Prinsibini Malaya
Kuwento ni Alberto Segismundo Cruz
(Unang nailathala sa Balaghari, Abril 3, 1948
Pangalawang pagkalathala sa Asian Journal, Marso 31, 2012, pahina 22
http://asianjournalusa.com/asian-journal-march-april-edition-p12041-151.htm)
“Ang kabayanihan ay isang mataas na uri ng karangalan, na noong unang dako man ay siya ring lagi nang ipinambibihag ng mga Kaharian at ng mga puso ng maririlag na Prinsesa.”
Ilan pang daang taon bago naitirik ni Fernando de Magallanes ang Kurus sa maliit na pulo ng Homonhon, Sugbu, noong ika-19 ng Marso, 1521, ang Manilad ng Lusongay isa nang pook ng kababalaghan. Ang nagaganap at maaaring mangyari nang panahong iyon ay mahirap kundi man sadyang hindi mangyayari o magaganap sa kasalukuyan. Ang mga tao'y lubhang malapit ang loob kay Bathala, kaya't ang kanilang buhay ay pangkaraniwan: hubad sa karangyaan at sadyang walang hilig sa pagmamakisig; sadyang hindi nakawawatas sa halaga ng ginto, sapagka't ito'y hindi ginagamit na katulad ng pagkilala natin ngayon na may kaukulang halaga sa ating kabuhayan.
Ang Manilad na ito’y isang kaharian ng mga kayumanggi. Ang kapangyariha’y na kay Lakan-Ilog at kay Dayang-Dayang Lakambini, nguni’t ang kapangyarihang ito’y hindi nadarama ng kanilang nasasakupan sa dahas, lakas o mabalasik na pasiya kundi sa mabuti’t kagiliw-giliw na pasunod ng kauri gaya ng turing ng magulang sa kanilang mga anak.
Sa pook na itong pinagpala ng Tadhana't pinagyaman ng Katalagahan, ang kalalakihan, kung di man mangingisda'y maninisid ng perlas, at nangdarayo sila sa layuning ito hanggang sa karagatan ng Timog at sa bughaw na Selebes. Ang kababaihan dito, kung di man manghahabi'y mga inang uliran ng tahanan, na ang buong maghapo'y iniuukol sa
kanilang mga bunso at sa mga gawaing pantahanan. Ang mga tahanan nila'y yari sa murang kawayan at atip na kugon saka nangababakuran pa ng buho.
Pinakatanod wari ng baybaying Manilad ang nagtatayugang niyog na ang mga daho'y walang iniwan sa lungtiang bandila na kayumanggi ng mga mangingisda. Ang mga puno ng saging ay sagana, gaya rin naman ng pagkakalaganap ng lagwerta, na ang bungang-kahoy na idinudulot ay isa nang biyayang tunay sa panig na ito ng daigdig. Dahil dito, ang kasaganaa’y laganap din, at pag nakapamulaga na ang Haring Luningning sa Silangana’y laganap na rin ang awa, samantalang sa dako ng tabang ng ilog ay madarampot ang malinamnam at manamis-namis na talabang kung magkaminsa pa’y kinatutuklasan ng mutya sa dibdib.
Sa malawak na pasigan ay napatatangay sa agos ang mga isda't hipon, bukod sa laging masaganang huli ng mga anak-dagat o mangingisda. Sa ilalim ng kaburaka'y mahuhukay ang mga lamang-dagat at kabibing malinamnam.
Sa lipunan ng kahariang ito'y masasabing pantay-pantay ang lahat. Walang itinuturing na makapangyarihan, mayaman o pantas, sapagka't ang kabataa'y kumikilala sa katandaan at tumitingala sa katotohanang taglay sa katauhan ng matatanda ang kadakilaan ng kaluluwa at biyayang-buhay na malinis ni Bathala. Dahilan dito, pagkakapatira'y siyang sagisag ng sangkaharian; at sa pagkakapatirang ito'y lalong mahigpit ang buklod ng pag-iisa; nakalaan silang magsalo sa ligaya’t maghati sa hilahil; lumuha sa kaligayahan at humalakhak sa kalungkutan; at magpakamatay sa pagtatanggol ng ng karangalan ng Tinubuan, mayroon o wala mang gantimpalang ito.
Sa kamusmusan pa lamang ng mga bata ng Maniladayinaatasan na silang magmahal sa kanilang matatanda at gumalang sa kanilang mga magulang na itinuturing na kanilang mga bathala sa lupa. Sinasanay din naman sila sa mahirap na gawain, sa pangingisda o paninisid ng perlas at pinagiging dalubhasa sa pakikipaghamok sa mga pating at iba pang dambuhala ng karagatan. Gayon din naman, sa panahon ng kabataa'y sinasanay sila ng kanilang mga taga-pagmulat sa pamamaraang dalubhasa sa paggamit ng gulok, palaso, bukod pa sa pag-akyat sa matatayog na punong-kahoy at pag-indayog sa mga baging ng kagubatan.
Ang kababaiha'y may kanila rin namang katangiang iniaatas ng matandang kaugalian at hinuhubog sa palihan ng magagandang kaisipang kaugnay ng sining. May matatandang babaing guro sila sa paghahabi, at samantalang humahabi ang mga daliring kinandila sa mga habihang yari sa kawayan at sa maninipis na kahoy na kauri ng palotsina, ang kanilang mapupulang labi’y parang nangagbukang talulot ng klabel na gagalaw-galaw sa pag-awit, kundi man ng ayayiy ng lutukan na maaaring pinagbuhatan ng mga nota ng kumintango ng dalit.
Pagsikat na ng araw, ang Manilad ay napupukaw na rin. Nagbabangon ang matatanda, tungo sa kanilang gawain, matapos na makapag-agahan ng gatas ng kambing at ng dinurog na minatamisang mais kundi man ng isang pinakuluan sa tubig na may dahong kauri ng sa abokado nguni't may bango ng sampoy.
