BAGO TUGTUGIN ANG IYONG “MY LOVE AND DEVOTION”
Ni Alberto Segismundo Cruz
Bulaklak, Mayo 26, 1948
My Love And Devotion
Doris Day
My love and devotion
Will always be true
Now and forever
I live for you
My love and devotion
Are yours, yours alone
Kiss me beloved
Say you're my own
I kiss your lips
Sweet and tender
They open Heaven's door
Won't you surrender
Forevermore
My love will grow deeper
As time passes by
Deep as the ocean
And as high as the sky
My love, my devotion
Are yours till I die
Deep as the ocean
And as high as the sky
My love, my devotion
Are yours - till - I - die...
http://www.youtube.com/watch?v=TazxlKdcYoM
Sa dalawang landas lamang natutungo ang katapatan ng isang pag-ibig: ang landas na tungo sa dambana ni Kupido (at ang landas na nagwawakas sa “paghihinitay nang walang hinihintay”! Ang una ay kaganapan ng pag-ibig na umabot sa karurukan ng pagmamahalan; ang huli ay kabiguan ng pag-ibig na umabot naman sa kalbaryo ng pagtitiis na katimbang ng Panata, nguni't panatang nangangahulugan ng “pag-asang walang pag-asa”! Buhay at nangungusap na halimbawa ay ang kasaysayan sa pag-ibig ni Sinang, na ngayon ay halos tumutuntong na sa kanyang ika-40 taong gulang. Maganda si Sinang nuong kanyang kasibulan, gaya rin naman ngayon, bagama't wala na sa mukha ang bulo at ang “mga ugat na pula ng kabataan”. Makisig siya sa pananamit at sa paghihiyas, palibhasa'y may ikasusunod! Magiliwin siya sa sining, palibhasa'y isa siyang “pianista” simula pa lamang nang tumuntong na sa unang baytang sa isang kolehiyo ng mga anak-maharlika! Nguni't ang lahat ng ito'y walang halaga mandin ngayong siya ay umabot na sa katanghalian ng kanyang buhay. Ang pangyayaring ito ay pinalulubha pa ng katotohanan na siya “ay umibig at umiibig pa, nguni't waring naghihintay na kaluluwa sa salikop na mga lansangang tungo sa kabiguan”.
Kung may mata mang nagmamasid sa ginagawa ni Sinang, sa maghapon, sa kanyang marikit na tsalet sa isang bayang karatig ng Maynila, ay mapaghahalata na siya ay umaasa pa rin sa isang darating na binata, na siyang maghahatid sa kanya sa dambana ni Kupido. Buhat sa umaga ay nakapanungaw na siya sa durungawan ng kanilang balkon, kangitian ang mga bulaklak na naghanay na paso ng halaman, na maagang nakikipaghalikan sa sinag ng araw. Walang anu-ano ay titindig siya sa kinalilikmuan at kukuha ng'”regadera” at didiligin ang ilang halamang nais niyang pagpalain sa kanyang pagtingin. May mga pagkakataon naman, kung tanghali, na pati ang lilim ng kanyang mga munting paso ay sinisino niya at parang naguguni-guning may ulong sumusungaw na kung hapon naman, lalo na't kung magtatakip-silim na, ay hindi niya nakakaligtaang tugtugin ang “Remember Me” gayong ito ay napakaluma na sa salansan ng kanyang mga tugtugin. Sa gabi, matapos na siya ay makapaghapunan, kasama ang kanyang utusan ay lumalabas ng bakuran at tumutungo sila sa baybay-dagat, at kung may matanawan silang liwanag sa dako pa roon ng mga bundukin, siya “ay napapalatak at nagsasabi nang buong galak: “Marahil ay maliwanag ang araw bukas! Marahil ay maligaya ako bukas!” At sa mga pahayag na ito, ang utusang katapatan ng kanyang lihim ay nababakla na lamang, at may pagkakataong sinasagilasan ng pangamba na baka si Sinang ay inaalihan na ng pagkabaliw. . .
Buklatin natin ang kanyang maikling dahon ng kasaysayan sa pag-ibig. Nuong kasibulan ni Sinang ay nagkaroon sila ng isang binatang hardinero; si Tinong, ang pilyong si Tinong, na bagama't kinamumuhian niya ay kung bakit hindi mapatanim sa kanyang dibdib ang pagkamuhing ito. Sa halip, ang pangalan ni Tinong at ang ginagawa nito ay laging nakakatawag sa kanya ng pansin. Nababatid niyang si Tinong ay may isang kapintasan: siya'y mahirap at ulila pa, na kung saang lalawigan ng Luson nagbuhat; ito'y hardinero nila at maaaring mautusan kung kinakailangan, gaya ng kasunduang pinagkayarian ng kanyang ama at ng naglilingkod na binata. Nguni't si Tinong ay may hinaharap na nuon pa lamang. Nababatid niya na ipinakiusap nito sa kanyang ama (sa ama ni Sinang) na kung maaari bigyan siya ng pagkakataong makapag-aral at sa pagsang-ayon ng ama ng dalaga, si Tinong ay nag-aral nga hanggang sa makatapos ng “high school” at makapagsimula pa ng “preparatoria”
sa isang unibersidad.
Nguni't wala sa pag-aaral o pagtatapos ni Tinong ang salitaan. Sa katotohanan, sa simula pa lamang, si Sinang ay nagkakaroon na ng malaking pagnanais maging kapalagayang-loob ang binata. Malimit niya itong utusan; malimit niya itong pagurin; malimit niya itong kagalitan sa pagpapabaya sa ilang halaman o bulaklak o bulaklakin; nguni't ang binata, anuman ang sabihin ng dalaga ay hindi umiimik; nakangiti lamang at mapagbiro pa sa pagsasalita palibhasa'y likas na may kapilyuhan. May mga pagkakataong talagang namumuhi na si Sinang nguni't ang pagkamuhing ito ay hindi umaabot sa sukdulan, bagkus naging daan pa na ang pasalungat na damdamin ay mag-usbong sa kanyang puso; si Sinang ay may lihim na pag-ibig sa binata.
Minsan si Sinang ay nag-utos kay Tinong na pumupol ng rosas at ilang bulaklak ng suha. Nang nanaaog sa hardin ang dalaga at tinanong sa nagdidilig na hardinero ang kanyang ipinag-utos, sumagot ito ng ganiri:
— Hindi pa po kayo nakapagbibihis ng pangkasal, senyorita, kaya’t hindi ko ipinapanhik sa inyo ang mga bulaklak. --
— Ano bang kaululan ang pinagsasabi mo? — ang pagalit na sambit ni Sinang.
— Hindi po ba ninyo iniutos sa akin na ipupol kayo ng mga bulaklak ng suha? --
— Eh, ano? --
— Hindi po ba ang bulaklak ng suha ang siyang ginagamit na palamuti sa “velo” ng ikakasal na dalaga? --
— Ano ang ibig mong sabihin? Ako ay ikakasal?
— Aba! hindi po ba matutuloy? — Pinamulahan ng mukha si Sinang. Matuling pumanhik sa kabahayan, at sa silid ay lumuha na anaki ay isang bata.
Napuna ng mga magulang ng dalaga ang pagluha nito. Itinanong ang dahilan, at sinabi ang “kapilyuhan” ni Tinong . Nuon din ay nanaog si Don Marcial, ang ama ni Sinang, at pinagsabihan si Tinong na magbalot na ng damit at umalis nuon din. Napabakla ang binata, pagkabaklang may kahalong takot. Palibhasa'y naunawaan niya kung gaano kabigat na damdamin ang idinulot niya sa dalaga.
— Ako po'y nagbibiro lamang! —ani Tinong. — Patawarin po ninyoako at hindi na ako uuli. --
— Ngun’t, hindi mo na ba nakikilala ang iyong panginoon? Hindi mo ba alam na anak ko si Sinang?
— Opo, Don Marcial! Nguni't wala po akong masamang layunin sa aking mga sinabi. Ibig ko po
lamang makapagpatawa, nguni't ang nangyari po ay kabaligtaran. --
— Narinig mo na ang sinabi ko! — ang pasiyang pang-wakas ni Don Marcial.
