NAGSALITA ANG MANI
Maikling Kuwento ni Percival Campoamor Cruz
Tatlong araw pa lamang ang nakalilipas nang si Rita ay lumipad patungo sa Amerika. Binibilang ni Raul, na nakatingin sa kalendaryong nakapaskel sa dingding, ang araw pang lilipas bago makabalik ang asawa mula sa biyahe sa Amerika. Dalawampu’t pitong araw!
Nakababaliw ang mag-isa, lalo na’t nasanay sa pagkakaroon ng kasama sa buhay.
Ang ibang taong pansamantalang naiiwang mag-isa ng kasama ay nagsasaya sa pagkakaroon ng kalayaan. Nagagawa nila ang kung ano mang iniisip na gawin na hindi na kailangang tanungin ang kasama. Napupuntahan ang ibig puntahan, sa ano mang oras; nakauuwi sa ano mang oras na maisipang umuwi. Kakainin ang ibig kainin. Makikipagkita sa kung sino mang ibig makita.
Magsasaya ang ibang tao; sa paniwalang ang kasama ay ganoon din, magsasaya kung saan man naroroon.
Nguni’t naiiba si Raul. Hinangad niya na sumama kay Rita sa paglalakbay sa Amerika. Nguni’t hindi niya maiwanan ang trabaho. Saka, hindi husto ang pera para matustusan ang gastos nilang dalawa. Si Rita ay ipinadala ng kanyang opisina sa isang conference at study tour. At si Raul ay naiwan na nag-iisa at dinidibdib ang pag-iisa.
Kapag nasa trabaho ay naiibsan ang kanyang kalungkutan. Ang pagiging abala sa trabaho ay pansamantalang nagsisilbing lunas sa kanyang pag-iisa. Pag tapos na ang trabaho ay doon nanunumbalik ang mga alalahanin. Ano kaya ang ginagawa’t iniisip ni Rita sa oras na ito? Nalulungkot din kaya siya na ako ay hindi kasama? Saan at ano kaya ang kakainin niya ngayong hapunan? Saan kaya siya umuuwi, natutulog? May mga bago ba siyang kakilala?
Walang kaibigan si Raul. Ang mga kamag-anak niya ay nasa probinsya. Siya lamang sa pamilya ang nasa siyudad. Ang kapitbahay niya sa apartment ay dalawang binata na pumapasok sa kolehiyo. Halos di sila nag-uusap ng kapitbahay. Ang tanging alam niya ay mahilig sa computers, electronic gadgets, at video games ang mga binata.
Ang dapat na gawin ni Raul ay alisin niya sa isip si Rita. Maghanap ng makakausap na ibang tao. Mamasyal at tumuklas ng mga bagong lugar at karanasan. Manood ng sine. Pumunta sa bar. Sa concert. Sa art gallery. Sa park. Sa mall.
Ang ginagawa ni Raul ay doon pa dadaan pauwi sa daan na araw-araw ay dinadaanan nila ni Rita. Doon pa pupunta sa tindahan na binibilhan nila ng pagkain at mga gamit sa bahay. Maghahanda pa ng mga pagkain at inumin na nagpapaalaala sa kanya kay Rita.
Habang nagluluto ng hapunan ay uupo siya sa sofa na inuupuan nila ni Rita at nagpapatugtog ng mga kantang kapuwa nila naiibigan ni Rita o di kaya ay manonood ng TV show na kapuwa nila pinapanood ni Rita.
Pag oras na ng pagtulog ay hihiga siya sa kama at matagal bago dalawin siya ng antok, pansamantala ay iniisip niya si Rita na wala sa kanyang tabi. Hahaplusin ang unan, ang kobrekama na tila mo naroroon si Rita.
Sa kabilang dako, si Rita ay abala sa pagdalo sa conference at training. Tila siya bumalik sa eskwela. May mga homework na dapat gawin sa gabi. Sa kinabukasan ay may presentations at group work na ginagawa sa klase.
May common dining place na kung saan sabay-sabay kumakain ng lunch at dinner ang mga kasali sa conference. Sa gabi ay sa isang hotel room umuuwi at natutulog si Rita. May TV sa room at internet.
Isa sa mga participants sa conference ay isang mataas at makisig na lalaki, si Enrique, na taga-Colombia. Maaga pa ay nagpakita na siya ng pagkagiliw kay Rita. Nagpakilala at nakipag-kuwentuhan kay Rita at doon pa kumuha ng upuan sa tabi ni Rita. Nang buuin ng trainor ang mga groups ay napunta sa iisang grupo si Enrique at Rita. Naging malapit ang relasyon ni Rita kay Enrique; higit na malapit kaysa sa relasyon niya sa ibang participants.
