HIYAS
Maikling Kuwento ni Alberto Segismundo Cruz
(Unang inilathala ng Liwayway Hunyo 3, 1968)
Sinipat na mabuti ni Mang Miroy, ang kilalang platero sa Cervantes (ngayo’y Avenida Rizal), ang brilyante na nasa kaliwang palad niyang nakalahad. Maliit lamang iyon nang bahagya sa karaniwang butil ng mais. Ang sinag ng araw na galing sa durungawang bukas ay tumama sa batong sinusuri niya. Kumislap ito sa tudla ng sinag at sumilaw sa mata niyang nakasipat. Nasinag niya ang maliit na lagablab wari ng apoy sa pinakapusod niyon. Napansin din niya ang makinis na tapyas nito sa mga gilid saka ang iba't-ibang kulay na anaki’y likas na himala ng isang brilyanteng may mataas na kilatis at karapat-dapat na maging tampok ng sinsing man ng isang anak-hari. Sa katunayan, ang batong ito’y iniukol na maging tampok ng isang sinsing na pangkasal.
“Malaki ang halaga ng batong ito!” nasabi sa sarili ni Mang Miroy. “Hindi bababa ito sa isang libong piso.”
“Pagbutihin sana ninyo ang engaste,” pakiusap ng dalagang nasa likuran ni Mang Miroy. “Mayari kaya ninyo iyan sa Huwebes ng papasok na linggo?”
“Si Nydia naman!” sabi ng platero. “Para kang si Donya Pepang, ang mama mo, kung magpagawa. Lagi nang nagmamadali. Mahuhuli yata sa biyahe.”
“Nguni’t, Mang Miroy, iba ito,” anang dalaga na biglang pinamulahan ng mukha, pangyayaring lalo pang nagparilag sa katutubo niyang kagandahan. “Alam na naman ninyong gagamitin iyan sa aking kasal sa darating na araw ng Linggo. Saka nabanggit ninyo ang biyahe, at kung itutulot ng Diyos, baka kami ng aking nobyo’y makarating pa sa Paris, Roma, Helsinki at Bruselas.”
“Ako na ang bahala, iha,” sabi ni Mang Miroy. “Idalangin natin na huwag sana akong magkasakit.”
“Kapag nayari po iyan sa panahon, Mang Miroy,” wika ng dalaga, “ang gantimpala ninyo’y magiging kasiya-siya. Maaaring doble! Iyan ang sabi ng aking nobyo, matapos na maibalita ko sa kanya ang inyong turing sa paggawa ng sinsing na iyan.”
“Batang ire!” napapalatak na pakli ni Mang Miroy. “Sa isang kaakit-akit na gaya mo na haharap na sa dambana, dapat na maging kaakit-akit din ang sinsing na yayariin ko. Ngayon pa lamang ay para ko nang nakikita na matapos na maisuot sa palasinsingan mo ang sinsing, ay hahagkan ka niya, hindi lamang minsan, kundi makalawa o makatatlo pa.
”Baka mggselos ang aking nobyo, Mang Miroy, mabuti at hindi ko siya nakasama rito.”
“Ngayon, wala nang biruan, sabi ng platero, sa Sabado nang hapon ka magbalik. Bigyan mo ako nang sapat na panahon na magawa ko ang sinsing! Kahimanawari, ineng.”
“Hanggang sa Sabado po ng hapon,” pawakas na sabi ng dalaga, sabay tindig. “Isasama ko po ang aking nobyo upang makilala naman ninyo.”
“Nasa iyo nang pagpapasiya iyan, anak.”
“Paalam na sa inyo,” ani ni Nydia at lumabas na ng plateriya, tuloy sakay sa kanyang kulay gumamelang kotse.
“Sa Sabado nang hapon!,” nasabi sa sarili ni Mang Miroy. “Akala ng maraming nagpapagawa ay madali lamang ang pagyari ng hiyas. Hindi man lamang sumasagi sa kanilang isip na maaaring makasira sa paggawa ang isang platero. Kung ito’y mangyayari, sadyang kahabag-habag ang gaya ko, na sapilitang uutang nang patubuan makabayad lamang sa kapinsalaan. Isipin na lamang kung mabasag ang brilyante sa pagtatampok.”
Matapos uminom ng kape, nagtungo si Mang Miroy sa panig ng plateriya na kinaroroonan ng mga butbutin niya. Inihanda ang ilang kailangang kasangkapan, bago nagparingas ng apoy.
