Minsan Lamang sa Ating Buhay
Kuwento ni Alberto Segismundo Cruz
(Ilang-Ilang, Nobyembre 3, 1946)
Tio vivo! Tio vivo! Tio vivo! Niring kamusmusan. Hindi ba't ikaw din sa katotohanan
ang gulong ng aming isang kapalaran?
SINONG BATA ANG hindi nakakikilala ng tio vivo? Sinong matanda ang hlndi nagkakaroon ng alalahanin ng kamusmusan kung nakikita ang mga kabayong kahoy, leon at tigreng makapal na karting may sangkap na semento saka pinintahan upang maging parang buhay na halimaw ng kabundukan, maliliit na karwahe, mga gansa't patong sinasakyan ng mga batang umiikot na katulad ng kanilang nahirang na sakyan, sa gitna ng mga ilaw-dagitab na nakasisilaw saka sa alingawngaw, sigawan, halakhakan at di-magkamayaw na tugtugin ng musikang pang aliwan?
Tio vivo! Ikot nang ikot! Inog nang inog, samantalang ang “kalapat” na tugtugi'y nakapagpapalukso halos sa puso ng kabataan katulad ng paglukso ng mga butil ng mais sa lagablab ng apoy upang pagkatapos ay ipagsigawan ng mga nagtitinda sa ibang pangalan: “Popcorn!”
lyan ang dahilan kung bakit ayokong ipagsama ang aking maliit at magandang anak na babae, si Judith, sa pook ng mga perya't tio vivo sa liwasang-bayan. Minarapat kong samahan na siya ng kanyang ina, at ako'y nagdahilan. Bagaman sa isang amang mapagmahal, iya'y makapagpaparamdam — lalo na kung araw ng linggo — na siyang maiuukol na panahon lamang sa kanyang mga kapilas ng buhay upang sila'y mapagbigyan sa ganitong kahilingang kay luwag namang sundin.
Nagdaramdam ako, sapagka't matanda man ako ngayon ay nadarama ko rin kung gaano kahapdi sa puso ng isang musmos ang mabigo sa kanyang pita. (Isipin nga namang minsan lamang na maging musmos ang isang tao!)
Noo'y malimit magpista sa aming purok. Masagana ang mga tao't patuloy ang paghahanap-buhay sa tabing-dagat. Ibig kong sabihi'y walang tila ang bukal ng kabuhayan ng mangingisda't kung ginagaling ay punuan ang mga bangka't paraw sa kanilang huli. Kaya't kung nagpipista'y laging maliwanag ang aming nayong di kalayuan sa liwasang-bayan. Kung gabi'y nakasisilaw ang mga ilaw-dagitab lalo na sa pagsisiyam. Sa isang panig ng liwasang iyo'y naghanay ang perya, ang iba't ibang tindahan ng larua't mga kakanin, saka ng tolda ng sirko, atiba pang uri ng aliwan ng mga bata.
Natatandaan kong si Aning at ako'y nagtipon sa ilang araw ng aming baon at pinagsapi
namin ang natipong ito upang makasakay lamang kami sa kaba-kabayuhan ng tio vivo. Mapula ang kanyang kamisola, may lasong pula rin ang kanyang tirintas at nakasapatos ng pelus na kayumanggi. Sa sinakyan niyang kabayo, siya'y isang tunay na prinsesita sa aking pangmasid at sa pangmasid din ng iba, sapagka't bata pa lamang si Aning ay sadyang maganda na't may panghalina pa. At ako naman, ang kanyang prinsipe, na kapapanot pa lamang ng barbero — sapagka't ayaw ng aking amang ako'y magpatubo ng buhok at magpartida upang diumano'y huwag akong mainitan — ay nakasakay sa kapiling ding kabayo at waring isang prinsipeng unano sa kaharian ng mga kababalaghan. Narinig kong naghalakhakan sa akin ang madla, sapagka't ako ma'y naniniwala rin sa aking sarili na kung may pinta ang aking mukha, lalo akong karapatdapat na maging maliit na payaso sa malaking daigdig. At, bakit hindi nga magkakagayon? Sapagka’t ang aking pugot na salawal ay guhitang marungis at may tagpi pa ang likuran. Nguni't hindi ko alumana ang ano mang pahitsura o pansin sa akin na ipinahayag ng madla sa pamamagitan ng mga halakhak. Paano'y nasa piling ako ni Aning — ang aking mutyang kalaro't kaeskuwela — na sa palagay ko'y siyang mahalagang bagay sa akin sa daigdig pagkatapos ng aming tahanan.
— Humawak ka sa akin, Aning, kung mauuyot ka! — ang pahambog ko pang wika na para bagang may magagawa ako.
— Yumapos ka sa ulo ng aking kabayo kung ikaw naman ang mauuyot, Fidel — ang alaala naman niya na kasabay ng isang magiliw na pagtawa.
Saka kami nagpalitan ng halakhak, ng pagpaparangalan ng kainaman ng aming sinasakyang kabayo saka ng sanlibo’t isa pang kabaliwan ng kamusmusan.
— Kailan tayo uulit? — tanong niya nang buong pananabik.
— Aba! Pag nakatipon na tayo ng piseta — tugon ko naman.
Datapuwa't. . . walang anu-ano biglang bumilis ang pag-inog at naramdaman kong
bigla rin akong naliyo, kasabay ng pagkasilaw ng aking mga mata sa liwanag na anaki'y umuusig sa amin. Sa sangkisap-mata pa'y nauyot nga ako't nahulog, kasabay ng halakhakan ng mga tao. Nguni't. . .
Bago nagdilim sa akin ang lahat, ay nadama ko munang may malalambot na bisig na yumapos sa akin! . . . Makaraan ang ilang saglit pa'y nakadama na ako ng hangin at nagliwanag nang unti-unti ang aking paningin. Isang matabang lalaking naka-bughaw ang lumapit sa akin at nagpunas ng isang basang tuwalya sa aking mukha.