Kaya't nang magising naman nang umagang yaon si Malaya, ang bunsong-Dilag ng panahong pinagpala, ay lipos ng sigla ng kabataan at ng ligayang katugon ng kagandahan ng Katalagahang nakapaligid sa kanyang sanghaya. Sa pagkakatayo pa lamang niya sa unang baytang sa itaas ng hagdang kawayan ng kanilang marikit na palasyo ay nasanghap na niya ang pabango ng Amihang nagpapahatid mandin ng mahiwagang bulong ng mga bulaklak-gubat sa pamamagitan ng halimuyak. Kung ano ang tugon ng kanyang puso't ng kanyang kaluluwa sa gayong talinghaga ng nagsasalaysay na Amihan sa mga pangungusap na sadyang inililihim ay siyang mahirap na
maturol o mahulaan. Inihakbang na pababa ang mga paa niyang kayumanggi — makikinis at may bahid pa ng rosas ang mga sakong, at sa paghakbang na ito'y lalong hinagkan ng sinag ng maluwalhating Umaga ang kanyang katawang anaki'y sadyang nilalik sa maharlikang damit-prinsibining yari sa lalong mapuputi't malasutlang hibla ng abaka.
Gaya ng dating napagkagawian na, si Malaya'y naglulunoy sa Ilog-Tulawi sa tuwing umagang pantay-mata ang araw sa Silangan. Buhat sa binabaang hagdan hanggang sa liku-likong landas sa tiping damuhang napapalamutihan sa magkabilang dako ng mga nilad, ay iniwan ng Prinsibining Kayumanggi ang kanyang mga yapak upang hagkan naman ng mga paru-parong sa sinag din ng araw ay nagsisipaglaro't nagtitimpalak wari sa kagandahan ng kanilang kulay.
Sa ilang saglit pa'y naglulunoy na ang Prinsibining marilag sa tubig na anaki'y kristal. Wala siyang iniwan sa isang sirenang sa kalinawan ng tubig ay sinasalamin ang sariling dilag, ang kanyang kasibulan at ang yamungmong ng kanyang ika-labing-anim na Tag-araw.
Sa bula ng gugong may pabango ng tibulid at kabuyaw ay lalong pinababango ang buhok niyang anaki'y sa mais; mamula-mula’t kulot nang bahagya, kaya’t kung gayong basa’y walang iniwan sa nakuyom na watawat ng kabataan. Sa isang makinis na batong busilak na waring hinirang niya sa pampangin ay lalo niyang pinakinis ang kanyang balat na manipis ding katulad ng hinubad niyang kasuutan. Saka, pagkatapos, susuklayin niya ang basing buhok na minsang iwasiwas sa kanyang balikat at kung magkabihira nama’y inihahayang sa hangin upang medaling matuyo; saka siya aahon sa pasigang may bahagyang takip ng anahaw ang maselang na bahagi ng katawang kabigha-bighani, isusuot ang malasutla’t maputing damit ng ilang-ilang na may sangkap abaka, magpapabango ng katas ng ilang-ilang na may sangkap na dalisay na langis ng niyog, saka mag-iipit sa pagitan ng tirintas niyang buhok ng dalawa o tatlong bukang nilad, at saw akas, ay isusuot sa makikinis niyang pang may rosas na mga sakong ang sandalyas na yari sa upak ng saha’t balat ng niyog, na ang pinaka-dahon ay kuwintas-kuwintas na abakang pinagsalit-salit nang buong ingat at hinusay, daliring kayumangging tagapaglingkod ng Bathala ng Dilag ng Manilad.
At nang maganap na ang kanyang kagayaka'y sinalamin niyang muli ang kanyang mukha’t katawan sa pampang ng ilog upang matiyak na hindi magbabago ang ibiniyayang kariktan sa kanya ng Katalagahan at ni Bathala. Datapuwa’t sa mga mata niya’y biglang nasisinag ang kalungkutan. Nadarama niya ang kanyang kalagayan - ang pagka-maharlika. Natitiyak niya ang kanyang kaisahan sa gitna ng mapagbiyayang Katalagahan at kasaganaang dulot ng kapangyarihang mana sa dambana ng kanyang mga magulang. Sapagka't . . .walang sino mang binatang maharlika o aliping lalaking makalalapit agad sa kanyang kinaroroonan. Nag-aalaala, nangangamba, nanganganib, at nalilipos ng alang-alang at pamimitagang walang katulad sa Prinsibini ng Ma-nilad na ipinaglihi ng Prinsesa Lakambini sa dilag at kasariwaan ng mga nilad, na sagisag ng kaharian.
Dahilan dito — maganda man, kasibulan man at kayumangging rosas man si Rosa Malaya — ay lagi ring nalulungkot. Ang ligaya sa kanya'y dalaw lamang ng pagkakataon, panauhin lamang ng guniguni at pansamantalang
kislap ng kasiyahan sa puso niyang wari'y may hinihintay nang wala namang hinihintay! Ang musikang nagbubuhat sa plawtang buho ng kanyang mga taga-aliw ay nakayayamot na sa kanyang pandinig: ang kumintangng kanyang mga mang-aawit ay naging tagulaylay na rin ng kanyang bungang-tulog na malimit dumalaw at magpatahip ng dibdib sa buong magdamag; ang lalong masasarap na pagkain at malinamnam na matamis ng niyog at iba pang bungang-kahoy ay namamait na sa kanyang panlasa; at maging ang kasintahan niyang kuwintas ng nilad at ilang-lang na pinagsalit sa hibla ng abakang inilalagay ng kanyang mga utusang ita sa kanyang may gilit at kayumangging leeg ay kinamumuhian na rin niya nang lumaon.
At, ang hapdi ng kalooban at di-maubos-maisip na lihim ng pagdaramdam ng puso'y lalong nagiging malubha't masasabing “patawirin” kung namamasid ang nag-iisang mayang nangungulugo sa hawlang gintong nakasabitsa harap ng kanyang durungawan paharap sa Kanluran. Paano'y napapansin niyang masagana man ang pagkain at dalisay man ang inumin ng maya'y hindi rin nasisiyahan; nakaaawit man, kung sakali'y wala rin ang awit
na lalong matimyas at kaakit-akit sa pandinig na katulad ng sa magkasing pipit na pabagtas-bagtas sa bughaw na papawiring naaabot ng pananaw.
