TRIBU HISTORYA
ANG UNANG MITOLOHIYA
ANG UNANG MITOLOHIYA
ANG APAT NA HINIRANG
NI: JOHN DEAN YAP
Ang ika-pitong araw ang huling araw ng paglikha ng apat na hinirang ng Bathala. Si Gutugutumakkan na lumikha ng dalawang libo at tatlong daang (2300) daigdig. Sa kanya ang ebo, mangangu, iago at ubulila. Si Ynaguinid na lumikha ng dalawang libo tatlong daan at apat na pung (2340) daigdig. Sa kanya ang hakakwa, aliabhata, kungayayi at yupipa. Si Lakandanum na lumikha ng isang libo anim na raan at apat na pu’t limang (1654) daigdig. Sa kanya nagmula ang ogani, bobuku, nipete at wuka. At si Bagatulayan na lumikha naman ng siyam na raan at pitong pung (970) daigdig. Sa kanya ang maraso, saturo, hupete at eartho.
Si Ynaguinid ang siyang hinirang bilang bugtong ng Bathala, dahil sa dami ng kanyang nalikha. Pinili ng Bathala na pagyamanin sa halaman at mga hayop ang isang mundo mula sa kanyang nalikha, napili nito ang mundo ng aliabhata. Nagkaroon nga ng mabubungang halaman at mga prutas ang daigdig na iyon, nagkaroon ng marami at iba’t-ibang uri ng mga hayop sa dagat at sa lupa. May isang puno doon na nilikha ng Bathala para sa apat na hinirang at ang bunga ng punong iyon ay tinawag nilang balungbunganin.
Sinabi ng Bathala “ kapag kumain kayo ng prutas na balungbunganin. magkakaroon kayo ng kakaibang pakiramdam mula sa loob at labas.”
Hindi lubos maintindihan ng apat na hinirang kung anong pakiramdam ang tinutukoy ni Bathala, nauwi sila sa pagpapasiya na ang ibig sabihin nito’y mas marami at mas magagandang bagong daigdig ang kanilang malilikha.
Dahil sa mas mapag-usisa at husay na taglay mayroon ang Ynaguinid hindi ito naniniwala na iyon nga ang ibig sabihin ng mga salita.
Isang araw tinanong niya ang Bathala “Ama, ano po ba ang ibig sabihin ng inyong mga salita, patungkol sa prutas na balungbunganin?
“Ikaw ang makakakita ng mga sagot, hindi ako na iyong Ama at hindi rin ang iyong mga kapatid. Sa halip ay ikaw, sa sarili mong mga mata.” Sagot ni Bathala.
Matapos ang pag-uusap naisip ng Ynaguinid na hindi iyon ang tunay na kasagutan ng mga salita tungkol sa prutas, naisip niya na nagsisinungaling sa kanya ang Bathala at hindi naging totoo sa kanya. Nagalit ang Ynaguinid at hindi na muling naniwala pa sa lahat ng mga sinasabi sa kanila ni Bathala.
Mula noon nagpasya siyang maging diyos sa sarili nitong mga paniniwala.
Isang araw nagkaroon ng malalang karamdaman si Ynaguinid, tinawag itong itim na marka. Lahat ng galit at poot ay nasa kanyang puso at isipan, hindi ito humingi ng tulong sa kanyang mga kapatid at kay Bathala. Iniisip kasi niyang sinadya siyang parusahan ng Ama.
Namatay ang Ynaguinid ngunit nag-iwan ito ng isang sumpa na kung sinuman ang nilalang ang unang bumaba kahit alinman sa mundo na kanyang nagawa ay sa nilalang na iyon magmumula ang panibagong siya upang maghiganti sa ama at sa mga kapatid.
Lubusang nasaktan ang tatlong natitirang hinirang sa sinapit ng kanilang kapatid, kaya naman inalay nila kay Bathala ang lahat ng nalikha nilang daigdig at humiling.
“Ama! Muli mo po kaming gisingin sa panibagong panahon, palitan ang aming mga katawan at muli kaming bigyan ng bagong kapatid mula sa dampi ng ispirito ni Ynaguinid” Pagmamakaawa ng tatlo.
