DAHILAN LAMANG SA ISANG ALEHANDRIYA
Ni Alberto Segismundo Cruz
Liwayway Disyembre, 1948
Pinatunayan sa akdang ito na ang puso ay katulad ng isang bulaklak na ang halimuyak nito ang piping tagapagpahayag ng pag-ibig. Lalong matapat ang pag-big na hindi mabigkas o maisulat.
Kailan lamang ay nagpasiya na si Dr. Isauro Menandre na magpasukat ng salamin. Napaghalatang niyang sadyang malaki na ang inihina ng kanyang mata. Sa palagay niya, kung magpapatuloy siya sa ginagawang pananaliksik sa kaharian ng mga bulaklak, sa loob lamang ng isang taon ay kailangan na ang mataas na grado ng salamin upang masuri niyang mabuti ang mga katangian at taglay na lihim ng mga bulaklak, lalo na ang bagong palahing orkideas na kakulay ng bughaw na langit, nguni’t anaki’y nag-iingat ng kulay na kayamanan ng ating tsampaka sa kanyang pinakabuod.
“Talagang matanda na yata ako!” ang naibulong sa sarili, matapos na bawiin ang tingin sa mga bu!aklak at kasangkapan sa pananaliksik sa hapag ng kanyang maliit na laboratoryo.
Nguni't si Dr. Menandre ay nadaraig lamang ng isang lihim na damdaming iniingatan niya sa puso, may ilang taon na ang nakalipas. Hindi pa siya matanda.Kailan lamang siya tumuntong sa kanyang ika-40 taong gulang, na sang-ayon sa mga paham sa Kanluran ay siyang gulang ng pagsisimula sa buhay.
Isang doktor siya o paham sa mga halaman, nguni't naging pensiyonado ng pamahalaan at nagpadalubhasa pa sa mga bulaklak. Utang sa kanya ang pagkakabukas ng mga himpilang saklaw ng kawanihan sa paghahalaman na bukod sa may mga “nurseries” ay may palahian pa ng bulaklak. Nasa kanyang utak ang boong kasaysayan, ipaghalimbawa, ng ating sampagita, na ang binhi'y nanggaling, diumano, sa Indya hanggang sa ito ay naging karapatdapat na mahirang na sagisag ng lahi.
Anupa't kung wala lamang salamin sa mata si Dr. Menandre at sisiglahan nang kaunti ang kanyang katawan at isusuut ang mga naitago niyang damit bago nagkaadigma, sadyang mapapatanghal ang katotohanan na siya'y magandang lalaki, makisig ang tindig, bahagyang kulot ang buhok at kaakit-akit ang mukha, lalo na’t nagsasalita at kumukumpas.
Nguni't paano mapapabilad ang tunay na katauhan niya sa siya namang talaga ang nagpabaya, lalo na kung nakukunsumi sa kanyang klase at naririnig pa ang pabulong na wika ng ilang co-ed sa harap ng kanyang hapag naumanoy. . . tuyot na tuyot ang kanyang subject.
“Sus!” ani Minang, “nakasusuya ang ating propesor. Nakapag-aantok!”
“Isipin mo na lang ay sadyang masisindak ka,” pangalawa naman ni Itang, “magpanayam ba naman sa loob ng isang oras na walang paksa kundi ang ‘orkideas’ na lahat ng bahagi buhat sa talulot hanggang ubod ay isiniwalat ng kanyang mga kadaldalang sang-ayon sa kanya'y nasasak!aw ng mga lihim at hiwaga.
“Kailangan nga lamang natin ang kanyang subject. Kung hindi’y. . . bahala na,” katlo naman ni Cely.
Ang usap-usapang iyan ay umabot din sa pandinig ni Propesor Menandre. May nagpahatid ng patalastas.
Sapagka't iyan ang tungkulin at ikinabubuhay ni Pronesor Menandre, kaya't nakikipaglaban sa silakbo ng kanyang kalooban at sa paghihimagsik ng kanyang damdamin.
Sa maghapon, ang kanyang daigdig na nagagalawan ay ang klase, ang kampus ng Unibersidad niyang pinagtuturuan, ang laboratoryo at saka ang maliit na restauran na hindi kalayuan sa isang dormitoryo ng mga dalagang nagsisipag-aral.
Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, nakatakda sa orasan, sa umulan o umaraw, makikita si Propesor Menandre sa alin man sa nasabing panig ng kanyang daigdig, nakatungo ang ulo, mandi'y kinakausap ang magkabilang tabas ng damo sa katumangging landas at waring binibilang ang mga hakbang na nalalabi pa upang siya’y makarating sa kanyang patutunguhan.
