Lihim
Ni Sherald Salamat
Noong lumipat sa tapat ng bahay namin ang pamilyang Villarama, lagi na akong nakamasid sa bintana nila sa pangalawang palapag. Hindi ko alam, pero madalas ko roong makita si Aling Tess. Lagi siyang bagong ligo sa tuwing pupuwesto na siya sa may bintana habang nagsusuklay ng kanyang basang buhok. Madalas ay hapon niya iyon ginagawa, mga bandang alas dos. 33 anyos na siya, pero hindi pa rin siya nag-aasawa. Ang kuwento ng pamangkin niya na si Philip, kaedaran ko rin (13), hindi raw talaga ligawin ang tiya niya. Kaya ayon, parang balak nang magpakatandang dalaga.
Pagkauwi ko galing eskwela, sa halip na gumawa ako ng mga assignments o makipaglaro sa mga bata sa labas ng tumbang-preso, nagkukulong na lamang ako sa kwarto ko habang nakasilip sa kaunting awang ng bintana namin. Si Tess lagi ang pakay ko. Minsan, sumasama akong makipaglaro ng domino sa pamangkin niya sa kanilang bahay. Pero hindi talaga iyon ang sadya ko, gusto ko lang masilayan nang malapitan si Tess.
Pinapansin naman niya ako, kinukuwentuhan din. Pero ni minsan, hindi niya sinagot ang tanong ko tungkol sa kanyang buhay pag-ibig. Minsan, pinagluluto niya rin kami ni Philip ng meriyenda, madalas ay hot cake saka tig-isang bote ng soda. Lagi ko siyang hinahatian ng pagkain, hindi naman niya ako tinatanggihan. Napapangiti na rin ako, sabay kagat ng hot cake.
Isang araw, matapos ang klase ko, sa kanila ako dumiretsu. Natulog na rin ako doon, iniwan ko na lamang ang bag ko sa sahig. Nagising ako dahil sa isang panaginip, napanaginipan ko na naman si Aling Tess, hinalikan niya raw ako sa pisngi. Pagmulat ng mata ko, nasa tabi ko nga siya; nakangiti habang nakatitig sa akin. Hinawakan ko ang pisngi ko, medyo basa nga. Saka niya idinampi ang palad niya sa mukha ko. Bumangon ako, at humarap sa kanya. Hahalikan ko na sana siya sa labi, kaso, bigla siyang umiwas. Hindi raw maaari, dahil bata pa ako. Bigla na lang akong natahimik sa isinagot niya.
“Hindi dahil tumanggi ako, eh ayaw ko”, sagot niya sa akin.
“kapag 18 na ako? Maaari na ba?”, tanong ko kay Aling Tess.
Hinaplos niya lang ulit ang pisngi ko, yun lang ang itinugon niya sa akin. Nagtungo na siya sa cr upang maligo, tinangka ko muna siyang silipin bago ako lumabas ng bahay nila.
Dumaan ang ilang mga araw, buwan at taon, lalo kaming naging malapit sa isa’t isa ni Aling Tess. Madalas ko siyang yayain sa tabing dagat, lihim ang pagtatagpo naming iyon. Pagdating namin doon, naghahabulan kami sa buhanginan, saka gumagawa ng kastilyong buhangin, nagtatawanan, nagkukuwentuhan, asaran, saka ngitian. Unang beses kong hinawakan ang kamay niya noong nakaharap kami sa papalubog na araw. Tinangka ko ulit siyang halikan noon, at sa unang pagkakataon, hindi siya tumanggi. Mabilis lang iyon, dahil baka may makakita sa amin. binigyan ko siya ng isang puting rosas noon, bigla niya akong hinalikan sa pisngi. Kinuha ko ang hawak niyang camera, pinicturan ko siya nang maraming beses.
Noong nakagraduate ako ng high school, tinanong ko siyang muli kung pwede na bang maging kami. Ilang segundo pa ang lumipas bago siya sumagot.
“Magtapos ka muna ng kolehiyo”, malungkot niyang tugon.
“Pero mas may isip na ako ngayon, kaya ko nang panindigan ang bawat desisyon ko. At isa pa, isang taon na lang mag-e-eighteen na ako”, paliwanag ko sa kanya.
