Ang Ilog
Kuwento ni Alberto Segismundo Cruz
Silahis, Marso 9, 1946
Ang Katalagahan, kung minsa'y lumilikha ng iba't ibang uri ng pangyayaring kaugnay ng buhay at kabuhayan ng mga tao.
Ang ilog, ipaghalimbawa, ay humahati't nagbubukod sa lupain; may mga pagkakataong ang ilog ding ito ang nagiging hanggahan ng dalawang nayon sa magkabilang pampang o pasigan; at kung minsan nama'y siyang nagigingsagabal sa ilang hakbangin ng mga mamamayan sa magkabilang panig napinaghati ng agos ng tubig ang malawak na lupain.
Nguni't ang kamay ng tao, sa tulong ng dunong na pinaunlad ng Kabihasnan, ay siyang nakalilikha ng mga himala sa mabuti man a masama ang maging bunga ng gawain ng kinapal. Nagagawa o nayayari ang tulay, gayon din, nayayari ang mga lunday at bangka; at sa pamamaraang makabago, ay natatawid ang ilog nang madalian sa pamamagitan ng mga lantsang may motor at iba pang uri ng sasakyan sa tubig na tinutulungan ng lakas ng gasolina.
Sa mula't mula pa, ang Ilog-Tungkod, ay may angkin nang kasaysayang nasasaklaw ng Alamat. Sinasabing kailan man, ang ilog na ito'y hindi nagiging malabo, kahi't isang linggo mang mag-uulan o kahi't na dumaan o magdaan pa ang bagyo o sama ng panahon. Ang burak, ang lumot, ang rnga lungtiang sanga ng mga babad na halaman sa tubig, ang mga batong makikinis at kabibe saka ang maliliit na isda at kung minsan pa ay alimasag at kokomo sa pusod nito'y maliwanag na masisinag sa mukha ng kristal sa tubig lalo kung katanghaliang naglulurok ang araw o kung gabing ang Reyna ng Langit ay nasa kanyang kabilugan at nakatunghay nang buong pag-ibig sa kanyang salaaming sang-ayon sa tao'y ilog na ang tubig ay nagbuhhat sa mataas na panig ng kabatuhan at humahantong sa lawa.
Noong panahon: ng mga Kastila, ayon sa ising matandang naninirahan sa isang pampang na sumasaklaw sa nayon ng Kupang, sa tuwi-tuwinang dumarating ang ulan ay may napapabuwis na buhay sa ilog na ito. Kung hindi bata ay matanda "ma-babae't rna-lalaki" na para bagang kailangang ibuwis ng Tadhana sa ilog ang isang buhay, sa taun-taon. Ang nayon sa kabilang pampang ay kilala sa tawag na Pinyahan, marahil, dahilan sa pangyayaring mabuti ang ani ng pinya roon, makaraan ang ikalawang panahon ng pag-aanihan ng palay, sa taun-taon din.
Ang mga rnamamayan, sa magkabilang pampang, rnaging sa Kupang o sa Pinyahan, ay sadyang mga magsasaka't maghahalaman. Bawa't mag-anak ay may kanyang sukat ng lupang kung hindi man may palay ay nauukol naman sa mga gulay o bungang-kahoy, gaya na nga ng sa Pinyahan. Ang ano mang kapakinabangan sa lupa'y ipinagbibili ng dalawang nayon sa mga mamamakiyaw sa Maynila, nguni't may rnga kasko o malalaking bangkang pinagkalakal buhat sa Kupang o sa Pinyahan. At, ang kalakal na ito, na masasabing bukal ng kabuhayan, upang makarating sa Maynila'y kinakailangan munang sa ilog sa isang lungsaran sa magkabilang pampang magmula.
Kung matamis ang pinya sa Pinyahan, ay lalo namang masasabing nakapapalatak ng dila ang babae sa nasabing nayon. Aywan baga kung bakit ang mga babaeng tubong sa Pinyahan ay makikinis ang balat, magaganda ang mata, hugis-busog ang bibig at kulay mais at kulot-kulot ang mga buhok. Sinasabing ang dahilan, marahil, ay nasa pangyayaring ang Birheng Panata sa Pinyahan ay marilag, mapula't kulot-kulot ang buhok, kaya naman ang namimintakasing mangagiging ina ay nagkakaroon ng masidhing pagnais sa maririlag na anak na babae.
Nguni't sa Kupang naman, sa kababalaghan ng Tadhana o anaki'y isang himala na ang mga babae'y may kaitiman at magagaspang ang.balat, bukod sa hindi pa tumutugon sining ang hugis ng mukha't salat sa iba pang likas na hiyas ng kababaihang nagtatangi sa kanila, lalo na sa paningin ng kalalakihan. Sa likod ng katotohanang ito, ay hindi naman maikakait na ang mga babaeng-Kupang ay may maipagmamalaki rin namang katangiang pangsarili. Ito'y ang kanilang kasipagan at katagalan maging sa gawaing pambahay o sa bukid, lalo na sa pagtatanim ng palay kung panahon ng taniman o paggigiik, kung panahon naman ng gapasan.
Sa isang pangyayari lamang nagkakahawig ang kapalaran ng dalawang nayong pinaghukod ng Ilog-Tungkod. Ang pangyayaring ito'y walang iba kundi ang kakauntian ng mga lalaki roon, aywan kung isang himala rin ng tadhana o kababalaghan ng panahon. Sa isang pantayang biglaan, matitiyak agad na ang bahagdan ay aabot sa isa sa sampu, o sa lalong maliwanag na pangungusap, isang lalaki sa bawa't sampung babae.
Ang nakapagpapalungkot na pangyayaring may kaugnayan sa nabanggit sa unahan nito ay ang hindi pagnanais mandin ng mga lalaki, maging sa.Kupang o sa Pinyahan, na magsipag-aral at mangdayuhan sa kanugnog na bayan, sapagka't para sa kanila'y hindi kailangan ang matuto pa ng ano mang karunungan sa pagbubukid, na siyang daan upang matiyak ang mabuhay nang mapayapa't masagana. Dahil dito, ang mga lalaking taga-Kupang o taga-Pinyahan ay masa-sabing mga tunay na lalaking - mga kawal ng bisig, mga anak-bukid, mga pantas ng panahon at ng katalagahan, palibhasa'y ang kanilang karununga'y ang karanasan at ang kanilang mga aklat ay walang iba kund1 ang natutunghayang pangitain at ang nararamang mga pangyayari sa buhay at kabuhayan ng mga tao.