Sa katotohana'y naiinip siya nang walang kinaiinipan, namumuhi siya nang walang kinamumuhian;
nayayamot siya nang walang kinayayamutan; at naghihintay siya wari sa isang darating na hindi man lamang niya
mataya kung sino, kung saang pook manggagaling at kung kalian darating upang humanga, mamitagan at sumamba sa kanyang sanghaya, saka pagkatapos ay umawit ng awiting pinanabikan niyang malaon na sa gayong kanyang pangungulila sa gitna ng kasaganaan, kayamanan, kapurihan, at kaluwalhatiang maituturing ng sino mang kinapal sa balat ng lupa. . .
Isang araw, bago pa lamang nagbubukang-liwayway, ang isang pangahas na mandirigmang dayuhan, ay nangyaring makapamangka hanggang sa kalagitnaan ng ilog sa pinaka-bunganga ng dagat — at makapangubli sa isang tanging panig ng mga kawayanan, hindi kalayuan sa pook na napagkagawian ring tunguhan ni Prinsibini Malaya — sa pook na masasabing pinagpala ng Katalagahan — doon sa ang bughaw ng ilog at puti ng niladay pinanununghan ng Langit.
At gayon na lamang ang panggigilalas at paghanga ng mandirigmang pangahas nang masaksihan ang kagandahan ni Prinsibini Malaya :— kagandahang sadyang pinatatangkilik sa mga biyaya ng Katalagahan. Nawala sa loob ng pangahasna mandirigmang dayuhan ang panganib na napipinto. Nalimutan pati kanyang pakay — ang kanyang layon. Nakaligtaan din naman ang kanyang nais na matiyak kung saan maaaring sumalakay ang mga kawal niya sa lupain ng kasaganaan at katahimikang malaon nang inaasam na makuha at makupkop nila. Balak nilang sumalakay, kinabukasan, o sa lalong madaling panahon.
Sa ganyang pagkakaantala at malabis na paghanga sa kagandanhan. na itinambad sa kanyang paningin ng Pagkakataon, siya'y biglang nadakip ng matatapat na alagad ni Lakan-IIog. Nadakip siya samantalang nanunubok at nagmamasid sa Prinsibini, na noon ay nasa pakikipanayam sa sarili niyang guniguni. . .
— Pangahas na Apo ng Buwayal — anang isang alagad ni Lakan-IIog. — Bukas din ay makakamit mo ang malaon mong hinahanap sa iyong kapangahasan. Sa pusod ng dagat, doon lalo mong masisinag ang kagandahang hindi maaaring tignan lamang at hangaan ng isang pangahas na katulad mo.
— Sino ka? — ang usisa ni Soliman, ang pinaka-puno ng mga alagad ni Lakan-Ilog.
— Raha Bagsik! — at naghagis ng masid sa Prinsibini.
— Ang aking hatol, — ani Raha Soliman sa isang tinig na marahas at makapangyarihan — ay talian agad siya sa leeg at lagyan ng pabigat, bago ihulog sa kabughawang iyan! — sabay turo sa pook, hindi kalayuan sa mbaklad ng mga pating na may sadyang pinto, na maaaring buksan agad, kung hinihingi ng pagkakataon.
At, nang mapayapa ang tubig at unti-unti nang magbalik ang kabughawan, ang bayaning si Raha Bagsik ay namasid na lamang na lumalangoy na palayo. Kayapos si Prinsibini Malaya, na siyang katulong sa pakikirigma sa mga pating, sapagka't siya rin ang naghadog ng tnatalim na punyal sa pangahas at bayaning Raha upang makipaglaban bago mamatay.
Nguni't, aa harap ng gayong nakalalagim na tagpo, ay biglang lumapit si Prinsibini Malaya at nagturing:
— Bakit ninyo parurusahan ang isang humahanga sa kagandahan ng inyong Prinsibini? — Hindi nakasagot si Soliman, na malaon nang may lihim na pag-ibig sa Bathala ng Dilag ng Lupain ni Lakan-Ilog.
—Kasalanan baga ang humanga sa kagandahan? — ang ulit pa ni Prinsibini Malaya, sa pagtatanggol sa pangahas na raha.
— Hindi kasalanan, anak ko, ang humanga sa kagandahan! — ang biglang sagot ni Lakan-Ilog na dumating noon din, — nguni't hindi natin matitiyak kung ano ang layon ng kanyang kapangahasan. Nakataya sa panganib ang ating lupain at ang ating karangalan. Kung siya'y walang layong masama, ang mga pating ang magliligtas sa kanya, kung
sakali. Ipaubaya natin siya sa pasiya ng mga maninila sa kabughawan.
Lahat ay nanggilalas at si Prinsibini Malaya ay walang naitugon at yumukod na lamang sa kanyang ama, bilang pamimitagan. Lumungkot ang kanyang mga mata, kasabay ng pagtatago ng Araw sa isang malaking kimpal ng panginorin.
Nang magtakip-silim na ay tinupad agad ang mga unang hakbangin sa pagpaparusa sa pangahas na si Raha Bagsik. Nang siya'y ihulog sa tubig aykaylaki ng bulubok na nalikha sapagka't malaki at mabigat ang batong bumatak sa taling nakagapos sa kanyang leeg at katawan.
Ang takip-silim ay lalopang lumaganap sa baybay-dagat, hanggang sa marinig ang utos sa tanod sa baklad ng mga pating na pakawalan na ang mga nanimila sa kabughawan.
— Itaas ang pinto ng baklad!At lumagitik sa katahimikan ang mga buhong siyang pinaka-bakod sa pintuan ng baklad ng mga maninila.
— Ha, ha, haaa, haaa, aa! — humalakhak si Soliman.
Walang anu-ano'y narinig ang utos ni Lakan-Ilog na tanglawan ng mga sulo ang paligid upang matiyak ang pagkatupad ng parusa. Hindi naglaon at nagliwanag ang bungad ng ilog saka ang bunganga nitong bahagi ng kabughawan, na bumubulubok na ang tubig sanhi sa isang paglalamas na nangyayari doon, at namasid ang pamumula sa paglaganap ng liwanag ng mga sulo.
