Lapu-lapu, Claveria, Dingdong, Dumdum
Maikling kuwento ni Percival Campoamor Cruz
Ang pangalan ay katulad ng kamag-anak. Di ikaw ang pumipili. Maaari mong palitan sa paraan ng paghingi sa korte ng kapahintulutan. Maaabala ka at magkakagastos.
Ang mga Filipino sa Amerika nagpapalit ng pangalan kapagka sila ay nanunumpa bilang naturalized American. Ang dahilan ay ibig nilang umikli o magtunog Amerikano ang kanilang pangalan. Halimbawa, ang Pedro Cantero ay nagiging Pete Cantor. Ang Casimiro Bukingking ay nagiging Cashmere Bouquet.
Naalala ko tuloy: An office manager at Wal-Mart was given the task of hiring an individual to fill a job opening. After sorting through a stack of resumes he found four people who were equally qualified. . . An American, a Russian, an Australian, and a Filipino. He decided to call the four in and ask them only one question. Their answer would determine which of them would get the job.
The day came and as the four sat around the conference room table the interviewer asked, "What is the fastest thing you know of?"
Acknowledging Dave, the American on his right, the man replied, "A thought. It just pops into your head. There's no warning that it's on the way; it's just there. A thought is the fastest thing I know of."
"That's very good!" replied the interviewer.
"And now you, sir?" he asked Vladimir, the Russian.
"Hmm.... let me see. A blink! It comes and goes and you don't know that it ever happened. A blink is the fastest thing I know of."
"Excellent!" said the interviewer. "The blink of an eye, that's a very popular cliche for speed."
He then turned to George, the Australian, who was contemplating his reply. "Well, out at my dad's ranch, you step out of the house and on the wall there's a light switch. When you flip that switch, way out across the pasture the light in the barn comes on. Yep, turning on a light is the fastest thing I can think of."
The interviewer was very impressed with the third answer and thought he had found his man. "It's hard to beat the speed of light" he said.
Turning to Eleuterio, the Filipino, the fourth and final man, the interviewer posed the same question. Eleuterio replied, " Apter herring da 3 frevyos ansers sirrr, et's obyus to me dat the pastest thang known is diarrhea."
"What!?" said the interviewer, stunned by the response.
"O I can expleyn serrr ." said Eleuterio . "You see serr, da other day I wasn't peeling so good and I run soo past to the CR or bathroom, But, bepore I could think, blink, or turn on the light, ay 'tang ina, I already had a big tae, ka-ka or poo-poo in my pants.”
Eleuterio is now the new greeter at Wal-Mart.
Eleuterio Ignacio, the Wal Mart greeter has applied for US citizenship and decided to change his name to something more American-sounding.
Now his co-workers call him Electric Ignition.
Isa pang kuwento tungkol sa pangalan:
Madre: Ano ang apelyido mo, iho?
Sakristan: Alam nyo na ho yun sister, lagi nyo po yun hinahawakan.
Madre: Susmaryosep! Bayag ba ang apelyido mo?!
Sakristan: Sister naman, Rosario po.
Ano ba ang iniisip ng mga magulang kapag nagbibigay ng pangalan sa kanilang mga anak? Noong araw ay madali. Bawa’t araw sa kalendaryo ay may pinaparangalang santo. Halimbawa, ang Abril 1 ay araw ni Santo Melito. Ang batang ipinanganak sa araw na ito ay binibigyan ng pangalang, Melito.
Hindi importante noon na ang pangalan ay baduy o nakakahiya. Ano ang gagawin mo kung ang ibinigay na pangalan sa iyo ay Sesinando Pasonanca? Eufrocino Tirador? O Dominga Balatbat kaya? Ang kilala kong si Danilo Payabyab, nang maging Amerikano ay naging Danny Pay. Iyong isa ko pang kakilala na si Pepe Pakaskas dati, ngayon ay Pay Tocash na at pagkayaman-yaman. Si Manny Pacquiao, Pac Man na l’ang, di ba?
Nang malaon ay naging creative ang mga magulang. At naging mapagbigay na rin ang simbahan. Noong araw ay di bibinyagan ng pari ang bata kung hindi pangalan ng santo ang pangalan. Kaya nauso ang pangalawang pangalan, ang una ay pangalan ng santo; ang pangalawa kung ano ang hilig ng magulang: Venancio Charlemagne, Patrocinio Pearl, Restituto Bronson, Julian Rain. . .
Pagkatapos, ang panahong dumating ay ang pagpapangalan ng English version ng mga pangalang-Kastila. Pangalan pa rin ng santo pero English na. Carl sa halip na Carlos, Ricky sa halip na Ricardo, Anne sa halip na Anna. . .