Naging karaniwan nang mangyari o naging kaugalian na sa dalawang nayon na kung ang isang binatang taga-Kupang ay mangliligaw at mag-aasawa, ang kapalaran ay hinahanap sa ibayong ilog, sa nayon ng Pinyahan; samantalang ang lalaking maghahanap naman ng magiging kabiyak ng dihdib buhat sa Pinyahan ay sa Kupang naman kinakailangang dumayo't doon manuyo. Mahaba na ring panahong nagaganap ang ganitong kaugalian kaya't iyan na rin ang nagbigay-daan sa isang kilusan upang paglakipin na ang dalawang nayon at itatag ang isang bagong bayan doon, dangan na nga lamang at hindi mangyayari, sapagka't lumilitaw na hindi sukat ang isang tulay upang papag-isahin ang dalawang nayon. Sa madaling sabi, ang ilog at walang iba -- ang Katalagahan ang humadlang sa magandang balak na ito.
Datapuwa't isang umaga ng mainit na Pebrero, isang binatang mangingisdang lulan ng kanyang lunday ang napadako sa gawi ng ilog na humahati sa dalawang bayan. Ang binata'y sa kanugnog na bayan ng San Miguel, at ang pangingisda'y ginagawa
lamang na aliwan at hindi isang hanapbuhay. Paano'y bukod sa may-kaya ang binatang San Miguel ay matalino pa. Nagpapalipas lamang siya ng panahon, noon, at nabalitaang sa dakong iyon, ay maaaring siya'y makapangawil. Dalawang minuto
pa lamang siyang natitigil sa isang panig ng ilog, hindi kalayuan sa gitna, ay humanga na siya sa kalinawan ng tubig na kristal nito. Ang pangangawil niya'y itinigil at sa halip ay nagmaasid sa mga hiwaga ng katalagahan sa pusod ng ilog at pagkatapos ay sa mga pangitaing nag-aanyaya sa magkabilang pampang. Sa di kalayua'y natanaw niya ang bukirin at ang mga kabahayan, at ang nakatawag sa kanyang pansin, ay ang pagkakahawig ng tanawin ng dalawang nayon sa magkabilang dako ng ilog. Walang anu-ano'y nakarinig siya ng awit ng isang kawan ng pipit sa kawayanang anaki'y nakatanod sa isang panig ng ilog, kasabay nito'y napuna niyang may naglalabang dalaga sa dako ng batuhan, hindi kalayuan sa lungsaran. Kinuha ang kanyang saguwan at iginawi ang bangka roon, at nang siya'y malapit-lapit na'y saka niya natiyak na siya pala'y nagagayuma na noon pa lamang ng diIag na naglalaba.
-- Ano po bang nayon iyan, binibini? -- ang mapitagan, nguni't may pangambang tanong ng binata sa dalagang naglalaba.
Nagulat ang dalaga at pinarnulahan ng mukha. Hindi niya akalaing may nakapupuna pala sa kanyang paglalaba. Hindi niya inaasahang sa gayong alanganing oras ng katanghalian ay may binatang nangangawil sa dakong iyon ng ilog. Gayon ma'y napilitan na rin siyang sumagot.
-- Ito po ang nayong Pinyahan, -- bago siya ngumiti, isang ngiting tuyot saka sinundan ng paghahampas ng damit sa kabatuhan.
-- Ang kabila po naman? -- ang usisa ng binata, sabay turo sa kabilang pampang.
-- Iyan po ang Kupang! -- ang pabiglang tugon ng dalaga na inalihan na ng kaunting pagkayamot sa binata.
-- Salamat po sa inyo, -- ang patuloy ng binata. -- Ako po'y taga-San Miguel at tumutugon sa pangalang Ricardo del Valle. --
Hindi umimik ang dalaga at nagpatuloy sa kanyang paghahampas ng damit na may
sabon sa kabatuhan.
-- At kayo po naman? -- ang usisa ng binata.
Napataas ang tingin ng dalaga, at itinunghay ang mga mata sa mukha ng nag-uusisa. Talagang nayayamot na siya at ibig nang ipahiwatig kung bakit gayon na lamang ang pagtatanong ng binata sa kanya, gayong siya'y-naaabala sa gawain;.datapuwa't hindi natuloy ang kanyang balak. . . hindi natuloy . . . sapagka't napatanghal sa kanya ang mukha ng isang lalaking kailan man ay noon lamang nagpatibok sa kanyang puso. Kaya't para siyang nagayuma't napailalim sa kapangyarihan nito at sumagot parang wala sa loob.
-- Si Ana Flordelis po! Aning po, kung ako'y palayawan ng aking mga magulang at kaibigan. --
-- Kay gandang pangalan! -- anang binata.
-- Pabayaan ninyo't makagaganti rin ako ng utang_na loob. . . Ibig kong sabihi'y sa pagka-abala sa inyo. --
-- Kayo naman, -- at.sumunod na nangusap ang mga mata ni Aning na lalo pang nakapagpasasal sa tibukin ng puso ni Ricardo.
Ang pagkakataon ay naging simula na ng-malimit na pagkikita ng dalagang-Pinyahan at ng binatang-San Miguel. Nguni't lingid sa kaalaman nila, sa magkabilang panig ng pampang ay may mga matang pabulisik palang nagmamasid sa kanila. Mga matang walang dahilan ay naninibugho! Mga matang walang matuwid ay nais na manghimasok sa kalayaan sa pag-ibig ng mga alagad ni Kupido!
Sa Kupang ang binatang si Crispin, na malaon nang nangingibig kay Aning ay namumuhi sa malimit na masaksihang pagpapanayam ng Mutya ng Pinyahana't ng binatang-San Miguel. Sa Pinyahan naman ay may isang Quintin, pinsang makalawa ni Aning na bagaman hindi nagtatapat ng pag-ibig sa dalaga ay lihim na nagmamahal dito. Kaya't sa tuwing nagkakausap sa paglalaba si Ricardo at si Aning, para bagang napapagitna ang dalawa sa dalawang panganiib.
Minsan ay gumawa na ng masamang hakbang si Crispin. Sumisid sa ilog at tinangkang butasin ang bangka ni Ricardo, datapuwa't hindi niya naipagpatuloy ito, sa matuwid na ang gayong kagagawan ay hindi matanggap ng kanyang, budhi. Napakabuktot! Gayon din naman, si Quintin ay nagtangka na rin, minsan, na harapin ang binatang-San Miguel upang ipamukha rito na ang isang dayuhan ay
hindi nararapat na maki-alam sa dalagang-Pinyahan, nguni't napigil din niya ang marahas na loobin, sa ikalawang paglihim, sa pangambang baka lalong mamuhi pa sa kanya si Aning.
Nang makaraan ang tag-araw ay dumating ang pag- uulan; ang dalawang nayon sa magkabilang panig ng ilog ay nagtataka. At hindi lamang nagtataka, kundi nangangamba,pa. Sapagka't buhat nang nag-uulan, ang kabatuhan sa Bundok-Tangos ay gumuho sa kipot na pinagbtibuhatan ng tubig ng Ilog-Tungkod hanggang sa ang tubig ay naging matulin at malaki ang buhos na natitinggal sa nasabing ilog. Kung umuulan, lalo na't nagisisiyam, bukod sa umaapaw ay namurnula pa ang agos na nagngangalit, wari'y banta ng isang tunay na panganib. Ang panganib na ito'y napagkilala, hindi naglaon, nang ang umapaw na tubig ay sumira sa mga maisan magkabilang pampang at hanggang sa hindi na tuloy nangahas ang mga sumasalok ng tubig at naglalaba sa ilog, na gaya ni Aning, na dumako pa roon. Naging dahilan din naman ito ng malaking kapinsalaan ng mga nagsisipag-bangka, lalo na ng mga nagsisipangalakal na taga roon.