Natimbang na niya ang puting ginto. Sa pamamagitan ng isang tiyaning tanso na may dalawang dangkal ang laki ay idinarang sa apoy saka itinubog sa asido. Pagkatapos ay buong ingat na pinukpok ng isang maliit na martilyo ang lumamig nang bahagi ng ginto, na siyang inihahanda niyang maging braso. Binilog niya ito, at sinimulan namang ihanda ang panapo sa tuktok ng kabilugan upang mapalapat nang walang panganib sa pagkahulog ang brilyante. Nahirapan siya sa bahaging ito ng paggawa. Matagal siyang nagtrabaho sa sinsing, paulit-ulit – pagdadarang sa apoy, pagtubog sa asido, pagpukpok nang maingat, paghugis at iba pa. Datapuwa’t sa sukat ng palasinsingan ni Nydia at sa pagkakahanda ng pinaka-sapo, mandi’y hindi nagtatama nang tapat ang bahaging iyon ng ginto at ng brilyante.
“Madalian pa naman ang trabahong ito!” bulong sa sarili ni Mang Miroy na ibig nang mayamot. Sa di kawasa’y napailing siya. Kailan man ay di nanginig ang mga daliri niya kundi noon lamang! Kailan man ay hindi siya nangamba sa gawain sa pagyari ng hiyas kundi sa pagkakataong iyon lamang! Ano kaya ang nangyayari sa kanya? Waring masisira ang kadalubhasaan niyang “namana” sa ama niya at sa lolong naglipat sa kanila ng kadalubhasaan sa pagyari ng hiyas. Sayang ang kabantugan ng platerya na kilala sa mataas at mababa mang lipunan ng Maynila at sa mga karatig na bayan.
Walang anu-ano'y umabot sa pandinig niya ang isang tinigtinig na para niyang nakikilala . Tinig ng kanyang ama! At narinig niya ang ganitong mga pangungusap na nauulit na naman, makalipas ang marami nang taon:
“Miroy, ang pagyari ng alahas, gaya ng makailan kong nasabi na sa iyo, noong ikaw’y tinuturuan ko pa sa gawaing iyan, ay isang sining. Hindi sapat ang kaalaman at karanasan sa pagyari. Kailangan ang mai ngat, mapagmalasakit at matatag na galaw ng mga daliri. Gayon din, kailangan kang maging mahinahon at magkaroon ng pag-ibig sa kaselanan ng iyong gawain. Kailangan mong ibuhos ang iyong kaluluwa sa pagyari ng isang hiyas na gaya ng ginagawa mo. Hindi ka eskultor, pintor o musiko, subali't alagad ka ng sining, na katulad ng isang makata, ay isang tunay na manlilikha . Sa ibabaw ng lahat, huwag kang maghangad at huwag kang magdaraya. Huwag babawasan ng kahi't isang gramo ang ginto. Huwag mong papalitan ng ibang kahambing ang brilyanteng ipinagkatiwala sa iyo. Miroy, magpatuloy ka na!”
Parang nagbago ang pakiramdam ni Miroy. Tila sumiglang bigla ang kanyang katawan. Nawala ang pagod niya't pagkayamot. Humalili'y ang pagtitiwala sa sarili. Minasdan niya ulit ang lagablab ng apoy. Ipinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa. '
Samantalang inilalapat niya ang brilyante sa sapo ng kabilugan ng ginto, waring biglang nasinag niya sa bato ang isang pangitain na bagaman maliit ay maliwanag naman sa kanyang paningin. Sa harap ng dambana. . . sa simbahan . . . siya at si Idad. Noo'y ikinakasal sila. Isinusuot niya sa daliring palasinsingan ni Idad ang sinsing na pangkasal na niyari ng kanyang ama, na tinulungan niya noon. Mababa lamang ang kilatis ng bato subali't sa palagay niya, nang maitampok na iyon sa engasteng puting ginto rin, hindi niya maaaring ipagpalit pa sa ano mang mahalagang hiyas sa daigdig ang sinsing na iyon. Wala s_a halaga kundi nasa kayarian na naaayon sa sining at sa kahulugan: ang sangla ng pag-ibig at sagisag ng pag-iisa ng dalawang pusong “masasalo sa ligaya't maghahati sa hilahil”.
Nagunita niya tuloy ang dahilan kung bakit masidhi ang pagnanais ng nagpagawa sa kanya, si Nydia, na mayari agad ang sinsing na pangkasal. Pagiisang-_dibdib! Buhat sa pagiging dalaga, tungo sa kalagayan ng isang may-asawa. Maititindig na, pagkatapos, ang isang tahanan. Magiging ama't ina ng tahanan ang nag-isang-puso. Magkakaroon sila ng mga supling-mga kapilas ng buhay. At ang katuturan ng sinsing na iyon ay magiging ganap.