Matuling nanaog si Sinang nang marinig ang pagtataboy ng kaniyang ama sa binatang hardinero nila.
— Tatay, — ang kanyang wika.
— Wala pong kasalanan si Tinong. Wala po naman siyang masamang sinabi, masama po lamang ang aking pagkakawatas. Utang na loob, tatay, huwag ninyo siyang paalisin. Wala po siyang kasalanan.
— Ngayon, ay patatawarin kita, Tinong, — ani Don Marcial. — Nguni't ibig kong huwag sanang sa lahat ng pagkakataon ay nagbibiro ka. Alangan sa isang gaya mo, na nag-aaral pa ang gumawi nang ganyan. Alalahanm mo na hindi ko titingnan ang tao sa kanyang kalagayan. Ikaw man ay pinagpipitaganan ko rin. Bueno, magtrabaho ka na o umalis ka na kung ikaw ay papasok sa eskuwela. --
Kinabukasan, nang magkaroon ng pagkakataon si Sinang na makausap si Tinong, ay humingi rito ng pagpapaumanhin. Ang binata ay waring hindi nababahala at tumugon nang nakangiti pa rin:
— Huwag kayong mag-alaala sa akin, senyorita. May matuwid kayo at ang inyong ama. --
Mula na nuon, si Tinong ay hindi na nagbiro pa sa dalaga. Simula na rin nuon, si Sinang ay nalungkot na, sapagka't hindi na naging bukas ang dibdib ng binata sa pakikipag-usap sa kanya; at kung matamang isipin niya, si Tinong ay nagdaramdam at ang pagdaramdam ay waring walang lunas.
Dumating ang malungkot na araw kay Sinang!
Si Tinong, nang makatapos na ng kaniyang “preparatoria”, sa pagpapatuloy ng pag-aaral sa gabi, ay nakapagkita sa mag-aanak, makatapos makapag-agahan nang araw na yaon, at nagtapat na siya ay aalis na diumano, sa loob ng ilang araw pa. Pagkatapos ay nagpasalamat sa lahat, lalo na sa mga magulang ni Sinang, sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataon upang makapag-aral. Gayon din naman, humingi siya ng tawad sa mga magulang ng dalaga sa mga pagkakamali o kakulangang kaniyang nagawa. Saka siya nagpahayag ng pamamaalam.
— Saan ka paparoon, Tinong? — ang tanong ni Donya Ana, na pinangingiliran ng luha.
— Hahanap po naman ako ng ibang trabaho upang magamit ang kaunti kong natutuhan. Nguni't huwag kayong mabahala, sapagka't ano man pong oras at kailanganin ninyo ang aking tulong ay ipinangangako kong ako ay nahahanda sa pagtulong.
— Talagang ganyan ang buhay, Tinong, — ani Don Marcial. — kailangan ang humanap ng mabuting paraan sa ikabubuhay. Hindi maaaring habang panahon ay hardinero ka na lamang. Nasisiyahan ako at nangyari kang makapag-aral sa pagbibigay ko ng pagkakataon sa iyo. Hindi kita masisisi, at hindi rin kita pipigilin, bagaman, at nadarama ko ang isang
damdaming hindi pangkaraniwan, ngayong ikaw ay aalis na, makaraan ang mahabang panahon ng paglilingkod mo sa aming mag-aanak. Sabihin mo sa akin kung aaalis ka na, at bibigyan kita ng kaunting halaga, at isang “recomendacion” upang makapasok ka saan man maaari kang maglingkod na kawani.
— Marami pong salamat, — ani Tinong, na halos ay pumatak ang luha sa mga mata.
Si Sinang ay hindi nakatagal. Umalis nang walang imik sa hapag at nagkunwang may nakaligtaang gawin sa kaniyang silid. Nguni’t ang totoo, si Sinang ay nagbigay-daan lamang sa kanyang pagluha. Umiibig siya kay Tinong. . . Umiibig nang lihim. . . nguni't pag-ibig man ding hindi natutugon ng kapuwa pag-ibig, palibhasa'y iba ang katayuan niya sa binata. O! kung maaari lamang na maging maralita din siyang katulad ng binatang hardinero! Marahil, ay naipadama na sana niya ang lihim ng kanyang puso.
Wala na si Tinong sa tahanan nina Sinang. Malayo na ang binata. Buhat nang magpaalam sa kanilang lahat, isang dapit-hapon, ay may ilang buwan nang hindi man lamang nila nababalitaan ang kanilang dating hardinero.
Datapuwa't isang araw ng Disyembre, ay may sulat na tinanggap si Don Marcial buhat kay Tinong na ganito ang isinasaad:
“Don Marcial: Kailan man po ay hindi ko malilimutan ang inyong kagandahang-loob sa akin. Dahilan sa inyo ay nakapag-aral ako, at dahilan din sa inyo ay nakatuklas ako ng bagong landas sa buhay. Ngayon po ay isa na akong “tenedor de libro” sa lloilo. Ipinangako pa ng aking pinuno na na sa ilan pang buwan ay mapapatalaga na ako nang palagian sa tanggapang pangkalahatan diyan sa Maynila. Sariwang alaala sa inyong lahat. Tinong”
— Talagang mabuting bata si Tinong! — ani Don Marcial. --
— Mabuti nga, nguni't kung hindi mo kinagalitan, nuong mag-iiyak ang batang ito (itinuro si Sinang) ay hindi pa, marahil, aalis dito ang batang iyan, — ani Donya Ana na parang sinisisi pa ang asawa.
Hindi umimik nuon si Sinang. Patuloy sa pagbuburda sa isang panyolito na anaki ay hindi alumana ang paksang pinag-uusapan ng kanyang ama at ina. Nguni't, sa katotohanan, sa bawa't duro ng karayom sa sutlang binuburdahan ay parang nasasaktan siya. Bawa’t banggit sa pangalan ni Tinong ay nagiging madiing ulos ng dalamhati sa kanyang puso. Umiibig siya nang lihim sa binata, nguni’t pag-ibig na lalong hindi maipahalata, ngayong wala na ito sa kanilang tahanan.
Nagdaan ang ilan pang buwan; pagkatapos ay dalawa pa hanggang naging tatlong taon. Nakalimutan na ng mag-asawa ang mga bagay-bagay na may kinalaman sa kanilang dating hardinero. Datapuwa’t si Sinang naman ay patuloy sa paghihintay sa binata at sa pagkakaroon ng magandang pagkakataon. Naisipan niyang baka makatagpo nito sa alin mang pagtitipon o piging pang-maharlika o pangkaraniwang mamamayan lang ay dinadaluhan niya kung sila ay may paanyaya, sa pagbabakasakaling baka naroroon na si Tinong.
Nguni’t wala, hindi niya matagpuan ang dati nilang hardinero. Naging isa siya sa mga laging panauhing mutya ng lipunan. Naging bituin siya sa radyo sa pagtugtog ng piyano! Pinararangalan siya ng ganito o gayong klub, nguni’t ang lahat ng ito ay nawalan ng bisa sapagka’t hindi siya lumigaya; hindi niya matatagpuan si Tinong, ang binatang kinamuhian man niya ay lihim namang iniibig; ang binatang siya ang panginoon, subali’t lihim na pinapanginoon ng kanyang puso!
May mga nagpapahayag ng pag-ibig kay Sinang datapuwa’t ang lahat ng ito ay hindi nagkapalad. May isang masidhing mangingibig na humingi sa kanyang kamay, at nakipanayam na ang binatang ito sa mga magulang, subali’t matigas ang kanyang pagsalungat! Dahilan? Sapagka’t may lihim siyang iniibig at ang iniibig niyang ito ay maaaring dumating at magsabi sa kanya balang araw, na “Sinang, iniibig kita, noon pa lamang, nguni’t wala akong magagawa, sapagka’t ako ay isang utusan mo lamang – isang hamak na hardinero!”