—Ako ang makinista, iho — ang pagpapakilala niya bago ngumiti, Kung hindi kay Nene (ibig sabihin ay si Aning), marahil ay nabasagan ka ng bungo! — at hinipo ang aking ulong walang buhok. Narinig kong muli ang mga taong nagtawanan. Nguni't hindi ko pinansin ang kanilang pagtatawa, sapagka't maliwanag na noon sa aking paningin ang larawan ni Aning na namumutla pa ang kaakit-akit na mukha.
— Aning! — nasambit ko, — Huwag kang magbabalita ng ano man sa amin.
Napangiti si Aning. Hindi na talagang kailangan ang siya pa’y magsalita. Ang masasabi ng kanyang bibig ay naipahayag na ng kanyang mga matang may bahagyang takipsilim.
— Mabuti ka ba?—usisa niya nang buong lamyos.
Napatango ako at nangiti. Ngiti ng payaso sa mata ng madla, nguni't sa aking puso'y ngiti ng damdaming nagpapasalamat sa kanyang tagapagligtas.
Taun-tao'y nauulit ang pista sa aming nayon. Nauulit angperya’t ang pagtatanghal ng sirko't ng aliwan ng mga bata. At ang tio vivo'y naroon din. Patutoy ang inog, mabilis na katulad ng mga araw na lumilipas! Nguni't. . . ang tio vivo'y naging gulong din ng aming kapalaran,
Nagbago na ang aming pook. Binago ng sakuna't ng kabinasnan. Tinugnaw ng apoy
ang mga tahanan! Binago ng gawaing-bayan at ng sonipikasyon ang panig na ito ng Maynilang kung tawagi'y “purok na matao't nalimot na ng Diyos!” Nagkalayo na, dahilan diyan, ang dating magkakapit-bahay at ang hindi naman nagkakakilala kailan ma'y nagkalapit nang hindi hinihintay. Ako, si Fidel Olvido, ay hindi na ang batang panot na pinagtatawanan sa tio vivo.
Isa nang binatang bantog at tinataguriang “tenor”. Aywan ko ba kung iyan ang katotohanan, nguni't sinasabi ng mga kritiko na may nakatago raw maya sa aking lalamunan . . . at iya'y isang kababalaghan, Kaya'tang makapal na taong nakapaligid sa akin, marahil, ang marami sa kanila'y mga dating nagsisipagtawa sa akin sa tio vivo — ay siya ko namang aliping tagahanga ngayon. Pinapagakpakan ako, kahi’t na sa papel na baliw na prinsipe, at lalo na sa pagiging tunay na payasong humahalahak sa mga notang lumuluha sa kaligayaha't nagdiriwang sa kalungkutan! Ah! ang tao . . . Ako naman ngayon ang humahalakhak'sa kanila! Ako naman ang umaalipin sa kanilang paghanga; datapuwa't . . . mainam din ang kanilang ganti: pagakpak! pumpon ng mga bulaklak, mga panyolitong sutlang nasa tuka ng mga kalapating pinalilipad na pasadya ng aking mga tagahanga upang maihatid sa aking palad ang paghanga ng mga babaing lihim at hayagang umiibig sa aking tinig!
Nguni't. . . nalungkot ako, nang dumating sa aking pandinig, na ang isang Ana Maria Campoamor ay kinababaliwan din ng marami. Lumilitaw na siya ang aking kaagaw sa karangalan at kabantugan. Sinasabi pa rin na kung maganda ang kanyang tinig ay lalo siyang maganda sa kanyang katauhan.
At ang huling balita’y. . . nag-aagawan pa diumano ang mga pangunahing “empresario” sa lunsod upang siya’y madala sa Kabisayaan at nang maitanghal doon ang “Madame Butterfly”, na siya pinaka-obra maestra sa pagtupad sa sining niya – ng nasabing diva. Datapuwa’t. . . sa wakas ay biglang nabago ang mga balita. Diumano’y nagkaisa ang mga empresaryong ito na kami’y pagsamahin upang malagom ang tagumpay (tagumpay sa salapi!). Saka sa mga pahayaga’y nabanggit din at diumano’y gaganapin naming ang tagpo ni Hulyeta’t ni Romeo.
— Nguni’t paano magiging matapat ako sa aking papel na ni hindi ko man nakikilala siya? — tanong ko sa aking tagapangasiwa’t promoter.
— Iyan din ang kanyang itinanong sa amin! — ang tugon ng empresario, — nguni't iya'y hindi suliranin. Magkakakilala kayo't. . . ehem!
Hindi na ako nakasagot pa. Hang araw lamang ang nakaraan, at sa isang tanging
pagtitipon, ay nakita ko't nakilala ang bantog na diva. — Diyos ko! Ikaw pala Aning. Saan kangpanig ng daigdig nanggaling? — tanong kong sabik na sabik.
— Saan pa kundi sa silong din ng ating sariling langit! — tugon niyang pinapungay pa ang mga mata. Napatigagal ako. Parang nagbalik na bigla sa aking gunita ang mga araw ng tio vivo, ng pista sa aming nayon, ng pagdiriwang ng mga bata! Kaya't, , , nasabi kong pabigla rin:
— Sasakay ba tayo sa tio vivo? Lumungkot ang mga mata ng aking kausap.Bago nagwika nang buong lungkot:
— Oo, Fidel, sa tio vivo ng ating kapalaran! — at nangilid ang kanyang mga luha.
— Aning, bakit? — ang buong pagdaramdam kong naitanong.
— Alipin tayo ng salapi, gayong ang akala ko'y alagad tayo ng sining . . . — at siya'y nagbuntong-hininga.
Hindi ko nawatasan ang kanyang ibig na sabihin datapuwa't sumasal ang tibok ng aking puso.
—Iniluluha nang lihim ni Aning ang kamatayan ng kanyang kamusmusan! — ang paliwanag ng aking budhi.
— Aning, limutin na natin ang nakaraan — payo ko sa kanya, —iyan ang ating Tadhana; isipin na lamang nating tayo’y nabubuhay na gaya rin ng dati: nasa tio vivo — ikaw atako'y nakasakay sa kabayo! Umiinog!
