Totoong doktor si Dr Hwang. Sa China. Nang mag-immigrate siya sa Los Angeles, California, sinubukan niyang kumuha ng license upang makapag practice ng medicine sa kanyang bagong bayan. Hindi siya nakapasa sa exam. Kumuha muli ng exam at di muli nakapasa.
Nagpasiya si Dr Hwang na huwag nang sumubok muli na makakuha ng license. Naisip niya na magbukas na lamang ng clinic na ang specialization ay oriental medicine. Di kailangan ang western medical license upang makapagpatakbo ng oriental medicine clinic.
At upang agad ay dumami ang kanyang pasyente at bumuti ang kanyang kita, naglagay siya ng sign sa harap ng clinic na nagsabi ng ganito: "Tiyak na lunas o sauli ang bayad nang doble".
Pasyente si Mang Nicolas. "Dr Hwang, sabi niya, ang Mrs ko may high blood siguro. Laging galit sa akin."
"Ah," sabi ni Dr Hwang, "may high blood ang Mrs mo! Bakit ikaw ang naririto?"
"Kasi nagkasakit na ako sa buwisit dahil sa kagagalit ng Mrs ko!"
Pagpasok sa clinic ang pasyente ay sinisingil kaagad ng receptionist ng $20.00.
"Alright, naintindihan ko na," sabi ni Dr Hwang. Tinawag niya ang kanyang nurse at nag-utos, "bigyan mo sila ng 12 tablets ng Limotagad."
Payo niya kay Mang Nicolas, "uminom ng isang tableta tuwing nagagalit."
Tanong ni Mang Nicolas, "sino ang iinom, ako o ang Mrs ko?"
"Ang Mrs mo. Pag-inom niya ng Limotagad, malilimutan niya kaagad kung bakit siya nagagalit."
At masayang nagpaalam si Mang Nicolas.
Pasyente rin si Bruno. Nguni't si Bruno wala talagang sakit. Magulang siya. Mapagsamantala lamang.
Sabi niya kay Dr Hwang, "wala akong panglasa. Di ko nalalasahan ang pagkain o inumin."
Idinagdag niya, "Doc, totoo ba na sauli ang bayad nang doble pag di nagamot ang sakit?"
"Guaranteed," sabi ni Dr Hwang.
Bulong sa sarili ni Bruno, "Yari na ang doktor na ito. Sigurado doble balik ang pera ko."
Tinawag ni Dr Hwang ang nurse at nag-utos, "Bigyan mo ako ng No. 1".
Ang No. 1 ay likido na nasa loob ng isang dropper. "Buka bibig," utos kay Bruno.
Pagbuka ng bibig ay nagpatak doon ng isang patak ng likido ang doktor.
Napasigaw si Bruno. Napadura pati. "Kerosina!"
"Tama, kerosina. Balik na ang panglasa mo!" Matagumpay na pahayag ng doktor.
Bigo si Bruno. Hindi niya naisahan ang doktor. Lulugo-lugo siya nang nilisan ang clinic.
Isa pang pasyente si Domingo. "Doc," sabi niya, "kailangan ko ng Viagra."
"Mayroon akong gamot mas mahusay sa Viagra. Hindi iniinom. Samakatuwid, walang side effects. Ipinapahid gamit ang daliri. Pagkapahid, 5 minutes lamang, matigas na ang pinahiran."
Inutusan ang nurse. "Maglabas ka nga, iha, ng isang bote ng Tigasulo para kay Mr Domingo.
"O, sige, punta ka sa bathroom. Ipahid mo at bumalik ka rito after 5 minutes."
After 5 minutes, bumalik si Domingo na napakalaki ang ngiti sa pagmumukha. Sabi niya sa doktor, "successful, doc, pati daliri ko matigas!"
Ayaw magpapatalo si Bruno. Bumalik siya kay Dr Hwang upang mabawi ang pera. Pagpasok, bayad siya ng $20 sa receptionist.
"Sigurado, balik pera na ngayon. $40 ang babalik. Bawi na ako." Inisip ni Bruno.
"Doc", sabi niya, nawala ang aking memorya. Wala akong maalaala."
"Nurse," nag-utos ang doktor, "pakibigay ng No. 1."
Ipinatak ang No. 1 sa bunganga ni Bruno.
"P_ _ _ _ _ _ ina! Kerosina na naman!"
"Congratulations, Bruno. Balik na ang iyong memorya."
Lumabas ng clinic si Bruno na dumudura at nagmumura.
Napabalita ang husay ni Dr Hwang sa paglalapat ng gamot, lalo na sa mga lalaking mayroong erectile dysfunction.
Isa sa mga binigyan niya ng gamot ay si Mike. Ang ibinigay niya kay Mike ay ang tinatawag na Soup No. 5.
Payo niya kay Mike, "bibigyan ka ng nurse ng isang bag ng dried bulls penises and balls. Pakuluin mo hanggang sa lumambot, pagkatapos ay higupin mo ang sabaw."
At umuwi si Mike at sinubukan ang payo ng doktor.
Kinabukasan, dala ang isang kalderong sabaw, ay bumalik sa clinic si Mike.
"Tingnan mo, doc, ang sabaw, matigas pa rin ang partes ng bull. Limang oras nang pinakulo iyan!"
Inusisa ng doktor ang laman ng kaldero at pagkatapos ay tumawa nang malakas. "Alam ko na ang problema. Nagkamali ang nurse. May napahalong bahagi ng babaeng baka sa supot. Hindi nga lalambot kasi may partes ng babae sa kaldero!"
Walang kadala-dala si Bruno. Nanggigitil siya na mabawi ang pera na ibinayad sa doktor. Kung kaya't isang araw ay kumunsulta na naman kay Dr Hwang.
"Dr Hwang, hindi ako makakita."
Sabi ni Dr Hwang, "iyan ay isang problema na di ko magagamot. Sorry. Ibabalik ko at dodoblehin ko ang ibinayad mo ngayon. Bibigyan kita ng $40. Isasauli ko rin ang $40 na ibinayad mo noong dalawang bes ka nagpatingin dito. Samakatuwid, heto ang $80." At inilagay ng doktor sa palad ni Bruno ang apat na $1 bills.
Sinipat ni Bruno ang salapi sa kanyang palad. "Doc, $4 lang ang ibinalik mo."
Mabilis na hinablot ng doktor ang pera. "Akin na ang $4. Nakakakita ka na!"
Ang aral ng kuwento: "Matalino man ang matsing, napaglalalangan din."