Nailagay niya nang lapat ang brilyante sa tampok ng sinsing . Natimbang sa braso ang batong maningning. Naging ganap ang kayarian ng hiyas - isang tunay na likha ng sining!
Nagwakas na rin ang maselang na Gawain niya. Wala nang nalalabi kundi ang pakinisin na lamang ang hiyas. Kung susukatin ang itinagal ng trabaho ay aabot sa limang araw. Hindi siya masisira sa pangako kahi't na idagdag pa ang isang araw ng pagsusuri -- ang finishing touches, kung baga sa isang larawang guhit ng pintor. Habang nililinis niya ang braso ng sinsing ay iihip-ihip na siya sa maningning na bato. Sa malas niya’y lalong dumilag ito sa pagkakatampok. Natugon ang hinihingi ng disenyo. Nang matiyak niyang malinis na, kinuha ang timbangan at tinimbang ang bigat ng hiyas.
“Dalawang libong piso man ay maaari itong bayaran!” pagmamalaki niya sa sarili.
Sumilid na bigla sa isip niya si Idad na may ilang sandali lamang ang nakalilipas ay inanyayahan pa siyang magminindal. Ibig niyang mahangaan ni Idad ang kanyang “obra maestra”. Tinungo niya ito.
“Subukin mo ngang isuot ang sinsing na ito,” sabi niya kay Idad.
“Nahulaan kong magiging sukatan mo na naman ang aking palasinsingan!” Iniabot ni Idad ang kamay sa kabiyak.
“Saan naroon ang sinsing mo?” patakang usisa ni Mang Miroy sa asawa nang mapunang wala sa daliri nito ang kanyang “sangla ng pag-ibig”.
“Narito sa bulsa ng aking bestido,” ani Idad.
“Itinago ko, sapagka't kailangan akong maglinis ng paminggalan.”
Sa hindi na makinis na daliri ni Idad, nang maisuot ang sensing na pasadya, parang nagitla si Mang Miroy, waring nakita niya ang daliring hubog-kandila ni Nydia.
“Idad,” sabi niyang nagtataka. “Hindi pa pala nagbabago ang iyong palasinsingan sa kabila ng iyong mahihirap na gawain sa bahay.
“Mapagbiro ka, Miroy,” matimyas na tugon ng maybahay ng platero.
“Marikit lamang ang sinsing. Sa pagkakatampok ng brilyante na timbang na timbang sa kabilugan ng braso, ang ganda ng hiyas ang iyong nakikita. Ang mga daliri ko'y pinapangit na ng panahon.”
“Idad, ikaw naman,” masuyong sambit ni Mang Miroy, “ano man ang isipin mo o ipalagay, ang naipahayag ko'y siyang katotohanan sapagka’t iyan ang aking nakikita.”
Ikaapat pa lamang ng hapon, araw ng Sabado, ay dumating na si Nydia sa plateriya ni Mang Miroy. Bagaman nagmamadali ay ibang-iba ang kilos at anyo kaysa dati. Matamlay ang katawan at namu mula ang mga mata.
“Mang Miroy,” ani Nydia sa nangangapos na tining, “hindi na po matutuloy and kasal!” sabay iyak.
“Bakit, anak? Usisa ni Mang Miroy sa malagim na balita, “ano ang nangyari? Ipagtapat mo sa akin. Ako naman ay katapatan ng iyong pamilya.”
“May asawa po ang magdaraya na inibig ko't pinangakuang mamahalin habang buhay!”
Napasuntok sa katabing mesa si Mang Miroy.
“Dinaramdam ko ang pangyayari,” malumanay na saad niya. “Nguni't narito na ang sinsing.” At iniabot kay Nydia ang isang maliit na estutse.
Binuksan ni Nydia ang estutse.
“Kay ganda, Mang Miroy!” Bahagyang nangiti ang dalaga.
“Sayang! Napakarikit ng sinsing na ito, nguni't tanso pala lamang ang katapat. Natanso ako ng walang-hiya!”
“Huminahon ka, ineng,” payo ni Mang Miroy. “Maitatago mo iyan at magiging buluhan pa rln sa iyong buhay . Magiging tagapagpagunita sa iyo. Bata ka pa, mahaba pa ang landas na malalakad mo.”
Muling napangiti si Nydia nang marinig ang payo ni Mang Miroy. Dinukot ang sisidlan ng salapi, na nasa loob ng handbag, at iniabot ang isandaang piso sa platero.