Dumating ang araw ng aming paglabas. Siya, sa papel na Hulyeta't ako, sa papel na Romeo.
Hindi na kailangan pang isiwalat ang nangyari, sapagka't nagkakaisa ang mga kritiko na kahi't na yata sa Rose Bowl o sa Metropolitan Opera House sa Nueva York ay maaari kaming ipadalang sugo ng Pilipinas sa sining ng pag-awit. Datapuwa't, kailangan pa bang balakin ito sa hindi naglaon at umabot na ang ngitngit ni Marte sa Kapuluan? At, ang dalawang magkababatang nagkatagpo sa tio vivo at pagkatapos ay nagkapiling na muli, sa atas ng kapalaran, upang maging pipit at maya ng pag-ibig sa pugad ng maluwalhating sining ay. . . nagkalayo . . . upang hindi man lamang magkabalitaan sa loob ng halos ay apat na taon. . . Si Fidel sa larangan ng digma . . . sa madilim na kagubatan! . . . siya . . . si Aning, na hindi na nakalabas. . . ay naglaho nang bituin sa langit ng ating dulaan!
Nang mapawi ang ulap ng digma, napatanghal ang wasak na Maynila — ang nangayayat na larawan ng lunsod ng sining at kalakal. Dungisan ang mukha, humpak ang mga pisngi, nanlalalim ang mga mata. . . at ang puso lamang ang hindi napagbago ng Panahon at ng Kapalaraan, palibhasa'y parang relos na tumitik-tak pa sa sisidlang dibdib!
At ang mga tao . . . ang mga taong noong kabataan pa'y nagsisitawa sa paligid ng tio vivo ay matatanda na ngayo't naglipana sa daan . . . mga, Belibeth ng- karalitaan . . . larawan ng kapanganyayaan: mga pulubi — mga labi ng digma!
At sa isang simbahang wasak na ang nalabi'y ang durog na bahagi ng kumbento —isang araw ng linggo'y — may umaawit na saliw ng gitarang kinakalbit ang kuwerdas na waring kanyang nauutusan.
Basag na ang tinig, paos na ang taginting, mga ligaw na nota ng isang sawing trobador! At, ang lalaking iyong isang pulubi'tdungisan ay bulag pa ang mga mata — isa pang ipinanganyaya ng digma! At sa kanyang piling ay naroon ang taga-akay na babaing naglalapot ang damit at may isang maliit na bakol ng maliliit ding kandila. Kung minsa'y umaawit ang babaing iyon. Hindi pa nasisira ang tinig na katulad ng “pagkasira” ng mukha niyang natilamsikan ng pulbura nang nagbabagsak ng pamatay sa Maynila ang kaaway.
Naroon pa rin siya. Hindi na gaya ng dati. Ipinakikilala siya ng kanyang tinig — tinig ng isang coloratura soprano!
Naroon pa rin ang lalaking may hawak na gitara: ang bulag. Paos na ang kanyang tinig, datapuwa't may mga ligaw pa ring taginting na nakapagpapaalaala sa isang kaluwalhatiang nagdaan at nakalipas! Siya, ang babae—si Aning; at siya ang lalaki: si Fidel.
Hindi nagdaramdam si Aning, sapagka't binubuhay niya sa alaala ang mga araw ng kamusmusan; nang sila pa'y nagdiriwang sasa tio vivo!
Hindi na rin nagdaramdam si Fidel sapagka’t hindi na niya nakikita ni makikita pa kalian man na “lumubog na sa kanluran ang dilag at kabataan ng kanyang si Aning.
Iyan ang dahilan kung bakit ang aking maliit na anak na babae — si Judith — ay ayokong ipagsama sa tio vivo.

Namutawi sa Labi ng Isang Nars
Kuwento ni Alberto Segismundo Cruz
Mataas pa ang aking lagnat, noon. Hindi ko mawatasang mabuti ang sinasabi ng aking manggagamot, nguni't sa kanyang mahinang pakikipanayam sa nurse na nakatakda sa aking silid ay nabatid ko, sa gitna ng kaalinsanganan sa mahirap kong paghinga na katugon ng matinding sakit ng ulo, na sadyang may kaselanan ang aking kalagayan, sapagka't maaaring sa lagnat ay may sumapi pang ibang karamdaman.
Humigit-kumulang ay may isang oras lamang na kararating ko pa sa pagamutan nguni't habang nalalapit ang paglubog ng araw'y lalo manding nadarama ko ang bigat ng aking katawan at para bagang ako'y sinasalab ng apoy na kung saan nagbuhat.
Sa paningin ko'y naging malabo ang lahat ng bagay at ang mukha ng nars na nakatunghay sa akin ay parang natatakpan ng manipis na usok. Naramdaman kong may sinubo siya sa aking isang tubong kristal na ang dulo'y nakahantong sa ilalim ng aking dila. At sa gayong kagandahang-loob ay nanariwa ang aking lalamunan,nagluwag ang aking dibdib at nagunita ko ang pampalamig na naihahandog sa akin sa pasulatan kung nagkakaharap ang mga manunulat.
Saka ang isa niyang kamay ay naramdaman kong pumisil sa aking pulso. Kung ano pa ang nangyari'y hindi ko na nalaman. Datapuwa't kinaumagahan ay nagliwanag nang kaunti ang aking paningin at sa pagliliwanag na ito ng aking mga mata'y napamangha ako nang matiyak na sa aking kaliwang bisig ay may nakatusok na matulis na karayom na nakakabit naman sa isang maliit na bitukang gomang tinatakbuhan ng kung anong uri ng tubig na nagbubuhat sa isang nakatuwad
na botyelyang papatak-patak ang laman sa pinakatubo - papatak-patak na anaki'y luha.
