Amado V. Hernandez
Isa siya sa kinikilalang dakilang Pilipino ng ating bansa. Siya’y isang manunulat, nobelista, makata, lider-manggagawa, at bilanggong pulitikal. Siya ng kanyang asawang si Atang dela Rama ang isa sa dalawang mag-asawa na kinikilalang National Artist ng Pilipinas.
Bata pa siya ay kinakitaan na siya ng hilig sa pagsusulat. Nang lumaon ay naging tanyag siya sa larangang ito. Mula 1926 hanggang 1932, sinubaybayan ng marami ang kanyang kolum na “Sariling Hardin”. Noong 1929, hinamon siya ng kanyang kaibigang makata na si Jose Corazon de Jesus sa debate sa balagtasan. Ang kay de Jesus ay nakalathala sa pang-araw-araw niyang kolum na “Mga Lagot na Bagting ng Kudyapi” sa pahayagang Taliba, habang ang kay Ka Amado naman ay sa kolum niyang “Sariling Hardin” sa pahayagang Pagkakaisa. Tumagal nang mahigit isang buwan ang kanilang makasaysayang Balagtasan hinggil “sa lumang usapin ng lahi”. Makaraan ang sampung taon, muling inilathala ito sa pahayagang Mabuhay Extra ni Teodoro Agoncillo na siyang editor nito.
Bilang manunulat, marami siyang natanggap na gawad-pagkilala. Noong 1938, ang kanyang narrative poem na Pilipinas ay nanalo ng Commonwealth Literary Award. Ang kanyang nobelang Mga Ibong Mandaragit ay nanalo ng Balagtas Award mula sa Cultural Center of the Philippines (CCP). Noong 1962, ang koleksyon ng tula na Isang Dipang Langit ay nanalo ng Republic Cultural Heritage Award. Ang tulang-kasaysayan na Bayang Malaya ay nanalo ng Balagtas Award noong 1969. Ang kanyang nobelang Mga Ibong Mandaragit ay maituturing na pagpa-patuloy ng nobelang El Fili ni Rizal.
Bilang mamamahayag, nakasama siya sa nabuong Philippine Newspapers Guild (PNG) noong 1945, na umanib sa Congress of Labor Organizations (CLO). Naging pangulo si Ka Amado ng CLO noong 1947.
Sa kanyang pamumuno, pinangunahan ng CLO ang welga ng 2,600 mga mang-gagawa mula sa Manila Trading and Supply, Co., Canlubang Sugar Estate, Metram Gomtawco Sawmill, Republic Sawmill, atbp. Noong 1948, sa pangunguna muli ng CLO, nag-aklas muli ang mga mang-gagawa sa malalaking kumpanya tulad ng Philippine Refining Co., Benguet Consolidated Mines, Luzon Brokerage, atbp. Nagawa rin nito ang kauna-unahang “stay-in” strike sa Franklin Baker, isang kumpanyang Amerikano. Noong 1949, may 83 welgang naisagawa, kung saan sa taon ding ito inilunsad ang ikaapat na Kongreso ng CLO, na ang kanilang gi-namit na islogan ay “Manggagawa at Seguridad!” at “Ibagsak ang Imper-yalismo!” Noong 1950 ay nagwelga ang 38,000 manggagawa.
Ang kamalayang pampulitika ng manggagawang kasapi ng CLO ay nasustina sa kanilang binuong “Workers Institute” na pinamahalaan ng Komite sa Edukasyon, Impormasyon at Panana-liksik.
Dahil sa kanyang pagiging aktibo at pagtataguyod sa kapakanan ng mang-gagawa, noong Enero 26, 1951, hinuli at ikinulong si Ka Amado. Limang buwang inkomunikado si Ka Amado sa Camp Murphy (ngayo’y Camp Aguinaldo) bago naiharap ang pormal na sakdal sa kanya noong Agosto 1951 sa salang “rebellion complexed with other crimes”. Ibinaba ang hatol na nagkasala si Ka Amado kaya’y siya’y nakulong ng limang taon at anim na buwan. Palipat-lipat siya ng kulungan sa Muntinlupa, Camp Murphy, Camp Crame, Fort McKinley, at Panopio Compound. Sa kulungan niya isinulat ang kanyang koleksyon ng mga tula, ang “Isang Dipang Langit”.