At, nang mapayapa ang tubig at unti-unti nang magbalik ang kabughawan, ang bayaning si Raha Bagsik ay namasid na lamang na lumalangoy na palayo. Kayapos si Prinsibini Malaya, na siyang katulong sa pakikirigma sa mga pating, sapagka't siya rin ang naghandog ng matalim na punyal sa pangahas at bayaning Raha upang makipaglaban bago mamatay.
Datapuwa't hindi pa nalalayo si Raha Bagsik ay bigla nang lumubog, sanhi sa panghihina, bunga ng pagtatamo ng mga malubhang sugat na likha ng mga kagat ng pating sa kanyang dibdib.
Si Prinsibini Malaya ay ngumi ti, at nagbalik, na palangoy sa pook ng kanyang ama, na nagpasugo agad ng mga tagapagligtas nang siya'y matanawan.
Nang siya'y makaahon ay pangiting nasabi:
—Kailangan ang binhing bayani sa ating lupain! — at yumapossa kanyang ama, bago huminging kapatawaran.
Mula na noon, ang mga alagad ni Lakan-Ilog ay naging mga tunay nang kawal at mandirigma. Dinamdam nila ang nangyari a ang ipinarinig ng kanilang Prinsibi. Hindi sukat ang mga lalaki sa isang lupain. Kaila ang magpaka-lalaki at magpakabayani!

Si Miss Gautier At Si Myrna
Ni Alberto Segismundo Cruz
(Liwayway, 14 Nobyembre, 1949)
Kung kailan pa naalapit ang mga huling paligsahan sa paglangoy ng mga babae ay saka pa nawawalan mandin ng sigla si Myrna.
--Bakit, ano ang nangyayari sa iyo, Myrna? -- usisa ni Miss Gautier na siyang coach ng kababaihan sa unibersidad na pinag-aaralan ng maraming kadalagahan ng lahi.
-- Wala pong anuman. May nagugunita lamang ako. -- tugon ng marilag na manlalangoy na kasama ng ibasa languyan ng tinurang unibersidad sa oras na yaon ng pagsasanay.
-- Myrna, parati na lamang para kang nag-iisip nang malalim, --anang coach, -- anoba, hija, ang maitutulong ko sa iyo? Alam mo namang mahirap ang mawalan ka ng loob, lalo na sa mga paligsahan. Kailangang magtagumpay tayo at nang ikaw ang mahirang na kinatawan ng Pilipinas sa darating na Olimpiyada.
Hindi kumibo ang dalagang manlalangoy. Nangiti lamang siya nang bahagya, na parang narama nang buong kasiyahan ang kaibig-ibig na puna ng kanyang coach na lubhang malaki ang pagmamalasakit sa ikapagtatagumpay niya.
Nangangamba nga si Gautier. Dati'y hindi gayon ang kilos ni Myrna. Dati'y masigla ito at lipos ng buhay. Dati'y parang tunay na sirena itong lumalangoy sa buo niyang kagandahan at sa kakisigan ng pagkampay ng mga kamay at pagsikad ng mga paa sa tubig. Dati'y isa siyang tunay na larawan ng gilas sa tangke! Ngunit ano kaya ang nangyayari kay Myrna?
Kinabukasan din ay ipinasuri ng coach ang lagay ng pangangatawan ng marilag na manlalangoy. Ang manggagamot na isang babae rin, at may malawak na karanasan sa buhay, lalo na nang makapaglibot sa daigdig, ay nagsabi:
-- Malubha ang sakit ni Myrna!-- at napailing.
-- Malubha? -- anang coach na lipos ng panggigilalas.
Ngayon pa namang natataya ang karangalan ng ating paaralan.
Ano ang sa palagay mo ay tiyak niyang karamdaman?
Ipasok na natin sa pagamutan at ako na ang bahalang sumangguni o magpatalastas sa kanyang mga magulang.
-- Huwag kang pakabigla, tsika; ang karamdaman niMyrna ay malubhang-malubha, na sa kalubhaan ay hindi maaaring lapatan ng anumang lunas na likha ng kaaghaman.
-- Ha?
-- Oo, sapagkat natitigatig ang kanyang pusong maselan sa mga_unang damdamin ng pag-ibig. Si Myrna ay umiibig!
Napaupo nang di sinasadya sa malapit na luklukan ang coach.
-- Sinasabi ko na nga ba, -- nasabi niya sa di kawasa. -- Kaya kailan man ay parang wala ang loob sa ginagawa. Ang ipinangangamba ko pa'y baka malunod ang batang iyan!
-- Ano ang mabuti? -- tanong ni Miss Gautier.
-- Ni ako at ni sinuman sa daigdig na ito ay hindi makatitiyak ng lunas! -- anang manggagamot.
Namutla si Miss Gautier. Hindi nakapangusap. Ngayon nga na_namang iilang araw na lamang at idaraos na ang unang pagsubok sa Rizal Natatorimn ay saka pa siya napaharap sa suliranin.
-- Umiibig! -- ang naibulong ni Miss Gautier. -- Minsan din akong umibig!
Binuhay sa alaala ni Miss Gautier ang kanyang nakalipas - ang nagdaang kabataan. Siya'y nagdaan din sa gayong gulang ni Myrna. Natatandaan niyang ang langit noon sa kanyang palagay ay laging bughaw, samantalang ang daigdig ay waring isang bulaklakan. Paano'y masigla ang tibok ng kanyang puso at sa lahat ng saglit ay waring naririnig niya ang matitimyas na awit ng ibong naghahabulan sa malulundong sanga ng punong-kahoy. Natatandaan niyang may nakita siya noong binatang kasinggulang niya o halos ay naniningalang-pugad pa, datapuwa’t siya na ang gumawa ng paraan upang makilala ang tunay na loobin ng binatang ito, matapos na maipakilala siya ng ising kaibigan sa isang pagdiriwang ng purok.