At patuloy ang pagpatak sa loob ng isa . . . dalawang oras, samantalang ako'y nakamata sa daloy ng tubig sa maliit na tubong kristal at sa patak na anaki'y luha . . . Nang umagang yao'y iba ang nakatakdang nars sa aking silid, datapuwa't nang mag-iika alas dos na ng hapo'y sumipot uli ang nars na siyang unang nagpala sa akin. Noon ko namasid ang mukhang kaayaaya ng Anghel ng Kaligtasang iyon. Noon ko lamang napagwari ang kanyang anyo. Noon ko napaghulo kung bakit ang kanyang tinig kung magsalita'y walang iniwan sa mga nota ng isang awiting matimyas at naglalagos sa kaluluwa.
Tinawag niya ang aking pangalan. Ipinagunitang lulunukin ko ang isang tila pildoras. Pagkatapos ay sinabing kailangan ding ako'y tumagilid upang malagyan ng inyeksiyon, o maturukan. Sa huling wika niya'y napilitang mangunot ang aking noo, sapagka't nababatid kong sadyang mahirap ang tumanggap ng gamot sa pamamagitan ng pagturok.
Nguni't ako'y ngumiti lamang - nababatid kong iyo'y isang ngiting tuyot. Wala akong lakas na magsalita, lalo na ang tumutol. Nababatid kong wala akong dapat gawin kundi ang tumalima, sapagka't sila man ay napag-uutusan din. Ni magtanong ay hindi rin ako nangahas, sapagka't ayokog lumitaw na ako'y nag-aalinlangan sa kanilang ginagawa. Natitiyak kong sila o, sa tiyakang pag-uusap, ang tagapag-alagang iyon ng maysakit, ay nagpapakasakit sa mahirap na gawain, hindi alumana ang pagod, pagal ng katawan at panganib na mahawa sa karamdaman, matupad lamang ang layong makapaglinkod at makapagpala sa mga nasa banig ng karamdamang katulad ko.
Ilang araw pa ang nagdaan. Bumaba na nang kaunti ang aking lagnat, nabawasan ang sakit sa ulo at nakarama ako ng bahagyang ginhawa. Ang mabait na nars sa paminsan-minsan ay lumalapit sa akin at naghahandog: "Ibig ba ninyong uminom ng katas ng dalandan? Mabuti sa inyo iyan," at kasunod ang isang ngiting kaayaaya na lalo pang nagpaparilag sa kanyang mukha.
Isang ngiting tuyot din ang aking naitugon. Wari'y mahirap pa sa aking bigkasin noon, ang ano mang kataga sa aking labi.
Ang tunay na kagandahang-loob - hindi pakitang-tao lamang - ay sadyang nauulit, at ang paghahandog ng mga gayong inumin at iba pang uri ng bungang-kahoy, ay patuloy hanggang sa ang aking manggagamot ay magpasiyang ako'y makakakain na nang kaunti at samaktuwid ay nangangahulugang nasa landas na ako sa pagbuti't panunumbalik sa dati...
Makaraan ang tagpong iyon, ang marilag, mayumi't mabait kong tagpag-alaga na ang huling alaalang iniwan sa akin nang nagdaang linggo'y nang ako'y punasan niya, ay biglang nawala. May palagay akong napadako sa isang ward kundi man napatakda kaya sa dispensary. Nguni't may isang linggo rin halos ang nagdaan at nang siya'y bumalik, nagulat ako sa pagtulak sa pinto ng aking silid ay bumati siya nang buong lugod.
"Magaling na kayo!" Kailangan lamang ang mag-ingat. Nasa panahon na kayo ngayon ng pagpapalakas. Nabasa ko ang inyong chart, babalik ako mamaya."
Hindi nga naman naglaon at nagbalik siya, sapagka't halos ay iyon na ang takdang oras sa pagtupad niya ng tungkulin ng araw na yaon, matapos na sila diumano'y makapagpaliwanag sa head nurse sa hindi niya pagsipot agad, gayong kulang na kulang ang mga tagapaglingkod na nars sanhi sa marami ang nagsisipagliwaliw sa kani-kanilang bayan sa lalawigan nang sumapit ang tag-araw.
"Kayo ang kapatid ni Nitang, hindi po ba? Kami'y nagkasama sa North High School, noong araw. Ngayo'y Arellano High School ang paaralang iyan."
"Ah, kayo'y si Evangeline, hindi po ba?" parang nagliwanag ang aking isip sa isang biglang nagbalik na alalahanin nang nakalipas.
"Ako nga. Ikaw ma'y namumukhaan ko rin. Hindi na kita pupupuin pa, sapagka't tayo pala nama'y dating nagkakakilala. Kagagaling ko pa lamang sa aming bayan. Ayaw na ayaw ng tatay na ako'y magbalik pa: Ibig niyang magpatuloy ako sa aking napatigil na kurso sa piyano. Sa katotohana'y bumili siya ng bagong piyano at sinabing magpatuloy lamang ako at limutin ko lamang ang ospital ay susundin niya ang lahat ng maibigan ko."
Parang nagliwanag na lalo ang aking paningin nang magsimulang mabuksan sa akin ang isang kabanata ng buhay sa ilalim ng isang mapagtangkilik na pagamutang iyon.
"Nguni't paano ako makapananatili sa amin," ang patuloy niya, "na ang lahat ng bagay sa aming nayon ay nakapagpapagunita upang akoy manatili naman
sa pagdaramdam at pagdadalamhati."
"Bakit naman," ang naitanong ko sa isang basag na tinig.
"Hindi mo ba natatandaan, Edgardo ang iyong kaibigang makata rin sa panahon ninyong nanunulat sa high school pa lamang. Si Edgardo, gaya ng batid mo'y mahilig sa hukbo. Noon pa lamang na kayo'y nagsasanay sa pamumuno bilang kadete ay naglunggati nang maging tenyente ng inyong kompanya, na siyang nagkagantimpala sa paligsahan ng hukbo sa Trade School Grounds.
"Buhat noon ay nagsumakit na siya upang makapaghanda sa West Point, at sa katunayan ay nakasulit naman siya sa ibinigay na pagsusulit ng Serbisyo Sibil, datapuwa't nang gawin ang pagsisiyasat sa kanyang kalusugan ay nakatagpo ng kung anong sagabal sa kanyang ilong at lumilitaw na siya'y hindi pa muna matatanggap. Kailangan pa ang magpagamot.