Isang hapon ng kaaya-ayang Nobyembre, ano ba't sa paglikung-pagliko niya sa landas na patungo ng restauran ay muntik na niyang mabundol ang isang bahagi ng kalangitan, ayon din sa kanyang mga pangungusap nang ipagtapat na niya ang kanyang damdamin sa dakong huli.
“Ipagpatawad ninyo,” ang nasabi ni Dr. Menandre. “Wala akong ingat. Napinsala ko pati ang maganda't sariwang alehandriya sa inyong dibdib.”
“Ako nga yata, ginoo, ang nakapinsala sa inyo,” anang mataginting na tinig ng nagsalitang anak ni Eba, saka ngumiti. “Naalis pati ang inyong salamin!”
“Ah, mabuti nga po ang nangyari. . . at naranasan ko naman ang tumingin nang walang salamin sa mata!” magiliw na tugon ng propesor.
Natawa nang may kalakasan ang dilag, at bumaling na sa dako ng kanyang patutunguhan, nang walang anu-ano ay narinig niya ang wika ng lalaking nakasalubong niya:
“Binibini, napakaganda ng inyong alehandriya! Kung hindi ako nagkakamali, iyan ay di pangkaraniwan. Maaari bagang ipagkaloob na sa akin iyan sa kapakanan ng pananaliksik?”
“Kayo pala'y. . .” patakang wika ng dilag, kahi’t po ba nalagas na ang ilang talulot!”
“Kahi't na po. . . malaki po ang pakikinabangan ng aking mga tinuturuan sa bagong uring ito ng alehandriya!” pagtatapat ng propesor.
“Iyon po pala lamang. . .” at aalisin na ng dilag sa kanyang dibdib ang bulaklak, nguni’t humadlang ang propesor.
“Ipahintulot sana ninyong ako na ang mag-alis at nang hindi na kayo maabala pa,” ang magiliw na handog ng propesor.
Napangiti ang dilag. Dtapuwa’t hindi siya tumutol.
At, ang mga daliri ni Propesor Menandre ang nag-alis sa bulaklak na nasa dibdib ng dalaga. Noon niya nalanghap ang halimuyak na kalian man ay hindi niya nasasamyo pa sa boong buhay niya. Higit pa sa pabango ng alin mang bulaklak na nagdaan sa kanyang pagsusuri. Higit sa halimuyak ng mga bulaklak-gubat, kung napapasabay sa pagkahinog ng mga uhay ng palay. At siya’y napatingin sa mukhang iyon, sa mga matang iyong may nakatagong bituin saka, sa leeg na iyong may gilit-gilit pa.
“Maraming Salamat sa inyo,” ang sa wakas ay kanyang nawika.
Napangiti lamang ang pinagpasalamatan at yumao na. . .
Nakaraan ang isang linggo. Sa loob ng isang linggo pa, si Propesor Menandre ay pinagtatakhan, lalo na ng kanyang mga tinuturuan. Naalis na ang salamin sa mata, naalis na rin ang pantalong kaki at polo shirt, at sa halip niyan, ay napalit ang isang bagong maginoo sa makisig na kasuutan. Saka ang hinangaan ng kanyang mga tinuturuan, lalo na ng mga coed ay ang maayos na pagkakasuklay ng buhok na walang iniwan sa isang idolo sa aninong gumagalaw.
“Magandang palang lalaki ang ating propesor!” ani Ninay.
“Makisig magdamit!” ani Minang na pumangalawa sa sinabi ng kaibigan.
“Daig pa ng ating propesor ang dadalwampuing-taong binata!” katlo naman ni Cely.
“Sabihin mong nakakahawig pala siya ni John Wayne!” ang pahayag naman ni Itang.
Noon ay nasa kampus na sila, at katatapos pa lamang ng kanilang klase, kaya’t sila’y malayang-malaya sa pagsasalitaan. Sa katotohanan, sila’y nabibighani sa kanilang guro, at ang pagkasuya noong araw ay biglang napalitan ng pagmamahal.
Araw-araw ay napupuna ng boong klase na nagbabago ng terno si Propesor Menandre. Araw-araw rin ay napupuna naman ng guro na nagiging mabait at mapagsumakit ang kanyang mga tinuturuan. Sa katotohanan ay may ilang coeds na lihim at hayagang nag-aanyaya sa kanya sa pagtitipon at sayawan ng mga nag-aaral. Nguni’t magiliw ang pagtanggi niya. . . lubhang magiliw.