Muling lumipas ang panahon. Sa tabi ng kanilang tananan, walang abug-abog, ay napuna niyang may madaliang niyayaring tsalet. Isang makapal na pader ang inihahadlang sa bakuran nito upang mapahiwalay sa bakuran nila. Nang ganap nang mayari ang tsalet at matamanan ng mga halaman, isang marilag na babae, na may dalawang bunso at dalawang utusan ang napansin niyang nagsisilipat doon. Bagong kapit-bahay! Iyan ang nasa loob ni Sinang. Buhat noon, ang pangitain niya ay hindi na ang dagat, hindi na ang liwanag sa laot! Ang lagi niyang tinatanaw ay ang tahanang yaon, ang bakurang yaon na madaling nagkaroon ng hardin, ang maliliit na batang kung minsan ay nagsisipaglaro ng lupa o ng kanilang maliliit na laruan. O, kung siya ang magiging ina ng gayong mga sanggol! Iyan ang nasa kanyang gunita. Kailan pa kaya darating ang kanyang hinihintay? Kailan pa kaya babalik sa kanyang piling ang binata nilang hardinero? Kailan pa kaya aakyat ito ng ligaw sa kanya? Kailan pa kaya ito magtatapat sa mga magulang niya?
Nguni't isang umaga ng Abril ay may kumatok sa kanilang pinto. Ang ipinagtaka nila ay kung bakit gayong may kumakatok ay hindi man lamang nagsitahol ang mga aso.
Nanungaw silang lahat, at buhat sa ibaba, ay humahangos na nagbalita ang kanilang matandang utusang si Aling Marta:
— Don Marcial, Donya Ana, Senyorita Sinang . . . si Tinong! Opo, si Tinong!
— Aha! Magtuloy ka, Tinong! —ang sigaw Don Marcial.
— Dumating ang bayani! — ani Donya Ana, at naghagis ng makahulugang tingin sa kanyang anak na dalaga.
Hindi naman nakaimik si Sinang. Alangang tumakbo na alangang mag-ayos naman ng damit at ng buhok. Para siyang natigilan! Nguni't siya ay nakangiti, nagniningning ang mga mata! . . .
Nasa kabahayan na si Tinong. Makisig na makisig sa kanyang bagong ternong “bird's-eye”; sa kanyang murang-bughaw na kamisadentrong “arrow” at sa magulang na bughaw na kurbatang may guhit na pilak at sapatos na tsarol na "Florsheim".
Si Tinong na rin ang bumasag sa katahimikang naghari sa mag-aanak nang siya ay nakita at matagpuang malayong-malayo na sa larawan ng dating hardinero.
— Ako po, Donya Ana, ay ginagaling. Bukod po sa nakasulit ako sa kontadurya ay nakapagtapos pa rin ng kursong may kinalaman sa banko. Nag-aral po ako ng kursong iyan sa pamamagitan ng tinatawag na “correspondence”. Tumaas po ako buhat sa pagiging “tenedor de libro” at ngayon ay ganap ang kontador na katulong ng auditor ng isang banko dito sa Maynila. Umaabot po ngayon sa P1000 ang sahod ko buwan-buwan.
— Salamat sa Diyos, — ani Donya Ana.
— Magaling na bata! Ani Don Marcial.
Si Sinang ay nakangiti lamang subali’t tatahip-tahip ang dibdib.
— Nguni’t hindi po iyan ang aking sorpresa sa inyo, — ang patuloy na pagbabalita ng dating hardinero. — Buong lihim ko pong inihanda ang sorpresa upang kayo ay maniwala na ako ay sadyang matapat sa inyo at hindi kailan man maaaring makalimot. Tignan ninyo at sa aking pagtitipid ay naipagawa ang tsalet na iyan! — Sabay turo sa kabila ng pader. — At naririyan po ang aking maybahay at ang dalawa kong anak. Halikayo! --
At nagsitanaw ang lahat sa bintana at napanunghan ang mag-iina ni Tinong na nasa hardin at nuon ay kumakaway pa sa kanilang lahat.
Nang mga sandaling yaon ay nawalang bigla si Sinang. Narinig niya ang mapait na katotohanan. Ang kung ilang taong tinangki-tangkilik at inalagaang lihim na pag-ibig sa dibdib, ngayon ay nadama niyang luoy palang bulaklak! Ang kastilyo niya sa himpapawid na malaong “inalagaan” din sa kanyang pangarap ngayon ay natiyak niyang nawasak. . . nagkadurug-durog sa kanyang paanan!
Tinibayan niya ang kanyang dibdib. Lumabas siya at sinabi ang ganito:
— Tinong, dalhin mo rito ang iyong mga anak. Ibig kong mahagkan at makipaglaro sa iyong mga anak. --
Ang mga mata ni Sinang ay may ulap nuon, at basag na basag ang tinig. Nagkatinginan ang mag-asawa, at si Tinong ay nanggilalas, nguni't panggigilalas na may pagdaramdam. . .
Isipin nga naman ang maghintay hanggang sa tumanda na halos, at pagkatapos, ay mapapanunghan ang pangitain ng isang maligayang tahanan, na inaasain-asam, kinaiinggitan nang lihim bagama't pinananabikang maging sariling pugad ng pagibig. . . subali't hindi pala madaling maging kanya kailan man sapagka’t may nag-aari nang lalong mapalad kaysa kanya; ang masasabing nagbigay wakas sa kanyang mga lihim na lunggatiin at nagpadilim na ganap sa kanyang kinabukasan!
Kahabag-habag na Sinang!

Canario ng Kanyang Pag-ibig
Kuwento ni Alberto Segismundo Cruz
Liwayway, Pebrero 7, 1936
Ilang-ilang! Iyan ang alaala ko sa iyo, Judith; pagdamutan mo na — anang mga talatangnakatitik sa tarheta ni Walfrido — "Oo, iyang bulaklak na iyan na habang nalalanta. At habang nauunsiyami ay lalong bumabango at humahalimuyak naman, gaya rin ng aking pag-ibig na, habang sinusubok ng iyong pagmamaramot at pinagsusungitan ng palad ay lalo namang bumabango at humahalimuyak sa aking dibdib! Pabango? Ah, iyan ay lumilipas,
nguni't ang pabango ng ilang-ilang ay siyang pabango ng kaluluwa — ng pusong may wagas at tapat na panata!"
I.
Si Judith Linares — ang dalagang katanawan ng Araw at kangitian ng Buwan — ay dumating na sa panahon ng kanyang pagpapasiya. Kinakailangan na niya ang humirang ng isang "makakasalo sa ligaya at makakahati sa hilahil", palibhasa’y ganap na ang kanyang pagka-ulila, at sa harap ng malaking kayamanang naiwan sa kanya ng mga magulang, bukod sa ibang kapakanan at negosyo,sadyang kailanganang magkaroon siya ng isang matapat at tunay na katulong.
Nguni't si Judith ay nakagigiliw sa dalawang binatang sadyang nangunguna sa talaan ng kanyang mga tagahanga. Kung sino sa dalawa a'ng kanyang hihirangin ay siyang suliraning hindi niya makayang mapagpasiyahan agad. Ilan nang gabing nagiging paksa ito ng kanyang malalim na pag-iisip, subali't inaabot siya ng bukang-liwayway sa pagdidili-dili, kahi't nasa himlayan. O! Suliranin ng pag-ibig!...
Ang dalawang binatang "napipisil" ng dalaga ay tumutugon sa mga pangalang Walfrido Ma. de Dios at Dante Corazon. Kapuwa makisig, mabait, masunurin, nagtapos sa kolehiyo ng kanilang pag-aaral at kapuwa may katangian sa sarili, dili iba kundi ang pagiging mananalumpati ng una at ang pagka-manunulat naman ng huli.
Subali't may isang kapintasang masasabi sa dalawa: kapuwa sila mahirap, at dahilan diyan ay kinakailangan ang maghanap-buhay, sa tunay na kahulugan ng katagang “hanapbuhay”. Si Walfrido ay naglilingkod sa isang sangay sa batasan samantalang si Dante naman ay sa isang pahayagang pang-araw-araw.
Ang suliranin, sa palagay ni Judith, ay pabigat araw-araw, lalo na't nadarama niya ang pagpapakilala ng tunay na pagtingin sa kanya ng dalawang binata, na gayong magkabasangal at sadyang magkalaban sa larangan ng pag-ibig ay kung bakit napakamapitagan sa harap
niya at bawa’t isa ay nagbibigayan upang huwag mapasukal ang kanyang loob.