Kung nangyari sa kanya ang gayon, ayon sa pagmumunimuni ni Miss Gautier ay bakit hindi maliligalig ang kaluluwa ni Myrna sa gayon ding kalagayan at katayuan? Datapuwa’t kailangan ang lunas. Natataya ang karangalan ng unibersidad na sang-ayon sa kanya'y kailangang magtagumpay upang makamlt naman niya ang katibayan sa pagiging karapatdapat na coach at physical director.
Kakausapin niya aug mga magulang ni Myrna, sapagka’t hindi dapat na magpatuloy ang dalagang manlalangoy na nasa tuwiran niyang pamamahala, sa gayong "pag-aalaalang wari'y nakali1igalig sa kanyang sarili."
Kung mananatili ang gayong katayuan ni Myrna ay hindi nito malalangoy nang mabilis ang 100 yarda sa malayang paraan ng paglangoy at maging sa tinatawag na backstroke ay hindi magagawa ang record na nagawa niya nang minsang lumangoy sa tangke ng unibersidad.
Sa paglangoy, lalo na sa paligsahan, ay lubhang kailangang manatili ang loob sa mahinahong pagsusumakit na marating agad ang dulo ng tangke; kailangang malakas ang baga at masigla ang katawan upang ang kilos at galaw ng mga kamay at paa ay magkasabay na parang isang makapangyarihang sagwan na makapagpapakilos nang mabilis sa katawang nasa tubig. Kapag hindi naisagawa ang pamamaraang ito, ang tagumpay ay hindi tiyak. Kapag nawala ang loob ni Myrna sa pagnanais na makapagtagumpay ay sadyang mabibigo siya't ang lahat halos ng mga nagsisiasa sa kanyang tagumpay.
Upang magawa sa lalong madaling panahon ang "paglalapat ng lunas", minarapat ni Miss Gautier na maghandog siya ng isang tea party na may sayawan sa karangalan ng kanyang mga manlalangoy at ng kanilang mga kaibigan. Ang pagtitipon ay idinaos sa bulwagang panlipunan ng pamantasan.
Lalong marilag si Myrna nang·gabing yaon. Ang kulay rosas na kanyang damit at ang marikit na pagkakatabas nito, ang kaakit-akit pusod niya at ang pagkakaipit ng isang orkidea sa kanang panig ay nagpa1utang na lalo pa sa kanyang katutubong dilag na pinaunlad ng makinis at maputi niyang balat. Masigla ang lahat nang gabing yaon. Datapuwa’t kung pakiramdaman ni Miss Gautier si Myrna ay lalo itong masigla at waring naghihintay na lagi na sa isang darating na kung sino.
-- Darating at makikilala ko ! -- ang sigaw ng budhi ni Miss Gautier. -- Makikilala ko at mapapapyuhan, marahil, na tumulong sa akin.
Dating at dating ang mga binata at dalagang kamag-aaral ni Myrna. Nguni’t si Myrna ay hindi pa natitigatig. Patuloy siya sa pakikipagbalitaan at napapatigil lamang kung may lumalapit na binatang makikipagsyaw sa kanya.
Lalong nalipos ng pananabik si Miss Gautier. Lalo siyang nakarama ng pagkainip. Tumugtog na ang ikasiyam sa orasang nakasabit sa bulwagan, datapuwa’t hindi pa dumarating ang narama ni Miss Gautier na pinakahihintay ng marilag na manlalangoy niya.
Walang anu-ano'y natigatigatig ang pagtitipon sanhi sa pagnanais ng karamihan na makarinig ng ilang tugtugin at kantahin. Isa-isang nagsisiganap ang mga ipinakikilala; at kung ano ang tutugtugin sa piyano ay maaaring isayaw, ang mga alagad ni Terpsikore ay patuloy rin sa kanilang pag-samba. Walang sawa ang kabataan!
Walang anu-ano ay narinig na lamang na ipinakilala si Myrna. Ang nagpakilala ay ang guro pa naman sa pag-awit ng Konserbatoryo. Ipinakilala ang dalagang manlalangoy, sapagka’t may kakayahan din sa pag-awit. Masigabo ang palakpakan.
-- Hindi ako gaanong marunong kumanta. -- ang tutol ni Myrna. --
-- Ikaw naman! – anang mga kamag-aaral niya.
-- Kahi-t ano ay ikaw na ang bahala, yamang kami naman ay hindi pihikan sa pakikinig. -- pakiusap pa ng isa.
-- Siya nga naman! – ang patibay naman ni Miss Gautier.
At tumindig na ang marilag na lakambini – ang sirena sa tangke ng unibersidad - na sa gayong. anyo at kariktang nakatatawag-pansin at nakapagpapasasal ng tibok ng puso ay isang tunay na "bahagi ng kalangitan."
Natigilan ang piyanista. Napatitig sa dilag upang matiyak kung ano ang magiging tugtugin sa pagsubaybay sa aawitin niya.
Hindi pa rin tumitinag si Myrna. Datapuwa’t nang may pumasok na binata sa pinto - isang makisig na binata na anaki'y hindi pa tiyak ang kanyang papasukan ay biglang nag-atas si Myrna sa piyanista.
Ang aawitin ko'y "Pag-ibig Saan Man Siya Natatagpuan” . . .
Ang sigla at buhay ni Myrna sa pag-awit ay lalo pang nagpatimyas sa kanyang tinig. Halos hindi naramdan ng lahat ang init sa loob ng bulwagan. Para silang nalamigan sa tinig ng marilag na dalaga. Waring ipinaghele sila sa ilang saglit ng mga “notang humahalakhak sa tibok ng pusong nagpaparama ng pag-ibig.”
Pagkatapos na pagkatapos na umawit at sa gitna ng palakpakan ay pasugod at patakbong sumalubong si Myrna sa kapapasok pa lamang na binata sa bulwagan.
-- Herminio! -- ang wika ng dalaga, -- ano’t huli ka na naman!
-- Nasira ang sinasakyan kong kotse, -- anang binata.
--Patawarin mo ako! Nguni’t bakit. . .
--Isayaw mo ako! -- hiling ni Myrna.