Dumating ang araw na pati sa hapunan ay magkasama na ang dalawa. Isang gabi, pagkatapos ng hapunan, ay inaya ni Enrique si Rita na sila ay mamasyal. At pumayag naman si Rita. Umikot sila sa siyudad at tiningnan ang mga tanyag na lugar. At bago ihatid si Rita sa hotel ay tumigil sila sa isang coffee shop at doon ay ipinagpatuloy ang kuwentuhan.
Maaga pa ay nagbigay na ng babala si Rita: “Ako’y may asawa na,” sabi niya kay Enrique. “Kung may binabalak ka ay ‘hindi’ ang sagot ko.”
Nagtawanan ang dalawa at sagot ni Enrique: “Pagkakaibigan lamang ang pakay ko!”
Ikinuwento ni Enrique na hindi pa siya maaaring magkaroon ng girl friend, bagkus ay asawa, sa dahilang siya ang nag-aalaga sa kanyang may edad na na ina. Na siya ay interesado sa mga Pilipino sa dahilang ang nag-aalaga sa kanyang ina ay isang caregiver na Pilipino.
Mataas ang paghanga niya at paggalang sa mga Pilipino, sa kanilang kasipagan, katapatan, at pagmamahal sa pamilya.
“Hindi ko balak na ikaw ay ligawan. Ibig ko lamang na maging iyong ‘body guard’ at taga-bantay mo habang ikaw ay naririto sa hindi mo lugar,” dagdag pa ni Enrique.
“Si Milagros na caregiver ng nanay ko ay maganda at mabait. Sana ay maaari ko siyang ligawan. Pero siya ay may asawa sa Pilipinas na kanyang pinakamamahal. Katulad mo siya na may asawa at minamahal na asawa.”
“Ngayon, kung ikaw ang iibig sa akin ay iba nang usapan iyan. Biro l’ang!” sabi ni Enrique.
Namula ang pisngi ni Rita sa sinabi ni Enrique at sumagot nang ganito: “Never ako iibig sa iyo.”
Nang gabing iyon ay may biniling dalawang kilong hilaw na mani si Raul. Kapuwa paborito ng mag-asawang Raul at Rita ang maglaga ng maning may balat pa. At habang nanonood ng TV ay iyon ang chichirya na kinukukot.
Ibinuhos ni Raul ang mani sa isang palanggana at ibinabad ito sa tubig. Pagkababad ay saka inililipat ito sa isang kaserola at pinakukulo hanggang lumambot.
Nanood ng balita sa TV si Raul habang ibinababad ang mani sa tubig.
“Ang hirap sa iyo ay matigas ang ulo mo,” may nagsalita.
Napalingon si Raul at ibig malaman kung sino ang nagsalita.
“Ang sabi ko ay matigas ang ulo nitong si Melody,” ulit ng boses.
Wala namang kasamang tao sa bahay si Raul.
“Sino ka ba?” tanong ni Raul.
“A, ako si Harmony. Kapatid ko si Melody,” sabi ng tinig.
“Nasaan ka,” tanong muli ni Raul.
“Narito kami sa palanggana, nakababad,” sagot ng kausap.
“Kayong mani?”
“Oo, kaming mani.”
“Nagsasalita?”
“Oo, Raul, nagsasalita,”
Tinitigan ni Raul ang mga mani sa palanggana at hindi makapaniwala. Inisip niya, “nababaliw na ba ako?”
“O, sige, mga kasama. Awitin natin ang isang awit para kay Raul.”
At tila isang koro na umawit ang mga mani at habang umaawit ay nagsayaw pa sila sa loob at paligid ng palanggana.
Tila coloratura soprano si Harmony na pinangunahan ang pag-awit; sa background naman ay sumegunda ang mga kasama.
Ang sabi ng iba, masarap daw ang mani.
Ang sabi ko naman, komporme sa mani.
May mani-manian, may tunay na mani,
Mayroon namang mani, laging nakangiwi.
Sinunggaban ni Raul ang palaggana at inihagis ang laman nito sa lababo.
“Huwag, kuya! Huwag, kuya!” Sabay-sabay na pakiusap ng mga mani.
Hindi na nag-uwi ng mani si Raul matapos ang nakahihindik na pangyayari. May isang gabi na ang pinamili ni Raul ay mga prutas – isang pinya at isang dosenang mansanas. Pagdating sa bahay ay inilapag niya ang mga prutas sa ibabaw ng mesa. Habang siya ay nagpapalit ng damit ay nakarinig siya ng kantahan. Nang lumapit sa mesa ay nakita niyang ang nagkakantahan ay ang pinya at ang mga mansanas. Kinakanta nila ang aria na “Habanera” mula sa operang “Carmen” ni Bizet:
Quand je vous aimerai? When will I love you?