Dahil sa pag-ibig ng bathala sa kanyang mga anak ginawa niya ang kahilingan ng mga ito. Ginawang sagrado ang lahat ng mundong nalikha ng Gutugutumakkan, Lakandanum at Bagatulayan. Wala nang sinumang nilalang ang makakakitang muli sa mga mundong ginawa nila.
Lumipas ang dalawang libong taon, sa tabi ng isang malakas na sinag ng gintong araw. Kumislap ang apat na tala sa gitna ng kalawakan.
Ang una ay tinatawag na Eskaya, siya ang dating Lakandanum.
Ang pangalawa ay tinatawag nang Tagbanwa na dati ay si Bagatulayan.
Ang ika’tlo naman ay tinatawag nang si Ifugao, ang dating Gutugutumakkan.
Ang ika-apat ay si Ivatan, ang dating yumaong si Ynaguinid.
TRIBU HISTORYA
ANG IKALAWANG MITOLOHIYA
ANG IKALAWANG MITOLOHIYA
ANG SINAUNANG APAT NA TALA
NI: JOHN DEAN YAP
Nagsimula ang lahat sa apat na tala, Ang una ang Eskaya, ang tala ng mga ispiritong buhay. Ang ikalawa ang Tagbanwa, ang tala ng mga pisikal na katawan. Ika’tlo naman ang Ifugao ang tala ng kalikasan at ang huli ang ika-apat ay si Ivatan, ang tala ng mga ispiritong patay.
Ang apat na talang ito ay umaasa sa gintong araw na tinatawag din nilang si Ilanun na siyang nagbibigay ng liwanag at lakas sa kanila. Naramdaman ng unang tala na malapit na masira si Illanun, kaya naman sinabi niya ito sa ikalawa, ika’tlo at ika-apat na tala.
“Darating ang panahon at iiwan tayo ni Illanun, mawawalan na ng liwanag at nang naturang lakas.” Bulong ni Eskaya.
“Hindi na natin maaari pang asahan ang gintong araw
Sapagkat siya’y mapaglihim!” Galit na sinabi ni Tagbanwa.
“Kung gayon, gumawa tayo ng hakbang,
Kung saan hindi na tayo aasa pa sa kanya.” Sagot naman ni Ifugao.
Nung araw ding iyon tinalikuran na ng apat na tala ang gintong araw na si Illanun, nabuhay sila sa sarili nilang kakayahan sa pagbibigayan ng enerhiya. Kahit na nasa itaas lang si Illanun tinitingnan nila ito ng mga lungkot at sinasabing.
“Sana hindi kami lubos na umasa sa’yo”
Para sa apat hindi sapat ang pagpapalitan ng kanya kanyang natural na lakas, kailangan nila ng enerhiyang pagkukunan na katulad nang kay Illanun. Naghanap ang apat na tala na isang daigdig upang saglit na makapagpahinga.
Natagpuan nila ang mundo ng Aliabhata, malayo kay Illanun. Unang tumuntong sa lupa si Ivatan, samantalang agad na naramdaman ng Tagbanwa at Ifugao na maaari na silang mamuhay sa daigdig na ito.
“Hindi na tayo maghahanap ng bagong araw, sapat na ang mundong ito para sa ating apat. Dito na tayo!” Masayang sabi ni Ifugao.
Ngunit ng pinagmasdan ng Eskaya at Ivatan ang kanilang mga kamay paunti-unti itong nalulusaw.
“Hindi kami maaaring mabuhay dito ni Ivatan, dahil siguro sa kami ang tala ng mga ispirito, Maghahanap nalang kami ng ibang mundo.” Malungkot na wika ni Eskaya.
Wala nang nagawa ang dalawa pang tala sa halip ay maghanap ng panibagong mundo, bago lumisan ang Eskaya at Ivatan sinabi ng Tagbanwa at ifugao:
“Kapatid kong tala, hihintayin namin ang inyong pagbabalik, sana’y hindi lang mundo na para sa isa’t-isa ang inyong matagpuan sana’y may daigdig na para sa ating apat upang tayo’y muling magkakasama-sama.”