“Nydia, labis ito sa aking turing. Sabi ko noon ay limampung piso ang nararapat na ibayad mo sa akin.”
“Ngunl't ipinangako sa inyo ng aking magdarayang nobyo na pag-iibayuhin ang kabayaran sa inyong pagod kung mayayarl ang sinsing sa panahon. Ipinasabi niya iyan sa inyo sa pamamagitan ko, hindi po ba?”
“Tunay, Nydia,” patotoo ni Mang Miroy, “datapwa't ang kahigtan ng limampung piso ay... tanso na rin ang katimbang. Hindi ko matatanggap iyan!”
“Mang Miroy, salamat sa inyo!” anang dalagang nalugod na sa sinabi ng platero. “Ang inyong pagdamay sa akin, sa paraang iyan ng inyong paninindigan, ay hindi ko malilimot kailan man.”
Ngumiti si Mang Miroy. Ilang sandali pa’y tumindig na si Nydia, saka nagpaalam.
“Ipinangangako ko sa inyo na itatago ko nang mahigpit ang hiyas na ito. Mamahalin ko, higit pa sa aking buhay!”
Parang nagamot ang malubhang sugat ng puso ng dalaga sa mataas na lipunan ng Maynila. Mabilis na pinatakbo ang kotse. Walang natanaw si Mang Miroy buhat sa plateriya kundi ang puting panyolitong ikinaway ng dalaga.
ANG SINGSING
Maikling Kuwento ni Percival Campoamor Cruz
(Nailathala ng Asian Journal San Diego noong Marso 6, 2009
http://www.scribd.com/doc/13063091/Asian-Journal-Mar-06-2009)
--- Minsan ay malamig na piraso ng dilaw na bakal at sa galing ng isip sa paggawa ng desenyo at husay ng mga mata at kamay ni Mang Kardo, ito'y naging kagila-gilalas na alahas na kung naangkupan ng makikinang na brilyante ay nagiging mamahaling hiyas. ---
Kaisa-isa lamang ang naging hanapbuhay ni Mang Kardo – ang maging isang mag-aalahas. Sapul pa sa pagkabata ay namulat na siya sa paglikha ng mga alahas kagaya ng singsing, kuwintas, at pulseras, na hubog mula sa ginto o pilak. Ito ay talino na namana sa ama – na di nagpabaya sa pagtuturo sa anak -- hanggang sa siya'y tiyak na maging mahusay na alahero rin katulad niya. Nag-aral sa elementarya at mataas na paaralan si Mang Kardo, nguni't hindi na nakatuntong ng kolehiyo.
Wika ng ama: “Para ke pa na mag-aksaya ka ng mahabang panahon sa kolehiyo; sa wakas ay hanapbuhay din ang hahanapin mo. Heto na ang hanapbuhay -- nakalantad na sa harapan mo, sunggaban mo na. Ibibigay ko sa iyo ang mga kasangkapan at lahat ng mga sekreto upang magkaroon ka ng matagumpay na hanapbuhay. Ngayon din ay may hanapbuhay ka na, kung pipiliin mong magsimula na.”
Naging dalubhasa si Mang Kardo sa paggawa ng alahas. Naging tanyag na pagawaan ng alahas ang negosyo nilang mag-ama – ang Plateria Gonzales sa Moriones, Maynila.
Minsan ay malamig na piraso ng dilaw na bakal at sa galing ng isip sa paggawa ng desenyo at husay ng mga mata at kamay ni Mang Kardo, ito'y nagiging kagila-gilalas na alahas na kung naangkupan ng makikinang na brilyante ay nagiging mamahaling hiyas.
Ang Plateria Gonzales ay isang lumang bahay sa panulukan ng Moriones at Ylaya sa Tundo. Ang itaas ay naging tirahan ni Mang Kardo at ng asawa niyang si Rosal. Nasa ibaba naman ang pagawaan ng alahas.
Karamihan sa mga nangangailangan ng alahas noong mga panahong iyon ay sa Escolta at sa Florentino Torres sa Sta. Cruz tumutungo at doo'y gumagastos ng mahigit pa sa presyo ni Mang Kardo upang makabili ng alahas na di naman kasing-ganda. Nguni't ang mga nakaaalam ay winawalang bahala ang abala sa pagtungo sa isang ilang na kalye sa Tundo, magkaroon lamang ng alahas na gawa ni Mang Kardo. Naging parokyano niya ang mula sa mayayamang pamilya sa Maynila at sa mga kanugnog na pook, at maging ang mga taong nasa matataas na puwesto sa gobyerno at pati na ang mga artista sa pelikula.