Gayon man, sapagka't walang makahahadlang na pangamba sa pusong umiibig, si Ricardo, minsan, -- isang hapon ng araw ng Linggo -- ay nagsumakit upang makarating sa dating pook na tagpuan sa ilog, sa pagbabakasakaling makausap na
muli ang pinaparalumang malaon na ring hindi nakikita't nakakapanayam. Sapagka't ang isip at alaala ng binatang-San Miguel ay nasa dalagang-Pinyahan kaya't ang pula ng tubig, ang lakas ng agos ng ilog at ang pag-apaw nito'y hindi na alumana. Patuloy siya ng pag-saguwan, patuloy siya sa, pagdako sa panig ng ilog, hindi kalayuan sa lunsaran ng Pinyahan.
At ang pagsusumakit niya ay ginantimpalaan, sapagka't sa isang panig ng ilog -- sa isang pook ng kabatuhang wari'y isang pulo, ay naroon si Aning na parang naghihintay sa kanya.
-- Aning, -- ang wika niya sabay lundag sa bangka, nguni't hawak ang lubid. -- Narito na ako upang tuparin na natin ang ating huling salitaan. --
-- Ricardo, -- ani Aning at pinamulahan ng mukha.
-- Hindi ba maaaring ipagpaliban na natin hanggang sa bumuti ang panahon? --
-- Aning, aking giliw, -- ang tutol ni Ricardo, --ang pagbuti ng panaho'y wala sa ating kamay. Ngayon ang pagkakataon natin; at anong malay natin kung . . . -- saka biglang niyapos ang dalaga, hinagkan, bago pinangko sa bangka.
-- Ricardo! -- ang kanyang wika, at may luha ang matang minasdan ang Pinyahan.
-- Hindi ba't ako'y iniibig mo, Aning? -- ang patuloy ng binata sa kanyang kasintahan. -- Kung gayo'y bakit ka waring nag-aalinlangan pa?
-- Hindi ako nag-aalinlangan, Ricardo, -- paliwanag ni Aning, -- nguni't kumakaba ang aking dibdib -- . . .
Noo'y nasa bangka na ang dalawang alagad ng Pag-ibig. Sumaguwan na si Ricardo at para siyang nagkakangkakahog noon, sa pangambang baka pa may makatanaw sa kanila. Kung sakali'y baka pa may umusig! Ito ang nasa isip ng mapusok na binata.
Saguwan, saguwan hanggang sa isagasa ang bangka sa matuling agos, laban sa mga sagabal na layak at mga sanga ng kahoy, hanggang sa kalagitnaan sa paglikong patungong San Miguel na nagbuhawing bigla ang tubig . . . at sa pagbubuhawing ito'y hindi nakapaglaban ang saguwan, at sapilitang tumagilid ang bangka't tuluyang tumaob. At . . . ang nangyari'y nangyari. . .
Lumubog si Ricardo, na ang karunungan sa paglangoy ay nawalan ng bisa. Hindi siya nakalaban sa buhawi. Nawalan siya ng lakas sa matuling agos. Pinulikat siya. Nguni't si Aning ay nakapangunyapit, sa isang malaking sanga ng kahoy at
pagkatapos ay sa isang puno ng saging na tinangay ng baha at nakalangoy hanggang sa pasigan . . . nguni't nang umabot dito'y napahandusay na lamang at sukat sa kapataan at sa panglulumo.
Ibig niyang sumigaw, nguni't hindi makasigaw. Nalunod sa kanyang lalamunan ang mga salitang -- Ricardo! --
Paano'y ang ilog, ang Ilog-Tungkod, ay katulad ng isang kinapal. May buhay din at may pagmamahal at pag-ibig kay Aning! Sa katunaya'y dito sinasalamin ng dalaga ang kanyang larawan, larawan ng kabataan at ng dilag na sa isang nayon lamang maaaring matagpuan.

Ang Mga Bakas Mo Sa Putikan
Kuwento ni Alberto Segismundo Cruz
Silahis, Agosto 3, 1946
NAGDAAN ANG TAG-ARAW NA kaakibat ang init at kaalinsanganan, mahaba-haba
ring araw na nagpabitak sa lupang uhaw nauhaw at tigang na tigang. At ang apoy ng Tag-araw na ito'y di maikakailang naminsala rin, sapagka’t ang dating mga lungtiang dahon sa kabukiran hanggang doon sa landas na paakyat sa kabundukan ay halos nag-damit-kayumanggi na!
Datapuwa't dumating din ang Mayong pinananabikan pagkatapos ay ang Hunyong malamlam at aambon- ambon saka sa wakasay ang Hulyong maysugo nang ulang halos ay bumubuhos at nagpapaputik sa buong kalawakan sa bukirin, sa mga landasin, sa mga lansangan ng lalawigan at lunsod, at sa paminsan-minsan, ay nagpapahatid pa ng kanyang matunog na balita sa pamamagitan ng kulog na nakayayanig ng mga kaluluwa sa lupa't ng mga lintik na nagsala-salabat na anaki'y mahabang espadang apoy sa nagdidilim na himpapawid.
At sa nangyari'y “nawisikan” ng bendita ng Mayo ang mga halamang tungo na sa pagkalanta; napanariwa ng Hunyo ang mga lungtiang dahon ng mga halaman, hanggang sa mapabukadkad ang kaliit-liitang mga bulaklak-gubat, at “mapainom” nang buong pag-ibig ng mapagpalang Hulyo ang tigang na lupang uhaw na uhaw at kulu-lulubot na ang pagkakabitak sa buong panahon ng Tag-araw.
Ang bukirin ng Tuklong ay nag-iba na sa tanawin. Nagputik ang kalawakan ng mga bukid na ito’t pati ng tumana’y nagputik na rin at tinigilan ng tubig. Lumambot ang lupa at nagputik na mabuti, lalo na nang nagdaang pagsisiyam. .
.
Buhat sa kanyang dampa sa ilalim ng mga punong manga ay lumabas si Neong nang tumila ang ulan, isang umaga, upang panunghan ang nakapagpapasiglang tanawin sa kabukiran. Panahon na sa pagbubungkal ng lupa, na makapagdudulot sa kanya ng pagkakataon, sa gitna man ng hirap at pagtitiis, upang makapag-impok at nang sa lalong madaling panaho’y matupad ang lihim na pangarap ng kanyang
kabataan.