— Mga maginoo! — iyan ang lihim na nasasambit ni Judith kung nagdaraan sa kanyang matamang pagsusuri ang katauhan at ugali ng dalawang nagsisigiliw na binatang nasabi.
II.
Nang mabuksan ang sobre na kinasisidlan ng testamento ng nasirang ama ni Judith ay saka lalo itong naniwala na talaga nga palang isang suliranin ang kanyang pag-aasawa. Sapagka't sa isa sa mga tadhana ng testamento ay hinihingi na siya ay pakasal sa tunay na iniibig niya at sa sandali lamang na maisakatuparan ang kanilang pag-iisang dibdib maaaring magkabisa sa kaganapan ang paglilipat ng karapatan sa mga ari-arian ng nasira.
At, bukod sa mga pangyayaring iyan, sa tuwi-tuwi nang magkakausap si Judith at saka ang isang ale nito at isa pang pinsang dalaga, ang laging iniuukilkil sa kanya ay ang pag-aasawa yamang siya ay nasa sapat nang gulang.
— Nguni't paano, tia? Wala pang napagpapasiyahan ang aking puso, — Palagi niyang nasasambit sa kanila.
— Oho! itong batang ito!... — nasasabi na lamang ng kanyang ale.
— Ikaw nga naman!—katlo naman ng pinsang dalaga ni Judith.
— Mahirap ang ako ay magtapat sa inyo. Hindi ninyo ako mapapaniwalaan, nguni't idinadalangin ko na makatuklas ako ng paraan upang makapagpasiya ang aking puso na nasa isang mahigpit at maselang na suliranin ngayon.
— Siyanga sana, iha, at nang napapayapa na tayo...
Hindi na magsasalita pa si Judith sa panig na ito ng kanilang pag-uusap. Hindi na, sapagka't napapalarawan na naman sa kanyang isipan ang dalawang binatang nagkaroon ng pitak sa kanyang puso. Dalawang binatang natatangi sa lahat ng mga nagsisipag-ukol ng pag-ibig sa kanya. Dalawang magkabasangal, nguni't magkaibigan sa pagbibigay-pitagan at pagpapahalaga sa kanyang sanghaya.
Saka niya magugunita ang banggit ng bawa't isa, kung nagpapaalam na sa pagdalaw.
— Judith, idadalangin ko ngayong gabi ang katiwasayan mo sa pamamahinga at ang pagsisinaya sa lalong matitimyas na pangarap, — sabi ni Walfrido.
— Nakatanod ang aking gunita sa iyo at harinawang mailigtas ka sa lahat ng panganib at kalungkutan! — ani Dante naman.
Matitimyas na pangungusap. Mga bigkasin ng labing ibinubunsod ng mga pusong nagmamahal...
III.
Isang umaga ay nagising si Judith na maligayang-maligaya. Halos hindi pa nakapag-aagahan at ni hindi pa man nahahalinhan ang mga tuyot na bulaklak sa kanyang "florera" ay tinipa na ng dalaga ang mapuputing teklado ng kanyang “Winkleman”... at noon ay umalingawngaw ang isang bahagi ng likha ni Liszt sa buong kabahayan.
— Maagang nagising ngayon si Judith!—pamanghang saad ng kanyang ale.
— Opo, — patunay ng utusang babae ni
Judith.
— Si Judith ay tumutugtog ng piano, — sabi naman ng kanyang
pinsang dalaga.
— Oo, oo, tila nakapagpasiya na si Judith; nakapagpasiya na! Salamat sa Dios, patuloy ng ale ng dalaga.
Paano'y talagang may nasa isip si Judith. May isang bagay na nabalangkas siya sa kanyang pag-iisip na sa palagay niya ay lulutas sa kanyang suliranin.
— Tumawag ako kagabing hating-gabi sa Ina ng Awa at ako ay kinahabagan. — pahayag ni Judith sa kanyang mga kasambahay na tuwang-tuwa. — Matapos na ako ay makapagdasal, — patuloy niya, — ay nakatulog na ako agad. Nangarap ako at kay gandang pangarap. Ako raw ay nagpasiya na humingi o humiling ng isang handog o alaala sa dalawang itinatangi ng aking puso na siyang makapagpapakilala ng walang maliw na pag-ibig.
—Mainam na balak,—sabi ng pinsang dalaga ni Judith.
At, napabuntong-hininga na lamang ang ale ng dalaga sa isinalaysay na pangarap nito.
IV.
Kinabukasan ay dalawang liham ang inihanda ni Judith, nguni't dalawang kalatas na nagsasaad ng iisang bagay. Iniuukol niya ang mga liham na ito sa dalawang binatang nangingibig sa kanya at siyang itinatangi niya sa maraming nagsisihanga at sumasamba sa kanyang sanghaya. Ganito ang isinasaad ng kalatas na iniukol niya sa bawa’t isa:
“Bagama't nalilihis sa isang magandang kaugalian, ay hinihingi ko sa iyo na ako ay pag-ukulan mo ng isang alaala. Nababatid kong iniibig mo ako, nguni't kailangan na ang pagibig ay makilala hindi sa pangungusap ng labi lamang kundi sa layunin ng kaluluwa at sa tunay na mithiin ng pusong may panata. Limang araw ang ipagkakaloob ko sa iyo upang magawa ang iyong pagpapasiya.
"Sumasaiyo.
"Judith"
Binasa ng dalawang binata ang liham ng dalaga, na nangangatal ang mga kamay. Hindi maubos-maisip ng dalawa kung ano ang tunay na layunin ni Judith sa kalatas. Kung sila ay sinusubok o sila ay binibiro lamang ay siyang hindi ngayon
mawatasan ng dalawang nagsisimpan ng tapat na pag-ibig sa dalaga.
Nguni't naroon na ang liham at kinakailangan nila ang magpasiya. Ang limang araw ay maikling panahon upang malutas ang suliranin. Kailangan ang mag-isip, maglamay sa pag-iisip, upang maging marapat ang alaalang ipagkakaloob sa dalagang pinipintakasi at pinapanata ng kaluluwa.
Si Walfrido ay napatungo sa Escolta, makalabas sa kanyang pinapasukang tanggapan at hinanap sa mga basar at almasen ang lalong mahalagang bagay na maaaring maipagkaloob kay Judith.
Ganito rin ang ginawa ni Dante, at sa isang panulukan ng daan ay nagkasalubong pa sila, bagama't hindi nababatid nino man na kapuwa sila tumanggap ng liham ng dalaga na iisa ang inilalahad.
Hindi naglaon at dumating din sa dalaga ang sandaling pinananabikan niya, dili iba kundi ang paghahatid ng mga handog o alaala ng dalawang matapat na namimintuho.
Isang tanging mensahero ang naghatid ng alaala ni Walfrido. Nanginginig ang mga daliri na binuksan ni Judith ang isang kahita na anaki ay busilak, matapos na dahan-dahang maalis ang balot na "cellophane" nito.
Isang pabango: isang “perfume” na may taglay na kabantugan sa halimuyak at sa kahinhinan ng sangkap na mga “esencia”. Ito rin ang pabangong karaniwang ginagamit ng ating dalaga. Nguni’t ano kaya ang bagay na nasa loob ng maliit na botelyang iyan ng pabango? Ah! isang ilang-ilang — ilang-ilang— na sa malas ay sadyang inilubog sa “likha ng kimiko”.
“Ilang-ilang! Iyan ang alaala ko sa iyo, Judith; pagdamutan mo na — anang mga talatangnakatitik sa tarheta ni Walfrido — "Oo, iyang bulaklak na iyan na habang nalalanta. At habang nauunsiyami ay lalong bumabango at humahalimuyak naman, gaya rin ng aking pag-ibig na, habang sinusubok ng iyong pagmamaramot at pinagsusungitan ng palad ay lalo namang bumabango at humahalimuyak sa aking dibdib! Pabango? Ah, iyan ay lumilipas, nguni't ang pabango ng ilang-ilang ay siyang pabango ng kaluluwa — ng pusong may wagas at tapat na panata!"
