MALULUNGKOT ANG COUNTRY SONGS
Maikling Kuwento ni Percival Campoamor Cruz
Ang nakaraan:
Nawala ang pagkalalaki ni Johnny nang siya ay masabugan ng bomba sa Vietnam, nang siya ay napadala doon, upang makipaglaban sa mga Vietcong.
Nabuhay si Johnny kahi’t na naging paralitiko ang kanyang katawan. Bayani siya sa mata ng kanyang pamahalaan. Nguni’t naging isa siyang malamig na “buhay na patay” sa mata ng asawa niyang si Ruby. Mahirap na ang isang bata pa at magandang babae ay umasa ng pagmamahal mula sa isang lalaking baluktot at walang pakiramdam, sa isang mistulang bilanggo sa loob ng isang “wheelchair”.
Papalubog na ang araw, nagpapaganda si Ruby sa harap ng salamin. Pupunta siya sa bayan upang humanap ng aliw.
“Huwag kang lumabas, Ruby. Ayaw kong ako’y pag-usapan ng mga kapit-bahay,” pakiusap ni Johnny sa asawa.
Tila bingi si Ruby. Lumabas ng bahay at walang pakundangang isinara nang malakas ang pinto ng bahay.
Sabi ni Johnny sa sarili, “Isang daang beses mo na akong binagsakan ng pinto. Kung makagagalaw lamang ako, Ruby, matagal na kitang binaril.”
Walang kaginsa-ginsa ay nalinawan ng isip si Ruby. Hindi ipinagpatuloy ang pagpunta sa bayan upang humanap ng aliw.
Bumalik siya sa bahay at marahang isinara ang pinto. Lumapit kay Johnny, lumuhod at humingi ng patawad habang hawak-hawak ang kamay ng asawa.
“Wala kang karamdaman, Johnny. Wala kang kakulangan. Ang pagkalalaki mo, ang tunay na pag-ibig mo, ay nasa puso; wala sa balukot mong katawan. Bayani ka sa aking mata at sa mata ng madla. Paglilingkuran kita at iibigin hanggang ako’y nabubuhay.”
Samantala, sa ibang dako ng Amerika, kausap ni Willie sa telepono ang dating asawa:
“Sana’y hindi kita naiistorbo. Napadaan lamang ako at hindi magtatagal. Baka ‘kako ibig mong malaman. . . Matataas ang grades ni Jeannie sa eskwela. Si Billy naman ay nagiging kamukha mo habang lumalaki. Ang balita ko ay kamukha mo rin ang bago mong anak na lalaki.
“Naisip ko l’ang tumawag at baka ibig mong malaman ang maliliit na bagay. . . Natatandaan mo ba sina Sam at Peg, ating kapit-bahay. Nag-divorce din sila katulad natin.
“Ang bahay natin ay giba na, ang tanging nalalabing ari-arian na ating pinagsaluhan. Dadaanan ng bagong freeway ang dati nating lupa. Maliliit na bagay, na baka ‘kako ibig mong malaman. . .”
Sagot ng kausap:
“Willie, patawarin mo ako. Nagkasala ako sa iyo. Hindi tunay na lalaki si Bert. Pinagsamantalahan lamang ako bago iniwan na parang isang basahan. Gustong-gusto kong bumalik sa iyo at magpanibagong-buhay. Lungkot na lungkot ako na wala ako sa inyong piling na mag-aama.
“Maaari tayong magsimulang muli, di ba? Magpupundar tayo ng bahay muli at pupulutin ang nagkapira-pirasong alaala at matatamis na bahagi ng ating buhay, di ba?
“Damdam ko ay may pag-ibig ka pang natitira sa iyong puso upang ako ay mapatawad at matanggap sa iyong kandugan at tahanan. Kung tungkol sa aking damdamin, ang pag-ibig ko sa iyo ay buong-buo pa hanggang sa ngayon. Nagkamali ako minsan, ipinangangako ko sa iyo, hindi na ako magkakamali pang muli.”
Ang unang kuwento ay country song ni Kenny Rogers.
Ruby
You've painted up your lips
And rolled and curled your tinted hair
Ruby are you contemplating going out somewhere
The shadow on the wall tells me the sun is going down
Oh Ruby, don't take your love to town
It wasn't me that started that old crazy Asian war
But I was proud to go and do my patriotic chore
And yes, it's true that I'm not the man I used to be
Oh, Ruby... I still need some company
It's hard to love a man whose legs are bent and paralyzed
And the wants and the needs of a woman your age, Ruby I realize,
But it won't be long I've heard them say until I’m not around
Oh Ruby, don't take your love to town
She's leaving now 'cause I just heard the slamming of the door
The way I know I've heard it slam some 1oo times before
And if I could move I'd get my gun and put her in the ground
Oh Ruby, don't take your love to town
Oh Ruby.. For god's sake turn around
Ang pangalawang kuwento ay ang country song ni Willie Nelson:
Little Things
I hope I won't disturb you with this call
I'm just in town for such a little while
And I thought perhaps you'd like to hear the news
Jeannie's grades were the highest in the school
Billy sure does look a lot like you
I understand your other son does too
And Billy said tell mom I miss her so
These were some little things
I thought you'd like to know
Remember Sam and Peg who lived next door
With them it seemed we always laughed so much
Well Sam and Peg don't live there anymore
I understand they broke up just like us
The house we lived in now has been torn down
Of all the things we owned the last to go
A freeway now runs through that part of town
These were some little things that
I thought you'd like to know
These were some little things that
I thought you'd like to know
May collection ako ng mga long-playing records ng country songs. Malulungkot ang country songs. Bakit gumanda ang takbo ng kuwento?
Diyaskeng anak kong binatilyo, pinatugtog ng paatras ang plaka nina Kenny Rogers at Willie Nelson!