-- 0o, aking prinsesita! -- anang binata.
At, ang dalawa ay nagsayaw. Nagsayaw hanggang sa mapahilig sa didib ng binata ang ulo ng marilag na manlalangoy ng unibersidad.
Nang sila'y mapatapat sa kanyang coach ay sinabi ni Myrna ang ganito:
-- Miss Gautier! Ang aking hinihintay na kaibigan. . .
Namula ang mukha ng binata!
Namutla si Miss Gautier. Nguni’t ngumiti at bahagyang yumukod. Pagkatapos ay lumabas ng bulwagan.
Hindi na nakita pa si Miss Gautier nang gabing yaon. Hinanap siya ni Myrna, nguni’t sinuman ay walang nakapaghimatong kung saan nagtungo.
-- Marahil ay inabot na ng antok, -- anang isang kaibigan ng dalagang manlalangoy.
-- Myrna! Ginulo natin ang buong daigdig!
-- Pabayaan mong magulo! --ani Myrna.
Kinabukasan . . .
Sa tangke ng unibersidad, sa pagsansanay ay walang kasimbilis si Myrna. Lahat ay umaasa sa kanyang tagumpay. Hawak ni Miss Gautier ang orasan at ang biIis ni Myrna sa tubig ay hindi na mapag-aalinlanganan. Nasa kanya ang sigla at buhay ng kabataan.
Paano’y nagkawatasan sila ni Herminio. Nagkita na sila ng kanyang kasintahan!
Nguni’t si Miss Gautier ay nakangiti na may kristal na luha ang mga mata.
Dalawang patak na luha na kasing-halaga ng kanyang buhay at pag-ibig!
-- Magtatagumpay ka at ang ating unibersidad, Myrna! -- ang sigaw ng budhi ni Miss Gautier. -- Nguni’t hindi mo batid na nilunod mo naman ang aking puso sa iyong pag-ibig kay Herminio. Umiibig ako nang lihim sa kanya, datapuwa’t ikaw pala ang kanyang iniibig.
Sa kalungkutan ay lalong gumanda si Miss Gautier. May kagulangan ng kaunti kay Myrna ang coach, nguni’t ang dalawampu’t limang taon sa puso ng isang babaeng maganda, ay hindi kumikilala ng bata kaysa kanya. Sa katotohanan ay nagkapalad na siyang maging kinatawang dilag ng kanyang lalawigan.
Kahabag-habag na Miss Gautier na nakatingala lamang sa langit na kung masdan niya’y nangungupas na ang dating kabughawan sa kanyang paningin.

Dilag ng "Ballet"
Ni Alberto Segismundo Cruz
(Unang nailathala ng Liwayway, 19 Hunyo, 1950; naulit sa Asian Journal noong Nobyembre 5, 2010
http://www.scribd.com/doc/41218917/Asian-Journal-Nov-5-2010)
Pusikit na karimlan . . .
. . . pagkatapos ay isang maliit na anag-ag ng liwanag . . na lumaki nang lumaki hanggang sa lumawak at masaklaw ang boong "telon"!
Ang paghahalili ng dilim at liwanag ay "naganap" sa mukha ng puting tabing ng tanghalan... Kaya't kinusot ko ang aking mga mata at nang maititig na muli ay nahawi na sa wakas ang "telon". Napatambad sa mata ng madla ang isang marikit na tagpo sa pusod ng kagubatan,. samantalang ang gasuklay na buwan ay naliligiran ng mga bituin.
At sa gitna ng tanghalan ay biglang napakita ang buhay na larawan ng
mapaghimalang si Pavlova kundi man ng lalong marilag na Syd Charisse sa
makabagong sining sa harap ng dambana ni Terpsikore.
-- Ang "ballerina"! -- namutawi sa aking labi, sa gitna ng paghanga at pag-ibig.
Isang malambing na himig ng musika ang aking narinig. At, ang mananayaw na nasa tanghalan ay naging tunay na "hada" sa aking paningin. Ang dulo ng mga daliri ng kanyang mga paa na siyang nakasayad lamang sa hapag ay waring may gulong na tumataas at bumababa sang-ayon sa kumpas. Hindi nakikita ang mga daliring iyan, sapagka't natatago sa ku1ay-rosas na sapin ng may magagandang hugis niyang paa. Nguni't para ko rin ngang namamasid, katulad ng pagkaguniguni ko sa magandang hubog ng kanyang binti at hita... na sanhi sa damit na rosas na sutlang nakakapit sa kanyang katawang parang nilalik ng isang eskultor ay walang iniwan sa tangkay ng isang alehandriya ...
Matalinghaga wari, nguni't siyang katotohanan. Siya ang tinatawag na Dilag ng "Ballet" - ang "ballerina" na nakikipaghabulan sa paruparo, sa mapuputing
kalapati, at nang gabing yaon -- ayon sa tagpo't diwa ng dulang yaong
isinisiwalat sa indak, kilos at galaw ng mga bisig at katawang katugon ng mga
nota ng musika -- ay "nakikipaghabulan" sa mga bituin sa langit.
Nguni't "balierina" man siyang nagpapaindak pati sa puso ng nanonood ay babae ring anak ni Eba, sa katotohanan. Sapagka't babae ay maaaring maging larawan ng tunay na kagandahang pinaka-kaluluwa ng sining. Sa kaluwalhatian ng isang tunay na alagad ni Terpsikore ay naniwala akong siya ay isinugo ng Tadhana upang magbalik ang isang panahong mabulaklak sa buhay ng isang kinapal sa lupa, lalo na sa isang lalaki.
Bagamang may bahagya siyang "make-up" ay hindi rin maikukubli sa aking pagkilala kung sino siya. Sa palagay ko, wala man siya sa tanghalan at hindi niya niluluwalhati ang sining ni Pavlova, ay gayun din siya sa akin – siya ang Mutya kong Kakilala – na habang dumaraan ang mga araw ay lalo namang nalalapit sa aking puso.