Noong Hulyo 26, 1956, pansamantala siyang nakalaya sa bisa ng lagak (bail), at noong Mayo 31, 1964, si Ka Amado ay napawalang sala.
Mula 1958 hanggang 1961, nakatanggap siya ng apat na Palanca Awards sa kanyang mga isinulat na dula.
Noong 1965, dumalo siya sa kumperensya ng mga mamamahayag na Asyano sa Indonesia, at nalathala ang kanyang ulat hinggil dito sa Taliba, kung saan nanalo siya ng NPC-Esso Journalism Award. Noong 1966, dinaluhan naman niya ang Afro-Asian Writers meeting sa Tsina. 1966 din nang dumalo siya sa International War Crimes Tribunal sa London kung saan ipinagtanggol niya ang Pilipinas sa bintang na ang kanyang bansa ay isang “war criminal” sa Biyetnam.
Noong 1967, tumakbo siyang konsehal ng Maynila ngunit natalo. Nagsulat siyang muli at naging editor ng Ang Masa.
Si Ka Amado ay namatay sa atake sa puso noong Marso 24, 1970. Noong 1973, iginawad sa kanya ang karangalan bilang Pambansang Alagad ng Sining (National Artist for Literature) ng Pilipinas.
Ilan sa kanyang mga isinulat ay ito:
1. Bayang Malaya (Tulang Kasaysayan)
2. Mga Ibong Mandaragit (Nobelang Sosyo-Politikal)
3. Isang Dipang Langit (Koleksyon ng Tula)
4. Luha ng Buwaya (Nobelang Sosyo-Politikal)
5. Tudla at Tudling: Katipunan ng Tula 1921-1970
6. Langaw sa Isang Basong Gatas at Iba Pang Kwento
7. Magkabilang Mukha ng Isang Bagol at Iba Pang Akda

Si Rogelio R. Sikat (kilala rin bilang Rogelio Sícat) (1940-1997) ay isang Pilipinong piksyonista, mandudula, tagasalinwika, at tagapagturo. Siya ay anak nina Estanislao Sikat at Crisanta Rodriguez. Ipinanganak siya noong Hunyo 26, 1940 sa Alua, San Isidro, Nueva Ecija, Pilipinas. Siya ang pang-anim sa walong magkakapatid. Si Rogelio Sikat ay nagtapos na may Batsilyer ng Panitikan sa Pamamahayag mula sa Pamantasan ng Santo Tomas at isang MA sa Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas.
Si Rogelio Sikat ay nakatanggap ng maraming pampanitikang premyo. Siya ay tanyag dahil sa "Impeng Negro", ang kanyang maikling kuwento na nagwagi ng gantimpalang Palanca noong 1962 sa Filipino (Tagalog). Marami sa kanyang mga istorya ang unang lumabas sa Liwayway, isang sikat na magasing pampanitikan na nasa wikang Tagalog. Ang nangyaring pagpapahalaga kay Sikat sa kanyang nagawa ay nakalahad sa "Living and Dying as a Writer" na isinulat ni Lilia Quindoza-Santiago. Lumitaw ang artikulo sa Pen & Ink III.
Si Rogelio Sikat ay propesor at dekano ng Kolehiyo ng mga Sining at mga Titik sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman mula 1991 hanggang 1994. Si Angelito Tiongson, na isang propesor sa Kolehiyon ng Komunikasyong Pangmasa sa U.P. ay gumawa ng isang tampok na pelikula pinamagatang "Munting Lupa" batay sa "Tata Selo" ni Sikat, na isa pang nagantimpalaang kuwento. Lumikha naman ang direktor ng pelikula at teatro na si Aureaus Solito ng isang maikling pelikula noong 1999 na batay sa "Impeng Negro" ni Sikat. Noong 1998, bagaman sumakabilang-buhay na si Sikat, pinarangalan siya ng Manila Critics Circle ng isang National Book Award para sa pagsasalinwika.

