AKO ANG KANYANG PABANGO
Kuwento ni Alberto Segismundo Cruz
(Unang nailathala ng Silahis, Abril 26, 1947 at pagkatapos ng Asian Journal noong Setyembre 24, 2010: http://www.scribd.com/doc/38032031/Asian-Journal-Sept-24-2010)
Ang pabango'y parang makapangyarihang sandata ng isang dalaga, lalo na kung ito'y maganda't kagayu-gayumang katulad ng kanyang taglay na pabango.
NANG ako'y nasa nektar at talulot pa ng bulaklak napalalanghap
pa lamang ako; halimuyak.
Ang bubuyog at paruparo'y may matalas na pang-amoy sa akin, lalo kung tagsibol - kung panahong namumuko ang mga bulaklak-parang at kung "nagpupuso" na ang sampagita't nagsisimula na ring mamulaklak ang mga bungang-kahoy sa mga lagwerta.
Nguni't iyan ang masasabing "kahapon" ng aking buhay. Ang masasabi kong tunay na kasaysayan ng aking sarili'y nasa "kayarian" kong pangkasalukuyan, bilang likha ng kimika at, ng makabagong kabihasnang nagbibigay ng dingal sa lipunan. Kilala akong pabango - pabango sa iba't ibang pangala't iba-ibang uri ng pagkakayari ng mga pabrikanteng dayuhan.
Bago pa magdigma'y kilala na ako't bantog, palibhasa'y itinuring akong isang karangyaan. Nguni't ako'y isang karangyaang kailangan, lalo na ng lipunan. Hindi dumidingal ang pagtitipon ng lipunan kundi sa akin; hindi lalong gumaganda't nakahahalina ang mga ginang at dalaga ng lipunan kundi sa akin din; at di nagiging mariwasa ang kaban ng pamahalaan kundi sa akin, na pinagbubunutan ng malaking bahaging bahagdan ng mga pabuwis sa luho o karangyaan.
Nasabi kong ako'y pabango, nguni't may iba't ibang uri't tatak. Nguni't ang "ibang" ito'y aking mga kapatid na bunso, halimbawa'y ang Royal Cyclamen, Divinia, Mamon Les Kaut, Amor Mio, Tres Flores, Vivitz, Camia, Floramye at iba pang uring "esencia" ng mga rosas na lubhang kilala ng mga mutya ng mataas at mababang lipunan, ng mga "prima donna", ng mga artista, ng mga mananayaw, at ng iba pang anak ni Ebang nagtuturing na ang dilag "ay di siyang lahat sa isang babae."
Iyan ang katotohanan. Ang dilag ay di lahat sa isang babae. Sa ibang pangungusap, hindi sapagka't marilag at nasa kasibulan ang isang babae'y tiyak nang makapagtatagumpay sa pag-ibig. Alam kong ang adhika ng lahat ng anak na babae ng alin mang angkan o mag-anak sa lahat ng pook at sa alin mang panig ng daigdig ay ang makatagpo ng isang "makakasalo sa ligaya't makakahati sa hilahil"; nababatid kong ang lunggati nila'y magka-palad hindi lamang ng isang Prince Charming kundi, kung maaari'y ng isa pang tunay na makapagdudulot sa kanila ng kaligayahan, ayon sa loobin o damdaming itinitibok ng puso't pinapangarap ng kaluluwa, kaligayahang walang kahulilip!
Iyan ang dahilan kung bakit ako namahal kay Magdalena na nag-ubos-kaya upang maipakilala na ang kanyang pag-ibig ay banal at isang tunay na "pagbabagong-buhay" ng damdaming nagsisisi; kaya't ako ang ipinatak sa kanyang mahaba't kulot na buhok bago ipinahid nang buong pagsuyo sa paa ng Dakilang Guro't nang kung malanghap ng mga naniniwala sa Kanya, pati ang kasaysayan ng aking kaluluwa'y nalanghap at nabaon na rin sa kanilang pusp - pusong dapat na maging malinis, wagas at dakila, sa likod ng mga kasalanang nagawa nang tinalikdang panahon.
Ini-atas ng makapangyarihang Tadhana na ako'y maging isang uri ng pabangong mahinhin, nguni't habang nalalanghap, lalo na kung gabi'y lalo pang nananatili ang bangong nakapagpapaluwag ng hininga't ng dibdib, na nagpupuyos sa init ng dalamhating bunga ng pag-ibig.
Inari ako ng isang Magdalena - hindi ng babaeng nasa Banal na Kasaysayan – kundi ng isang dalaga ng isang lunsod ng Maynila, na noo'y nasa kanyang kasibula't nasa pagsisimula sa unang baytang ng pag-aaral ng parmasya sa isang dalubhasang bantog.
Magdalena! Opo, Magdalena ang kanyang pangalan at nag-aapelyido ng "De la Virgen" na bagay na bagay sa kanyang dilag at katauhan, sapagka't sadyang maniniwala ang sinuman na siya'y talagang ipinaglihi ng kanyang ina - gaya ng sabi-sabi-sa Maawaing Birheng Inang lalong maganda't marikit sa kanyang matang nalulungkot at nakatingala sa langit. Nguni't ang marilag na "co-ed" na ito'y sa palayaw niya laging tinatawag, sapagka't nasa palayaw ang salamisim saka ang pulot at gata ng tula ng kanyang kasibula't kagandahan.
Nena! At si Nena bukod maganda'y isang may ipinangako pang alagad ni Talya. Sapagka't sa mula't mula pa lamang - musmos pa halos - ay lumabas na sa isang "Zarsuela" at buhat naman sa paaralang primary ng Lakandula'y naging "protagonista" na ng maliliit na dulang pampaaralan. Saka nito ngang mga huling araw, siya ang pinaka-pangunahing Mutya ng Dramaticics Club ng dalubhasang kanyang pinag-aaralan.
Maganda't kaakit-akit si Nena! At, lalong maganda't kaakit kung siya'y may tinutupad na papel sa entablado ng "Little Theatre" ng nasabing dalubhasaang kanyang pinagsisimulan ng pag-aaral ng parmasya.
Kaugnay ng kanyang mga tagumpay ay ang katambal na pangyayaring dami ng nababaliw sa kanya. At sa mga nababaliw na ito'y kabilang na ang ilang propesor at diumano'y isa pang dekano na tumanda nang di nakahirang ng makakapiling niya sa landas ng buhay at kabuhayan.
Datapuwa't sa kabila ng lahat, sukat ang magiliw na pakikipagkaibigan ni Nena. Sukat ang karaniwang pakikipagkilala. Sapagka't patuloy ang pagamit sa akin - ang pahangong nababatid kong pinag-uukulan niya ng bugtong na pag-ibig. Naniniwala akong walang iniibig si Nena kundi akong kanyang pabango, lalo na kung ipinapahid ang panyolitong basang-basa ng aking "pagkatubig" sa kanyang matambok na dibdib!
