RAPTURE
Maikling kuwento ni Percival Campoamor Cruz
“PUPUNTA TAYO SA PRAYER RALLY, anak. Malapit nang mangyari ang Rapture. Magkikita-kita tayong muli ng yumao mong ama.”
Heto ang sabi ni Aling Raymunda, matapos mabasa ang iniuwing papelito ni Perla. Isinasaad sa papelito na ang pagdalo sa prayer rally ay libre at gaganapin ito sa malalaking football stadia. Magsasalita sa isang prayer rally ang sikat na televangelist na si Rev. Martin Murray.
Ang malaking kaganapan ay gagawin nang sabay-sabay sa iba’t ibang football stadia sa buong mundo; ang bawa’t isa sa ilalim ng pangangasiwa ng isang televangelist na kasapi ng pandaigdig na samahan ng mga born-again-Christians.
Itinatakbo rin sa radyo at TV ang paalaala tungkol sa prayer rallies. Inaasahan na daang-daang-libong tao ang dadalo. Ang isang football stadium ay maaaring maglaman ng humigit-kumulang sa animanapung-libong tao.
Narinig ni William Evans ang balita sa radyo at nagpasiya siya na dadalhin ang buong pamilya sa nasabing prayer rally. Isa siya sa mga sundalo na lumaban sa gera sa Iraq at nakabalik nang buhay. Sanhi ng kanyang marubdob na karanasan sa gera ay lalo siyang nagtiwala sa kapangyarihan ng dasal, ng pagkakaroon ng tiwala kay Hesu Kristo.
Dadalo si Darlene at isasama ang anak na ang buhay ay may taning na dahilan sa pinsala ng kanser sa kanyang katawan.
Tiyak na sasama sa prayer rally si Leonor na ang kasintahan ay napugutan ng ulo sa Saudi Arabia sa dahilang siya ay napatunayang nagkasala sa pagpapalaganap ng Kistriyanismo doon kontra sa batas ng Islam.
Ang “Rapture”, ayon sa Bibliya, 1 Thessalonians 4:17, ay ang pagkikita sa alapaap ni Hesu Kristo at ng mga taong ibig niyang iligtas o ilayo sa kapahamakan. Ito ang pangalawang pagdating ni Hesu Kristo sa mundo.
Naging bantog ang 2012 bilang ang taon na kung kailan magugunaw daw ang mundo. May isang televangelist , si Rev. Harold Camping, na humula na Mayo 21, 2012 ang magiging katapusan ng mundo. Dumating at lumipas ang Mayo 21, 2012 at di naganap ang kanyang hula.
Ayon naman sa kalendaryo ng mga Mayas: December 21, 2012 ang katapusan ng isang siglo na binubuo ng 5,125 taon. May planeta na di nakikita na magiging napakalapit sa mundo at lilikha ito ng sari-saring matitinding kalamidad.
Sa Pilipinas, nabalita si Maria Lapaz, wawalungpuing bulag na matandang babae, na nagiging medium ng Espiritu Santo. Sabi niya: "Darating ang mga UFO upang kunin, isakay patungo sa ligtas na lugar ang mga mabubuting tao. Hindi niya sinabi kung kailan ito magaganap, nguni’t malapit na, sabi niya. Ang sakay ng mga UFO ay mga aliens na ang haba ay humigit-kumulang sa limang pulgada (5 inches) at sila ay mukhang palaka."
Sabi niya: "May darating na taga-ibang planeta na kasinlalaki lamang ng palakang-Araneta. Marahil, five inches lamang ang height nila. Kukunin nila ang mabubuti at isasakay sa kanilang sasakyan. Ang masasama, ang nagpapayaman, magpumilit man, ay hindi kukunin. Kaya ang habilin niya, magpakabuti na tayo. Isang pagkuha lamang. Ililipat sila sa ibang planeta at kapag halos ubos na ang tao dito sa daigdig, dahil sa kalamidad, kapag may kapayapaan na saka sila ibabalik."
Malaki ang problema ni Grace sapagka’t ang kanyang asawa ay hindi naniniwala sa Diyos at sa ano mang relihiyon. Sinubukan na niya, sa maraming nakalipas na pagkakataon, na isama ang asawa sa simbahan at nang marinig niya ang salita ng Diyos, nguni’t tila walang pag-asa ang pagsusumikap na ito.