Si Efren Abueg ang isa sa mga iginagalang na nobelista, kuwentista, mananaysay, at krititiko ng kaniyang panahon. Kabilang sa kaniyang mga aklat ang Bugso, ang kaniyang kauna-unahang koleksiyon ng mga kuwento. Siya rin ang editor at bumuo ng mga antolohiyang gaya ng Mga Piling Akda ng KADIPAN (1964); Mga Agos sa Disyerto (edisyong 1965, 1974, at 1993); MANUNULAT: Mga Piling Akdang Pilipino (1970) at Parnasong Tagalog ni Alejandro G. Abadilla (1973).
Humakot ng parangal si Abueg tulad ng Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature (1959, 1960, 1963, 1964, 1967, at 1974); Timpalak ng KADIPAN, unang gantimpala (1957); Pang-alaalang Gawad Balagtas (1969); Timpalak Pilipino Free Press (1969); Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas (1992) mula sa Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL); Timpalak Liwayway sa Nobela (1964, 1965, at 1967).
Iba pang Gawain. Sumulat at nag-edit ng maraming mga sangguniang aklat si Abueg at ginagamit hanggang sa kasaluyukan sa kapwa pribado at publikong paaralan, mula sa elementarya, sekundarya hanggang sa kolehiyo. Bukod dito, malimit ilahok ang kaniyang mga kuwento sa mga teksbuk na sinulat ng ibang awtor.
Samantala, aktibo rin siyang nakilahok sa mga kilusan hinggil sa pagtuturo ng wika at panitikan sa Manuel L. Quezon University (1965–1972), Philippine College of Commerce (1971–1972), Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (1974–1977), Ateneo de Manila University (1977–1978), at De La Salle University (1979–2006). Naging pangulo siya ng Kapisanan ng mga Propesor sa Pilipino (KAPPIL) noong 1986–1988; Linangan ng Literatura ng Pilipinas; at nahalal na direktor ng Philippine Folklore Society.

Edgar Maranan is a poet, essayist, fictionist, playwright, writer of children’s stories, and translator. He was a fellow at the Dumaguete Writers Workshop at Silliman University in 1972. He attended the Iowa International Writing Program in 1985, became National Fellow for Poetry of the UP Creative Writing Center in 1988, and participated in the International Writers’ Residence at Le Chateau de Lavigny, Switzerland in 2006. Maranan has won a total of 30 Carlos Palanca literary prizes for his works in English and Filipino, and was inducted into the Carlos Palanca Memorial Awards for Literature Hall of Fame in 2000. He has garnered awards in other competitions such as the Cultural Center of the Philippines literary contest and writing grants, Amado V. Hernandez Playwriting Competition, Institute of National Language poetry competition, Filamore Tabios Sr. Memorial Prize for Poetry, Philippines Free Press Literary Awards, Philippine Graphic Nick Joaquin Literary Awards, and the Philippine Board on Books for Young People (PBBY)-Alfrredo Navarro Salanga Writers Prize which he won three years in a row, 1989-1991. His books of prize-winning poems, Alab: mga tula and Agon: poems, were published in 1982 by the UP Press. His book of translation, Kudaman: Isang Epiko ng Palawan na Inawit ni Usuy (Ateneo Press, with Dr. Nicole Revel McDonald), won a National Book Award citation in 1992. Bookmark in Manila has published several of his prize-winning children’s stories. From 1993 to 2006, Maranan worked as Foreign Information Officer of the Philippine Embassy in London, and published The Philippine Newsletter. He co-edited, and contributed to the book Hinabing Gunita (Woven Memories: Filipinos in the UK), an oral history project of the Center for Filipinos in London. Before his stint in the diplomatic service, Maranan taught political science at the UP College of Arts & Sciences, and graduate courses in Philippine Studies at the UP Asian Center, Diliman, Quezon City. He was imprisoned for more than two years at the height of martial law, for his political activities while teaching at the state university. A native of Bauan, Batangas, he grew up in Baguio City where he had his elementary and high school education at St. Louis College. He later went to the University of the Philippines to study for his degree in Foreign Service. Maranan is a member of the Baguio Writers Group.
https://www.pressreader.com/philippines/the-philippine-star/20180521/282548723929394

Si Genoveva Edroza-Matute (Enero 3, 1915 – Marso 21, 2009) ay isang bantog kuwentistang Pilipino. Isa rin siyang guro at may-akda ng aklat sa Balarilang Tagalog, na nagturo ng mga asignaturang Filipino at mga asignaturang pang-edukasyon.