"Gayon man ay hindi niya dinamdam ang pagkabigo. Bagkus nagpatuloy siya sa paghahanda sapagka't ang hilig niya ay ang maging pinuno ng hukbo. Sa wakas nang dumating ang talaga ng Diyos sa ating bayan, noong ika-8 ng Disyembre ng 1941, kusa siyang nagpatala sa hukbo at napatakdang tenyente sa isang pangkat. Buhat noon ay hindi na kami nagkita pa, datapuwa't sa dahilang magpapasko na noon, sinabi niya sa akin na tatanggapin ko ang aking pamasko kagaya ng dati, ang pamasko ng pusong umiibig.
"Magulo na ang kalagayan nang mga araw na yaon. Laganap na ang ligamgam at ang panganib ay nakapaligid sa lahat ng dako ng ating bayan. Nang una'y nagtungo muna kami sa bukid upang doon mangubli at maghanda ng kailangang pagkain una na ang bigas. Nakitulong ako sa pagpapagiik ng palay. Nakitulong ako sa pag-iimbak ng pagkain. Kailangan ang paghahanda sa mahabang araw sa loob ng isang panahong hindi matiyak.
"Datapuwa't. . . nang dumating ang bisperas ng Pasko – Noche Buena pa naman – ay ano't ibinalita ng aking tatay na sa kabayana'y naroon ang isang bangkay ng binatang may mga tama ng puglo. "Isang bangkay ng isang pinuno ng Hukbong Pilipino. Noon pa lamang ay sumasal na ang tibok ng aking puso. Buhat sa bukid ay nagpasama ako sa isa kong kapatid na lalaki at gayon din sa tatay upang makilala ko ang bangkay. At. . . Diyos ko! (Hindi ko na ibig pang magunita!)
"Sa bahay-pamahalaan na noon ay wala pa sa kamay ng mga Hapon ay nakahandusay at dugo-duguan sa tama ng puglo ang katawan ni Edgardo – si Edgardo na lalong malapit sa aking puso.
"Hindi ako makapagpigil. Naalis na sa akin ang kahihiyan, at sa harap ng
punong-bayan at ng madla'y nanambitan ako at tinawag ko ang kanyang pangalan na labis na ikinahambal ng aking amang kumandong sa aking parang bata nang ako'y manggipuspos at mawalan ng lakas.
"Nang ako'y mahimasmasan, narinig kong nagsasalita ang punong-bayan . . .
"Nagsadya si Edgardo dito sa atin, taglay ang pahintulot at kautusan ng pamunuan ng Hukbong Pilipino upang ipatalastas na bukas o sa makalawa'y papasok na rito ang mga Hapon. Kailangan ang maghanda at ihanay agad ang mga kusang-loob upang makatulong ng isang pangkat ng hukbong makikiharap sa kaaway.
"Sinasabi rin naman sa isang sulat sa dibdib ni Edgardo na kusang-loob na naghahandog ang tenyente Edgardo Ramiro upang magbigay ng kaukulang himatong sa kanyang mga kababayan, yamang may nais din lamang siyang paghandugan ng isang alaalang pamasko sa bayang ito, sa harap ng lalong mapanganib na paglakad. At ang liham na basang-basa ng dugo, ay may kalakip na isang dosenang marikit na panyolitong rosa na anki'y maliliit na bandila ng pag-ibig at sa bawa't dulo nito'y naroon ang aming pangalang nakukulong ng burdang hugis-puso.
"Noon ding hapong yaon, sa libingan ng nayon ay inihantong ang bangkay ng aking bayani. Datapuwa't buhat na rin noon ay naging bago na ang aking isipan. Kailangang ako'y makatulong sa Hukbong Pilipinong nagtatanggol sa kaaway. Nagtapos ako ng pagna-nars sa kabila ng pagtutol ng aking mga magulang, nguni't dumating naman ang pagkakataong ako'y maglingkod sa bayang tinubuan.
"Tumutol nang una ang aking ama. Sinasabi sa akin ang ipinagunitang maselang lubha ang panahon. Datapuwa't sinabi kong magiging walang saysay ako sa bukid, yamang pati ang isa kong kapatid na lalaki ay sumama na rin sa pangkat ng mga kusang-loob . . . namundok na.
"Iyan ang dahilan kung bakit ako napasama sa paglilingkod sa hukbo. Sa kabundukan ng Bataan, sa Lawag, sa Tarlak … at nang huli nang sumuko na ang bayan sa kaaway ay hindi ko minarapat ang magbalik sa sinapupunan ng kapayapaan, pagka't itinuring kong kailangan kong ipagpatuloy ang aking paglilingkod sa kagubatan.
"Paano'y para nang lumubog sa akin ang araw ng aking kabataan. Waring nangulimlim na sa akin ang langit sa habang panahon. Mandi'y hindi na namumulaklak sa aking pakiwari ang mga halaman. Sa palagay ko'y madilim ang aking kapalarang kasing-dilim ng kapalaran ng aking Inang-Bayan.
"Kung ilang taon pa ang nagdaan at kaugnay ng aking hirap, dalamhati't pagsuong sa panganib, ang unti-unting pagkabuhay ng isang pag-asa. Nagliwanag ang Silangan at hindi naglaon at nagbalik ang makapangyarihang hukbong tagapagligtas. At ako'y napalipat sa paglilingkod sa hukbo hanggang nitong mga huling buwan nang magdaang 1945. May karapatan na ako sa pamamahinga nang sumuko ang Kapangyarihang Nipon, datapuwa't nang minsang ako'y dumalaw sa aming nayon ay para bagang nabubuhay sa aking alaala ang malungkot na kabanata ng aking pag-ibig . . .