Kahit nasabi ko na ang side ko, hindi pa rin siya pumayag sa gusto ko. Birthday niya kinabukasan noon, binigyan ko siya ng bagong damit. Pinag-ipunan ko iyon, araw-araw akong nagtatabi ng tirang baon ko para maregaluhan ko siya sa kanyang kaarawan.
Ang masakit lang, sabi ni Mama, sa Maynila na raw ako mag-aaral ng college. Mapapalayo na ako kay Aling Tess, hindi ako sanay, baka lalong hindi ko kayanin. Alam ko kasi sa sarili ko, at ramdam ko, na mahal ko na siya. Na wala akong pakialam sa laki ng agwat ng edad naming dalawa. 20 years? Eh ano naman? Ganyan talaga ang pag-ibig, age doesn’t matter, ika nga.
Matapos kong magtampo sa kanya, pumayag na rin ako sa gusto niya. Oo, mag-aaral ako sa Maynila. Magtatapos ako ng pag-aaral, para sa kanya. At sa aking pagbabalik, wala nang makapipigil pa sa gusto ko. Magiging girlfriend ko si Aling Tess, at pakakasalan ko siya.
Tulad ng sinabi niya noon, marami nga akong nakilalang babae sa Maynila. Nagkaroon ako ng dalawang kasintahan doon, pero hindi ako nakontento sa kanila. Dahil si Aling Tess pa rin ang hinahanap-hanap ko.
Tuwing valentine’s day na magdaraan, parati ko siyang pinadadalhan ng Valentines card. Iyon lang kasi ang kaya kong gawin upang mapaligaya siya, dahil nasa malayo ako. Kalakip noon ang ilang mga liham at litrato ng pagbibinata ko.
Dalawang araw bago ang graduation ko, dumating na sina Mama sa inuupahan kong bahay. Mas excited pa sila ni Papa sa pagtatapos ko, siyempre, proud sila sa naabot ko. Naalala ko bigla si Aling Tess, luluwas kaya siya para panoorin ang graduation ko? Siya ang naging inspirasyon ko, kung bakit ako nagsikap sa pag-aaral. Sana dumating siya, yung ang hiling ko. Dalawang araw na rin kasi siyang hindi nagtetext sa akin eh.
Pagkatapos ng graduation ko, nagpasya na agad akong umuwi sa probinsya. Hindi na rin ako nailibre nina Mama sa restaurant, dahil sa pagmamadali ko. Atat na atat na akong muling makita si Aling Tess, 21 na ako ngayon, at 41 siya. Sapat na siguro ang mahabang taon nang aking pagsasakripisyo upang tanggapin niya ang pag-ibig ko. Yayakapin ko siya nang mahigpit pag-uwi ko, ipakikilala ko agad siya kina Mama ay Papa. Sa wakas, magiging legal na kami sa harap ng maraming tao. Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba. Mahal ko si Tess, hindi ko dapat siya ikahiya.
Pagkababa namin ng bus, sumakay pa kami ng tricycle upang magpahatid doon mismo sa tapat ng bahay namin. Habang papalapit nang papalapit ang sinasakyan namin sa bahay, tinatanaw ko na agad ang bahay nina Tess. May pagtataka akong nararamdaman noon, maraming tao sa tabi ng kalsada. Pero dahil medyo papasok pa ng maikling eskinita ang mismong pinto ng bahay nila, hindi ako sigurado kung anong okasyon ang nagaganap. Bumaba na kami ni Mama, tumitig din sina Papa sa bahay nina Tess. Nagkatitigan sila ni Mama, at sabay na bumigkas ng “Sinong patay?”
“Saglit lang po ha”, paalam ko kina Mama.
Nagtungo ako sa bahay nina Tess, nakita ko si Philip sa may pinto ng bahay nila; nakayuko, hawak ang kape. Dahan-dahan ko siyang nilapitan. Nang napansin niyang papalapit na ako sa kanya, bigla siyang tumayo at niyakap ako nang mahigpit habang humihikbi. Marahan kong nilingon ang loob ng kanilang bahay, isang puting kabaong ang bumungad sa akin. Tinitigan ko ang litratong nakapatong sa ibabaw ng ataol, litrato iyon ni Tess, na ako mismo ang kumuha noong nasa tabing dagat kami.
Halos hindi ako makagalaw noon, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Gusto kong sumigaw sa pagluluksa, pero sa halip, lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap kay Philip. Saka lang ako nakaiyak nang todo noong pinakakalma na niya ako.