Matindi ang pagnanasa ni Mang Kardo at ni Rosal na magkaroon sila ng anak, lalaki sana, upang magkaroon, sa pangmatagalang panahon, ng katulong sa hanapbuhay. Nguni't di sila pinagkalooban ng anak. Sa halip ay nagkaroon ng limang katulong si Mang Kardo. Sa lakas ng bugso ng mga mamimili na dumarating sa plateria araw-araw ay kinailangan niya na umupa ng mga tauhan.
Matapos maturuan ang isang katulong, kapag ito ay mahusay na, karaniwang ito ay lumilisan upang humanap ng higit na mataas na suweldo o di kaya ay upang magpundar ng sariling plateria. Malimit na magpalit ng tauhan si Mang Kardo, hindi dahil sa isa siyang taong mahirap na pakitunguhan, kundi dahil sa ang mga kinukuha niyang tauhan ay di nagtatagal; kapag natutunan na ang sekretong itinuro ni Mang Kardo, sila ay naniniwalang makakukuha sila ng higit na magagandang hanapbuhay sa higit na malalaking plateria at nagbibitiw.
Sa kasalukuyan ay nag-iisa na lamang si Mang Kardo sa plateria. Lumipas ang panahon, dumami ang mga kakompetensya sa paggawa ng alahas, kumaunti ang dating ng mga suki sa Plateria Gonzales, humina ang kita ni Mang Kardo.
Sa kasalukuyan, animnapu't pito na ang edad ni Mang Kardo. Mahina na ang mga mata at may kaunting nginig na ang mga kamay. Marahil ay dahilan din ito ng paghina ng kita ni Mang Kardo – kumaunti ang mga suki, marahil, ay napansin ang pagbabago sa uri at husay ng trabaho niya.
Nguni't ang malaking dahilan kung bakit lumipas ang katanyagan at ligsi ng hanapbuhay ni Mang Kardo ay ang pagkakasakit ni Rosal. Isang araw ay may naramdamang kirot si Rosal sa parte ng kanyang likod. Tumungo silang mag-asawa sa isang dalubhasa sa likod. Matapos kumunsulta, ayon sa pagsusuri at x-ray, nabatid na may “emphysema” si Rosal. Ang pagsakit ng likod ay nauwi sa pagbigat ng paghinga at kawalan ng sigla at panglasa sa pagkain.
Naging madalas ang pagpunta sa doktor at napabayaan ni Mang Kardo ang kanyang negosyo. Namayat si Rosal at kinailangang may nakakabit na "oxygen tank" sa kanyang katawan nang palagian upang makahinga nang maluwag. Matindi ang kalungkutan at pag-aalala ni Mang Kardo. Ang kaisa-isang kasama niya sa buhay ay nasa bingit ng kamatayan!
Ang bigat sa damdamin na dulot ng sakit ay bukod pa sa bigat sa bulsa na palagiang bumabagabag sa isipan ni Mang Kardo. Ang kanyang naipon ay naubos na sa kababayad sa doktor at gamot. At ang maliit na kita niya ay kulang pa sa pagbabayad sa pang-araw-araw na gastusin gaya ng pagkain, pamasahe at panggastos sa negosyo. Tagsalat sa buhay ang mag-asawang Mang Kardo at Rosal.
Susubukan ng doktor na sa pamamagitan ng operasyon ay maalis ang masamang parte ng baga. Salapi lamang ang namamagitan sa paggaling ni Rosal at paglubha. Kailangang-kailangan ni Mang Kardo ang salapi – di lamang niya alam kung papaano hahanapin ang kailangang-kailangang salapi.
Isang araw ay may dumating na parokyano sa plateria. Nakapinid nang kalahati ang pinto.
“Mang Kardo, Mang Kardo . . . Bukas po ba kayo?” tanong ng dumating.
Lumitaw sa pintuan si Mang Kardo galing sa itaas ng bahay na kung saan ay binabantayan niya ang asawa.
“Oo, Ineng, pasok.” sabi ni Mang Kardo.
Pumasok sa plateria ang isang dadalawampuing dalaga na may kataasan, mahabang buhok, at balingkinitang katawan.
“Kayo po ba si Mang Kardo?” Tumango ang platero.
“Ako po si Melinda, anak ni Mrs. Guerrero, suki ninyo. Dito raw po ako magpagawa ng singsing na pangkasal, sabi ng mama.”
“Dala ko po ang singsing ng mama; ibig po naming ipabago ang desenyo nito nguni't gamit din ang dating ginto at bato. Kasi po ay makaluma ang desenyo. Ito po ay pamana ng mama sa akin; at ako'y ikakasal sa susunod na buwan,” paliwanag ng dalaga.