Parang pinagtiyap ng pagkakataon, hindi naglaon, ay dumating naman ang alalala ni Dante. Sa malas ay isang malaking balutan ito; nguni't nang mapalapit ang nasabing bagay na taglay din ng isang mensahero, ay natunghan niya ang mga titik na ganito: “Pag-ingatan at may
buhay!”
Noon ay kaharap ng ating dalaga ang lahat halos ng mga kasambahay niya. Nanginginig din ang mga daliri ni Judith nang kalagin na ang tali ng malaking balutan, at...
— Dios ko! — ani Judith. — Isang haula! Isang “canario” —ang marilag na ibong mang-aawit!
At, ang ibong nakasanghap ng hangin at halimuyak ng bulaklak sa lagwerta ng dalaga ay nakadama wari ng pagkalugod. Gaya ng isang bilanggo, nasa likod man siya ng mga rehas na bakal... ay nadama rin niya ang mabining simoy ng hanging malaya!
Aywan kung himala nga ng Diyos, ang “canario” ay umawit noon... nagparinig ng kanyang mga notang malaong itinatago sa lalamunan.
Anong lambing na awit! Anong timyas na mga notang wari ay ibig sumama sa pakpak ng dapit-hapon!
At, nang matapos sa pag-awit ang “canario” ay saka pa lamang namataan ni Judith ang tarheta ni Dante. Anang mga talatang nakatitik sa tarhetang iyon:
"Maaaring mamatay ako, nguni't ang aking kaluluwa... ang aking mga tula... ang mga awitin ng aking malungkot na buhay... ang bugtong na pag-ibig na siyang tanging yaman ng aking kabataan... ay nasa kaluluwa ng kinapal na ito ng Diyos na siyang tatanod, sa pagtatangkilik ng Maykapal, sa iyo at siyang magpaparinig ng mga awiting walang kamatayan ng aking puso!"
Gaputok man ay hindi nakapagsalita si Judith. Napansin ng lahat na pumasok ito sa kanyang silid na kinaroroonan ng Ina ng Awa, at noon din ay lumuhod na sa mga mata ay nangingilid ang luha. Nakapagpasiya na ang puso ni Judith! At minsan pang naipadama sa pagkakataong yaon na sadyang may mga dakilang sandali sa buhay ng tao. Si Judith ay umiibig at tumutugon sa pagibig na inihahandog ni Dante.
Makatarungan ang Tadhana! Ang buhay ay isang pangarap, at ang magandang pangarap ni Judith ay lumutas sa kanyang suliranin. Kung ang pag-ibig ay buhay, ang buhay ay sadyang nauukol sa pag-ibig. Ang mga batingaw sa isang purok ng Maynila ang nagbalita ng katotohanan — ang mga batingaw na naging paksa ng isang estropa sa walang kamatayang tula ni Edgar Allan Poe: “Ang mga Batingaw” — May Ikinakasal!
At, walang iba kundi si Judith at si Dante na nag-isang palad sa harap ng dakilang dambana ng Pag-ibig. At, ang pag-ibig na hindi mapaghiganti ay siyang lalong dalisay at mapagpatawad: si Walfrido Ma. de Dios ay isang abay, na siyang kauna-unahan pang nag-ukol ng “Maligayang bati” sa dalawang naging mapalad na kampon ni Kupido.

Olimpiyada
Kuwento ni Alberto Segismundo Cruz
Liwayway, Disyembre 5, 1941
NAGIGING matao at lipos ng buhay ang kampus ng Unibersidad ng Pilipinas sa dalawang pagkakataon lamang: una, kung may pagtitipon ang mga nagsisipag-aral upang duminig sa isang panauhing mananalumpati, at ikalawa, kung may mahahalagang paligsahan sa larangan ng palakasan. Ang iba pang pagtitipon o pagkakataong nagdudulot ng kulay at sigla sa bakuran ng Unibersidad ng Pamahalaan ay mahuhulog na sa uring "panlipunan."
Isa sa mga araw, sa dakong kalagitnaan ng Pebrero ng 1923 noon, at bago tumugtog o sumipol ang sirena ng pagawaan ng yelo upang ihudyat sa Maynila at mga karatig na bayan ang ika 4 :00 ng hapon, ang kampus ng Unibersidad ay punong-puno na ng mga tao at lipos na lipos ng kulay, sanhi sa pagdalo ng maraming kadalagahan na ang mga damit o kasuotan ay lumikha ng lalo pang marikit na tanawin sa mata, lalo na sa mga matang pagod sa pagbasa ng maliliit na limbag sa mga aklat ng karunungan.
Pipiliin sa pagkakataong yaon ang mga mananakbo ng Unibersidad na makikipagpaligsahan sa ibang unibersidad at kolehiyo sa Maynila upang hugutin ang mga kararatdapat na "sugo" ng Pilipinas sa Olimpiyada. Dahilan dito, kaya't ang pananabik ay naghahari sa lahat, at maging ang mga pinuno ng tinurang mataas na paaralan ay lipos ng kagilalasan sa umaga pa lamang ng araw na yaon, sapagka't darating din at makikilala kung sino ang sino sa iba't ibang larangan
ng palakasan na, bukod sa magpuputong ng "laurel" sa noo ng Alma Mater, ay makapaghahandog pa rin ng karangalan sa lnang Bayan.
Ang pinakamahalaga sa lahat ng uri ng "labanan" nang hapong yaon ay ang sa "decathlon", at sa katipunan ng iba't ibang paligsahan, kasama na rito ang sa maiikling takbo, ay nais ng Unibersidad ng Pamahalaan na makapili ng isang tunay na taong may pakpak ang mga paa upang siyang, sa wakas, ay mailaban sa taong-ibon ng Pinlandiya na napabalita sa lahat ng daigdig.
Si Raul Monteclaro, isang "freshman", ay kabilang sa mga makikitunggaIi sa nasabing "event", at sa katunayan, ang mga pinuno ng U. P. ay nanghahawak sa kanya. Katamtaman ang taas, may kulot na buhok, balingkinitan ang katawan, may mga matang itim at palangiti, si Raul, sa kanyang kasuotan sa pagtakbo ay isang tunay na "idolo" ng kabilisan. Sa kanyang bagong "spikes", maging ang "coach", ng mga mananakbo ng nasabing mataas na paaraaln, ay umaasa na siya ay makagagawa ng rekord - ng bagong rekord!
Sa katotohanan, si Raul man sa kanyang sarili, ay nagtitiwala sa kanyang kakayahan. Kaakibat ng pagtitiwalang iyan, ang kanyang pag-asa na siya ay mananalo at masisira ang mga dating rekord na hawak ng iba. Ang pag-asa niyang ito ay hindi masasabing walang batayan. Si Raul ay naging maingat sa pangangatawan niya nang mga nagdaang buwan - hindi siya nagpupuyat, hindi nagpapagal nang walang kabuluhan at hindi rin naman nagpapabaya sa pagkain niya, lalo na ng gulay at mga bungang-kahoy, na kailangan upang manatili ang pagiging matipuno ng isip at pangangatawan. Bukod diyan, ay hindi rin naman siya nagpabaya sa pagsasanay.
Hapon-hapon, may ilang buwan na, ay tumatakbo siya, lumulundag sa "hurdles" at lumulukso ("broad-jump"). Pagkatapos ay nagpaparaan ng ilang minuto sa "shower bath" at nagpapahid na mabutl ng aguardyente upang mapanatili ang mabuting ayos ng mga kalamnan, lalo na sa binti at mga pigi. Subali't sa ibabaw ng lahat nang ito, ay may isang dahilan na nagpapasigla sa loob ng binata. At, masasabing hindi lamang nagpapasigla kundi nagbibigay pa ng lakas, pag-asa at pananalig sa kanyang pananagumpay. Ito ang nadarama niyang pag-ibig o pagtingin ni Amparo Gardiner sa kanya - ang kanyang kaklase sa "literatura" na kung magsalita ay anaki'y may tugma ang mga kataga at waring may nunulas na pulot sa mga labi. At, sino nga namang lalaki, lalo na ng isang binatang katulad niya ang hindi magkakaroon ng sigla at pag-asa kung maiibigan ng isang katulad ni Amparo, -maganda, kaakit-akit at sariwa - sa tunay na pakahulugan ng mga pangungusap o ng nasabing mga pang-uri.