Nagtapos si Neong ng kanyang “high school” noong Marso lamang ng 1940, bago magkadigma. Nguni't nakapagtapos man siya'y hindi rin nagbabago ang pasiyang magpatuloy na magsasaka; sapagka't sa mula’t mula pa’y kasama na ng maylupa ang kanyang ama. At ang pagsasamang ito’y naging “mana” na niya, bukod sa talagang may malaki pa siyang pag-ibig sa paghahalaman at pagbubukid nang tawagin sa sinapupunan ni Bathala ang gabay ng kanilang tahanan.
Sa ibabaw ng pag-ibig na ito sa gawain sa bukid ni Neong ay naghahari pa rin ang isang lalong dakilang damdamin: Ang sa kanyang puso, na siyang dahilan ng mga pagsasakit at paglulunggati na makapagtipon at nang sa hinaba-haba ng araw’y maging karapatdapat siya sa paglingap ni Didang, ng Mutya ng Tuklong at kaisa-isang anak ng maylupa.
Umiibig nga si Neong. Malaon na; hindi pa man siya nagsisimula ng “high school”. At ang iniibig niya’y walang iba kundi si Didang, na kung kanyang masdan, kahi’t sa tinging panakaw ay isang tunay na Bathala ng Kabukiran, isang wagas na Birheng Kayumanggi, na karapatdapat na sambahin at pag-ukulan ng lalong banal na panata ng hukbo ng kabataan.
Hindi nagsasalita si Neong. Hindi kumikibo, at kaya lamang magsalita't kumibo kay Didang ay kung ang binibini na ang pumupukaw sa kanyang katahimikan.
Hindi pipi ang binata, at hindi rin maituturing na kimi, datapuwa’t pipi pa ang kanyang bibig sa pagpapahayag ng pag-ibig at waring nakasusi pa ang kanyang dibdib upang palayaing ganap ang damdamin ng mga damdaming inaalagaan niya’t tinatangkilik nang buong lihim sa panahon ng kanyang kabataan.
Kung ibig niyang matawag ang pansin ni Didang sa kanyang pagtitiis, sa buong maghapo’y hindi siya naglilikat sa mga gawain sa bukid, kabilang na rito ang saka nitong mga huling araw, paghahanda ng mga tumana at ang pag-aararo ng lupa – ang pagbubungkal ng lupa upang mapasabog agad ang mga binhi ng buhay, na siya ring batayan ng pag-asa niyang “siya’y makapaghahandang mabuti upang maging karapatdapat sa pagpapala’t pagtingin ni Didang.”
May mga gabing dinadalaw siya ng maalab na silakbo ng damdamin sa pagpapahayag ng pag-ibig. Nguni't hindi maaaring siya'y lumipat ng tahanan ng dalaga't magtapat dito o magsalita nang may kinalaman sa kanyang inililihim na damdamin, sapagka't nagkakasiya na lamang siya sa kanyang lumang gitara - sa gitarang kalihim ng kanyang pag-ibig at tagapagsiwalat ng kanyang bugtong na pag-ibig na ito. Kung minsan ay waring tagulaylay ang kanyang tugtugin sa gitna ng kapayapaa’t karimlan ng gabi hanggang sa maging isang wagas na kundiman ng pusong nagpapabukas na pilit sa talukap ng mga mata ng dalagang-bukid.
Si Didang naman ay hindi masasabing walang-walang nalalaman sa mga pahiwatig at kilos ni Neong. Si Didang ay nakapagtapos na rin sa”Normal School” ng lalawigan, datapuwa't ayaw ang kanyang ama - si Mang Inggo - na siya'y papagturuin sa dahilang walang mangangasiwa sa kanilang kapakana't sa tahanang may kanugnog na kamarin. Ang dalagang masunurin sa kanyang ama't mapagmahal sa kanyang ina'y nagkasiya na lamang sa karaniwang gawain sa pamamahay at pagpapahalaga sa mga kapakanan sa bukid hanggang sa siya, sa wakas, ang makialam sa paghahatian ng maylupa’t mga kasama.
Nitong mga huling araw, matapos na mabungkal ang isang malaking bahagi ng bukid, si Neong ay napilitang maglalapit kay Didang, sapagka't siya ang pinagkaisahan ng ibang kasama upang magparamdam sa maylupana kailangan ang tulong nagugulin sa mga unang hakbangin sa pagsasabog ng binhi. Kung naipahayag man ni Neong ang nais ng ibang kasama, ay hindi naman naging napakabisa ng kanyang pagmamatuwid upang maragdagan ang hinihinging abuloy ng mga tao sa bukid. Paano’y parang namamalik-mata ang binata. Waring nababato-balani. Mandi’y napapailalim sa isang kapangyarihang hindi nakikita.
Sa katotohana’y lalong maganda’t kaakit-akit si Didang sa mata ni Neong. Nasa kanyang kasibulan, sa kanyang kaakit-akit na likas na kagandaha’t kayumian, sa kanyang angking kabanguhang kaagaw ng mga “dama de noche” sa bakurang siit ng kanilang bukid. Sino nga naman ang hindi titibukan ng pag-ibig sa ganyang ari ng dilag?
At ang lalong kaakit-akit at kabigha-bighani sa dalagang ito’y ang kanyang mga matang diumano’y ipinaglihi ng kanyang ina sa mga mata ng Birhen ng Tuklong. Kaya’t maging sa kinis ng balat na kaagaw ng kinis ng talulot ng maputing bulaklak-gubat hanggang sa mahaba niyang buhok na kasing-itim ngkalungkutan ng daigdig na naghihikahos ay isa siyang tunay na larawan ng Birhen.
Ang kagandaha’y sadyang nagiging sanhi’t dahilan ng maraming sali-salimuot na bagay at suliranin ng puso sa daigdig.
Si Didang ay maganda, kaya’t maaaring mamasda’t hangaan pa ang kagandahan ng sino mang magkakaroon ng pagkakataong siya’y masilayan. At sapagka’t siya’y dalaga’t kabigha-bighani, maaari ring pintuhui’t ibigin!
Isang hapon ng araw ng Linggo, ang katahimikan sa panig ng kabukiran sa Tuklong ay natigatig. Sapagka't isang pangkat ng mga artista't alagad ng sining ang nagpiknik doon. Sa pagkakataon, gaya ng mahihinuha, ay napataas ang bandila ng mga kabataan. Nagkaroon ng languyan, tampisawan sa tubig, pamimitas ng bungang-kahoy sa panahon na maniba pa ang karamihan, pagtitimpalak sa pag-akyat sa punong-mangga at, pagkatapos, ay ang isang maikling palatuntunan.
Datapuwa’t sadyang humihiwalay sa pulutong ng kabataang nagliliwaliw sa tag-ulan si Nardo Castillo de Dios. Si Nardo'y isang batikang pintor, at sa katotohana'y di miminsang nagkamit ng pinaka-pangunang gantimpala sa sining nina Luna, Hidalgo't Amorsolo.