Gamit ang kanyang salaming pampalaki, sinilip ni Mang Kardo ang singsing.
“Natatandaan ko ang singsing na ito. Regalo ng papa mo sa mama mo nang sila'y magdiwang ng ikatatlumpung anibersaryo. Napakagandang brilyante nito, at di pangkaraniwan ang halaga. Bagay na bagay na maging singsing pangkasal ng isang napakagandang bata katulad mo.”
“Kailan mo ba kailangan ito, Ineng?” Tanong ni Mang Kardo.
“Ang petsa ng kasal namin ay Hunyo a dose po. Matatapos po ba ninyo bago mag-Hunyo?” Tanong ng dalaga.
“Samakatuwid ay mayroon akong halos ay isang buwan . . . O sige, anak, bumalik ka sa Mayo a beinte singko at ang singsing ay tapos na sa araw na iyon.”
Lumisan ang dalaga at agad na sinuri ni Mang Kardo ang singsing. Kinilatis nang higit na masusi ang bato sa singsing. Makikitang nag-iisip si Mang Kardo at mapapansin ang pamumuo ng pawis sa kanyang noo. Inikot-ikot ng kanyang mga daliri ang singsing habang nakasilip naman sa kanyang salaming pampalaki upang matiyak na ang brilyante ay mataas ang uri at ang kulay ay di pangkaraniwan. “Kung limampung libong piso lamang ay may halaga ang batong ito!” Bulong ni Mang Kardo sa sarili.
At doon nagsimula ang kalbaryo ni Mang Kardo. Limampung libong piso ang maaaring magligtas sa buhay ni Rosal, kung ang operasyon ay magiging isang tagumpay.
Naisip niyang makagagawa siya ng kababalaghan. Gagamitin niya ang kanyang galing upang ang kristal sa puwit ng baso ay magmukhang brilyante. At ang tunay na brilyante sa singsing ni Melinda ay madaling makapagbibigay ng salaping kailangan ni Rosal sa operasyon, kung ito'y maipagbibili sa isang mayamang mag-aalahas na Intsik sa Tambunting. Ganoon din ang gagawin sa ginto -- maipagbibili niya ito at ang metal na gagamitin sa singsing ni Melinda ay tanso at ito'y itutubog sa ginto.
Sa mga araw at linggong lumipas, naging napakaabala ni Mang Kardo sa pagguhit sa papel ng iba't ibang desenyo, sa pagputol ng bakal, pagkikil, pagtunaw at paghubog nito, upang makalikha ng isang di pangkaraniwang singsing alay kay Melinda. Ang kristal naman mula sa puwit ng baso ay mataimtim niyang pinilas, tinapyas-tapyas, binigyan ng hugis, kininis at pinakinang hanggang sa maging wari mo ay mamahaling brilyante.
Nguni't hindi rin mapagkatulog si Mang Kardo. Habang abala, malimit ay nagiging tulala at tila balisa. Minsan ay ginising siya ni Rosal dahil sa umuungol sa pagtulog. Lingid sa kaalaman ni Rosal ay nanaginip si Mang Kardo. Kitang-kita niya sa panaginip ang anyo ng ama na mabagsik ang tabas ng mukha at paturong iniwawagayway ang daliri habang nangangaral: "Kardo, Kardo . . . Makailang ulit ko ba sasabihin sa iyo na ang pagiging mag-aalahas ay tila pagiging asawa ni Cesar? Kailangan ay wala kang ni bahid man lamang ng pag-aalinlangan!"
Kay lakas ng tukso, isang buwang nagdusa si Mang Kardo, naghimagsik ang damdamin niya at nagulo ang isipan, nagtalo sa kanyang budhi ang kabutihan at kasamaan -- at sa huli ay namayani ang kabutihan. Isip niya, “Ipagkakatiwala ko sa Diyos ang paggaling ni Rosal.”
Mayo a beinte singko. Gaya ng kasunduan, dumating si Melinda sa plateria upang tubusin ang singsing.
“Ay, naku, Melinda, napakaganda ng kapalaran mo! Ang nalikha kong singsing ay napakaganda, napakataas ng uri, napakadalisay na ginto at bato --- pambihirang pilas ng yaman na naaangkop sa ganda mo at sa puso mong busilak!” pagmamalaki ni Mang Kardo.
“Maraming salamat, Mang Kardo. Nguni't hindi po matutuloy ang kasal.” ani Melinda.