"Gayon na lamang ang pag-aliw nila sa akin. Inihanda ng aking mapagpasunod na mga magulang ang aming tahanan upang maging maligaya kaming magkakapatid. Ibinili ako ng mga bagay-bagay na makapagdudulot sa akin ng kasiyahan, kahulihulihan nga ang piyano upang diumano'y maipagpatuloy ko ang aking hilig sa musika. Datapuwa't . . .
"Ang aking kahapon, ang aking kabataan ay waring kaugnay ng ngayon sa aking paglilingkod. Sa palagay ko, sa larangang ito ng paglilingkod, ay para ko ring pinaglilingkuran ang dakilang lunggating pinagkamatayan ng aking mga bayani na siya ring ikinasawi ni Edgardo.
"Kaya't ang paglilingkod na ito - mahirap man, lipos man ng pagsasakit, nalalagay man sa panganib na pagkahawa sa karamdaman ng mga maysakit, ay dakila rin sa akin; na katotohana'y siya kong kaligayahan, tangi kong kaligayahan.
"At lagi nang nagugunita ko ang ilang talatang isinulat sa autograph ni Edgardo, noong araw:
--Sa habang, ibigin mo ma't hindi, ako ang iyong Edgardo at ikaw ang aking Evangeline.--
"Saka sa isa niyang aklat na may pamagat na "Vigil in the Night" ay sinasabi ang ganito:
--Evangeline, Nawa’y mamalagi kang tagapag-alaga ng maysakit kong puso na laging nahuhumaling sa iyong tanging pagmamahal. --”
Dahilan sa ako'y pinayagan nang makaupo't makabasa ng aking manggagamot, kaya't ang mga unang dahon ng aklat o ng kathang-buhay na iyong ipinahiram sa akin ng mabait na nars ay akin nang tinunguhan, at sa bawa't talata, sa bawa't kataga'y para kong nakikita ang naglalamay na kaluluwa sa gitna ng mga maysakit – halos katulad ng Anghel ng Kaligtasang may dalang ilawan sa buong magdamag . . . dakilang kaluluwang nagpapalait, nagdudulot ng lunas sa mga may karamdaman, samantalang ang sariling karamdama'y taglay sa habang panahon palibhasa'y hindi makapangyari ang kagahaman. . . hindi makapangyari ang kadalubhasaan . . . walang lunas na mailalapat . . . sapagka't karamdaman ng kaluluwa, sugat ng alaala, damdamin ng pusong nagmamahal ay wala ang minamahal . . .

Natagpuan ni Igme ang Hinahanap
Kuwento ni Alberto Segismundo Cruz
Bulaklak, Miyerkoles, Abril 7, 1948
Sa inianak na talagang makata, ang buhay ay isang pangarap lamang. Nguni’t sa kaluluwang nabubuhay sa katotohanan, ang buhay ay walang katapusang pagpapakasakit.
I.
Si Igmidio Karaingan ay hindi makikilala, saan mang pook na kanyang kinatitirahan kundi sa bansag na “Igmeng Bulong”. Naglalakad man siya sa lansangan ng Pandakan, sa karurukan
ng katanghalian ay hindi nawawala sa kanya ang ugaling “pagtingala sa langit at pagbubulong-bulong”. . .
Ipinanganak si Igmidio Karaingan (alias Igmeng Bulong) sa isang panig ng Pandakang nababasa ng tubig ng isang sanga ng Ilog-Pasig. Walang sino mang makapagpatunay kung sino ang mga magulang ni Igme. Gayon din naman, walang sino mang makatiyak kung siya ay nakakita nga ng unang liwanag ng araw sa Pandakan. Nguni't siya, si Igmeng Bulong, ang paulit-ulit na nagpapaliwanag na siya ay isang tunay na taga-Pandakan at “apo” ni Balagtas, diumano.
Si Igme na masasabing “taga sa panahon” at sumapit na sa gulang na dapat humirang ng isang “makakasalo sa ligaya at makakahati sa kalungkutan” ay malimit na magpaliwanag sa mga katalamitan niyang mga binata at dalagang nagsisibuo ng samahang “Panitik Pandakan”, noon, na si Balagtas ay nagparaan ng katanghalian ng kanyang buhay-makata sa Pandacan, bago sinapit ang dapit-hapon ng kanyang palad sa Udyong, Bataan. Ipinabatid din niya, at paulit-ulit na sinasabi, na ang kanyang “ama” ay nakamana ng “galing” sa pagtula kay Balagtas at ito, diumano, ang nasa kanya ngayon, kaya't ano man ang mangyari, ay “ipagtatanggol niya ang kudyapi ng kanyang nuno laban sa sino mang ibig na humamak nito”.
Nguni't hindi ito ang nakatatawag ng pansin kay Igme. Siya, ay masasabing “nabuhay”, noon na walang iniwan sa kanyang itinuturing na nuno. Isinaloob niya na “karugtong siya” ng buhay ni Balagtas at siya ang “nagpapatuloy” sa mga hakbangin nito. Sa iisang kataga, ipinangalandakan niya at pinatutunayan sa gawa na siya ay halos si Balagtas na rin -
sa kabuhayan, sa pagka-makata at sa mga gawi at ugali nito, gaya ng inilalahad ng mga
mananalaysay ng buhay ng Dakilang Makata ng Panginay. Pati hati ng buhok, pati pamamaraan sa pagdaramit at pati ugaling hindi pangkaraniwan, na isinisiwalat ng mga mananalaysay ng buhay ni Balagtas ay tinularan ni Igme upang maging karapatdapat siyang “apo” ni Balagtas o ng nasirang “Diwang Tagapagtaguyod ng Tulang Tagalog”.
II.
Nguni't ang lalong kagilalasan sa buhay ni Igme ay masasabing “nangyari”, nang magpasiya siyang “tuntuning muli” ang mga bakas ni Balagtas buhat sa Panginay hanggang sa Tundo; buhat sa Tundo hanggang sa Pandakan; at buhat sa Pandakan, hanggang sa Udyong na “kinalubugan ng araw ng kanyang palad”.
