko siya iniibig, nguni't maaaring siya ay may lihim na pag-ibig sa akin! — ang saad naman ni Claudia.
Pagkatapos ay. . . nagkaiyakan sila. Bawa't isa ay nagkulong sa kani-kanilang silid, at ayaw na kumain kapuwa.
Noon nagpasiya nang matigas-tigas ang kanilang ama. Sinabi nito sa dalawa na “ayaw na niyang maulit pa ang nangyari”.
Sapagka't kung mauulit, ay alin sa dalawa ang kanyang gagawin: huwag nang papanhikin sa bahay si Angel o ipakasal silang dalawa sa sino mang ipinalalagay niya (ng kanilang ama) na karapatdapat.
Nababatid ng dalawang magkapatid kung gaano katigas at kalambot ang kanilang ama sa mga pagkakataon. Natitiyak din naman nila na ang sinabi nito, kapag sadyang nasa loob, ay hindi maaaring mabali. Dahilan dito, ang magkapatid ay nagbagong-loob at napapayapa. Gayon man, hindi pa rin sila nagkakabatian; hindi pa rin masasabing gaya ng dati.
— Wala akong masasabi at maipagugunita sa inyo, — anang kanilang ama, matapos na sila ay makapag-agahan, minsan, lalo na sa babai, kundi ang pangyayaring ang pag-ibig ay hindi dapat na isaalang-alang nang biglaan. Ibig kong sabihin,
katulad ng hiyas, kinakailangang suriing mabuti muna kung ito ay ginto o kung may kalupkop lamang na ginto.
— Nagpapagunita lamang ako, mga anak ,— ang tapos pa ni Don Mateo.
Isang buwan ang nagdaan buhat noon. Si Angel ay bihira nang dumalaw sa tahanan ng mga Gumersindo. Sapagka't ang magkapatid naman ay nagtuturo na noon sa paaralang-bayan, ang isa ay sa high school at ang ikalawa ay sa intermedia. Ang hindi pagsipot na gaya ng dati ng binate ay hindi gaano nilang napupuna sa pasimula.
Datapuwa't. . .
Isang araw ng Llnggo, sila ay ginimbal ng isang balita sa mga pahayagan, na ang pinaka-ulo ay ang mga sumusunod:
“Si Angel Ramiro, kilalang koredor, ay isinakdal ng kanyang asawa upang tumanggap ito ng gugulin” (“Alimony”')
Kung balita lamang ay hindi sana agad paniniwalaan. Nguni't ang pitak na yaon ay may larawan pa ni Angel Ramiro, bukod sa pangyayari na si Ana pa, ang pinsang dalaga, ang nagpabatid sa magkapatid.
Ani Ana sa telepono, nang makausap ni Lita:
— Lita, hindi ko akalain na ang pinsan ko ay may asawa pala sa lalawigan. Siya pala ay lihim na kasal sa isang taga-nayong kanyang nasira at kaya lamang hindi siya napag-usig ay sapagka't pinakasalan nga niya. Mula noon hangga ngayon — may lima nang taong mahigit siya dito sa siyudad, buhat nang makapanggaling sa Amerika at sa aming lalawigan ay ni hindi pala siya nagpapadala ng sustento sa kanyang iniwang kabiyak sa lalawigan.
Napangagat-labi si Lita, at nawalan ng lakas ng loob upang makapagsalita. Napaluha siya at lumayo sa kanyang kapatid. Si Claudia naman ay napaluha rin at pumasok sa kanyang silid.
Ang mag-asawa, ang ama at ina ng dalawang dalaga, ay nagkatinginan na lamang sa kanilang nasaksihan. . .
Buhat na noon ay nagbalik na muli ang ganap na kapayapaan sa tahanan ng mga Gumersindo. Napuna na naman ng lahat na ang magkapatid ay laging nagkakasama, laging naghahatian sa pagkain at sa mga alaalang tinatanggap
sa mga nagsisiligaw, at saka nagkakatuwaan pa kung sila ay napag-iisa. At, hindi lamang ito, sila ay nagpasiya simula na noon na magdadamit tuwina na magkatulad: sa uri, kulay at saka sa tabas ng damit. Aywan kung ito ay nangangahulugan ng kanilang pag-iisa laban kay Kupido. Dalawa sila ngayong nakahanda upang “gumanti” samapagbirong Anghel ng Pag-ibig!
Dalawa silang . . . sariwa pa ring bulaklak sa iisang tangkay!