“Huwag. . . kailangang matapos muna kayo ng inyong kurso saka ko kayo aanyayahan, kung ako’y magiging marapat!” ang lagi niyang naisasagot.
Parang pinagtitiyap na talaga ng Tadhana, sa landas ding pinagsalubungan nila ay nagkakita uli si Propesor Menandre at ang dilag na nakapagpabago sa kanyang pangitain sa buhay.
Iyon na ang ikaapat o ikalima nilang pagtatagpo nang di sinasadya.
“Huwag na nga ninyo akong tawagin ng Miss Campo-amor. Seni na lamang ay masisiyahan na ako!” At ngumiti ang dilag na parang nag-akyat sa langit sa paham ng mga bulaklak.
“Kung gayon, itulot mo, Seni na tawagin mo na lamg akong si Isauro.”
“Isauro!”
“Seni!”
At, ang dalawang magkakilala nang di sinasadya ay nagging matalik na magkaibigan hanggang sa mabatid ni Propesor Menandre na si Seni pala’y pinsan ng isang dilag niyang tinuturuan, ni Nydia Campo-amor.
Nagsimula sila sa pampalamig; nang sumunod na pagkakataon ay nagsalo na sila sa meryenda! Pagkatapos, ay nagkasama na sila sa Fiesta Pavillion. At, nitong huli, ayon sa ilang karapat-dapat sa paniniwala, ang dalawa’y nakitang magkasabay nang lumalangoy sa baybayin ng Palanyag.
At, ang lihim na dati’y nagging hayag nang lihim.
Sa isang malaking sayawan ng mga propesor, guro, at ng mga magtatapos, ang lahat ng mga mata’y napatitig at humanga kay Propesor Menandre at sa dilag niyang kasayaw. Sa pagkakataong yaon ay kay daming coeds na naghimutok nang di sinasadya.
“Talagang nagsisimula ang buhay sa ika-40 taong gulang!” anang dekano ng isang kolehiyo sa isang kapiling na propesora.
“Natagpuan ni Propesor Menandre ang hinahanap niyang uri ng bulaklak sa kanyang buhay!” tugon ng propesora, kasabay ng ngiting makahulugan.
“Sa kanyang takdang panahon upang umibig at ibigin,” tapos ng dekano.
Nagdaan pa ang ilang araw, ilang araw na lubhang masaya’t maligaya sa buhay ng umiibig at iniibig.
Napag-isa na naman ang dalawang alagad ni Kupido.
“Saan naroon ang aking natatanging alehandriya?” tanong ni Seni kay Isauro. “Akala ko ba’y mararagdagan iyan sa mga bago mong tuklas na bulaklak, sapagka’t bagong uri ng alehandriya.”
“Bakit mo nalalaman, Seni?” ang patakang tanong ni Isauro na pinamulahan ng mukha.
“Sapagka’t kalian man ay hindi napapasok iyan sa iyong laboratory at ni hindi mo man nabanggit sa iyong klase!” paliwanag ni Seni.
“Si Nydia ang may patalastas sa iyo!” tugon ni Isauro.
“Huwag mong ilahok si Nydia sa iyong kasinungalingan!” ang paratang ni Seni, na nakangiti nang magiliw.
“Nagsinungaling ako sa iyo, Seni,” pagtatapat ni Isauro, “nguni’t kunin mo ang ipinagkaloob ko sa iyong nobela noong kaarawan mo, at sa dahon bilang 125 ay nakaipit ang alehandriyang iyan, bilang pananda ng aking inuulit na pahayag sa iyo sa lahat ng sandali, naririnig mo man o hindi.”
“Makikita ko ang katotohan!” wika ng dilag, at pumanhik si Seni sa bahay upang kunin ssa maliit niyang aklatan ang kathambuhay, ang nobelang handog ni Isauro sa kanyang kaarawan.
Noon ay nasa gitna ng bulaklakan si Isauro. Mahy malaking hardin sa Singgalong ang mag-anak nina Seni. Sa katotohanan ay isang floricultor din ang kanyang ama.
Nang manaog si Seni ay para namang napaharap si Isauro sa isang bahagi ng kalangitan.
“Tunay,” ani Seni na lugod na lugod. “Nguni’t ulitin mo sana ang iyong tinandaang titik sa nobela.