Nagsimula si Igme sa Panginay na para bagang siya ay kumita ng unang liwanag doon. Humawak siya ng panitik at lumalang ng mga tula, alinsunod sa balangkas at pagkakayari ng kanyang sinasabing “nuno”, at pagkatapos ay gumala-gala at nagtiis ng kahirapan sa loob ng ilang taon sa nayong Panginay, hanggang sa siya ay mawalan na ng pag-asa upang manatili pa roon. Pagkatapos ay lumipat siya sa Tundo, at sapagka't nabalitaan niya na si Balagtas ay nakipag-kaibigan kay Maestrong Huse (Huseng Sisiw) sanhi sa karunungan nito at malaking kaalaman sa pagtula, pinagpasiyahan din naman niyang ipagtanong kung sino ang pinakamahusay na tumula sa tinurang pook. Isang binata na mapagbasa ng mga pahayagan ang nakapaghimatong sa kanya na hanapin niya ang isang nagngangalang Eryong upang doon ay paturo, at magpadalubhasa sa pagtula.
Nakatagpo niya ang kanyang hinahanap, at sapagka't ito man ay nagpapanggap ding “isang apo sa tuhod ni Huseng Sisiw”, kaya't nagkawatasan sila agad. Sa maikling pagsisiwalat, si Igme ay naging isang alagad sa “paaralan” ng tula ni Eryong at ito naman ay naging masugid na alagad sa pagtula at naging kasakasama pa ng guro sa pagtula sa Tundo.
Sa ilang taon ay namuhay sila ng “magkabiyak na bunga”, magkasama sa lahat ng lakad, sa mga dupluhan, sa mga lamayan sa patay, at sa mga binyagan at dasalan. Kung hinihilingang tumula si Eryong, ang tumutugon ay si Igme, nguni’t kung sa larangan ng duplo naman ang guro na ang humaharap, lalo na at may magagandang “bellaca” sa larangan ng pagpapakislapan ng talino o sa biglaang paghahanay ng mga pangungusap.
Nguni't ang katamisan ng kanilang pagsasama ay humantong sa wakas, nang mapaghalata ni Eryong na ang kanyang kaibigan ay nakagigiliw din sa isang dalaga ng purok na matapat niyang pinipintuho, nguni't pamimintuhong “hindi man lamang nasisinagan ng bahagyang pag-asa”.
—Mabuti na sa atin, — ani Eryong, — ang magkalayo. Maghiwalay tayo ng landas, sapagka't mahirap ang mabuhay at magtagumpay nang magkasama.
—Aking guro, — ani Igme— walang hindi ako masusunod, yamang talagang dapat na magpatuloy ako sa Pandakan, matapos na matupad ko ang kabanata ng dula ng aking buhay sa Tundo. Kaya't, si Igme ay natagpuan na lamang at sukat ng taga-Pandakan sa isang panig ng kabayanan, sa tabi ng iisang sanga ng Ilog-Pasig. Bagaman may mga nakatatanda na siya ay talagang taga roon, may ilan pa ring nagaalinlangan, kaya't lubhang malakas ang kanyang loob na magsabi na “ako ay taga-Pandakan, sapagka't talagang tubo ako rito at sa Tundo, pagkatapos.”
III.
Sa Pandakan, pinilit ni Igme na makatagpo ng isang mapipintuho. Kailangan nga naman na siya ay makatagpo roon ng isang Bagong Celia, katulad ng nakasintahan ng kanyang “nuno”. Unang ginawa ni Igme ay ang magsadya sa Ilog-Beata at sa panig ng Pandakan na may malabay na puno ng mangga, upang doon ulitinang mahahalagang tagpo ng pakikipag-ibigan ng kanyang nunong si Balagtas.
Itinadhana man din ng isang magandang pagkakataon, si Igme ay nangyaring makipagkilala kay Celia, sa maganda at kapintu-pintuhong si Sela na siyang itinuturing na “Mutya” ng “Panitik Pandakan”.
Si Selaay talagang maganda, at sang-ayon sa mga binata na rin, “noon lamang nagdaang Mayo, tumuntong sa ika-16 na tag-araw ang dalagitang ito”.
Patay na patay sa pamimintuho sa dalaga si Igme. Kung ito ay dumadalo sa pulong ng kanilang kapisanan, si Igme na ang unang nagmumungkahi sa pangulo nila na magkaroon ng maikling palatuntunan upang maiparinig ang kanyang tulang himig “Kay Celia”.
Si Sela naman, palibhasa'y nasa kabataan pa, ay naniwala na “apo” nga ni Balagtas si Igme, at nahikayat at sumuyo sa binate nang buong katapatan. Sa kahilingan ni Igme, si Sela ay malimit na sumama sa binata sa pagtatampisaw sa Ilog-Beata kung tag-ulan; sa pagpaparaan ng kainitan ng panahon sa malabay na puno ng mangga sa isang bahagi ng pampang ng ilog, kung tag-araw, lalo na kung Mayong mabulaklak at ma-tutubi ang pampang ng ilog. Ano pa't si Igme, sa sariling pagbabalak, ay nangyaring makatupad sa bahagi ng dula ng pag-ibig ni Balagtas sa panig na yaon ng Pandakan.
Nguni't habang lumalaon, si Sela ay naging matalino at nawawatasan kung ano ang tunay na kahulugan ng “mabuhay”. Napagkilala niya na hindi maaaring sila ay mabuhay na lamang ni Igme sa pangarap. “Bukod dito ay lagi nang tumatanggap ng pangaral si Sela sa kanyang ama, na “kung hihirang din lamang ng mapapangasawa, ay hirangin na ang isang may hanapbuhay at makatatangkilik pa sa kanilang mag-anak”.