Natatandaan ko ang mga pagtitipong dinaluhan ni Nena. Nabibilang ko ang kanyang pakikipagsayaw. Naririnig ko rin ang salitaan nila ng kanyang nakakapareha. Nguni't kung akong kanyang pabango ay nasa kanyang dibdib at nasa labi niya't likod ng tainga, sadya nababatid ko kung siya'y may iba nang napupusuan nang higit sa akin. Wala akong naririnig sa kanyang puso; di ko nababatid na minsan ma'y pinasagian niya ng labing binata ang kanyang namumulang labi, na ako ang laging nakataliba; sa pandinig man niya'y wala nang iba pang umuugong na pangungusap ng paggiliw - kahi't isang nakaw na bulong na nagpapahayag ng: "Nena, iniibig kita!"
Nguni't bago magwakas ang klase sa Tag-araw ay nagtanghal muna ang Dramatics Club ng iang dulang hango sa buhay at pag-ibig ni Evangeline. At, nagtataka ako sa mga pangyayari. Nasa pagsasanay pa lamang ang magsisiganap sa dula'y naging walang taros na ang paggamit sa akin ni Nena. Malimit akong pasingawin sa aking tahanang marikit na botelya; at di miminsang nanganib akong mapatapon sa malikot na kamay ng kanyang utusang walang taros kung magbukas ng aparador at gayon din kung humawi ng kanyang mga damit.
Katambal niya sa dulang nasabi at tumupad ng papel ng Gabriel ang isang binatang nagngangalang Leonilo, nguni't lahat ay tumatawag sa kanya ng Nilo. Hindi masasabing napakagandang lalaki ang binatang ito, nguni't sadyang kaakit-akit ang hugis ng kanyang mukhang bagay sa pagka-kayumanggi ng balat, ang mga matang maiitim saka ang kulot na buhok. Bukod dito'y makisig pang magdamit at may ginto ang dila. Sa katotohana'y isa siyang mananalumpati't sinasabing makata ng kolehyo ng sining.
Mula na noo'y nakakarinig na ako ng ilang tinig na naiiba sa dibdib ni Nena. At ang ilang tinig na iyo'y naging malakas at maliwanag, kasabay tng pagkaba ng kanyang dibdib, lalo na sa mga tagpo ng pagsisitahang halos ay nagkakalapit ang dibdib niya't ang dibdib ng binata.
Umiibig si Nena! Umiibig nang tunay na pag-ibig sa binatang iyon. Sa katotohana'y nakatatawag ng pansin ang pagka-malapit ni Nena sa kanyang katambal sa dula at sa pagpapakita ng giliw sa binatang iyon -kay Nilo. Nguni't sa kabila ng lahat, si Nilo nama'y di nakawawatas. Akala niya'y hinihingi lamang ng sining at ng damdaming ini-aatas ng mga tagpo sa dula ang gayon; kaya't siya'y patuloy, patuloy na hindi natitigatig.
Sa kahibangan ni Nena sa binata, kung may sayawa'y halos patakan ang buo niyang katawan ng aking pagka-tubig. Nais maipahayag sa pamamagitan ko ang kanyang pag-ibig na kayang bigkasin ng labing-babae. Di niya maipagtapat ang pagmamahal na nakukuyom sa dibdib. O! Kung siya lamang ay isang lalaki . . . marahil, ay naipahayag na nang malaon at buong laya ang laman ng dibdib na ito, ang lihim ng kanyang buhay, ang pangarap ng kanyang kabataan! Kahabag-habag na Magdalena!
Nang si Nena'y nasa kanya nang ikatlong taon ay may dagok na ibinigay sa kanya ang Tadhana't masamang kapalaran. Namatay ang kanyang ama - ang amang sumasahod ng malaking halaga sa isang bahay-kalakal, at bilang bunga niya'y napatigil sa di panahon ang kanyang pag-aaral. Napaharap silang mag-ina at ang tatlo pang maliliit na kapatid sa tunay na karalitaan. Ang pangyayari'y nakapagpalumo kay Nena, sapagka't napalayo na rin siya kay Nilo, sa atas ng malungkot na kapalaran. Akong kanyang pabango'y natutuhan niyang pagbalikan. Para niyang sinusukat ang patak ng luha niya kung ako'y ipatak sa panyolitong hirang na pamahid sa namumugto niyang mata. Hindi pa siya makapaglilingkod sa alin mang parmasya. At lalong hindi siya makapagtuturo, upang mapakain at mapapag-aral ang mga kapatid na umaasa nang waIang inaasahan sa pagkamatay ng gabay ng tahanang iyon.
Paano ang kanyang gagawin? Paano? At lumakad ang araw sa gitna ng karalitaan at pagsalunga sa Kalbaryo ng buhay. Nangutang silang mag-aanak upang makatawid sa araw-araw matapos na maisangla ang kanilang mga hiyas at iba pang ari-arian.
Kung dumarating ang sakuna sa buhay ng isang tao'y may nagiging katambal pang pangyayaring nakapagpapaluha. Sa isang pahayagang panghapo'y nabatid niyang ikinasal na si Nilo sa isang Mutya ng Konserbatoryo ng Musika, ilang buwan lamang matapos na sila'y makapagtapos ng pag-aaral.
Gayon na lamang ang sakit ng loob ni Nena! Halos nagngingitngit. Noon pa Iamang ay ibig na niyang maghiganti, at kung ilang gabing- sinasabi niya't inuusal ang ganito:
– Bakit mo ninakaw ang aking pag-ibig - ang aking kaligayahan.
Dilim na nakalaganap ang tumutugon sa kanya sa sariling silid.
– Ninakaw mo ang aking pag-ibig at kaligayahan, ngayon nama'y babawiin ko sa iyo iyan! – Ang dugtong pa.
Iyan ang kanyang naging pasiya.
Sa naghihiganti'y parang kidlat ang liwanag sa landas ng pagkakasala. Nabatid niyang si Nilo'y tagapamahala kung gabi ng isang "night club", na ari ng kanyang biyenan – ng ama ng kanyang napangasawa. Ang "night club" ay nangangailangan ng mga "hostess". Sumungaw sa balintataw ng kanyang mga mata ang isang magandang pagkakataon upang kumita ng salapi't ilatag pa ang patibong sa pag-ibig kay Nilo upang mabawi ang itinuturing niyang ninakaw na hiyas ng kanyang kabataan: ang unang pag-ibig na napariwara!
Nagtaka si NiIo nang makausap ang kanyang bagong "hostess". Nadinig niya sa mga labi ni Nena ang mapait na katotohanang nangyari sa sariling buhay nito. Nang una'y ibig ni Nilong pagpayuhang huwag na maglingkod doon si Nena't tutulungan na lamang niya upang humanap ng ibang mapapasukang di makapagpapapusiyaw sa kanyang pangalan; datapuwa't hindi niya masansala ang pasiya ng isang ibig na maglingkod.
– Ikaw ang bahala, Nena! – Iyan lamang ang nasabi ni Nilo.
At sa gabi-gabi'y naging walang patumangga ang paggamit sa akin - akong kanyang pabango - ni Nena. Nababatid kong kailangan niya ako sapagka't malimit siyang isayaw ni Nilo. Natitiyak ko na napilitan na si Nilong magsalita, makalipas ang ilang gabi, sa gayuma ko, lalo na kung nagsasayaw sila ng "valse" sa malalamlam na ilaw-dagitab sa bulwagan ng sayawan.