Ma foi, je ne sais pas, Good lord, I don't know,
Peut-être jamais, peut-être demain. Maybe never, maybe tomorrow.
Mais pas aujourd'hui, c'est certain. But not today, that's certain.
L'amour est un oiseau rebelle Love is a rebellious bird
Que nul ne peut apprivoiser, That nothing can tame,
Et c'est bien en vain qu'on l'appelle, And it is simply in vain to call it
S'il lui convient de refuser. If it is convient for it to refuse.
Rien n'y fait, menace ou prière, Nothing will work, threat or pleading,
L'un parle bien, l'autre se tait; One speaks, the other stays quiet;
Et c'est l'autre que je préfère And it's the other that I prefer
Il n'a rien dit; mais il me plaît. He said nothing; but he pleases me.
L'amour! L'amour! L'amour! L'amour! Love! Love! Love! Love!
L'amour est enfant de Bohême, Love is the child of the Bohemian,
Il n'a jamais, jamais connu de loi, It has never, never known any law,
Si tu ne m'aime pas, je t'aime, If you don't love me, I love you,
Si je t'aime, prend garde à toi! If I love you, keep guard of yourself!
Si tu ne m'aime pas, If you don't love me,
Si tu ne m'aime pas, je t'aime! If you don't love me, I love you!
Mais, si je t'aime, But, if I love you,
Si je t'aime, prend garde à toi! If I love you, keep guard of yourself!
Si tu ne m'aime pas, If you don't love me,
Si tu ne m'aime pas, je t'aime! If you don't love me, I love you!
Mais, si je t'aime, But, if I love you,
Si je t'aime, prend garde à toi! If I love you, keep guard of yourself!
L'oiseau que tu croyais surprendre The bird you thought to surprise
Battit de l'aile et s'envola; Bat its wing and flew away;
L'amour est loin, tu peux l'attendre; Love is far away, you can wait for it;
Tu ne l'attend plus, il est là! If you wait for it no more, it is there!
Tout autour de toi vite, vite, All around you, quickly, quickly,
Il vient, s'en va, puis il revient! It comes, goes, then it comes back!
Tu crois le tenir, il t'évite; You think to hold it, it avoids you;
Tu crois l'éviter, il te tient! You think to avoid it, it holds you!
L'amour, l'amour, l'amour, l'amour! Love, love, love, love!
L'amour est enfant de Bohême, Love is the child of the Bohemian,
Il n'a jamais, jamais connu de loi, It has never, never known any law,
Si tu ne m'aime pas, je t'aime, If you don't love me, I love you,
Si je t'aime, prend garde à toi! If I love you, keep guard of yourself!
Si tu ne m'aime pas, je t'aime, If you don't love me, I love you,
Si je t'aime, prend garde à toi! If I love you, keep guard of yourself!
Si tu ne m'aime pas, If you don't love me,
Si tu ne m'aime pas, je t'aime! If you don't love me, I love you!
Mais, si je t'aime, But, if I love you,
Si je t'aime, prend garde à toi! If I love you, keep guard of yourself!
Si tu ne m'aime pas, If you don't love me,
Si tu ne m'aime pas, je t'aime! If you don't love me, I love you!
Mais, si je t'aime, But, if I love you,
Si je t'aime, prend garde à toi!
Hinatak ni Raul ang pangtadtad ng karne mula sa lalagyan, sinugod ang mga prutas at pinagtataga ang mga ito. Nakarinig si Raul ng mga hiyaw at atungal habang ang mga prutas ay namamatay.
Kinabukasan ay pauwi na si Rita mula sa kanyang isang buwan na paglalakbay sa Amerika. Sa wakas ay matatapos na ang pangungulila ni Raul at kahimanawari ay hindi na mangyayaring muli ang kababalaghan tungkol sa mani at prutas. Tila tanggap na ni Raul na malapit na siyang masiraan ng ulo. Ang pagdating ni Rita ang pipigil sa tuluyang pagkasira ng kanyang ulo.
Samantala, ang dalawang binata na kapitbahay ni Raul na magaling sa electronics ay nag-iisip ng kung ano pang ibang kalokohan ang maaari nilang magawa bukod sa paglalagay ng remote, wireless speaker at camera sa apartment ni Raul at sa pagbibigay ng boses sa mga mani at prutas.