Dahilan sa mga kabaguhang ito sa kabuhayan at pagkukuro niSela, dumating ang isang dapit-haponna ibinulalas niya kay Igmena “siya, si Sela, ay kailangannang lumimot at limutin”. Noonnaman si Igme, sa halip na magdamdam,ay natuwapa at sinabisa sarili ang ganito:
— Diyos ko! Talagang matutupad ko yata ang pinagdanasan ng aking nuno. Sawi siya sa pag-ibig. Ako man ay sawi rin at pinagliluhan ng gandang ito! --
Gayon na lamang ang panggigilalas ng dalagal
Kaya't simula na noon, hindi lamang ang tulang himig “Kay Celia” ang binigkas-bigkas ni Igme, kundi ang tunay na tula na ring iyon ng Makata ng Panginay ang kanyang isina-ulo at naging binubulong-bulong sa maraming pagkakataon, bagaman nag-iisa sa paglalakad.
Isang malabiga ang nagsumbong sa mga maykapangyarihan na siya ay isang baliw at mapanganib. Ito agad ang naging tuwirang dahilan ng kanyang pangingibang-lalawigan, hindi nagtagal. Dito natapos ang kabanata ng buhsy ni Igme sa Pandakan!
Sa pamamagitan ng pag-utang sa ilang kaibigan ay nakapag-ipon nang may sampung piso si Igme, upang makatawid sa Look ng Maynila at makarating sa Bataan.
—Kailangan ko ang makarating sa Udyong! — ang laging nasasabi sa sarili ni Igme, nang siya ay dumating na sa Maynila at samantalang siya ay nagpaparaan pa ng ilang araw sa iba't ibang panig ng siyudad.
Sa di-kawasa, sumapit din ang araw at nakapagtawid-look si Igme hanggang makarating ng Balanga. Buhat dito ay nag-inot-inot na siya hanggang sa makasapit sa Udyong. Doon, ang unang ginawa niya ay ang humanap sa ilang ibinabalitang “kamag-anakan” ng nasirang Makata ng Panginay at doon nakipanirahan.
Sa pasimula ay inibig niya ang sumama sa mga magdaragat upang makakita nang kaunti at nang may maipagtawid-buhay. Sa kagandahang-palad naman ay nakatagpo siya ng isang pangkat ng mga mangbabating at siya ay ipinagsama. Sapagka't si Igme ay mabuti rin namang makisama, kaya't nakagiliwan siya ng lahat. Malimit siyang bumigkas-bigkas ng tula samantalang lahat ay gumagaod na patungo sa karagatan, sa may bungad ng Pulo ng “Kalabaw”. Nanatili siya sa kanyang hanap-buhay na ito hanggang sa makilala ang isang dalagang anak ng isa sa matatandang mangingisda sa pook na yaon.
— Sinasabi sa kasaysayan ng aking nuno, — pabulong na nasabi ni Igme sa kanyang sarili isang hapon, — na dito siya nakapag-asawa. — Samakatuwid ay dito na rin ako dapat magpakasira. --
Hindi naglaon at nang makapagtipon-tipon na nang kaunti si Igme ay naglingkod na mabuti sa
matandang mangingisda hanggang sa maipagtapat dito na nais niyang makaisang-palad ang anak na dalaga nito na kanyang nililigawan.
— Ikaw ang bahala, — sabi ng matanda. — nguni’t dapat mong mabatid na lubhang bata kaysa iyo ang aking anak. Kung maitataguyod mo ang kanyang nais at mapatitiwasay at mapaliligaya mo siya ay ikaw ang bahala.
Nangyari ang inaasahang mangyari sa buhay ni Igme. Nakapag-asawa, kaya’t lalo siyang nagsikap upang makakita. Nguni’t, nang matagal na siya sa pangingisda at nang magkaroon na ng bunso, noon niya naliwanagan na “kabaliwan lamang” pala ang kanyang ginagawang pagtupad sa dula ng buhay ng kanyang itinuturing na nuno.
Hindi na nangyaring sundan pa niya ang mga bakas ng nuno niyang si Balagtas, samantalang ito ay nasa Udyong sapagka’t nawalan na siya ng panahon sa “pagkakatali” sa kanyang tungkulin sa pangingisda at sa kanyang pamilya upang maitaguyod ang “buhay at pag-ibig ng Makata ng Panginay” sa isang ganap na kasaysayan.
— Balagtas, hindi ako baliw, kahi’t itinuring kitang aking nuno! Ang nasambit niya, isang hatinggabi samantalang siya ay natutulog.
Nang pukawin siya ng kanyang may-bahay, sa panganib na baka siya binabangugot, si Igme ay pumungas-pungas na nagtindig at nagsabi:
— Karya, iyan talaga ang “laman ng aking dibdib”. Kung di sa kabaliwan ko, na tularan ang buhay ni Balagtas ay hindi sana kita napangasawa. --
—Ano ang ibig mong sabihin?
—Mahaba ang kasaysayan. Sukat nang sabihin ko sa iyo na “tinularan ko” angpamamaraan
sa buhay at pangingibig ni Balagtas buhat sa Panginay hanggang sa Tundo; buhat sa Tundo, hanggang sa Pandakan; buhat sa Pandakan, hanggang sa Udyong.
— Samakatuwid, ay hindi mo talagang layon ang manatili at maghanap-buhay dito? — tanong ng kanyang maybahay na pinamulan ng mukha.
— lyan ang katotohanan, nguni’t, ngayon ay “hindi na ako nabubuhay sa pangarap”. Hindi maaaring ako ay magpatuloy sa “buhay-Balaglas”, sapagka't ako ay may tungkulin na sa Diyos at sa tao.
—Samakatuwid ay dumating ka na sa mapait na katotohanan sa buhay mo?
— Oo, Karya, nguni't hindi ako nagsisisi. Iba pala ang magbuhay-Balagtas at iba naman ang mabuhay ng totohanan.
— Talaga, Igme, magkaibayong talaga ang pangarap at katotohan.
At si Igme ay napatindig na tuloy, sapagka't inabot na sila nang madaling-araw sa pag-uusap at iba pang bagay hinggil sa kanilangg buhay at hinaharap.
Si Igme na naging kilala nang mangingisda sa Udyong ay laging nakapagsasabi sa mga kaibigan at kapalagayang-loob niya ng ganito: 'Talaga, palang sa Udyong lulubugan ng araw si Balagtas!