Sa wakas, ay naging maliwanag sa akin ang katotohanan. Akong pabangong nasa labi ni Nena'y nasalang, sa unang pagkakataon, ng labing-lalaki; akong nasa kanyang dibdib ay nahagkan ng labing iyong nagkakasala sa kanyang pag-ibig, palibhasa'y may nag-aari na sa kanyang damdamin.
A! At si Nena'y naging isang tunay na mayakaprang humahalakhak sa kanyang pag-ibig, palibhasa'y nababatid niyang siya'y salaring nanghihimasok at nambabawi ng di kanyang pag-ibig na nauukol sa ibang kabaro rin niya!
Ang makasalanang pag-ibig ni Nena't ni Nilo'y hindi maaaring magtagal. May mata ang tao't may pandinig pa, na katugon ng kasabihang "may tainga ang lupa't may pakpak ang balita".
Sa pasiya ng maybahay ni Nilo ay inalis sa gawain ang isang "hostess" ng bantog na "night club". Ito'y si Nena. Sa nangyari'y nawalan siya ng gawain na nangangahulugan ng kawalan din ng nagsisi-asa sa kanya upang buhay ay makatawid sa oras.
Nguni't sa kabila niya'y nagagalak si Nena. Nagagalak, sapagka't nadama niya ang katugunan sa una niyang pag-ibig; makasalan man ito.
Sapagka't si Nena'y isa ngang wagas na artista, kaya't ang isang empresayong malaon na palang humahanap sa kanya'y nakapagpalagda ng kasunduan upang siya'y maging pangunahing artista ng kompanya. Sa paraang ito'y maaari pa si Nenang makapagtapos ng pag-aaral.
Nalugod si Nena. Sa kalugurang ito'y napanambitan siya katulad nang mamatay ang kanyang ama. Mag-aartista siya upang makapagpatuloy ng pag-aaral. At, noo'y naniniwala siyang wala nang makasasagabal pa sa kanyang landas, sapagka't nabibigyan na ng buhay ang kanyang unang pag-ibig. Nagkasala siya sa pagibig na ito, nguni't aling kasalanan ang di mahuhugasan ng luha at pagsisisi! . . .
Kaya't buhat noon. . . mula sa "night club" at pabalik sa landas ng sining at ni Minerba, si Nena'y namasid na muli. Walang nababago sa kanyang kasariwaa't kagandahan. Manapa'y lalong gumanda ang kanyang mga matang laging nagsisipamula sa pamumugto sa malimit na pagluha kung nagugunita ang kanyang unang pag-ibig. Kung dapit-hapon, bago bumalik ng bahay, si Nena'y nagdaraan sa simbahan ng purok - at sa harap ng Ina ng Awa'y idinadalanging patawarin siya sa kanyang pagkakasalang nagawa sa pagbibigay buhay sa kanyang unang pag-ibig.
At akong kanyang pabango'y di na ginagamit ni Nena. Mula pa noong siya'y magbagong-landas! Ipinalit sa akin ang maliliit na bulaklak na isang uri ng waling-waling na laging nasa kanyang dibdib at siyang iniaalay matapos na makapagdasal, sa dambana ng Inang Birhen.
Nguni't akong pabango niya . . . sa paminsan-minsan.... sa kanyang pagtupad sa dulaan, sa klase, o sa pagbabanal, ako'y umaabot din sa kanyang pang-amoy. Akala ni Nena'y kasama ako ng usok ng kamanyang sa dambana o isang ligaw na halimuyak lamang. Hindi niya napagwaring may iba ring nagmamahal sa akin. Halimbawa'y si Nilo, na nang makilala ang pag-ibig niya, ni Nena, ay sadyang nanghinayang . . . kaya't bilang alaala ng pag-ibig na. iyong nawatasan nang huli sa panahon ay ginamit na rin akong kanyang pabango. Para na rin niyang kapiling si Nena. Para na rin niyang nabuklat ang lumang aklat ng kanilang paglabas sa dula sa "Little Theatre". Para na rin niyang napapanatili sa puso't kaluluwa ang lihim ng kanyang kabataan. Ang lihim ng unang pag-ibig ni Nena na di nangiming ipakilala kahi't naging makasalanan.

Walang Dungis
Kuwento ni Alberto Segismundo Cruz
(Liwayway Extra Hunyo-1940)
Kay puti ng luwalhati na malinis mang malinis,
Pag sumayad na sa lupa'y napupuno rin ng dungis;
Kaya upang manatiling busilak at walang bahid
Ay dapat na manatili sa altar ng isang langit.
Kung hindi pa nagkalayo si Tinoy at si Lilay, matapos ang kanilang pag-aaral sa unibersidad, hindi pa kapuwa nila matitiyak na “sila pala ay hindi magkasalungat”. Sa katotohanan, bawa't isa sa kanila noong Sabado ng hapong yaon ng maalinsangang Marso, ay nag-adhika na makatagpo at makausap pa, kung maaari, ang itinuturing na “kasalungat”! At, ang pagkakataon na lubhang mapaghimala, lalo na sa kabataan, ay minsan pang hindi nagkait: nagkatagpo nga sila, nagkausap, nagkahingahan ng sama ng loob at “nangyari sa kanila” ang hindi inaasahan nino man.
Sa pinaka-magkasangang landas ng kampus ng unibersidad sila nagkatagpo, samantalang sumisimoy ang hanging maalinsangan ng Marso na taglay ang mga lagas na dahon ng akasyang wari'y sadyang isinasabog ng katalagahan sa tigang na lupa.
— Lilay , — ang malungkot na tawag ni Tinoy. — Hindi kita ibig na gambalain, nguni't bukas ay magkakahiwalay na tayo at haharap na tayo sa daigdig. Nais mo bang maniwala habang buhay na tayo ay sadyang mag-kasalungat? Nangiti si Lilay. Kailan man ay hindi ipinakita at naiukol sa kanya ng dalaga ang gayon sa boong panahon ng kanilang pag-aaral. At kailan man naman ay hindi siya nagkaroon ng gayong masasal na tibok ng puso. Bakit nga kaya?
— Nagkakamali ka ng palagay, Tinoy. Kailan man ay hindi ko ninais na maging kasalungat mo. Alangan wari sa isang babai, na magbinhi ng poot, lalo na sa kanyang kamagaaral. At, iyan ba ang magiging bunga ng tinatawag nating “golden rule” at ng pagsusunog ng kilay nang kung ilang taon ?
— Samakatuwid ay hindi ka napopoot sa akin, Lilay? Pinatatawad mo ba ako?
— Kailan man ay hindi. Hindi naman kita mapatatawad, sapagka't wala ka namang nagagawang pagkakasala, at . . . sino ba ang hindi salarin sa buhay na ito?
— Huwag na nga nating pag-usapan iyan. Mabuhay tayo sa katotohanan. Mabuhay ka at mabuhay ako sa katotohanan, At si Lilay ay hindi nakaimik. Ngumiti lamang, gaya rin
ng dati — matimyas, kaakit-akit, nakabibighani !