Paano'y kaugnay ng isang "kahapon" ang. kasalukuyan. Ang ibig kong sabihin ay kaugnay ng katotohanan ng "ngayon" ang mga pangyayaring wari'y likha ng mga guniguni't pangarap ng kabataan ng isang nakalipas . . .
Noo'y isa siyang paslit na katulad ko. Sila lamang mag-anak -- ang mga
Olivera – ang pinakamalapit naming kapiti-bahay sa Gulod.
Siya si Amelia, ang marilag na batang babae na ipinanganak na hindi makalad.
Kung sinuri man ng mga manggagamot ang kanyang kalagayan, ang mga alagad na ito ng karunungan sa panggagamot ay naniniwala nang mga araw na yaon na wala silang lunas na mailalapat. Kaya naman, ang mag-anak na Olivera ay nanghawak na lamang at umasa sa mga hilot at mga katas ng dahon o ugat ng kahoy sa kabundukan, na siyang inilalanggas o ipinapahid kung minsan.
Nag-aral si Amelia sa isang bahay-paaralang pinakamalapit, ngunit kinailangan
siyang pangkuhin habang daan, matapos na maibaba sa isang karitela ng kanyang mahal na ama, si Mang Ponso, ang kilalang tahur sa lalawigan. Sa paaralang iyan ay nagkakilala kaming mabuti ng batang hindi makalakad, at hindi miminsang naging mabisang katulong ako sa kanya, gaya halimbawa kung nakikidala sa akin ng mga aklat.
Nagdaang paganyan ang mga pangyayari sa takbo ng buhay namin hanggang sa kami'y makarating sa isang tanging paaralang pinamamahalaan ng isang samahan ng mga guro at mangangakal sa Gulod at mga karatig sa bayan ng Kamyas. Sapagka't ganap na ang aming isip ni Amelia, kaya't malawak-lawak na rin ang paksang napag-uusapan namin. May mga hapong kulimlim ang araw na kaming dalawa ay nananatili sa bakuran ng paaralan at sa lilim ng isang malabay na punong-mangga ay nag-uusap -- pag-uusap na sumasaklaw sa sanlibo't isang pangarap ng kabataan.
-- Mely, ano ang pangarap mo? – usisa ko.
-- Hindi ako nangangarap! -- malambing niyang-tugon na ikinindat pa ang
magagandang kilay.
-- Hindi maaari iyan, -- ang puna ko. -- Naglilihim ka sa akin.
-- Kung gayon ay sasabihin ko sa iyo! -- pagtatapat niya.
-- Ibig kong kung ako'y lumaki at ganap na gumaling ay makapagdulot ako ng aliw sa madla! -- ang pahayag niya.
-- Amelia, hindi kita mawatasan! – wika ko.
-- Meynardo, -- malambing niyang pakli sa akin. – Ibig kong ako'y maging isang
artista - isang alagad ng sining. Ang dinaramdam ko nga lamang ay kailan ko pa kaya maigagalaw ang aking.mga paa, binti at hita na katulad ng ibang kinapal, -- saka namula ang magaganda niyang mata.
-- Huwag kang malungkot, Amelia,-- payo ko sa kanya – kung ano ang kahilingan sa Diyos ay siyang ibibiyaya sa sinumang humihiling, kung karapatdapat.
At siya'y napangiti. Saka hinawakan ang kanan kong kamay, na para bagang
nagpapasalamat sa narinig.
-- Nakangiti ka na, Amelia, -- sabi ko. -- Lalo kang maganda kung nakangiti at
pinipigil na pumatak ang luha sa iyong mata.
Hindi na tumugon pa si Amelia.
Nagdaan ang maraming taon.
Ako namang si Meynardo lamang, kung tawagin ng aking kababata, ay tinangay na rin ng kapalaran sa kung saan-saang dako. Hindi ko natapos ang aking karera, kahi't gayon ang nais ng aking mga magulang, sapagka't ninais ko ang maging manunulat na lamang. Isang hangarin sa buhay na ikinapoot sa akin ng mga bathala ko sa lupa. Kaya't ako'y naging isang manunulat sa isang pahayagan. Nang una ay sa isang bayan o lunsod sa Timog. Pagkatapos ay napabalik na rin ako sa Maynila, at sa tinagal-tagal ng panahon, ay napabilang sa "staff" ng isang malaking pahayagan sa pangulong lunsod na ito ng Kapuluan.
Sapagkat ako'y' dalubhasa sa pagsulat ng mga balita sa sining, lalo na sa dulaan
at opera, kaya't ako ang laging sinusugo ng aming patnugot sa anumang pagtitipon o "palabas" ng lipunan -- ng mataas na lipunang sumasamba kay Taya o kay Terpsikore.
Nariyan ang aking pag-ibig. Ang puso kong makata ay laging nakakatagpo ng
magandang salamisim sa malambing na tinig ng isang mang-aawit. Ang diwa kong mapangarapin ay nakatatanaw ng maluwalhating pangitain sa maririkit na talon ng dulang itinatanghal sa maayos at masining na pagtupad ng mga mandudula o artista. Ako rin ang unang lumikha ng mga salaysay o puna sa mga nagsisiganap na ito sa tanghalan, kabilang na ang bod-a-bil.
Datapuwa't nang dumating sa Pilipinas ang makabagong sining ni Pavlova ay lalong nahaling ang aking puso. Bumili ako ng isang aklat na galing sa Estados Unidos, sa tulong ng isa kong kaibigang nag-aara1 doon. Lahat ng napapalaman ay nauukol sa tinatawag na "ballet" o sa "ballet dancing". Kaya't lalo kong nawatasan ang teknisismo ng sayaw na ito na nakagiliwan kong lubha, lalo na ang isinisiwalat na kasaysayan ng sayaw na kung tawagin ay "Dying Swan"
Sa katotohanan ay ako lamang ang tanging manunulat sa sining na nakatagpo ng maiinam na pagkakataon sa pagtupad ng tungkulin, sa kapakanan ng pahayagang pinaglilingkuran. Nakilala ko ang maririlag na bathala na tinatawag nating "mataas na lipunan"; nakabiruan ko ang lalong maririlag na artista; nakasulatan ko at natatawagan sa telepono ang sinumang naisin kong makasulatan o makatawagan; anupa't naging bantog ako at naging pulot at gata ako ng kadalagahang alagad ng sining, kabilang na rito ang nabibilang sa hanay ng "amateur".