Ang katangian sa pintura ni Nardo'y higit sa katangian ni Amorsolo. Sapagka't samntalang nakalilikha ng kaakit-akit na larawan at tanawin ang pintor na ito sa kanyang “lienzo” ay naaari na ring “makagawa” siya ng mga guhit at karikatarang makabago sa krayon o sa lapis- mga guhit na mapaglarawan ng mga huling pangyayari sa buhay at lipunan.
Likha ng hindi hinihintay na pagkakatao'y namataan ni Nardo ang dilag ng Tuklong, samantalang nanunungkti ng mga bayabas. Nang una'y nagkunwang nais na bumili ng binata, datapuwa’t sa halip na pabayaran ni Didang ang ilang bayabas ay nagpasalamat pa’t sinabing ang gayo’y hindi magiging kawalan sa kanilang kapakanan sa bukid.
“Kung hindi ako nagkakamali kayo ang naging Bulaklak ng Mayo sa Liko. Hindi po ba?” ang bungad ni Nardo.
Nangiti si Didang at minasid ang binata.
“Ako nga po, nguni't hindi karapatdapat. Pinilit po ako ng mga kasama sa karatig na nayon namin.”
Nagsimula na ang kanilang matalik na pagkikilala sa pagkakataon hanggang nakakilala na rin ng mga magulang ng dalaga ang batikang pintor. May mga araw ng Linggo na si Nardo'y dumadalaw sa Tuklong, at sa isang pagkakatao'y naghandog kay Didang ng isang marikit na tanawin nila sa bukid. Nang gawin o iguhit ang larawang yaon ng bukid na nananariwa sa dumalaw na patak ng ulan, si Didang ay nasa palikuran ng pintor at naging tunay na “inspiracion” sa buong maghapon.Sa gitna ng marikitna kalikasan at ng dilag na nagpapatibok na masasal sa kanyang puso, ang magandang kuwadrong pinamagatan niyang “Nanariwa ang Tigang na Bukid” ay inihandog sa tahanan ng dalaga. Naging pahiyas sa tapat ng larawan ni Didang, na lagi nang nagpapagunita sa pagkakataong tinalikdan.
Nang mag-uula'y lalo namang sumigla ang binatang pintor sa pagdalaw sa Tuklong. Lagi siyang panauhin sa tahanan ng dalaga, lagi siyang kasama sa mga panig ng kabukirang nagtatanghal ng magandang tagpo ng Katalagahan, at kapiling-piling siya sa pagguhit ng mga larawang maka-kalikasan.
Minsan sa putika'y naglulunoy sila't nanghuhuli ng liwalo; kung magkabihira'y dumadako sila sa tumana na abot-tuhod ang putik, at dito nakikita ng pintor ang mga binting makikinis, anaki'y mapuputing tangkay ng kamya, nguni’t ganap ang sukat sa sukatan ng dalubhasa sa sining. At, lalong naging luwalhati si Didang sa mata ni Nardo!
Samantalang patuloy ang ganitong pakikipagkaibigan ni Didang kay Nardo, ang punyal ng panibugho'y nakatarak pala naman sa dibdib ni Neong.
Paano'y may matang matatalas si Neong at may pusong-maramdamin., palibhasa'y baliw na baliw sa pag-ibig, bagaman ang pag-ibig na ito'y nakakuyom pang bulaklak sa ubod ng kanyang dibdib.
Sa sama ng loob ni Neong, matapos ang kanyang pagaararo’t paggawa sa bukid, gaya ng napagkaugalian sa araw-araw na ginawa ng Diyos, siya'y naglalakad-lakad sa gawi ng kawayanan, kung minsa’y sa dako ng mga tumana at kung magkabihira nama'y sa gawi ng balon sa nayon sa lilim ng mga puno ng santol. . . at doo'y parang baliw na tinutunton ang mga bakas nina Didang at Nardo, na naipakilala na rin sa kanya ng dalaga, nang magkataong siya, si Neong, ay napaakyat ng tahanan ng maylupa samantalang nakalikmo naman ang pintor sa isang luklukan sa bulwagan, sa gawi ng beranda.
Bubulong-bulong si Neong, at habang lumalakad, ay waring pinandidilatan ang mga bakas na naiwan sa putikan ng dalawang sa palagay niya'y magiging sanhi ng kanyang maagang kamatayan; sapagka't. . . hindi niya maaatim na malubugan siya ng pag-asa at pampasigla sa panahon pa namang pinaglulunggatian niya ang paghahanda ukol sa isang nag-aanyayang magandang hinaharap.
Nginatgatngat nga ng panibugho ang puso ni Neong! May palagasy siyang dininig na ng pintor sa pamimintuho nito. May paniwala siyang ang mga pakita't ngiti ni Didang ay hindi paimbabaw lamang, kundi sadyang bukal at mataimtim na tugon ng damdamin sa kapuwa damdamin.
Umabot sa sukdulan ang panibughong ito ni Neong nang natagpuan sa isang panig ng putikang nalililiman ng kawayanan, sa dako ng pinyahan, ang magkapiling na bakas ni Didang at ni Neong, na sa ayos sa pagkakalapit at pagkakatimbang ng mga paa'y nagbunga ng pamumuko ng kanyang hinalang ang pintor ay naglagda roon ng kanyang unang halik ng pag ibig. Lalong naglagablab ang apoy ng bugho sa puso ng binatang magsasaka.
Nagpasiya siya agad na gumawa ng kaukulang hakbang. Napatungo sa tahanan ng maylupa, isang hapon ng araw ng Sabado, samantalang si Didang ay namimili sa tiyanggi, at doo'y ipinagtapat ng binatang magsasaka na siya'y luluwas na ng
Maynila upang maghanapbuhay dito't mag-aral sa gabi, at ang pagtupad sa kanyang balak ay sa pagtatapos ng pagsasabog ng mga binhi.
Napamangha si Mang Inggo, ang maylupang ama ni Didang. Napamangha sapagka't hindi niya inaasahang si Neong, na kanyang pinaka-kanangkamay sa gawain sa bukid at sa pagpapasunod sa mga kasama'y hihiwalay sa panahon pa namang kailangang-kailangan ang tulong. Hindi ba't katutubo ang pag-ibig ni Neong sa pagsasaka? Nguni't bakit nabaligtad na bigla ang kanyang mga balak? Hindi maubos-maisip ni Mang Inggo ang gayong biglang balak ni Neong. Inulit ni Neong kay Mang Inggo ang kanyang nais na maghanap-buhay at mag-aral sa Maynila. Sinabing kung sakali'y saka na siya babalik! At samantalang naghihintay siya ng kasagutan ni Mang Inggo ay namataanni Neong ang isang marikit at bagong kuwadro sa ibabaw na naman ng komoda ni Didang na nang kanyang lapita't pakasurii'y nagpapatibay, ayon sa sariling palagay niya, na iyon na nga ang katibayang hindi mapagaalinlanganan! Ang kuwadro'y may pamagat na “Ang mga Bakas Mo Sa Putikan”.