Ang ilang nasa kampus noon at saka ang nangakadungaw sa gusali ng aklatan ay nagtapon sa kanila ng tinging lipos ng pamamangha, palibhasa'y hindi nila akalain na ang dalawa ay magkasundo, matapos ang kung ilang taon nang hindi pagkikibuan at hindi pag-uusap, bagama't nagkakasama sa klase, sa laboratory at sa mga dula at palabas ng unibersidad.
— Lilay, — patuloy ni Tinoy. — Ngayon ko napagkilala na ang kagandahan ay nasa loob at nasa labas; ibig kong sabihin ang wan at saka ang kagandahan ng iyong puso, marahil, ay ng iyong kaluluwa.
— Nalalaman kong masasabi mo iyan ngayon, — tugong mahinahon ng dalaga.
— Noong nakalipas na mga pagkakataon ay binubulag ka ng iyong masamang hinagap kundi man palagay sa akin na nagbibinhi ako ng poot at kamuhian sa iyo. Salamat. At dumating din ang pagkakataon na makilala mo ang aba mong kamag-aaral.
— Iyan nga ang dahilan, Lilay, kung bakit ako humihingi sa iyo ng kapatawaran. Nalalaman kong ako ay nagkasala, at ang katotohanan ay ito: hindi maaaring maging kalaban ako ng aking loobin . . .
— Kung gayon ay pinatatawad kita. --
— Lilay, napakadakila pala ng iyong puso. Napatitig na lamang si Lilay sa binata. Noon ay dumating na sila sa dako ng kampus na ang malalagong puno ng akasya ay ganap na nakalililim sa nagsisipagdaan. Walang gaanong init at sa panig na yaon, at sa katunayan,
Ang mga ligaw na sinag ng aravv na pasubsob na sa Kanluran ay siyang lalong nagpaparikit pa sa mga dahong anaki ay may antiantilaw ng liwanag. Sa dalawang magkasabay sa paglalakad na yaon ay walang nakaaabala kundi ang mga dahon ng akasya, lalo na ang may kamuraan na, na nangalalaglag, sumasama sa ipo-ipo at kung minsan naman ay nagsisipagsayaw hanggang sa tanging landas na dinurugan ng kabibi sa dako pa roon sa may kahabaan ng Isaac Peral.
— Bukas ay uuwi na ako sa amin. Marahil ay sa “segunda viaje”. May ibig ka bang sabihin pa sa akin? — at saka nangulimlim ang magagandang mata ni Lilay, na anaki ay naghuhudyat ng isang lihim na damdamin.
— Sasabihin sa iyo? Lilay, mapupuno ang daigdig sa ibig kong sabihin sa iyo; nguni't ngayon lamang ako nagkaroon ng pagkakataon . . . ngayon lamang na iilang hakbang na at ihahatid kita sa iyong dormitoryo upang bukas ng umaga ay umalis, at marahil, ay umalis nang wala nang balik, sapagka't natapos ka na sa iyong pag-aaral.
-- Hindi ako ang maysala. Marahil, ay ang pagkakataon. Nguni't kailangan ba ang matagal na panahon upang magkawatasan tayo o mawatasan kita sa iyong sasabihin? --
— Hindi naman, — at si Tinoy naman ang pinangulimliman ng mukha.
— Kung gayon ay sabihin mo na at ako ay makikinig. Napalapit sila, noon, sa isang likmuang batong-buhay na sadyang inilagay sa panig na yaon upang tumugon sa pangangailangan ng nagsisipag-aral, lalo na sa mga nagsisipaglakad o nagsisipag-aliw sa kampus at sa kanugnog na liwasan.
— Halina roon, — at itinuro ni Tinoy ang likmuan — doon ay maaaring makapag-usap tayo nang ilang saglit. Ngumiti si Lilay. Habang lumalaganap ang lilim sa pook na kanilang nilikmuan kapuwa ay lalo namang dumidilag si Lilay. Wala siyang iniwan noon sa isang diyosa ng kagubatan lalo na kung matititigan siya at mapupuna pa rin, na, sa likuran niya ay nagngiti ang mga gumamela at saka ang “cadena de amor” na nangungunyapit na mabuti sa bakod na kawad ng "tennis courts."
—Lilay,— ang Simula ni Tinoy. — Natapos ka na sa iyong kurso. Babalik ka na sa inyong bayan upang doon ay maging isang guro sa paaralang-bayan. Mapapaharap ka na sa bagong daigdig, samantalang ako, oo, ako, ang imbi mong kausap ngayon, ay mananatili pa ng isang taon at kalahati dito,—maglilingkod sa isang bahay-kalakal at mag-aaral sa gabi upang maitaguyod ko ang aking kurso. Anopa't ikaw ay nasa larangan na, samantalang ako ay naririto pa rin. At, ang napakasama, ay ang mawawala ka!
— Kung gayon ang naguguniguni mo, maaari akong makipagsulatan sa iyo, sa aking kamag-aaral na hindi ko pala kasalungat kundi isang mabuting kaibigan.
— Makipagsulatan ? Lilay, ang mga liham, kung minsan ay lalo pang nakapagpapalubha ng damdamin ng puso!
—Kung ako ang masusunod, lalong mabuti ang ikaw ay maging mapayapa sa iyong tinutungo. Ibig kong sabihin na sa isang gaya mo — lalaki at pag-asa ng iyong magulang at ng ating bayan, lubhang kailangan ang magpakatatag sa gawain. Hindi kailangang maabala o mabahala!
— Ano ang ibig mong sabihin, Lilay?
— Na dapat kang magpakabuti sa pag-aaral at sa pagsasakit alang-alang sa iyong magandang hinaharap!
— Nguni't paano mangyayari iyan kung walang pamparubdob.
— Pamparubdob ? Gunitain mong may mga magulang ka at may bayang dapat na paglingkuran. Hindi ba iyan sapat na pamparubdob.
— Hindi kita mawatasan, Lilay.
— Marahil, datapuwa't mawawatasan mo rin ako sa wakas, — at si Lilay ay tumindig na sa pagkakaupo, bago nagpatuloy: naghihintay na sa akin ang aking mga kasama sa dormitoryo. Halina at samahan mo ako. Kailangan kong ihanda ang mga daladalahan ko baka pa ako mahuli bukas sa tren. Mahirap na ang magkangkakabog sa paglakad.
— Ikaw ang bahala,—ang malumanay at malungkot na sagot ng binata. — Ihahatid kita hanggang sa pinto ng dormitoryo.
— Salamat, Tinoy.
At, ang dalawa ay bumagtas sa daang kung makailan nang bagtasin nila sa loob ng
panahong ipinag-aral sa unibersidad, bago sila pumakabila sa pinaka-liwasan hanggang sa kabilang dako na ang malalaking titik ng dormitoryo ay parang nakapamulaga sa mata ng sino
mang nagdaraan.
Nang ilang hakbang na lamang at mapapasok na si Lilay sa pinto ng dormitoryo, napilitang magsalita si Tinoy:
— Ihahatid kita bukas sa Tutuban. Ibig kong magpaalam sa iyo sa pangwakas na pagkakataon, — at boong kalungkutang binigkas ng binata ang mga pangungusap na iyon.