Bago natin isaalang-alang ang damdaming iyan ni Raul ay tapunan muna nating sandali kung paano sila naging magkaibigan ni Amparo, pagkakaibigang tumimyas nang tumimyas, kung baga sa isang bungang-kahoy na naging ganap ang kahinugan sa panahon ng pamumunga. Nagsirnula ang lahat, nang ang isang komposisyon sa "literatura" ni Amparo ay ilagay sa pagsusuri ni Raul, rnatapos na makahingi ng kaukulang pahintulot sa kanilang propesor. Simula na noon, sa malas, ay nayamot na ang dalaga, datapuwa't ang ating binata ay nakapagpahayag
sa pamamagitan ng ilan nilang kaklase na ang kanyang pagpuna o paglalagay sa pagsusuri sa komposisyon ni Arnparo ay atas ng mabuting kalooban at sa pagnanais na rnaliwanagan ang kaugnay na paksang nasasaklaw ng kanilang pag-aara!. Gayon man, ang dalaga ay hindi lubos na naniwala hanggang sa si Raul ay rnagpasiya, sa wakas, na magkusa na at magpaliwanag upang mapawalan ng bisa ang isang masamang hinala laban sa kanya. Noon ay siyang unang sayawan ng mga "freshmen" sa kolehiyo ng Artes Liberales. Noon, isinakatuparan ng ating binata ang pasiya na rnakapagpaliwanag.
"Amparo," ang kanyang simula, nang rnapansin itong napag-isa sa isang luklukan sa pinaka-hardin sa bubong ng Gusali ng Inhenyerya.
Namula si Amparo, at tinangkang tumindig. Subali't. . . humadlang si Raul!
"Amparo, ibig ko lamang rnakapagpaliwanag sa iyo. Walang kailangang mapoot ka sa akin habang buhay, datapuwa't huwag rno sanang hukuman ang aking pagkatao nang hindi mo nalilitis na mabuti kung tunay o hindi ang aking pagkakasala, gaya ng iyong hinala."
"Sukat na ang nangyari," ang pamuhing nasambit ni Amparo. "Nalalaman kong ibig mo akong hiyain at ilagay sa rnasamang katayuan nang punahin rno ang aking komposisyon," at halos nangilid ang luha ng daIaga.
"NalaIaman ng Diyos, Amparo, na hindi ko magagawa iyan. Nagparatang ka na naman! Hinding-hindi! Sumpa ko sa ngalan ng aking ina, na isa ring babaing katulad mo."
Narinig ni Amparo ang salitang "ina" at doon siya parang natigilan.
"Diyata't isinusumpa mo sa ngaIan ng iyong ina?" ang tanong ng dalaga na may kahalong panggigilalas.
"0o, upang maniwala ka na hindi kita ibig na hiyain noon. Sa katotohanan, ay may dambina ka sa aking puso!" ani Raul.
Hindi na umimik ang dalaga, at sa hindi niya pag-imik ay waring naipahayag na ang isang daigdig na nagsisikip sa mga pangungusap sa pagpapatawad. Kaya't . . .
"Amparo, salamat, salamat sa iyo!" at umalis ang binata.
......................................................................
Simula na noon ay nabuksan na ang isang bagong kabanata sa kanilang dalawa.
Nagtaka ang lahat sa biglang pagbabago ng mga pangyayari. Ang nagkakayamutan ay naging magkaibigan, sa malas; at hindi lamang ito, halos ay nasaksihan ng marami sa tuwi-tuwina ang kanilang pagkakasabay, lalo na sa rnga pagtitipon at pagdiriwang ng mga nag-aaral.
Maging sa pag-aaral ay lumilitaw na magkatulong sila; kasabay na nagtutungo sa aklatan; at magkasabay na kumuha sa mga tala at iba pang kailangan, lalo na kung nahaharap sa pagsusulit. At, umabot sa sukdulan ang lahat, nang idaos ang sayawan ng isang kapatiran ng mga nag-aaral at doon napuna sila ng lahat: magkapareha, magkapiling, nagkakausap na lagi at
nagpapalitan ng mga nglti at halakhak.
Sa katotohanan ay nakapagpahiwatig na si Raul kay Amparo. At ang pahiwatig na ito ay pinag-aaralan ng dalaga sapagka't ito ay matalino at ayaw na siya ay tumugon sa binata nang hindi natitiyak ang tunay na pag-ibig at pag-uugali nito. Pinaaabot lamang ni Amparo ang lahat sa kilos at sa masusuyong pakikipanayam sa binata, at maliban dito ay ay wala na. Ito ang dahilan kung bakit si Raul ay umaasa nang lihim sa sarili na siya ay "may tinatanaw" kay Amparo, subali't kung ang tanging pagtinging ito ay magiging maliwanag at tiyak ay lolong magiging kanaisnais sana sa kanyang buhay, magiging kasiyasiya sa kanyang damdamin, sa paniwala niyang noon pa lamang ay may pamparubdob na sa kanya, at mahihintay na lamang ang araw ng katuparan kung sila ay magtapos na ng pag-aaral at hindi mababago ang takbo ng mga pangyayari sa kanilang sinapupunan.
Nang hapong yaon ng mga paligsahan, ay lubhang maalab ang damdamin ni Raul na makapagsimula na ang Iabanan. Paano'y nalalaman niyang matatanaw niya sa "grandstand" ang magdudulot sa kanya ng kasiglahan at pamparubdob, dili iba kundi si Amparo.
Maipakikilala niya na ang kanyang lakas at bilis, palibhasa'y bukod sa "may pakpak ang kanyang mga paa ay may bagwis pa rin ang kanyang puso".
Subali't nang sisimulan na ang takbuhan at nakahanay na sa harap ng isang guhit ang mga mananakbo, anoba't natanaw-tanaw ni Raul na si Amparo ay akay-akay ng isang binatang sa malas ay malayang nakahihipo sa mga bisig ng dalaga. Parang napagal si Raul gayong hindi pa man tumatakbo, para siyang nanlata gayong hindi pa niya naikikilos ang kanyang mga bisig, at masama sa lahat, nanglatang ang kanyang kasiglahan at nanlamig ang kanyang loob! Noon pa lamang - sa pagsisimula ng karera - ay nadama na ni Raul na siya ay matatalo, hindi sapagka't siya ay kaya sa bilis at lakas ng kanyang mga kalaban, kundi sadyang wala sa loob niya ang siya ay magtagumpay.
Gayon nga ang nangyari. Pumangalawa lamang si Raul sa "decathlon" matapos na matipon ang lahat ng punto ng mga manlalaro. Ang wakas ay laban sa pag-asa ng mga pinuno ng U. P. at ng "coach" ng mga manlalaro. Ang nanalo ay masasabing hindi makapananatili sa rekord na nagawa niya, sapagka't sinubaybayan lamang ng magandang kapalaran. Napuna ng lahat na walang apoy sa puso si Raul nang tumakbo, napansin ng lahat na wala s'iyang sigla sa paglukso sa mga "hurdles" at maliwanag na napuna sa kanyang mga mata ang kalungkutan nang lumulundag. Lahat ng ito ay napansin din ng mga pinuno ng U. P at ng kanilang "coach", at nagkaroon ng hinala sila na may karamdaman si Raul noon. Nguni't sino mang daIubhasang manggagamot ay makapagsasabi na walang karamdaman ito, maliban sa dadaming hindi maaaring matarok kundi ng mga taong may katulad na dakilang lihim na itinatago sa kanilang
dibdib. Mahirap na talaga ang umihig!
Buhat na noon ay masasabing parang "patay na buhay" si Raul. Itinuturing niya na siya ay napahiya sa lahat, lalo na sa kanyang "coach" na malaki ang pag-asa sa kanyang pananagumpay. Subali't ang lalong masakit ay ang nadarama niyang sugat sa puso, na hindi niya akalaing maglubha nang wala sa panahon. Sa klase man ay napuna siyang tila may laging iniisip na malalim, at malimit na mahalatang parang wala sa loob niya ang mga nangyayari. Si Amparo, nang mapaghalata ang naging bunga ng pagkatalo ni Raul sa paligsahan, ay Iihim namang nagdamdam, at sadyang sinisisi ang sarili kung bakit naisipan niya ang gayong pagsubok, na hindi inaasahang magdudulot ng malungkot na wakas. Parang nagkasala sa kanyang budhi, ang ating dalaga ay nagdamdam na mabuti, dangan at hindi niya maipahalata ito sa binata, palibhasa'y magiging sinsay sa magandang kaugalian ng babaing Pilipina.