At tumingala sa langit si Isauro, minasid ang kaakitakit na mukha ng kanyang paraluman, bago binigkas nang boong pag-ibig ang ganitong mga pangungusap:
“Ang bulaklak ay puso ng Katalagahan. Ang kanyang halimuyak ay piping pagpapahayag ng pag-ibig. At ang pag-big ay lalong matapat at dakila kung hindi mabigkas o maisulat sa mga talata. . .”
Alagad Ng Sining
Maikling kuwento ni Alberto Segismundo Cruz
Ang umawit nang walang kalungkutan ay katimbang ng umibig sa isang babae na walang iniingatang hiyas kundi ang kagandahan.
Ito ang nasa isip ni Mirto Duval, sa tuwing ipinagugunita sa kanya ng kanyang matatalik na kaibigan na kailangan siyang magbago ng himig sa pag-awit sa klub at sa mga tanging pagtitipong panglipunan o pambayan man.
-- Panay na ballad at blues naman ang naririnig sa iyo, -- anang manager ng Club Pintoresco.
-- Baguhin mo naman ang tunguhin ng iyong himig, hijo; sa katotohana’y kaya mo naman ang lahat mula sa aria ng opera hanggang sa mga notang nakapagpapasigla ng puso’t nakapagpapalimot ng mga dalamhati sa buhay. . .
Nguniti lamang si Mirto at makaraan ang gabing yao’y tinapos na niya ang kasunduan sa nasabing bantog na klub.
-- Baliw na bata! -- anang manager. -- Nang mabatid ni Luisa na ikaw’y lilisan gayon na lamang ang kanyang dalamhati. Alam kong hindi ka tinitibukan ng pag-ibig kay Luisa; isa lamang siyang karaniwang mang-aawit na napabantog katulad din ng iba pa; datapuwa’t kay Luisa ay marami ang humahanga: Pinakamanganda sa tunay na kahulugan ng pangungusap. –
Napailing lamang ang binatang kompositor at musiko! Sa loob niya’y parang may nagsasalita: “Kung nang nasa Roma’t Paris pa ako ay hindi nabaliw sa kagandahan, dito pa kaya mabaliw sa sariling bayan?”
Walang nagawa ang mayamang may-ari’t tuwirang nangangasiwa sa bantog na klub, kundi ang ipagkaloob ang pabuya kay Mirto, alinsunod sa batas, sapagka’t tahasang sinabi ng binatang mang-aawit na hindi mabibili ang kanyang pag-ibig sa sining – sa sining sa paglikha ng tugtugi’t pag-awit alinsunod sa kayang damdamin. “Malaya ang sinumang kritiko na pumuna sa akin,” nasa isip ng binata, “datapuwa’t malaya naman ako sa sarili kong pagnanais at sa tunay na itinitibok ng aking puso.”
Nang mabalitaan ng ibang may-ari ng klub at ng ilang empresario na si Mirto Duval ay lumisan sa Pintoresco ay nagsisulat agad dito at nagsipag-alok ng kani-kanilang “kasunduan sa paglilingkod”, na lalong malaki ang pabuya kaysa huling pinaglingkuran ng binatang kompositor at mang-aawit.
Datapuwa’t si Mirto’y nagpasiyang huwag nang ipaalipin pa ang kanyang sining. Sa madaling sabi’y ayaw na niyang maghanap-buhay na may panginoon ang kanyang pagka-alagad ng sining. Kalayaan!. . . ang nais niya.
Ang mga magulang niya, na may sapat na kakayahan sa buhay at nakababatid ng ugali ng kanilang anay ay hindi pinakikialaman si Mirto. Dinarama lamang nila ang pangangailangan nito; at sa isang pinto ng apartment ng mga Duval sa isang purok ng Maynila’y ipinadadala ang lahat ng kailangan ng binata – buhat sa damit hanggang sa pagkain. Ang kailangang guguli’y ipinahahatid sa isang utusan, halos araw-araw.
Ang binatang kompositor at mang-aawit ay naging malaya sa pamamaraan niya sa buhay. Kung umaga’y nagsisimba; pagkatapos, ay nagpapasiyal kung saang-saang panig ng Maynila. Kung saan siya abutin ng tanghali’y doon na siya kumakain – kahi’t sa karinderya lamang. Pagkapananghali’y naghahanap ng malabay na puno ng kahoy, at sa lilim nito’y nagpapahinga; nagbabasa’t kung minsa’y nakakatulog pa. . .