Hindi ko alam kung kaya ko siyang lapitan at tingnan nang mga oras na iyon, pero kahit mabigat sa kalooban kong makita siya sa ganoong kalagayan, ginawa ko pa rin. Halos mabasa na ng mga luha ko ang aking mukha bago pa man ako makalapit sa kinalalagakan niya, ibinubulong ko na lamang sa isip ko ang pangalan niya. Nanginginig ko siyang sinilip nang dahan-dahan. Napahinga ako nang malalim nang nakita ko si Tess sa loob ng kabaong, siya nga ang aking mahal.
“Tess, ang lahat ng pagsisikap ko ay para sa iyo. Nangako akong babalikan kita, at pakakasalan kita. Wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao, pero mahal kita. Bakit mo ako iniwan?”, hindi ko mapatahan ang sarili ko sa kaiiyak, hanggang sa maramdaman ko na lang ang palad ni Philip na hinihimas ang likod ko.
“Sinabi ni Tita ang lahat lahat sa akin, bago siya mamatay. Maraming salamat ‘tol, dahil sa dinami-dami ng lalaki sa mundo, ikaw lang ang tunay na nagmahal sa tiya ko. Mahal na mahal ka niya ‘tol, araw-araw ka niyang hinihintay. Masyado ka pang bata noon, kaya tinatanggihan ka niya. Pero sayang lang, ngayon pareho na sana kayong magiging legal sa mata ng mga tao, saka naman siya nawala”, paliwanag sa akin ni Philip.
“Ano ba’ng nangyari sa kanya?” , naguguluhan kong tanong.
“Ang totoo, ‘tol, nasa byahe siya noon. Pupunta siya sa araw ng graduation mo, pero naaksidente ang sinasakyan niyang bus. Nadala pa siya sa Ospital, pero hindi rin siya nagtagal. Ganoon ka niya kamahal ‘tol. Nakakalungkot man, pero hanggang dito na lang talaga siguro ang buhay niya. Ang mahalaga, alam niyo pareho na mahal ninyo ang isa’t isa, at hinahangaan kita sa pag-ibig mo sa kanya.”, tinapik niya ang balikat ko, at iniwan akong nakatitig kay Tess. “Siya nga pala, ito ang regalo niya sa graduation mo. Swerteng hindi iyan nasira ng nangyaring aksidente”, pahabol niya.
Lalo pang tumindi ang pag-iyak ko, nang napansin ko ang ilang bagay na pamilyar sa akin. Soot niya ang niregalo kong damit noong kaarawan niya, bagay na bagay sa kanya ang damit na iyon. Nakaipit rin sa kanyang dalawang kamay ang isang tuyong rosas na ibinigay ko sa kanya noong nasa tabing dagat kaming dalawa, hindi niya iyon itinapon, sa halip ay inalagaan pa. Kasama ang mga liham na ipinadadala ko sa kanya noong kasalukuyan pa akong nag-aaral sa Maynila, gayun din ang mga Valentines card na pinadala ko sa kanya. Nakapatong ang lahat ng iyon sa kanyang dibdib, yakap-yakap niya. Pumatak ang mga luha ko noon sa salamin ng kanyang kabaong, pinunansan ko iyon ng aking mga palad. Bigla ko na lang naisigaw ang pangalan niya, habang yakap nang mahigpit ang bagay na sumasaklob sa kanyang kabuuan.
Wala na si Tess, wala na ang pinakamamahal ko. Siya lang ang minahal ko nang ganito, kaya masakit man sa kalooban ko, tatanggapin ko na lang.
“Isa lang ang maipapangako ko sa iyo Tess, ikaw lang ang mamahalin ko habambuhay. Hinding-hindi ako magmamahal ng iba, kung hindi rin lang naman ikaw. Mas magiging masaya ako kung magpapakatandang binata na lamang ako, para sa iyo. Dahil para sa akin, ikaw ang buhay ko. Walang sinuman ang papantay sa iyo, mahal na mahal kita Tess. Mahal na mahal”.
Binuksan ko ang regalo sa akin ni Tess, isang charcoal painting ng mukha naming dalawa. Nakasulat sa ibabang bahagi nito ang pangalan namin, Tess at Tyron. Sa itaas na bahagi naman ay ang mga katagang; When it comes to LOVE, AGE doesn’t matter.
Nang nabasa ko iyon, saka lang ako muling napangiti.