Sa kabila ng lahat nang ito, ay hindi pa rin ako nasisiyahan.
Nasa gitna ng malinaw na batis na masasalukan ng inumin ay nauuhaw pa rin; nasa gitna ng dulang ng masaganang pagkain ay waring nagugutom pa rin; at
ipinaduruyan aug puso sa mga biyaya ng mapagpalang salamisim ng buhay ay tila inaabot rin ng luksang anino ng dalamhati't pag-aalinlangan!
Paano'y may hinahanap, may pinananabikang makatagpo at makausap. May nawalang hiyas na nawaglit nang kung ilang taon at siyang tinutunton at binabakas-bakas sa landas ng isang bagong panahon. O! malupit na hagkis ng lumipas . . . masaklap na apdo ng Kahapong dumadalaw sa kasalukuyang
panahon ng kabalintunaan sa buhay!
--Meynardo! – nasabi ko sa aking sarili. -- Kung kalian ka tumanda ay saka ka pa
nabaliw. Akala ko'y mag-iisa ka na habang buhay. Hindi mo na kailangan ang
Pag-ibig. Saka ngayon ay naghahanap ka na naman. Baliw, baliw ka, Meynardo.
----------------
Isang hapon ng Hunyo ay naparaan ako sa dulaang "Zorilla". Kinailangan kong makapanayam ang tagapangasiwang Italyano ng isang kompanyang nagtatanghal. Nais kong mabatid ang palatuntunan sa boong panahon
ng pagtatanghal ng "compania" rito sa Maynila.
. . .At himala ng mga himala! Sa pagitan ng mga likmuan o sa isang pasilyo ay
natuklasan ko ang isang bagay na parang itinuro sa akin ng Tadhana.
Isang sapin sa paa ng isang "ballerina"!
Ito kaya ay kangino? Ito kaya'y nauukol sa isang makabagong Sinderela? Ari kaya ito ng . . . isang marilag na artista?
Ibig ko sanang ipagkaloob sa "empresario" ang bagay na aking napulot. Nguni't nagkaroon ako ng isang tanging pagnanais na maiabot ko sa kinauukulan ang sapin sa paa. Naisip kong lalong tumpak na sabihin ko ang ganito, kung sakali.
-- Sinderela, narito ang nauukol sa iyong magagandang paa . . . Ipaubaya mo
sanang ako na ang magsuot at pagkatapos ay pabayaan mo na ring mailagda sa mapuputi mong paa ang halik ng aking pag-ibig.
Hindi nagkabula ang aking baIiw na hangad at pagnanais. Nakilala ko ang
"ballerina" o ang "dilag ng ballet" nang kunan ko ng "interview" sa silid ng
Metropole Hotel.
At nang magpasalamat siya sa akin ay ipinahayag ko nga ang nasa unahan nito.
-- Hindi kayo matandain, -- ang wika niya.
-- Hindi nga po, sapagka't tumatanda na akong lubha sa hanap-buhay kong ito, -- saad ko naman.
Napahalkhak ang dilag.
At, sa harap ng "empresario" ay halos inibig ko nang usisain ang aking kapanayam. Paano'y parang kilala ko siya. Waring siya'y si . . . Nguni't paano? Malalabas ang usapan namin at malalayo sa aking tunay na layon. Saka kaharap ang dayuhang nangangasiwa sa palabas sa dulaan. Lalalabag ako sa
magandang asal.
Nguni't dumating ang gabi ng mga gabi. Nang itanghal ang kaunaunahang "ballet" sa Pilipinas ay saka ko napaghulo kung sino ang Luwalhating iyon ng Sining.
Ibig kong sumigaw sa tanging likmuang inihanda sa akin ng "empresario".
Ibig kong lumapit na noon pa lamang sa nagsasayaw. Datapuwa't hindi ko mapagwari kung paano nangyari ang gayon. Diyata't ang isang dalagitang lumpo ay maging malakas at matipuno saka naging isang tanging mananayaw pa sa tanghalan – naging isang tunay na alagad ni Pavlova, pagkatapos? . . .
Hindi naglaon natanggap ko ang "kasagutan".
Matapos na maibaba ang tabing sa huling tagpo ay iniabot sa akin ng utusan ng Dilag ang palatuntunan. Ang pangalang "Zita" ay may mariing guhit ng lapis at sa ibabaw ay maliwanag ang nakasulat, "Amelia".
-- Siya! Diyos ko! – at ako ay sumugod sa silid ng dulaan na parang nakalimot sa
aking sarili.
-- Amelia! -- ang sigaw ko.
-- Oo ako nga – malambing niyang wika – Natatandaan ko ang iyong sinabi:
"Kung ano ang kahilingan sa Diyos ay siyang ibinibiyaya sa humihiling, kung karapatdapat."
At nahagkan ko ang kanyang mga kamay . . .
-- Mahaba rin ang naging kasaysayan ng aking paglulunggati upang ako'y gumaling. Nguni't ipinagsama ako sa Europa ng aking aleng masalapi at sa tulong ng Diyos at ng isang "especialista" roon ay gumaling din ako. Pagkatapos ay nagpakadalubhasa ako sa sining na aking pinakagigiliw.
-- Salamat sa Diyos! -- aking naibulong. – Dumating din sa wakas ang anghel ng aking buhay at pag-ibig . . .
-- Nguni't . . . -- ang wika niya. – Saka inilantad sa aking mga mata ang isang
sinsing sa maganda niyang daliri.
--May-asawa ka na? -- tanong ko nang boong pagdaramdam.
Ngumiti siya, namula ang mga mata at lalo siyang gumanda katulad ng dati, kung pinipigilan ang pagpatak ng bugtong na luha sa mga mata . . .
-- Oo, Meynardo! Ang "empresario". . .
Noon nagdilim sa akin ang maliwanag at dating masayang daigdig.