Ang pangakong iyon ang tumatak sa isipan ng Eskaya at Ivatan. Ang pangakong iginuhit mula sa puso ng Tagbanwa at Ifugao. Muli nang lumipad sa kalawakan ang dalawang tala, ilang araw gabi at napakaraming panahon ang nagdaan. Wala silang nakitang mundong para sa kanila. Naisipan ni Ivatan na balikan ang mundo ng dalawang tala.
“Eskaya, Bakit hindi natin tingnan si Tagbanwa at Ifugao sa mundo nila, malaman kung ano nang ginagawa nila ngayon.” Sabi ni Ivatan.
Pagdating ay nakita nila itong masaya at masagana, natuwa ang Eskaya samantalang nagalit si Ivatan.
“Hahanap ako ng mundo kung saan tayong dalawa lang ang magkasama, hindi na natin pa magiging katuwang ang Tagbanwa at Ifugao. Dumito ka muna sa kalawakan, hintayin mo ako at babalikan kita” Sabi ni Ivatan.
Sumangayon ang Eskaya sa sinabi ni Ivatan, ngunit lumipas ang maraming pang panahon hindi na ito muling nagpakita.
“Nasaan ka na Ivatan? mahina na ako at hindi na magagawang maglakbay.” Malungkot na sabi ni Eskaya.
Sa kanyang huling hininga, nagsakripisyo at pinakalat ng Eskaya ang kanyang pira pirasong ispirito sa kalawakan upang mapansin ni Ivatan sa pagaakalang ito ay naligaw lang. Tinawag itong mga bituin sa langit.
Ang nangyaring ito sa apat na tala ay nararamdaman ni Illanun, nalungkot ito at lumuluha ng husto sa sinapit ng kanyang mga tala. Sa pagsisisi, hinati ng gintong araw ang kanyang puso, mula dito lumikha pa siya ng bagong tala. Ito ang huli at ikalimang tala. Tinawag itong Sangir.
Sa oras na maging pula ang sinag ni Sangir, magbibigay ito ng maraming kaalaman sa mga nabubuhay na lahi ng mga tala. Nang matuklasan ito ng mga sinaunang Ifugalogo mula sa lahi ni Ifugao, itinago nila ito sa tawag na buwan upang hindi na malaman ng mga susunod pang lahi.
Sa paglipas ng maraming panahon sa mundo ng Aliabhata, labingdalawang tribo na ang namamahala sa daigdig. Ang lahat ng ito ay nagmula sa lahi ni Ifugao. Sa halip na magtulungan ay hindi nagkakasundo ang mga nilalang na ito magugulo at magkakaiba ang kanilang mga paniniwala.
“Kakaiba ang buwan na iyon! Minsan ay kulay puti
at minsan naman ay nagiging pula.” Sigaw ng isang pinuno ng tribo.
“Magkakaroon tayo ng kasuduan, sa oras na maging pula ang kulay ng buwan ang hudyat sa pagsisimula ng labanan na mag-unahang lumipad at kunin ang puso nito. ang mauuna ang magtatagumpay at magiging pinuno sa lahat ng mga tribo.” Sabi ni Itaba (isang malakas na pinuno)
Natapos ang labanan, nakuha ni Galdos (pinuno ng tribong tasaday) ang puso ng buwan. Sa muling pagbaba ng mga tribo sa Aliabhata nagkaroon ng mga pangitain sa Galdos tungkol sa ika-limang talang Sangir at mga natatagong kapangyarihan at sikreto nito.
Ilang araw pa ang lumipas naglaho ang puso ng buwan, kaagad na namatay ang lahat ng dating mga pinuno at mga may pinakamalalakas sa aliabhata maliban kay Itaba, ang lahat ay nawalan na nang kakayahang lumipad.
Bago pumanaw si Galdos sinabi niya na pumili ang puso ng buwan ng isang nilalang na siyang makapagpapanumbalik sa apat na tala at kay Illanun.
Si Itaba ay ang dating talang si Ivatan na ang tunay na katauhan ay ang Ynaguinid na ngayon ay maghihiganti na sa lahat ng nilalang.
Ang batang ipapanganak na may tatlong kislap ang mga mata ang siyang hihiranging
TRIBU ang kanilang huling pag-asa.