Subali't isang hapon ay nagpasiya siyang makausap si Raul upang damahin ang niloloob nito, at kung maaaring malunasan niya ang dinaramdam nito sa paraang lalong tumpak at karapatdapat sa isang binibining katulad niya.
Nangyari ang gayon sa aklatan ng Artes Liberales. Humiram kunwa ng isang tala si Amparo kay Raul at nang isasauli na ito ay nagtanong siya nang ganito:
"Raul, tinatanggap mo ba ang iyong pagkabigo sa paligsahan?"
"Bakit hindi?" tugon naman ng binata.
"Sa palagay ko'y hindi ka nabigo, sapagka't kinasihan lamang ng magandang kapalaran ang tumalo sa iyo at sa kakaunting punto lamang naman."
"Huwag mo akong tuyain, Amparo, nababatid kong nasisiyahan ka rin sa nangyari!" at nagunita ng binata ang kapareha noon ng binibini.
"Kung ganyan ang paniwala mo ay ... " at hindi na nadugtungan pa ni Amparo ang sasabihin at dagling umalis.
"Amparo!" tawag ni Raul.
Subali't nawala na ito, at lalong nadama niya ang pagkirot ng sugat sa kanyang dibdib nang siya ay ganap nang mapag-isa.
Nakaraan ang ilang araw, at palibbasa'y may mga kaibigan sila - mga matatapat at mapagnais sa kabutihan ng kanilang kapuwa - ang bawa't isa ay nakatanggap ng mabubuting payo. Si Amparo, na nagdamdam sa pagpapawalang-kabuluhan man din sa kanya ni Raul, ay napagpayuhan ng isang kaibigan na maging mahinahon, sapagka't magiging malupit na lubha ito kung hindi magpapaumanhin matapos na matamo ng binata ang pagkabigo sa paligsahan. Kay Raul naman ay may ilang kaibigan ding nakapagtagubilin na dapat siyang magpaka-maginoo at kailangang maging baytang ng tagumpay ang kanyang kabiguan. Sinabi nilang dapat niyang mabatid muna at mapatunayan ang lahat ng sanhi at nadarama sa mga pangyayari bago pahinuhod sa matinding bugso ng sama ng loob. Huminahon, huminahon, - iyan ang kabuuan ng naging payo ng kanilang mga kaibigan, na malaki ang pagnanais na magkasundo sila.
At si Raul na isang lalaki, lalo na nang marinig ang "ilang kataga" ng kanilang "coach" na limutin ang lahat at ihanda sa pangwakas na paligsahan ang kanyang lakas at kabilisang nalalabi, ay nagpasiya ngang lumimot sa lahat ng pangyayari. Linimot ang dalamhati at aninong dati ay laging sumusurot sa kanyang isipan bunga ng pagkatalo nang nagdaang paligsahan. Kaya't siya ay naghanda, mahigit sa dati, sa maalab na nais na magtagumpay at walang nasa dibdib kundi ang lunggatiin at pag-asa na makakaya niya ang lahat ng kanyang makakalaban.
Samantala si Amparo naman, palibhasa'y babaing Pilipina, ay lihim na nalulugod sa nadarama niyang pagbabago sa katauhan ni Raul. Noon niya natiyak na ang binata ay may matatag na pasiya at marunong din namang sumunod sa mabubuting payo, subali't naging maingat siya na huwag na maipahalata ang damdamin niyang ito.
Nang maihayag - sa "bulletin board" sa kampus ang pangalan ng mga magsisipagpaligsahan, kabilang na ang kay Raul, sapagka't pangalawa ito sa nagtamo ng mataas na punto sa "preliminaries", gayon na lamang ang kaligayahan ni Amparo.
Bagaman at napaghahalata na rin ng ating binata na may malaking pagnanais wari ang dalaga na siya ay makabawi sa katalunan at makapagtaas ng sarili niyang bandila, ito ay nawawalan wari ng lakas ng loob upang lumapit, sapagka't naniniwala siyang naging marahas siya sa pagsasalita nang huling magkatagpo silang dalawa.
Dumating ang araw ng pangwakas na mga paligsahan. Yaon na ang dakilang pagkakataon, sapagka't sa nasabing mga labanan huhugutin kung sino ang sino upang ipadala ng U. P. at ng Pamahalaan natin sa Olimpyada. Masasabing nang hapong yaon - araw din ng Sabado - ang kampus kailan man ay hindi dinagsaan ng gayong karaming tao. Tumugtog ang banda ng konstabularya, bago sinimulan ang mga paligsahan, at sa mga sadyang luklukan sa "grandstand" ay nagsidalo ang lahat ng mga pinuno ng iba pang paaralan at unibersidad Maynila, bukod sa ilang pang matataas na pinuno sa pamahalaan, na siyang naging panauhing pandangal sa pagkakataon.
Si Amparo, noon, ay natanaw ni Raul sa dating luklukan, sa "grandstand", sa gitna ng dalawang maririlag ding kaklase niya at walang iniwan ito sa "kapilas ng langit" na inihulog sa pulutong na yaon ng maraming ulo ng tao. Kay ganda ni Amparo, noon, sa kanyang darnit na kakulay ng mansanas na anaki'y siyang bunga ng kasalanang ipinagkasala tuloy ng ating kanunununuan.
Napangiti ng lihim si Raul, sapagka't nagkatama ang kanilang paningin nl Amparo.
Sa katotohanan, ang ating dalaga, bagaman at panakaw-nakaw kung tumingin sa dako ng mga atleta o ng mga manlalaro, ay napupuna nl Raul na siya ang sadyang minamanmanan ng marilag na Lakambini. May apoy sa puso at may matatag na paniwalang siya ang magtatagumpay, buhat sa simula ng "heat" sa 100 yarda hanggang sa palayuan ng paglugso at hanggang sa "hurdles", si Raul ay parang naglalaro lamang at ang kabilisan ay kasindak-sindak. Halos ay natamo niya ang lahat ng punto, kaya't nang matapos ang labanan, siya ang bayaning ipinagbunyi - pinasan ng mga tao at pinag-ukulan ng mga "hurrah" ng kanyang mga kaklase at kaibigan sa U. P. Subali't sapagka't naniniwaia siya na utang ang tagumpay na yaon hindi lamang sa mabuting payo ng kanyang "coach" at mga kaibigan, na kanyang nangapasalamatan na, kundi higit at sa ibabaw ng lahat ay utang kay Amparo, kaya't pinaghanap agad ang dalaga sa kanyang
luklukan bago nagtungo sa paliguan. Subali't si Amparo ay wala na sa pook. .. nawalang anaki ay bituing naglaho at sukat sa kalangitan. Nagmadali siya, nagtulin sa pagpaligo at pagbibihis, at nagpasiya na habulin hanggang sa bahay si Amparo; subali't. .. nabigo rin siya. Sapagka't ang dalaga, na nakahiwatig na makikipagkita sa kanya si Raul, ay nagmadaling umuwi sa bahay, sa
kagalakan, at niyaya ang kanyang ama at ina, upang pumasok sa sine kahi't hindi pa naghahapunan.
Nang gabing yaon si Raul ay hindi makatulog. Kaya't kung ano ang gumiit sa kanyang isip, at siya man ay nagpasiya na magparaan ng gabi sa isang "night club". Kinabukasan ay mabigat ang ulo niya nang magising, at masasabing walang nalalaman sa kanyang leksyon, subali't naging mapagpaumanhin ang mga propesor, sapagka't nabatid na malaki ang pagal ng binatang
manlalaro.