— Magpaalam ? Tinoy, ngayon ka na magpaalam.Hindi konais na magpaalam ka pa sa akin,bukas, sa himpilan ng tren.Ngayon ka na magpaalam!
Nabigla si Tinoy. Hindi niya akalaing yaon na pala ang huli nilang pagkikita. Hindi niya maubos-maisip kung bakit nagpasiya ng gayon si Lilay. Noon na siya dapat na
magpaalam.
— Lilay!—at saka iniabot ni Tinoy ang kanyang kamay, na malamig at parang nanginginig pa sa dalaga. Iniabot naman ni Lilay ang kanyang palad na anaki ay sutla at nanglalamig din. Nguni't ang mga mata niya ang kapunapuna: may nasisinag na kristal;
may nangingilid na nagpupumiglas na pumatak!
Aywan kung nasinag ni Tinoy ang mga luhang iyon, subali't siya ay nagpasiyang umalis na rin agad. Pinisil niya nang mahigpit ang mga sutlang palad ng dalaga, at nagpasiyang sabihin ang wari'y nakatimong mga pangungusap sa kanyang puso, subali't hindi nangyaring mabigkas ang mga pangungusap na iyon.
Nang siya ay makalabas na ng pinto ng dormitoryo ay nais niyang tawagin pa ang pangalan ni Lilay. datapuwa't nang siya ay lumingon, ang dalaga ay wala na. Ilang saglit pa at
narinig na niya ang tugtog ng mga batingaw sa karatig na simbahan, at ibinabalita ang pagdating ng dakilang sandali; takip-silim at umaalingawngaw na ang “oracion”.
Panahon ng pagliliwaliw...
Si Tinoy lamang ang lumilitaw na kahabag-habag, sapagka't bukod sa hindi nangyaring
makadalaw sa kanyang mga magulang at magparaan ng dalawang buwan sa sariling nayon
— dahilan sa siya ay may tungkulin nga sa kolehiyo at gayon din sa pag-aaral sa panahon ng
tag-araw—ay napag-isa siya sa gitna ng mga pag-aalinlangan at pangungulila sa babaing mahiwaga at isang “suliranin” ngayon sa kanyang buhay.
Dumating ang kalagitnaan ng Mayo na wala siyang natanggap kundi ang kaisa-isang sulat ni Lilay, datapuwa't isa man ay daig pa ang sanlibo, wika nga, sapagka't naroroon na ang lahat ng dapat na mahintay ng isang pusong nananabik.
“Mag-aral kang mabuti, Tinoy”, payo sa sulat ni Lilay. “Alalahanin mo ang hinaharap!”
Ang mga huling kataga ay nagdulot ng hindi maulatang kasiyahan sa binata. Parang nabuksan sa kanya ang isang kaaya-ayang pinto ng langit sa kinabukasan. Naging pamparubdob sa pag-aaral at sa pagtupad ng kanyang tungkulin.
Isang taon pa ang nakaraan at si Tinoy naman ang nagtapos. Tinanggap niya ang katibayan sa gitna ng mga papuri at paghanga sa kanyang katalinuhan. Sa kanyang labi ay laging nakasungaw, simula noon, ang ngiti ng tagumpay. At, sa gayon niyang katayuan, nagunita niya na siya ay nakatupad sa tungkulin, lalo na sa babaing hindi niya malimutan —kay Lilay.
Binalak niya, makaraan lamang ang ilang araw, na ipagtapat sa mga magulang niya ang matapat niyang pag-ibig kay Lilay upang mahingi sa mga magulang ng dalaga sa lalawigan
ang kamay nito. Mabilis ang kanyang pagpapasiya at parang may pakpak ang kanyang mga guniguni sa mga binalangkas na hakbangin noon din.
Subali't bago pa lamang siya nakalulutas sa pagbabalot ng kanyang mga bagay-bagay sa paglisan sa dormitoryo niyang kung ilang taong tinuluyan at tinahanan, ay tinanggap na ang isang liham na paanyaya kay Lilay. Tunay! Isang liham na nag-aanyaya upang dumalo sa
“pakikipag-isang dibdib nito sa lalong dakila sa lahat.”
“Binabati kita sa iyong tagumpay”, anang liham ni Lilay, “at magiging kasiyahan ko habang-buhay kung ikaw ay mag-uukol ng panahon sa pagsaksi sa aking pakikipagisang-dibdib sa lalong dakila sa lahat!”
Bumagsak na anaki ay kastilyo sa himpapawid ang mga pangarapin ni Tinoy sa isang
iglap lamang. At, pagkatapos, ay nadama niyang siya ay naninibugho at nais na maghinakdal
sa babaing lubhang mahiwaga sa kanyang buhay.
— Anong laking kalupitan! Saksihan ko ang iyong pakikipag-isang dibdib. Lilay ?—ang
namutawing sunod-sunod sa labi ng binata. . .
Matuling nagdaan ang mga oras. Sa di-kawasa, si Tinoy ay nakasakay na rin sa tren sa pagbabalik sa sariling nayon. Gaya nang dapat na mangyari ay ipinagsaya ng kanyang mga
magulang ang kanyang maligayang pagtatapos sa pag-aaral. Gayon din naman, ipinagbunyi siya ng kanyang mga kalalawigan sa pagiging “matalinong anak” ng lalawigang Penafrancia.
Nguni't ang lahat nang ito ay walang halaga kay Tinoy. Hindi niya maubos-maisip ang
nangyari sa kanyang matapat na pag-ibig kay Lilay. Hindi niya makayang liripin kung bakit ang babaing ito na inakala niyang kasalungat ng damdamin ay naging mahal sa kanya, at nang mamahal na, ay saka pa binigo ang kanyang pag-asa at ang bugtong na pag-ibig.
Datapuwa't hindi maliwanag ang pagkakasiwalat ng mga katotohanan. Sa mga pahayagan ang larawan at saka ang balita ng sinasabing pakikipag-isang-dibdib ni Lilay na idaraos ay natunghan ng ating binata, at noon siya naniwala na “lalo ngang dakila ang nahirang ni Lilay”.
Si Lilay, ang guro sa nayon at naging tanging patnugot ng kababaihan sa kanilang lalawigan sa mga gawaing panlipunan at pagkakawanggawa ay makikipagisang-dibdib nga, nguni't. . . kay Kristo: siya ay magiging isa sa mga huling alagad ng isang kapatiran ng mga madre!
Bilang pagpapatibay sa mga balita sa pahayagan ay tinanggap ni Tinoy ang isang maliwanag na paanyaya ni Lilay at ang isang liham na kalakip, “Tinoy, sumaksi ka sana, sa kabilang buhay tayo magkikita kung sakali.”
. . . At, sa kapilya ng nababakurang gusaling yaon, si Tinoy at saka ang ilang sadyang
pinaanyayahan ng mga magulang ng mga may panataang lamang nagsisaksi sa mga
“ceremonia.”