“Hindi matutuloy?!” Gulat na itinanong ng matanda.
“Hindi po. Mangyari ay may-asawa na pala si Joey. May nagsabi sa akin nito, at bago maging huli ang lahat, ay pinaamin ko si Joey kung totoo o hindi. At sabi niya ay totoo. Mang Kardo, natanso ako,” malungkot na salaysay ng dalaga.
“Malungkot ang nangyari sa iyo, anak; nguni't bata ka pa, marami ka pang makikilalang kaibigan na higit na maginoo kaysa kay Joey. Ipagdiwang mo na nabatid mo ang katotohanan nang maaga pa, kaysa sa magsisi ka sa huli. Kipkipin mo at mahalin mo ang singsing na ginawa ko alay sa iyo. Maging alaala sana ito na kahi't na may kasamaan sa mundo ay nananaig pa rin ang kabutihan. Sana ay manatiling totoo, dalisay at busilak ang iyong puso, makinang at kaakit-akit ang iyong pagkatao, kagaya ng singsing na iyan na tunay na brilyante at hindi tubog sa ginto.”
Ngumiti ang dalaga, tinanggap ang singsing, isinuot sa daliri, hinalikan si Mang Kardo sa noo, at nagpaalam...
Sinundan ng tingin ni Mang Kardo ang dalaga hanggang sa maglaho siya sa kanyang paningin. Isinara niya ang pinto at pagkatapos ay bumaling at naglakad patungo sa hagdan. Sa itaas ng bahay ay naghihintay si Rosal.
(English Version)
The Wedding Ring
Short Story by Percival Campoamor Cruz
Mang Kardo pursued one and only one profession – jewelry-making. Since he was young, he had been exposed to making rings, necklaces, and bracelets made of either gold or silver. His father passed on the craft to him and left no stone unturned in teaching him how to be a good jeweler. Although Mang Kardo’s formal education was basic, lower than college-level, on the practical side he was a master.
“Why waste time in college when in the end you would be looking for a job. The job is available here and now – it is staring at you right this minute – grab it. I will give you all the tools and the secrets that can make you a successful jeweler. You have found yourself a job, if you’re ready now,” Mang Kardo’s father admonished him.
Mang Kardo listened to his father and, as a matter of course, became a master of his craft. He and his father became famous – the great jewelers at Gonzales’ Jewelry Store on Moriones Street, in Tondo.
A cold piece of yellow metal, by the creative genius and masterful hands of Mang Kardo, turned into a sparkling treasure that when adorned with a piece of diamond became a great fortune.
Gonzales’ Jewelry Store was in an old house. The store was at the first floor. Upstairs was the home of Mang Kardo and his wife, Rosal.
At that time, Escolta and Florentino Torres were the jewelry centers of Manila. That was where people went for expensive jewelry. Those who knew better went to Mang Kardo’s place which was in an obscure section of the city. It was worth the inconvenience - quality jewelry at a lower price. Before long, the rich and the powerful, even the movie celebrities, became Mang Kardo’s customers.
Mang Kardo and Rosal had wanted so much to have a son who could eventually help run the business. Unfortunately, as fate would have it, they became childless. Workers, not related to them, were hired in order to cope with the strong demand. The workers learned the trade and ordinarily left after they gained confidence that they could either put up their own shop or land better-paying jobs somewhere else. Mang Kardo was a good boss and he did not withhold teaching what he knew; however, workers always looked for greener pastures.
After a long period of time, Mang Kardo’s competition caught up with him. He had to let go of his workers. Alone and 71 years old, Mang Kardo’s eyes became weak and his hands began to tremble. His loyal customers diminished as they noticed the change in his workmanship.
The deeper reason for Mang Kardo’s failing business was Rosal’s deteriorating health. Rosal developed a chronic backache that turned out to be a case of emphysema, according to a lung specialist. Later on, her breathing became hard, she lost her appetite for food and became bed-ridden.
Mang Kardo lost his focus on the business. His time and attention were diverted to taking Rosal to the doctor. Rosal lost weight and she had to be connected to a portable oxygen tank that she had to carry around in order to breathe properly. Mang Kardo was devastated. His only companion in life was in danger of dying!
The strain on Mang Kardo’s mind was great. The strain on his finances was equally heavy. He had used up all his savings. His diminished earnings were not enough to take care of his business expenses and, then, Rosal’s growing medical expenses. Mang Kardo and Rosal were in bad financial shape.
The doctor had said an operation was necessary: That the damaged part of Rosal’s lungs could be taken out; that the lungs could have the capability of re-growing. Money was the only thing that separated Rosal from a lifesaving surgery and slow death. Mang Kardo knew how badly he needed money but he had no idea where to find it.