Nang sumunod na Sabado ng gabi, ang Pangulo ng U. P. at saka ang "coach" ng Unibersidad, bilang "sorpresa" sa mga nagsipagtagumpay sa iba't ibang paligsahan, lalo na kay Raul, ay naghandog ng isang tanging palatuntunan at sayawan sa bulwagan ng Rizal Hall. Doon ay sinabitan ng medalya ang mga nagtagumpay at si Raul, ay napatangi sa pagtanggap ng medalyang ginto at "laurel" na pilak at ipinagbunyi katulad ng isang tunay na panginoon ng Olimpo.
Nang gabing yaon si Amparo, laban man sa kanyang loob, ay hindi dumalo sa pagkakataon. Nagpasiya siyang huwag dumalo upang huwag lumaking lubha ang loob ng binata, subali't nagpasugo ng isang tanging kinatawan, sa katauhan ng isang kaklase niya at matalik na kaibigan nitong si Rita, upang masaksihan ang lahat. Subali't si Rita, na nakadarama sa loobin ng kaibigan at sadyang may magandang hangad sa ipagkakaunawaan ng dalawa, ay naglahad ng lahat ng damdamin ni Amparo.
Palibhasa'y kaklase at kaibigan din naman ni Raul si Rita, kaya't nang hindi matagpuan ng binata ang kanyang paraluman ay si Rita ang linapitan, kinapanayam at isinayaw sa pagkakataon.
"Saan naroon si Amparo?" usisa ng binata.
"Hindi sumama, sapagka't masakit ang ulo," tugon ng dalaga.
"Ow! Marahil ay may bisita lamang siya ngayong gabi," ang may panibughong saad ng binata.
"Talaga kang mapanibughuin, Raul. Lalaki ka pa naman!" ang paratang ng dalaga.
"Wala akong karapatan upang manibugho, subali't .. . " at hindi naituloy ng binata ang ibig na ibulalas na laman ng kanyang dibdib.
"Subali't ano? Sa katotohanan ay siya ang nagdaramdam sa iyo, sapagka't nagmalabis ka sa paakikipag-usap sa kanyanang matapos ang unang paligsahan ng mga manIalaro, paliwanag ng binibini na maliwanag ang paghihinakdaI.
"Nagmalabis?" patakang tanong nl Raul.
"Oo, subal't nangyari ang gayon nang wala ka sa matuwid. Kasama ni Amparo sa "grandstand" nang hapong yaon ang kanyang amain, ang pinakabatang kapatid na lalaki ng kanyang ama, na nagbuhat sa Sambuwangga.
Hindi nakaimik ang binata. Parang biglang nagdilim sa kanya ang lahat, at waring binagsakan siya ng langit noon. At sa kanyang isip ay sumagi ang kung anu-anong bagay. Diyata't nakapagmalabis siya sa dalagang tunay niyang iniibig at pinapanata ng kanyang puso? Diyata't siya pa naman, na dapat na magpakilala ng pagkamaginoo at pagkamatiisin sa hirap ay siyang
makapagpapahalata sa dalaga niyang itinatangi ng gayong hindi tumpak na pakikitungo?
Tumigil ang orkesta at inihatid ni Raul si Rita sa luklukan nito. Simula na noon ay hindi na siya nagsayaw, at makaraan ang isang oras, ay nilisan ang pook na nagdulot sa kanya ng walang kahulilip na kaligayahan, nguni't bago naghatinggabi ay naglaho ring lahat ang kaligayahang yaon.
Si Raul ay hindi nakatulog sa buong magdamag ng gabing yaon. Kung anu-anong bagay ang sumisilid sa kanyang isip at kung anu-anong balak ang nilamay niya hanggang sa mga unang oras ng madaling-araw. Gayon man, kinabukasan, ay nagpasiya siyang gumawa ng paraan upang makipag-usap kay Amparo. Subali't binabalangkas pa lamang niya ang kanyang gagawin, ay dumating na sa kanya ang isang liham na iniabot ng kartero. Ang liham ay galing sa dalaga.
Raul:
"Binabati kita sa iyong tagumpay. Kahimanawari ay magtagumpay ka hanggang sa mga paligsahan sa ibayong dagat. Subali't may isa lamang akong bagay na ibig ipakiusap sa iyo, kung may nalalabi ka pang pagtingin sa akin: huwag mo na sana akong kakausapin kailan man! lsipin nating ang nagdaan parang isang pangarap lamang.
"Amparo"
Naramdaman ni Raul na yaon na ang "wakas" ng kanyang pag-ibig. Naniwala siyang sadyang tapos na sa kanila nl Amparo ang "nakaraang panahong parang isang aklat na rosas ang mga dahon ng pangyayari". Nabatid niya na wala siyang dapat na gawin kundi ang tumalima, sumunod sa iniaatas ng mga talata, bagaman noon pa lamang ay nadarama na niya na magiging mapaminsala ang gayong maagang "pabaon" ni Amparo sa kanyang pag-alis sa pagtungo sa Olimpyada.
lsang linggo pa ang nakaraan at ang mga manlalaro ng Pilipinas ay handa nang magsi-alis. Kalabisan nang isiwalat dito ang maringal na palatuntunan sa paghahatid sa kanila sa lunsaran hanggang sa makasakay sa bapor. Lahat ay naroon, mga magulang, kamag-anakan, mga kaiblgan at kakilala ng mga manlalaro. Subali't sa lahat ang pinakamalungkot at matamlay ay si Raul. Paano'y wala roon ang inaasahan niyang makapagpapabaon sa kanya ng sigla, lakas at magandang-kapalaran sa pakikipagpaligsahan sa larangan ng palakasan sa ibayong dagat. Wala si Amparo!
Datapuwa't . . . nang oras na yaon, si Amparo ay parang maysakit sa silid ng tahanan nito. Ni ayaw na mananghaIi, bagama't pinipilit na ng ina at ama nito na kumain. Paano'y ayaw niyang mahalata na siya ay lumuluha. . .lumuluha . . . at ang makatitiyak ng kadahilanan ay walang iba kundi kayo na rin . .
.
Sa Olimpiyada, ayon sa mga huling kabalitaang isinisiwalat ng mga pahayagan, si Raul ay nabigo sa mga unang paligsahan. Sumunod lamang siya at naging pangatlo pa sa ilang labanan. Tinutunghayan ni Amparo araw-araw ang mga pahayagan, at nababatid niya ang dahilan. Si Rita man ay nakipagkita rin kay Amparo at ipinadama rito ang magiging kapanganyayaan ng lahat kung hindi "sasaklolo" ang tanging dalaga sa Pilipinas na makapagbabago ng takbo ng pangyayari sa mga labanan sa Olimpiyada. Sa wakas, palibhasa'y may tapat din naman siyang pag-ibig kay Raul, ay nagpahatid-kawad ito sa binata at ipinagtapat na siya, si Amparo, ay nagpapatawad, at hindi Iamang sinabing "nagpapatawad" kundi "naghihintay na gaya g dati".
Sa mga sumunod na "extra" ng mga pahayagan, ayon din sa isinisiwalat ng mga kabalitaan hinggil sa mga pangyayari sa labanan, ang Pilipinas ay kung makailang nakabawi at nakapagpatuloy sa pagwawasiwas ng bandila sa dinayong bansa, sapagka't nanguna si Raul at gayon din ang ilang kasama sa mga huling paligsahan, lalo na sa mahahalagang "event".
Anopa't nagdiwang ang lahat dito. Nagtagumpay ang mga manlalarong Pilipino, at utang ang malaking bahagi ng tagumpay kay Raul, na nakapagtipon ng maraming punto sa kapakanan ng koponang Pilipino.
Sa Unibersidad ng Pilipinas ay nagkaroon ng tanging palatuntunan sa harap ng mga baIitang tinanggap dito sa ating bayan. Masasabing parang araw na pangilin ang araw na yaon, at ang larawan ni Raul, ay siyang nasa pagitan ng mga bandila na naging dahilan ng pamahayag sa kampus.
Datapuwa't si Amparo at si Rita ay nagkakangitian Iamang nang lihim sa isang likmuan sa panonood ng pamahayag. Paano'y sila ang nakababatid ng Iihim ng tagumpay ni Raul. Hindi nagkapakpak ang mga paa ni Raul, kundi ang puso nito!
O! ang nagagawa nga naman ng pag-ibig.