Nakita ni Tinoy si Lilay nang dumapa at humalik sa lupa, ang kasintahang hindi niya kasintahan noon, at sa mga mata niya ay nangilid ang luha.
At, pagkatapos ay namataan ni Tinoy ang mga lirio sa pinaka-altar ng kapilya — mga liriong puting-puti, katulad ng mga kaluluwang walang bahid-dungis.
Natupad na Tadhana: hindi ito ang daigdig at tunay na kabuhayan kay Lilay at kay Tinoy!

Magdarayang Pangarap
Kuwento ni Alberto Segismundo Cruz
(Bulaklak, Nobyembre 18, 1953)
Pag-ibig ko, huwag ka sanang magsisiklab. Tayo'y alagad ng pag-ibig.
Ako ang nagsasalita: ang tinig ng kabataang namaos na't maririnig na lamang
ngayon sa isang parisukat na may makakapal a pader, may malamlam na ilaw, at
lipos ng masasaklap na gunitain ng Nakalipas. . .
Inibig ko si Grisela. Sino ang hindi iibig sa isang dalagang Bathala na ng dilag ay isa pang tunay na Prinsibini ni Terpsikore? Hindi ko masisisi si Mirto, na siyang kaibigang nagpakilala sa akin kay Grisela sa isang kaaya-ayang pagkakataong ang dalaga'y nagsasanay pa naman ng kanyang bilang sa "ballet" sa kapakanan ng kawanggawa.
O!. . . haling na pangarap ng pusong umiibig. . . Sapagka't noon pa lamang ay nakita ko na ang malaon nang pinipita ng aking puso - ang babaing nakapagpatibok at nakapagpadalang sa tibukin ng pusong iyan. Sa una kong masid, akala ko'y
naghimala si Pavlova sa aking pananaw; nagsasayaw siya't nakatuon ang mga daliri ng makinis niyang mga paa sa banig na talulot ng mga bulaklak, nagbubuhos ng pabango sa hamog ng madaling araw, naliligo sa silahis ng malamlam na bukang-liwayway . . . samantalang patuloy ang musika - ang musika ng orkestang kung minsa'y humahalakhak sa pagdaramdam at lumuluha sa kasiyahan at kaligayahan.
– Grisela! – naibulong ko sa sarili. – Kinuha mo ang bugtong na pag-ibig na dati'y nauukol lamang sa aking ina . . .
Pagkatapos na kami'y magkakilalang mabuti, naiba na ang aming palagayan. Naiba, tungo sa katamisan; naiba, tungo sa kagdalisayan ng aking pagmamahal!
Natatandaan kong ang buo kong panahon sa araw-araw halos ay napaukol sa kanya. Nakaligtaan ko ang aking mga gawain sa isang korporasyon sa pamumuhunan, gayong ako pa naman ang taga-ingat-yaman nito.
Paano'y ibig kong maipakilala kay Grisela na handa akong magpakasakit, lumigaya lamang siya. Laban man sa dati kong hilig ay nag-aral ako ng mga makabagong sayaw at indak upang maging karapat-dapat kay Grisela, lalo na nga kung kami'y nagpaparaan ng masasayang oras sa "night club" at sa iba pang pagtitipong may sayawan. Paano'y talagang ibig kong mapalapit na lagi ang dibdib ko sa kanya upang marama naman ng dibdib niya ang dakilang lihim ng aking kabataan.
Patuloy ang tugtugin. . . patuloy ang sayawan. . . at patuloy din ang aking pagpapakilala sa gawa at hindi sa salita na sadyang matapat ko siyang iniibig. Nahandugan ko siya ng mga tanging pabango buhat sa Paris, ilang pamaypay at panyolito buhat sa Buenos Aires, ilang orkidea - ilang pumpon nito - ang naihandog ko sa kanya buhat sa Honolulu. Datapuwa't hindi iyan lamang; nang minsang mahagkan ko ang kanyang labi sa "azotea" ng kanyang "apartment", noon din ay inilagay ko ang isang kuwintas na may palawit na diyamante sa kanyang leeg.
– Pakasal na tayo, Grisela, – mahigpit kong anyaya sa kanya.
– Magsayaw muna tayo nang magsayaw, Edgardo, – iyan ang kanyang tugon, saka ihihilig ang ulo sa aking balikat.
At ganyan nang ganyan ang buhay sa aming dalawa. Akala ko'y kami lamang ang tao sa daigdig, samantalang umiinog ito at kami naman ay nagsasayaw.
Nguni't minsa'y namuhi ako; humiwalay sa kanya sa pagsasayaw nang hindi niya pansinin ang aking itinatanong.
– Pag-ibig ko, – ang habol niya. – Huwag ka sanang magsiklab. Bulkan lamang ang pumuputok at nagsisiklab. Tayo'y alagad ng pag-ibig at ni Terpsikore: musika, sining, kawalang hanggan. . . - at ako'y kanyang niyapos. . .
Patuloy ang tugtugin, ang musika, ang sayawan! Naubos ang alak, naparam ang bula ng serbesa, lumipas ang halimuyak, at naging basura na lamang ang mga serpentina at kompeti, na nang tinalikdang gabi'y walang iniwan sa mga sinag ng bahaghari sa bulwagan ng "night club".
Sa pagkakasubsob ko sa mesa'y may tumapik sa aking balikat. Iminulat ko ang aking mga mata na hindi maitingin sa liwanag ng bukang-liwayway. Paano'y nasa harap na ako ng katotohanan - ng mapait na katotohanan.
May ipinabasa sa akin ang kasama ng tumapik sa akin. Darakpin ako at ipagsasama. Ano ang aking kasalanan?
– Nababatid mo ang iyong kasalanan! – anang alagad ng batas.
Ibig kong lumipad noon din kay Grisela upang ako'y matulungan niya. Maaaring maipagbili ang hiyas at iba pang bagay na naipagkaloob ko na sa kanya upang matakpan lamang ang aking panananagutan sa korporasyon. Hinawakan ko ang awditibo ng telepono, at narinig ko ang "Hello!" - ang tinig ni Grisela. Salamat sa Diyos. Nasabi ko sa sarili.
– Grisela, – ang simula ko, at ipababatid ko sana ang kapanganyayaang nangyari sa akin.
Datapuwa't maagap si Grisela.
– Edgardo, – ang wika niya. – Mabuti't tumawag ka; talaga sanang ako ang tatawag sa iyo upang magpaalam, darling.
– Grisela! Nahihibang ka ba? – ang paratang ko.
– Kasama ko ang aking "manager" na lilipad ngayong gabi. May kasunduan kami sa Honolulu. Bye-bye, darling!
– Grisela! Grisela! – sigaw ko halos sa telepono. Nguni't hindi ko na narinig pa ang tinig ni Grisela. Sa halip ay narinig kong maliwanag ang huling nota ng isang "top tune" sa radyo: ang nanunudyong "Eternally" . . .

Sa Landas na Yaon
Maikling Kuwento ni Alberto Segismundo Cruz
Hindi sinasadyang natuklasan ni Linda ang kahapon ng kanyang iniibig. Dahil doo'y bumuo siya ng magandang pasiya.