Isa sa may kasalanan sa problema ng Filipino sa pangalan ay si Narciso Claveria. Siya ang governor-general sa Filipinas na nag-utos noong Nobyembre 11,1849 na ang mga Filipino ay kailangang magka-apelyido ng apelyidong-Kastila. At upang maging maayos ang pagpili ng pangalan, iniutos niya na ang bawa’t bayan ay gagamit ng pangalan na nagsisimula sa isang letra, pamula A hanggang Z. Naibigay ang letrang Q sa bandang kanluran (west) ng Pangasinan. Ang apelyido ng mga tao doon ay Quiray, Quiroz, Quirante, Quirino. Ang “V” ay naibigay sa mga dakong San Rafael sa Bulacan. Ang apelyido ng mga tao doon ay Valte, Violago, Vasallo. . . Kung kaya’t batay sa apelyido ay malalaman, hanggang sa panahon ngayon, kung taga-saan ang tao.
Kung hindi tayo ginawang Kristiyano ng mga Kastila at hindi pinakialaman ni Claveria ang ating paraan ng pagpapangalan, marahil ay mananatili ang paggamit ng isang salita lamang bilang pangalan (walang apelyido), katulad ng Lapu-lapu, Humabon, Kalantiaw, Sulayman, Lakandula. . .
Ano kaya’t bumalik tayo sa paggamit ng mga pangalang sariling atin katulad ng ginawa ng artistang si Kidlat Tahimik? Di ba maganda? Katulad ng pangalan ng rocker na si Sampagita. May mga magulang na maka-Filipino. Ang pangalang ibinigay sa mga anak ay kagaya ng Tagumpay, Magtanggol, Magdangal, Luningning, Marikit. Kung ang binyag ay sa simbahang Aglipay o Protestante, lusot ang mga pangalang ito.
At hanggang sa ngayon ay patuloy ang mga apelyidong tunay na Filipino kagaya ng Gatdula, Mangahas, Sikat, Ilog, Balatbat, Bulalakaw, Batongbakal, Batobalane, Macahiya. . . Paano nangyari ito samantalang may utos si Claveria? Hindi sumunod sa utos ang ninuno ng mga mag-anak na ito?
Ang mga isinilang pagkatapos ng World War II, baby boomers ang tawag sa kanila, ay nagkapangalan na hindi na ayon sa kalendaryo. Marahil ay influencia ng mga Amerikano na ang mga magulang ay maging creative at hindi takot sa simbahan. Lumitaw ang mga pangalang Shirley, Jennifer, Judy, Elizabeth, George, Melvin, Ryan, Chris, Eddie, Danny . . .
Nang mga bandang 1960 ay naging lalong lihis sa kaugalian ang pagpapangalan sa mga bata. Nauso ang mga pangalang walang kahulugan nguni’t maganda ang tunog, kagaya ng, Dingdong, Bongbong, Cheche, Au-au, Yeye, Beejay, Jayjay, Kring-kring.
Sa kasalukuyan, ang pagpupulutan ng ang mga pangalan ay napakalawak na, at mapalad ang mga bata na sa paglaki nila ay hindi ikahihiya ang pangalan nila. Sa pamamagitan ng internet ay walang hanggan ang panggagalingan ng magagandang pangalan na maaaring mula sa pangalan ng mga artista, ng mga world leaders, ng mga lugar at pangyayari sa iba’t-ibang panig ng mundo, maging ng cosmos. Halimbawa ng mga pangalang ito: Dallas, Paris, Bronson, Bruce, Ringo, Clinton, Kennedy, Orion, Gemini, Sunshine, Moonbeam, Rainbow, Tiger. . .
Karamihan ng tao ay dinadala ang kanilang pangalan mula kapanganakan hanggang kamatayan, na hindi nababahala kung ano man ang kahulugan o tunog ng pangalan. Tanggap nila ang pangalan na tila utos ng Diyos, utos ng Tadhana, at paggalang sa dangal ng mga ninuno at magulang. Nguni’t kakaiba ang mga Amerikanong sina Chad Johnson, football player na nagpalit sa pangalang, Chad Ochocinco; at si William Artest, Jr., basketball player na nagpalit sa pangalang, Metta World Peace. Si Cassius Clay ay nagpalit sa pangalang Muhammad Ali nang siya ay naging Muslim.
Nakilala ko si Jose Dumdum sa isang kapihan sa Los Angeles. Sabi niya ay nagpalit ng pangalan ang mga anak niya dahil sa pinagtatawanan sila dahil sa kanilang apelyido. Kung bigkasin ng mga Kano ang apelyido nila ay dumb-dumb (bobo).
Maganda ang ibig sabihin ng dumdum sa bisaya, ayon kay Joe. Ang tanda ko, sabi niya, ang ibig sabihin ng dumdum ay “maligayang pagdating” o “maligayang pangyayari”. “Ako,” ika niya, “walang ikinahihiya. Dumdum ako hanggang sa aking kamatayan.”
Hindi katulad ni Joe si Domingo Panghi. Ikinahihiya niya ang pangalan niya. Nang maging naturalized American, nagpasiya siyang magpalit ng pangalan. Ang pangalan niyang ipinalit: John Panghi. Iyon palang Domingo ang ayaw niya!