One day, a customer came in. The door was half-open.
“Mang Kardo, Mang Kardo . . . are you in there?” the visitor asked in a rather loud but unsure voice.
Mang Kardo came down from his upstairs living quarters where he was then keeping an eye on Rosal.
“Yes, Ineng, I’m here. Come on in.” Mang Kardo welcomed the unexpected guest.
A 20-year old, quite tall, woman with long, black hair and petite body came in.
“Are you Mang Kardo?” and he nodded. “My name is Melinda. I’m the daughter of Mrs. Guerrero, your longtime customer. She instructed me to see you about a wedding ring. I brought with me my mother’s ring; using the same gold and diamond, we want it redesigned. The design on this one is sort of old-fashioned. My mom handed it down to me to be my wedding ring. I will be married next month.” The young lady explained.
Mang Kardo looked at the ring using a magnifier. “I remember this piece of jewelry. I crafted it for your parents’ 30th wedding anniversary. This has a perfect stone of extraordinary value. Nothing could be a better wedding ring for a beautiful young lady like you than this. When do you need it?”
“Our wedding will be on June 12. Can I have it before the start of June?”
“Alright, but that means you are giving me less than a month to work on it. Well, lady, be back on May 25 and the ring will be ready by then.”
The young lady left and Mang Kardo hurriedly put the ring under a magnifier for a closer scrutiny. He meticulously examined the ring’s every facet as he turned it around with his finger. It was indeed a precious gem. “Easily this ring could fetch two hundred thousand pesos”, he told himself.
And there began Mang Kardo’s calvary. Two hundred thousand pesos could save the life of Rosal, if the operation could be undertaken.
He was thinking of doing a “miracle”. He would pull up everything that he knew about his craft in order to make a faithful reproduction of the original ring. He would make a piece of ordinary glass look like real diamond. The band he could make out of copper material and make it look like real gold by gold plating. Mrs. Guerrero’s genuine ring could be sold to a rich Chinese jeweler on Tambunting Street. Rosal could have the operation and she did not have to die.
The following days became hectic for Mang Kardo. He spent a lot of time making sketches of the design on paper. When he was convinced he had come up with the right design, he cut sheets of copper and shaped them into different bands and settings until he decided which one was the best. Then he patiently sculpted a diamond-looking stone out of ordinary glass. He kept chipping at it and polishing it. He broke and threw away numerous pieces until he came up with one piece that looked like the real glittering gem.
He stayed up late on many nights and could not sleep. The excitement was one thing, the depravity of what he was doing gnawing at his conscience was another. Rosal often saw him with a blank stare and in deep thought. She woke him up one night because he was growling in his sleep. Little did she know that Mang Kardo was having a nightmare. He was seeing the ghost of his father who was swaying a pointed finger at him while saying “Kardo, Kardo . . . how many times did I tell you that a jeweler should be like Cesar’s wife. There is no room for the slightest suspicion!”
Mang Kardo had a very tough time resisting temptation. His heart and mind became a battlefield between good and evil; in the end, good triumphed. He decided, “Rosal’s life I commend to the hands of God’s.”
May 25th came and as agreed, Melinda came back to the shop to claim the wedding ring.
“Melinda, you’re a very lucky child! I have created the most beautiful, most precious, and truest gold and diamond wedding ring I have ever made in my life – an extraordinary gem for a pure-hearted beautiful young woman like you.”
“Thank you Mang Kardo. But I want you to know, the wedding will not take place,” said Melinda almost with a tear falling from her eye.
“The wedding will not take place?” The stunned old man repeated what he had heard.
“Yes, Mang Kardo. Joey is already married. Someone had told me so. And before it became too late, I confronted him about the matter. He admitted the truth – that he already was married, albeit unhappily. Mang Kardo, I am a victim of fakery.”
“Very sad, indeed, my child. You’re young and beautiful; you’ll meet a genuine person along the way. Celebrate the fact that the truth came out early on, rather than you regret later when finding out would be too late. Anyway. . . treasure the ring and let it be a reminder that evil exists in the world, and in the end goodness triumphs. Be yourself at all times – pure in heart, a beautiful human being in and out; be like the ring - true gold and true diamond, not a fake.”
The young lady accepted the ring, wore it on her finger, kissed Mang Kardo on the forehead, and left.
Mang Kardo shook his head in disappointment and could not take his eyes off Melinda until she disappeared from his view. He closed the door of the shop and headed for the stairs. Upstairs Rosal was waiting for him.