Katulad ng lahat ng bagay na nagbabago sa daigdig, ang pangitain sa buhay ni Menandro ay nagbabago rin. Sampung taon halos sa Estados Unidos at isang taon at kalahati sa Europa, bago nagbalik
sa sariling bayan, siya'y nakalimot na halos sa nayong Sta. Monica na kanyang pook na sinilangan.
Siya ngayo'y hindi na ang maramdaming binata. Hindi na ang dating mapangarapin at mapagtingala sa langit. Hindi na siya naniniwala sa mga pamahiin o sa ibubunga ng mga sawikain. Hindi bugtong ang buhay para sa kanya. Anuman ito ay kailangang madama at mapakiharapan. Ang pusong mahina, ayon sa kanyang palagay, ay mapapatalaga sa pagkapalungi.
Kaya nang makapagbalik na sa Maynila ang binatang inhinyero ay hindi siya nagpaliguy-ligoy. Inayos ang kanilang kabuhayan matapos na mapagtibay sa hukuman ang huling testamento ng kanyang yumaong ina, si Donya Clara Regalado de AIba. Hindi
nagtagal at nabuksan na rin ang kanyang tanggapan sa isang makabago't malaking gusali sa Escolta.
Sa kanyang tanggapan sa Escolta namuko ang isang bagong pag-ibig. Tuwing lalapit at mag-aabot sa kanya ng anumang minakinilya ang kanyang kalihim na si Linda Rosaflor ay kung bakit sumasasal ang tibok ng puso niya.
Ang ngiti at ang titig ng kalihim niya'y naghahatid sa kanyang dibdib ng isang uri ng pabangong nagpapasariwa ng mga alalahanin sa Pransiya at ng isang uri ng burgundy sa isang maubas na purok ng Italya. Ano kayang mahiwagang kapangyarihan mayroon si Linda upang tigatigin nang gayon ang kanyang kaluluwa, na handa niyang iukol sa propesyon at sa sining?
Sa kabilang dako, si Linda pala naman ay nakikiramdam din. Sa bawa't tipa sa makinilya ng magaganda't makikinis niyang daliri ay
parang naririnig ang lihim na pintig ng puso ng binatang inhinyero – ni Menandro. (Ah! talagang walang hindi natutudla ng palaso itong malikot na batang si Kupido...)
Anupa't habang lumalaon ay lalo namang tumitimyas ang pagkakaibigan ng binatang inhinyero at ng kalihim niya sa tanggapan. Parang hamog sa uhaw na bulaklak, waring tilamsik ng liwanag sa nangungulugong ibon, tila halik ng silahis na biglang pumunit sa magdamag na karimIan: -- nagkatagpo sa isang sangang-daan ang nagkakahiwalay na mga guniguni! Iyan ang nangyari kay Menandro at kay Linda. Malimit silang mag-piknik sa Los Banyos at Pagsanghan; malimit silang magsimba sa Antipolo; malimit din silang magparaan ng nmga dapit-hapon sa Luneta at malimit din silang makita sa pagsasayaw sa isang kIub na panggabi sa baybay-dagat ng Dewey Boulevard...
Isang hapon ng araw ng Sabado sa Luneta, Si Menandro, gaya nang dati, ay naghihintay kay Linda sa dakong kanluran - sa may salansan ng mga bato sa baybayin ng look. Walang anu-ano'y natanawan niyang bumababa ang dalaga sa isang taksi na waring may kasama. Kumaba ang kanyang dibdib. May kasama si
Linda? Sino kaya siya? Naitanong ni Menandro sa sarili. Nang makalunsad na ang dalaga ay iniyabot nito ang kanang kamay sa nasa
loob pa ng sasakyan, at nanaog ang isang batang lalaking
lilimahing taon. Kapatid kaya ito ni Linda? May "kahapon" kaya ang dalaga? At noon lamang ipagtatapat kaya ipinagsama sa pook na liwaliwan? Naisaloob pa ni Menandro. Sa katotohana'y nagimbal ang kanyang katauhan. Hindi niya inaasahang may kasama pala ang kalihim niya, sa pagkakataong yaon na may mahalaga pa naman siyang ipagtatapat...
Nang mapalapit na si Linda sa tumpok ng mga batong buhay at nang matiyak niyang nakangiti ito saka pa lamang nagkaroon ng panibagong damdamin at sigla si Menandro na magsalita.
-- Sino ang batang iyan, Linda? -- at sumasal ang tibok ng puso niya, sapagka't naakit siyang lubha ng bata.
-- Fredi, ang pangalan niya. Siya'y inaanak ko, at sa ibang araw ay ipakikilala kita sa ina niya.
Sa huling pangungusap ni Linda ay namula ang mukha ng binatang inhinyero. Sangmundong alalahanin at gunita sa isang "kahapon" ang matuling nagbalik sa katauhan niya. Waring may isang makapangyarihang hintuturo na nagpatingin sa kanyang mga mata sa kabilang dako upang matanaw na pamuli ang landas ng nakalipas: ang "kahapon" ng kanyang buhay at ang mga kadahilanang nag-udyok upang lisanin niya ang sariling bayan, laban man sa kanyang loob.
Marahil ay ganito na rin kalaki ang kanyang bunso, kung nabubuhay pa. Siya, na umibig at nagmahal sa isang banal na babaing pinagkasalahan niya. Isang babaing nagdanas ng hirap at pagpapakasakit, nguni't hanggang sa wakas ay naging matapat sa kanyang puso.
Nguni't, ano ang kanyang magagawa sa harap ng mga nangyari? Kinailangan niyang umalinsunod sa payo ni Donya Clara upang maikubli ang isang "escandalo", sang-ayon din sa matandang ginang na ito, na kanyang ina.
Ang pakikipagkaibigan niya kay Leonisa Merced na noo'y kasama ng ina nitong napilitang maglingkod sa tahanan ng mga Alba ay isang bukas pang aklat sa kanyang puso. Naging makasalanan ang kanilang pag-ibig, datapwa't sa mata ng Diyos at sa mata ng tao, ang pag-ibig na ito ay wagas, palibhasa'y nahugasan ng luha ng pagdaramdam at pagtitiis.
Malupit nga ang pasiya ni Donya Clara. Sapilitang pinapagtapos si Menandro ng pag-aaral sa Estados Unidos. Pagkatapos ay pinapagdaan pa sa Europa. Sa loob ng panahong iyan, ang mag-inang naglilingkod ay tumanggap ng alimura, pag-uyam at upasala sa mayaman at may "marahas" na dilang si Donya Clara.
-- Ulila kami at api pa! -- ani Isang. - Nguni't hindi po tumpak na kami'y magpakamatay na sa inyong alimura.
Mula noon ay lumayas na ang mag-inang mahirap sa tahanan ng mga Alba, sa kabila ng sigaw ni Donya Clara na ang sanggol ay "akin ding apo iyan!"
-- Wala na po kayong apo! -- mahayap na tugon ng nagdadalamhating ina. – Bunso po namin ito ni Menandro sa
ibigin ninyo't sa hindi...