Nagturo siya ng apatnapu’t anim na taon sa elementarya, sekundarya at kolehiyo, at nagretiro bilang Dekana ng Pagtuturo sa Dalubhasaang Normal ng Pilipinas (ngayon ay Pamantasang Normal ng Pilipinas) noong 1980. Pinarangalan siya ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas ng Gawad CCP Para sa Sining (Panitikan) noong Pebrero 1992
Maraming ulit siyang nagkamit ng Gawad Palanca, tulad ng kilalang Kuwento ni Mabuti, na nanalo ng kauna-unahang Gawad Palanca para sa Maikling Kuwento sa Filipino. Kasama rin sa mga kuwentong nanalo ng Gawad Palanca ay ang Paglalayag sa Puso ng Isang Bata noong 1955, at ang Parusa noong 1961.
Ilan sa mga naging aklat niya ay ang Mga Piling Maiikling Kuwento ng Ateneo University Press; ang Tinig ng Damdamin, katipunan ng kanyang mga piling sanaysay, ng De La Salle University Press; at ang Sa Anino ng EDSA, maiikling kuwentong sinulat niya bilang National Fellow for Fiction, 1991-1992, ng U.P. Press.
Namatay siya noong 21 Marso 2009 sa edad na 94.

Liwayway A. Arceo (1920–1999) was a multi-awarded Tagalog fictionist, journalist, radio scriptwriter and editor from the Philippines.
Arceo authored a number of well-received novels, such as Canal de la Reina (1973) and Titser (1995). She also published collections of short stories such as Ina, Maybahay, Anak at iba pa, Mga Maria, Mga Eva, Ang Mag-anak na Cruz (1990), and Mga Kuwento ng Pag-ibig (1997). Most of her books were published by Ateneo de Manila University Press and The University of the Philippines Press. Arceo's story, Uhaw ang Vernon na Lupa was placed second in the Japanese Imperial Government-sanctioned Pinakamabuting Maikling Katha ng 1943 (The Best Short Stories of 1943).
Arceo made her mark as a lead actress in Tatlong Maria, a Japanese/Philippine film produced during World War II. The film was produced by two movie companies; X'Otic Pictures of the Philippines and Eiga Hekusa of Japan, in 1944. She also acted in Ilaw ng Tahanan, a long-running radio serial. Ilaw ng Tahanan became a television soap opera aired on RPN 9, during the late 1970s.
Arceo's short story Lumapit, Lumayo ang Umaga was later turned into an award-winning film by National Artist Ishmael Bernal in 1975. Filipina thespian Elizabeth Oropesa received a FAMAS Best Actress Award in 1976 for her role in the film.
Arceo received a Carlos Palanca Award for Short Story in Filipino (Filipino (Tagalog) Division) in 1962; a Japan Foundation Visiting Fellowship in 1992; a Gawad CCP for Literature given by the Cultural Center of the Philippines in 1993; a Doctorate on Humane Letters, an honoris causa, from the University of the Philippines in 1991; the Catholic Authors Award from the Asian Catholic Publishers in 1990, and the Gawad Balagtas Life Achievement Award for Fiction from the Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (Writers Union of the Philippines, or UMPIL) in 1998. In 1999, Liwayway Arceo received a Philippine National Centennial Commission award for her pioneering and exemplary contributions in the field of literature.
After her death, Filipino writers paid tribute to Liwayway A. Arceo during a memorial service held at the Loyola Memorial Chapel in Guadalupe, Makati City, Philippines on December 6, 1999.