Wala pang isang buwan. . . at samantalang sumusulpot na sa mayamang lupa ang napasabog na binhi – ang mga bungang-buhay – saka, samantalang nagtitimpalak na ang mga bulaklak-gubat at nagsisimula nang bumango ang mga langka, - si Neong ay nasa landas nang patungo sa himpilan ng tren ng Tuklong, dala ang isang lumang maleta . . . na ang lunggati’y makarating sa lunsod ng pakikipagsapalaran.
Hindi siya lumingon sa pinagdaanan sapagka’t ayaw niyang magbaon ng malulungkot na alaala. Sa kanyang puso’y nagnanaknak ang malubhang sugat na nagtaboy sa kanya upang makipagsapalaran sa Maynila.

ANG PANULAT AY WALANG PANGINOON
MAIKLING KUWENTO NI ALBERTO SEGISMUNDO CRUZ
Silahis, Hunyo 1, 1946
----Ang panitik ay tulad din sa malakas na agos ng tubig sa ilog na hindi maaring mahadlangan at kung pagpipilitan ay gagawa ng ibang landas upang maipagpatuloy ang kanyang layunin. --
Sinasabing kung dumating ang “talaga ng Diyos sa isang tao” ay magkakambal. Sa katotohanan, kung kailan pa inaabot ng sakuna ang isang kinapal ay saka pa dumarating ang ilang kabalighuan sa buhay. Mandi'y balintuna, nguni’t siyang karanasan, at ang karanasan ay malapit sa katotohan.
Tinaggap ni Ikeng nang araw na yaon ang pasiya ng pangsiwaan ng pahayangang pinaglilingkuran. At ang pasiya’y hindi sumala sa kanyang hinuha kinaumagahan pa lamang. Ipinakuha na sa kanya ang dalawang buwang sahod sa kahero, at idinugtong pang “humanap na muli siya ng ibang pahayagang mapaglilingkuran.”
Kung gaya ng dati’y tatawanan lamang ni Ikeng and pangyayari. Datapuwa’t noo'y tinanggap niya ang gayong pangyayari sa paglilingkod niya sa pasulatan na parang isang dagok sa kanyang magandang hinaharap. Paano'y kailangang-kailangan niya ang hanapbuhay... ng salapi... ng magugugol sa lalong madaling panahon, sapagka’t siya'y nakatakda nang makipag-isang-dibdib isang linggo na lamang. Paano kaya ang kanyang gagawin? Sa katotohana’y dapat na niyang ipadala kay Meding ang mga kagamitang pangkasal, lalo na ang telang kailangang ipatabas sa modista ng magpapasukat na kasintahang nakatakdang humarap sa Dambana ng Pag-ibig. Kailangang bumili agad ng singsing, ng mga orkidea, at ng iba pang nangangahulugan ng gugulin ng isang lalaking sang-ayon sa mga manunulat na dayuha’y “nagkamali sa kanyang buhay” kung dumarating na ang pakikipag-isang dibdib sa isang babae.
Hindi mawala sa isip niya ang nangyari sa isang paraang nababatid man niyang maaaring magkagayon ay kung bakit napataon pa sa panahong kailangang-kailangan niya ang hanapbuhay. . . at gugulin. Diyata’t magiging pasalubong niya kay Meding ang balitang siya’y itiniwalag na sa tungkulin sa pahayagan? Diyata’t ipababatid niya rito na siya ngayon ay kabilang na sa hukbo ng mga walang hanapbuhay at isa nang pasanin ng pamahalaang abalang-abala sa paglutas ng suliranin sa kabuhayan at desempleo?
Ipinihit na ng kanyang mga paa ang kanyang tunguhin sa isang “bar”, at nakainom man siya ng ilang baso ng serbesa'y hindi pa rin niya malimot ang mga pangyayaring tinalikdan nang dalawang araw na nagdaan. Sa mga bula ng serbesa'y waring nasisinag niyang maliwanag ang pangyayari: Kumuha siya ng balita sa aduana na kinatanggapan niya ng isang himatong na may isang malaking katiwalian sa pagpapasok ng mga dayuhang Intsik sa isang paraang nalalabag sa batas. Nakuha niya ang mga kailangang tala at sa pagbuo niya ng balita ay nailarawan nang buong ayos ang mga pangyayri, nguni’t ang hindi niya sadyang niliwanag ay ang pinagbuhatan ng balita. Ito ang naging sanhi’t dahilan kung bakit naman siya ipinatawag ng puno ng pangasiwaan o ng pangulo ng empresang nagpapalabas ng pahayagan niyang pinaglilingkuran
“Tunay o hindi ang iyong balita?” ang tanong na nanglalaki ang mga mata sa likod ng dalawang salaming may kakapalan na. “Isipin mong sa naglalakihan pa naman nating titik inilagay sa unang mukha ng ating mga pahayagan. Ngayo'y pinasisinungalingan ng konsul na Intsik saka ng puno ng daungan.”
“Tunay po ang balita. Kung hindi po tunay iyan at ‘ficcion’ lamang ay sa isang magasing Tagalog ng mga kuwento ko na lamang ilalathala sana,” ang tugon niyang walang kagatul-gatol nguni't pinamulahan din siya ng mukha.
“Kung tunay,” ang sabi ng puno, “ano't hindi mo matukoy ang pinang-galingan?”
“Ipinalalagay ko pong labag sa etika iyan o sa magandang kaugaliang dapat na sundin, lalo na sa nangyaring ipinagkaloob sa akin ang balitang iyan ng isa sa matataas na puno rin sa daungan na karapat-dapat sa pagtitiwala,” ang matuwid niyang anaki’y nagtatanggol sa hukuman.
“Iyan ang lalong mabuti sapagka't magiging bayan ang nagbunyag ng katiwalan, hindi ba?,” ang tanong na waring nag-aatas ng puno.
“Hindi po maaari ang paglalantad ng pangalan ng nagkaloob ng balita,” ang giit ni Ikeng, “sapgka’t bukod sa paglabag sa magandang kaugaliang dapat kong panghawakan ay lalabag pa ako sa kasunduan naming hindi ko siya ibubunyag sa dahilang ang magiging katapat ng gayon ay pagkatiwalag!”
“Isasangguni ko kung gayon, sa lupon-tagapangasiwa ang iyong ginawi,” ang sabi ng puno. “Makababalik ka na sa iyong gawain, nguni’t bukas ay mababatid mo ang ang aming pasiya . . .”
Iyan ang nangyari at pagkatapos ay nasalat-salat pa niya sa lukbutan sa likuran ng kanyang pantalon ang pahayagang sa pinaka-mukha, ang naglalakiang titik ay nagsasaad ng ganito:
Daan-daang Intsik na Nakapapasok nang Malaya
Sabuwatan sa Daungan
Pinahid muna niya ang pawis na halos ay gagamuggo sa kanyang noo bago sandali siyang tumapat sa bentilador. Makaraan ang ilan pang saglit ay nagbayad siya ng nainom at lumakad na . . . lakad na hindi malaman kung saan ang tungo . . . kung saan hahantong . . . alangang uuwing, alangang dadako na tila isang makabagong Samuel Belibeth.