Physicist si Carl na nagta-trabaho sa Jet Propulsion Laboratory (JPL) sa Pasadena, California. Naniniwala siya na mahirap gunawin ang mundo. Napakalaking fuerza ang kailangan upang ito ay mangyari. Ang probabilidad na ang fuerza na iyan ay nalalapit nang dumating sa mundo ay maliit. Di niya maintindihan ang konsepto ng Diyos sapagka’t sa paniniwala niya ay nagsimula ang lahat sa wala, bagama’t paano maipaliliwanag ang konsepto ng wala na hindi naiintindihan ang konsepto ng mayroon. Mayroon ba sa simula at sumunod ang wala. O wala ba sa simula at pagkatapos ay nagkaroon? Ano ang nauna: Mayroon o wala. . . Saan sa bahagi ng palaisipang ito pumapasok ang konsepto ng Diyos?
Malalaki ang mga billboards na nagbabalita sa malalaking prayer rallies sa iba't ibang stadia.
“Magbalik kay Kristo!”
“Si Kristo ang Kaligtasan!”
“Magbagong-loob, dumating na si Kristo!”
Hiyaw ng mga billboards.
Nang dumating ang araw ng prayer rallies ay dagsa-dagsang tao ang lumabas sa kalsada at tinahak nila ang landas patungo sa mga stadia. Sumikip ang mga kalye at ang mga highway. Nagka-traffic sa maraming lansangan. Naglabasan ang maraming pulis upang tumulong sa pagpapanatili ng kaayusan.
Sa simula ay nagkantahan muna ang mga nagsidalo sa isang prayer rally sa pamumuno ng mga gospel singers. Mabilis na ang mga tao ay nakadama ng masidhing sigla at pananabik. Libu-libo ang laman ng stadium nguni’t iisa ang boses at damdamin ng lahat. Inalis nila sa kanilang pag-iisip ang mga hamon at pasanin sa buhay. Ang bawa’t isip ay nakatuon sa pagtatanggap sa salita ng Diyos, sa pagtatanggap kay Hesu Kristo bilang Diyos at Tagapagligtas. Bagama’t bawa’t isa ay nakadarama ng galak sa kaibuturan ng puso, ang nasabing galak ay payapa at tahimik.
Pumagitna sa entablado ang ministro. Sa tinig na malakas at mapaghamon, isinigaw niya: “Naparito ba tayo upang tanggapin sa ating puso si Hesu Kristo?”
Sagot sabay-sabay ng mga tao: “Amen!”
“Tinatanggap ba natin na si Kristo ang ating Panginoon?”
“Amen!”
“Si Kristo ba ang ating Tagapag-ligtas?”
“Amen!”
“Si Kristo ba ang simula at ang wakas?”
“Amen!”
“Si Kristo ba ang nagbibigay ng buhay na walang hanggan?”
“Amen”
At habang ang mga tao ay nasa kainitan ng kanilang pagbibigay ng buong katapatan kay Hesu Kristo ay gumalaw ang stadium. Umangat na tila may kapangyarihang humugot dito mula sa pagkakatanim sa lupa. Lumutang ang stadium, lumipad, tumaas sa alapaap, sumibad ng takbo kawangis ng spaceship at nawala sa kalawakan.
Hiyaw nang hiyaw si Grace: “Carl, Carl, ayaw kitang iwan. Nasaan ka, Carl!”
Panatag naman si Darlene at niyakap ang anak, sabay sabi, “Anak, magkakasama na tayo habang buhay; di ka na pipinsalain ng iyong sakit.”
Ang mag-anak naman ni William Evans ay magkakayakap at, magkahalo ang damdamin ng tuwa at pagkamangha sa nagaganap, sila’y nagpatuloy sa pagdadasal ng “Ama Namin”.
Samantala, ang mga naiwan sa lupa at napagmasdan ang paglisan ng mga lumulutang na football stadia na punung-puno ng mga tao, ay nabalot ang mga damdamin ng pagtataka at pagkatakot.