Palibhasa'y busabos ng masamang kapalaran, ang mag-inang nagdanas ng hirap at sakit sa tahanan ng mga Alba ay kinahabagan din naman ng Diyos. Isang kamag-anak ang, nasumpungan nila, at sa tulong nito ay nakapanahanan nang maayos ang mag-ina sa isang sulok ng purok ng Sampalok. Isang mangangalakal at may magandang kalooban, nagpasiya si Mang Sendong na pinsan ng ina ni Isang na papag-aralin ang huli ng karunungan sa pananahi.
Ito nga ay naganap, at sa hinaba-haba ng panahon ay naging "modista" si Isang at nagkaroon ng maraming suki, maging sa mataas na lipunan. Isa na sa mga suking ito si Linda Rosaflor.
Nang magbalik sa sariling bayan si Menandro ay nasalubong agad ng dalawang dagok sa kanyang buhay. May sakit sa puso si Donya Clara at ang kanyang mag-inang pinagkasalahan ay wala na sa kanilang tahanan. Kinabukasan din ay naghanap na siya at nagtanong sa kinaroroonan ni Isang at ng kanyang bunso, na sa palagay niya'y buhay pa rin hanggang sa mga sandaling yaon.
Kaya't nang makatagpo ni Menandro ang batang lalaking akay ni Linda ay gayon na lamang kalaki ang kanyang pagkaakit, at naging daan ng panunumbalik ng sangmundong alalahanin at gunita sa katauhan niya. Nagbalik ang kahapon.
Subali't nabigo si Menandro sa paghanap sa mag-inang ibig niyang matagpuan. Napagal siya at nasayang ang panahon, ngayon pa namang marami siyang gawain at kinakaharap na suliranin sa kanyang propesyon. Kaya't nang bumilang na siya ng ilang linggo ay nagbagong-akala na rin siya. Maaaring may asawa na si Isang at napalayo sa Maynila. Maaari namang sadyang nilimot na siya't pinakasumpa-sumpa ng dating minamahal. Pinag-aralan niya ang unti-unting lumimot na rin. Siya na rin ang Iumunas sa sugat ng pusong likha ng mapapait na gunitain ng nakalipas… Ito ang nagbigay-daan upang ititig ang mga mata niya sa ibang dilag. At sa atas ng pagkakataon at ng mga pangyayari ay sa kalihim niya, kay Linda Rosaflor, tumibok nang panibago ang kanyang puso. Ang pagkakalapit at pagkakaugnay ni Menandro at ni Linda sa gawain sa araw-araw ay lumikha ng isang magandang pangitain ng pag-ibig sa tanggapan ng inhinyero.
Hanggang sa dumating nga ang kanilang pagkikitang muIi sa Luneta na may akay na batang lalaki si Linda. Simula na noon ay laging kasama na ni Linda sa pagpapasyal ang tinurang bata. Giliw na giliw naman si Menandro. Malimit pang siya ang umaakay sa bata at ibinibili ito ng lobo. Nalulugod naman si Linda sapagka't sa wakas yata'y magliliwanag din ang langit ng pag-ibig sa kanya, sang-ayon sa pakahulugan niya sa pag-ibig na ito.
Bagaman may lihim ding pag-ibig si Linda kay Menandro, pinakaingatan niyang mahalata ng binata. Sa ubod ng puso niya'y nananaig pa rin ang mithiing masubukan ang katapatan at kawagasan ng binata. Nais niyang matiyak kung talagang si Menandro ay magiging kanais-nais niyang kabiyak ng dibdib ...
Isang hapon ay nagpasama si Linda kay Menandro sa pagpapatahi ng damit sa kanyang "modista" na may patahian sa Sampalok.
-- Pagkakataon na ito upang makilala mo ang ina ni Fredi, -- malugod na paliwanag pa ng dalaga.
Sumang-ayon naman ang binatang inhinyero at sa kanyang matuling "Impala" ay sumakay sila. Hindi nagtagal at sila'y nakarating sa pook. Nang tumigil na bigla ang kotse, ang "modista" ay sumilip sa siwang ng bintanang may marikit na kortina. Sa harap ng mapait na katotohanang kanyang nakita ay naramdaman niyang parang biglang bumagsak ang bigat ng daigdig sa katauhan niya. Ilang saglit ding tila ibig siyang mawalan ng malay. Salamat at malapit siya sa katre at doon siya napahandusay. Nang mahimasmasan ay nagpahid agad ng tumulong luha sa kanyang mga mata. Nang mapuna ni Linda ang pagluha ng kanyang kumare ay nag-usisa agad.
-- Walang anuman. -- ani Isang. -- Nagugunita ko lamang ang nanay.
-- Ipakikilala ko pa naman sana sa iyo ang aking kaibigang inhinyero. –pagtatapat ni Linda.
-- Utang na loob, kumare, -- hadlang ni Isang – Sa ibang araw na. -- Bukas ay pumarito ka at may mahalaga akong ipagtatapat sa iyo. Yari na ang iyong damit na panggabi. Madadala mo na ngayon ...
Kinabukasan din ay binuksan ni Isang ang dibdib sa kanyang kumare. Ipinagtapat ang lahat. Isinalaysay ang kanyang kalbaryo sa pag-ibig! Naluha rin si Linda. At, nayapos tuloy ang kanyang
kumare.
Ilang araw na hindi nakapasok sa tanggapan ng inhinyerong pinaglilingkuran si Linda Rosaflor. Isang tanghali ay tumawag ang dalaga sa tanggapan at ipinakiusap na magkausap sila ni Menandro. Naganap ito, at sa pagkakataon ay ipinagtapat na lahat ni Linda ang "kasaysayang malungkot" ng kanyang kumare.
-- Dinaramdam ko hangga ngayon ang mga pangyayari, -- ani Menandro. – Inaasahan kong ako'y patatawarin niya.
-- Hindi kapatawaran ang kailangan, -- buong pagdaramdam na pahayag ni Linda. -- Paligayahin mo ang may karapatang lumigaya. Limutin mo ako at ang aking pag-ibig ay maaari kong iukol sa maraming dakilang bagay, gaya ng pagkakawanggawa.
-- Linda! -- habol ni Menandro.
-- Hindi kita binibigyang sala, Menandro, --patuloy pa ng dalaga. --
Nguni't kung ako'y iniibig mo, lalong magiging dakila ang pag-ibig
na iyan kung iuukol mo sa mag-ina.
-- Hinanap ko sila, nguni't nabigo ako! – pagtatanggol ng inhinyero.
Nakangiti si Linda, nguni't may luha ang mga mata.
-- Kung iyan ang nais mo. -- Malumanay na saad ng binata.
-- Ipangako mo sa akin, -- pahayag pa ni Linda.
-- Kung ako'y magiging marapat pa sa kanya! – mariing sabi ni Menandro.
-- Malaon ka nang hinihintay niya! -- tugon ni Linda, na noon ay nakangiti na nang buong lugod ...
Tumalikod si Menandro at pasugod na sumakay sa kanyang kotse. Inatasan ang tsuper na magtungo sa Sampalok. Sa landas na siyang maghahatid sa kanya sa tahanan ng kanyang mag-ina.