Mapait na katotohanan! Iyan ang sumusurot ngayon sa kanyang isip.
Kung iyan ay katotohanan, bakit hindi niya tanggapin? Waring ang budhi niya ang kanyang kausap nang mga sandaling yaon. Nang siya’y makatawid na sa isang panig ng Abenida Rizal, minarapat niyang tumigil sandali sa isang panig ng tigilan ng mga taong naghihintay ng sasakyan. Nais niyang buhat doon ay matiyak na ang patutunguhan. Tiningnan ang kanyang orasan. Ikalima na ng hapon.
“Magpasiya ka nang tiyak, ngayon!,” ang wari'y atas ng kanyang budhi.
At isang liwanag -- biglaang liwanag ang nagpaningning sa isang balak sa kanyang kaisipan. Dadalaw siya nang gabing yaon kay Meding. Ipagtatapat niya ang lahat. Saka pagkatapos ay ipapayong ipagpaliban na muna ang pag-iisang-dibdib sapagka't iyan ang pinaka-matinong magagawa sa harap ng mga sumolpot na sagabal sa kanilang buhay at kapalaran.
Tinupad ang kanyang balak nang gabing yaon. Napuna niyang may ilang panauhing dalaga si Meding na sa unang hinuha niya'y kinausap upang umabay sa kanya ang ilan at tumulong sa kanya naman ang kasintahan sa kanilang pagpapanayam.
Magiliw, masaya at kaakit-akit si Meding nang gabing yaon. Malambing na malambing sa pagsalubong at mandi’y walang pagkasiyahan sa kanyang pagdalaw. “May kutob ang aking loob na darating ka. Paano’y sasabihin ko sa iyo ang isang mahalagang bagay,” saka ngumiti si Meding na anaki’y isang tunay na Hulyetang nakadarama ng init ng pagmamahal ng kanyang Romeo.
“May sasabihin ka?,” ang tanong naman ni Ikeng na lipos ng pananabik. At sa sarili niya’y parang narinig pa rin niya ang mga buntot na katanungang: “Ano kayang bagay ang sasabihin ngayon ng aking mahal?”
Parang isang musmos na batak-batak sa kamay si Ikeng ng kanyang paraluman. Bumagtas sila ng kabahayan, nagdaan ng kusina at dumako sa asotea, saka buhat naman dito’y nanaog sila sa hagdanang-bato hanggang sa likmuang-kawayan sa lilim ng mga balag ng “cadena de amor” na hindi kalayuan sa isang hanay ng mga “dama de nocheng” kung gabi'y nagdudulot ng kasiya-siyang halimuyak.
Naupo ang magsing-irog at hinawakan ni Meding ang palad ni Ikeng. “Malamig ang palad mo, Ikeng, ngayong gabi,” at tumawa ang dalaga.
“Marahil ay may nerbyos na ang nobyo,” ang tugon naman niyang parang ibig pang magpatawa, bagaman gayon na lamang kalakas ang sikdo ng kanyang dibdib.
“Ipagpapaliban natin ang pag-iisang-dibdib at iyan ay aking kagustuhan,” ani Meding na parang walang ano mang binigkas ang mga salita. Parang nabunutan ng tinik sa dibdib si Ikeng. Ang pagtatapat ng gayon ni Meding ay makapagpapaliban din sa kanyang pagbubunyag sa nangyari sa kanya, at marahil, samantalang naghihintay sila ng araw ng pag-iisang-dibdib ay makahahanap naman siya ng ibang gawain sa ibang pahayagan.
“Bakit, masama ba ang loob mo sa gayon?,” ang biglang tanong ni Meding na pinapupungay pa ang mga mata.
Parang nagulantang si Ikeng sapagka't siya'y nag-iisip. “Hindi, Meding, hindi,” ang kanyang nasabi na parang napilit sa pagsagot. At nang matagal-tagal pa'y nasabing, “Ikaw ang masusunod, Meding, ano mang maibigan mo'y maiibigan ko rin.”
At hindi na nga natupad ni Ikeng ang pagbubunyag ng mga nangyari sa kanyang paglilingkod. Nahadlangan na siya ng pasiya ni Meding sapagka’t ito rin namang talaga ang layon niya. Sadyang ibig din niyang ipagpaliban ang kasal . . . marahil, makatatagpo siya ng isang bagong pahayagang mapaglilingkuran.
Kaya’t si Ikeng ay naalis nang gabing yaon sa paniwalang di natupad ang kanyang balak.
“Talagang si Meding ay kaisang-isip ko.” ang naibulong sa sarili niya. “Parang nahuhulaan ang mga nangyayaring kapanganyayaan sa aking buhay. Waring nababasa ang guhit ng aking palad.”
At siya’y nakatulog nang mahimbing, noon.
Kinabukasan nang umaga’y nasa tanggapan siya ng isang pahayagang kaagaw at kalaban sa larangan ng pahayagang dati niyang pinaglilingkuran. Kilala siya ng mga manunulat doon. Lahat ay nagtataka kung bakit siya, si Enrique del Prado, ang batikang mamamahayag, ay nais na maglingkod sa pahayagang kalaban ng dati niyang pinaglilingkuran.
Sinabi niyang kailangang ipaglingkod ang kanyang kaalaman sa pamamahayag at ang panulat. Sinabi pa rin niyang lalong mabuting itakda siya sa dating mga taggapang kinukunan niya ng balita, at hiniling na kung maari'y gumamit siya ng ibang pangalan.
Kaya’t ang “editor” ng pahayagang ito ay nakapagtanong: "Ibang pangalan? Bakit gayon? Hindi ba't ang unang halaga mo’y nasa iyong pangalan?"
“Tunay po iyan.” ang paliwanag ni Ikeng, “nguni't kailangan pong magkaroon ng pananalig ang mga mambabasa na ang bagong manunulat na ito’y naaukol sa inyo at hindi ang isang binili o nahikayat lamang upang maglingkod sa pahayagan ninyo. Ang paglilingkod ko po ang inyong kailangan, hindi po ba?”
“Iyan ang aking kailangan at ang mga ‘scoops’ sa araw-araw upang huwag makapagmalaki ang pahayagang iyang dati mong pinaglilingkuran,” ang matatag na saad ng “editor”.
“Ako po lamang ang may hawak ng lihim ng mga katiwalian sa daungan.” ang pagmamalaking nawika ni Ikeng, “at araw-araw po'y masisyahan kayo.”
“Tatlong-daang piso sa simula at limapung piso sa bawa't ‘scoop’,” ang wika ng “editor”.
Kaya’t ang bantog na “reporter” at mamamahayag na si del Prado ay nasa pahayagang ito ngayon. Gaya ng dati’y nagsumakit siyang makatagpo ng mga katiwalian at sa paraang matalino’y nangyaring makapagbunyag ng mga bagong balita sa mga katiwalian na ganap ang mga tala.
Lumakas ang pahayagang bagong pinaglilingkuran ni Ikeng. Lumakas! Halos nadaig ang pahayagang dating pinaglilingkuran sanhi sa mga balitang pinagdudumugan ng mga mambabasa hinggil sa mga katiwalian sa daungan.
At habang lumalaon, nang may matutop nang isa sa pinaka-utak ng mga katiwalian, ay napalantad ang katotohanang lalo pang nagpatibay sa mga unang balita ni Ikeng - lalong-lalo na sa una niyang lumabas sa pahayagang nagtiwalag sa kanya.
Natiyak ng pahayang dating pinaglilingkuran ang mga pangyayari. Nahulo ang lupon-tagapangsiwa upang kunin uli si Ikeng; lumilitaw na siya'y kailangan. Upang manumbalik ang dating lakas at paniniwala ng bayan sa mga balita ng naulit na pahayagan.
Tumanggap ng sulat si Ikeng. Inaakot na maglingkod na muli at daragdagan ang sahod. Natigilan; siya ay kailangang magmalaki. Hindi siya maaaring mabili ng salapi. Hindi maari! Ipinagtatangol niya ngayon ang karapatan niyang hindi man pinansin at pinakundanganan. At ang karapatan niyang ito’y karapatan ng lahat ng mga alagad ng panulat!
Sinabi niyang hindi maaari. Hindi siya mabibili ng salapi! Ang panulat niya’y sarili niya at inihahandog sa bayan!
Gayon na lamang ang pagdiriwang ng pahayagang pinaglilingkuran ni Ikeng. Datapuwa’t makaraan ang maikling panahon ay nakinabang sa gayong tungkulin ang bagong “reporter” na nagngangalang Milo del Mar sa pamamagitan ng sulat. Sa mabuti ring sahod.
Lalong nagdiwang ang pahayang pinaglilingkuran ni Ikeng. Paano’y ang Milo del Mar na ito'y walang iba kundi si Ikeng ding nagbago lamang ng pangalan. Saka ngayo’y inaalok. Binibili ng salapi!
At ang nakapagpatawa sa “staff” ng pasulatan ay ang pangyayaring makikipagkita pa raw diumano ang “editor” ng dating pahayagang pinaglilingkuran sa bagong “reporter” ng pasulatan na alam nila na walang iba kundi si Ikeng.
“Aha”, ang wika ni Ikeng, “lalong malaking ‘scoop’ pag nagkataon.”
Nguni’t walang anu-ano’y tumanggap ng pasabi si Ikeng kay Meding. Akala ay suliranin ng puso. Datapuwa’t nang siya’y dumating sa tahanan ng dalaga nang hapong yao’y ibang-iba ang pakita ni Meding sa kanya. At lalong iba ang paksa.
“Kailangan kong ipagtapat sa iyo ang lahat, Ikeng,” ang malumanay nguni’t matatag na saad ng dalaga.
“Na kaya ko pinagpasiyahan na ipagpaliban ang ating kasal ay sapagka't nabatid ko kung ano ang nangyari sa iyo sa pasulatan: Ibig kong malaman ang kadahilanan sapagka’t kailangang maipagtanggol ang iyong karapatan. Dapat mong mabatid na ang tatay ko ay may malaking sapi sa pahayagang iyan nang lingid sa iyong kaalaman. At ang pangulo ng lupon-tagapangasiwa ay inaama ko.”
“Ano, Meding?” at gayon na lamang ang pagtataka't panggigilalas ni Ikeng.
“Sa madaling sabi'y napagkilala ko ang iyong matuwid at nababatid ng tatay ang lahat ng nangyari. Siya ang nagsabing kailangang gawin kaagad ang pag-iisang-dibdib at ang pagpapatuloy mo sa pahayagan.”
Nag-isip-isip muna si Ikeng, bago nagtapat:
“Maaaring maganap ang pag-iisang-dibdib, nguni't hindi makapagpapatuloy sa paglilingkod sa dati niyang pinaglilingkurang pahayagan si Enrique del Prado. Gayon man, may isang batikang “reporter” sa kaagaw na pahayagan -- si Milo del Mar -- na nahahandang magbago ng isip upang isaalang-alang ang ini-aalok na tungkulin. At ako ang mananagot naman sa pagtanggap niya sa tungkulin.”
“Nguni't ikaw ang kailangan at hindi ang iba!” ang wikang mapag-mataas ni Meding.
“Kung iyan ay pagmamataas, Meding, ay susunod ako alang-alang sa pagdakila ko sa iyong pag-ibig. Nguni't . . .” ang patuloy pa ni Ikeng, “masisiyahan ka kay Milo del Mar, at kung hindi ako'y ang mananagot sa iyo.”
Pumayag din sa wakas si Milo del Mar at napag-alaman ito ni Meding na nagpahayag na sasabihin niya sa kanyang ama ang gayon. Bago sila nagkahiwalay ay nakapagpahayag ng malaking pagtataka’t panggigilalas si Ikeng: Hindi niya sukat akalain!
Matuling tumakbo ang mga araw. Bago nag-isang-dibdib si Meding at si Ikeng ay isinakatuparan muna ang mga pahayagang may kapakanan ang ama ng dalaga. Si Meding ay sumama sa ama ng umagang yaong nakatakdang humarap ang bagong “reporter” na ipinangako ni Ikeng.
Nang dumating ang pagkakataon ay gayon na lamang ang pagtataka ng lahat. Dumating sa tanggapan ng pahayagan si Ikeng lamang. Kaya't . . . nagtaka ang lahat na parang nabigla.
“Saan naroon ang iyong ‘reporter’ na ipagsasama rito?,” ang tanong ng ama ni Meding.
Nangiti si Ikeng.
“Huminahon kayo!”
“Wala pong iba kundi ako.”
“Ikaw?” ang naitanong ni Meding.
“Ako nga ang wika niya.” at ngumiting waring nagsasaad na siya'y nagtagumpay, “ako rin ang Milo del Mar sa pahayagang . . .”
At nagkatinginan ang lahat. Tinging lipos ng paghanga, panggigilalas at pagkalugod.
“Ikeng!” ang naipahayag ni Meding na nagniningnging ang mga mata.
“Maglilingkod ako rito sa atas ng iyong hangaring ako'y makapagpatuloy, nguni't ang aking sarili sa pangalang Milo del Mar ay kailangang tumupad sa kanyang kapangakuan sa ibang pahayagan.” ang paliwanag niyang walang kagatul-gatol.
“Paano ka maglilingkod sa dalawang panginoon?” ang tanong ng pangulo ng lupong -tagapangasiwa at ikinatango rin ng ulo ng ama ni Meding.
“Wala pong panginoon ang panulat.” ang kanyang wika, bago ngumiti saka nagpatuloy. “Puso po ang may panginoon. Ang panginoon po ng puso ko'y si Meding.” At nagtawanan na lamang ang lahat.