May mga araw din naming naglulunoy sa Laguna de Lake ang binata; pagkatapos ay darako sa pasigan at kung sadyang may kainitan na ang araw ay lililim sa nakalaylay na kabatuhan upang buhat doo’y marinig ang huni ng mga maya’t pipit na nagsisiawit sa duklay ng kahoy sa katapat na kakahuyan. Kung dapit-hapon ay namamansing siya; at sinisinag sa malinaw na lawa ang nagsisipaghabulang isda, na magiging taguan wari ang mga lumot sa dakong ilalim.
Lahat ng nakakikilala sa kanya’t nakapapansin sa mga “lakad niya’t gawi’y nagsisipagsabi ng: “Baliw na tao iyan. May mabuting hanap-buhay ay umalis sa gawain at nagsa-Belibeth.”
“Talagang ganyan ang mga baliw, gumagawa nang hindi nababatid ang ginagawa. Akala’y tumpak ang tunguhin. Hindi napapansin ang gutom, ang hirap, ang karalitaan at ang nasasayang na panahon sa buhay! Si Mirto nama’y may matalas na tainga. Natatawa lamang sa sarili. Hindi siya namumuhi, sapagka’t naniniwala siyang walang talagang makawawatas sa loobin ng tunay na artista – ng tunay na alagad ng sining.
Nguni’t kung Sabado ay lalong nagiging ganap ang kanyang kaligayahan. Kung umaga, pagkasimba sa simbahan ng “Nuestra Señora de los Remedios” sa Malate’y naglalakad sa baybay-dagat, na parang sinusukat ang kahabaan ng kabatuhan hanggang sa likuran ng “Manila Hotel”. Malimit siyang maupo sa isang malaking batong-buhay; nakahilig nang bahagya ang katawan, at pinagmamalas sa malayo ang guhit-tagpuan. Kung palubog na ang araw ay aawit siya nang pabulong halos, na waring bumibigkas ng isang tulang-awit bilang pamamaalam sa naghihingalong araw. Saka siya sasandig na muli; ipipikit ang mga mata bago gugunitain ang kanyang nakalipas: Ang pamamasiyal niya sa isang panig ng daungan ng mga mangingisda sa Kowloon, na lubhang marami ang mga wari’y kaskong-tahanan ng mag-anak na Intsik; ang pagmamasid sa mga kalapati sa liwasang malapit sa Katedral ng San Pedro sa Roma; ang mga landas ng yelo sa kabundukan ng Alpes sa Swisa na ang nagsisipaglaro sa pamamagitan ng kanilang “skates” ay waring laging nagtutugisan sa pagbulusok sa bangin; saka ang paghanga niya’t waring pagbilang sa mga hanay ng mga bulaklak sa hardin at palaruan ng mga bata sa La Olanda; kaya, gaya rin naman ng kanyang paghanga’t pag-ibig sa pagtingala sa matayog na “Eiffel Tower” sa Paris,. . . ah!. . . ang lahat ng ito’t ang iba pang bagay ay hindi napaparam sa kanyang isip; at sa paggunita sa mga bagay na ito’y nagpapaugnay ang panonood niya ng opera, ng palabas-dula’t ng mga side-shows sa iba’t iba pang panig ng Europa.
Sa ibabaw ng lahat, ang hindi niya malimot ay ang kalayaan ng mga pintor, eskultor at mang-aawit sa mga lunsod ng sining. Waring walang orasan ang mga alagad na ito ng sining. Hindi nila alumana ang takbo ng mga sandal sa kanilang gawain; ang kapirasong ensaymada o ang isang kopitang pulang-alak, na pinakamaraming sangkap ay ang ubas ay sapat na wari sa kanilang tanghalian; datapuwa’t kung dapit-hapon na’t dumarating ang banal na sandali – ang alingawngaw ng angelus o ng oracion – ang lahat ay nakayuko sa lupa, nakaluhod saan mang panig ng lansangan at mataimtim na humihingi ng awa sa Maykapal, sa Ina ng Awa, sa langit.
Iyan ang kanilang buhay, kaya’t nang marinig naman niya ang tugtog ng oracion sa Ermita, kasabay ng pagliliwanag ng mga ilaw-dagitab, siya’y tumindig sa pagkakahilig sa kabatuhan, ipinihit ang mga paa, pabalik sa landas, tungo sa pook ng mga sasakyan at buhat dito’y kumuha ng isang taxi pauwi ng tahanan – sa pinto ng apartment, na ari ng mga magulang niya.
Sa bahay, sinindihan niya ang ilaw-dagitab upang makapaghalili ng damit. Pagkatapos, ay pinatay ito’t sinindihan naman ang isang munting lampara (sapagka’t ibig niya ang kulimlim, katulad ng pag-ibig niya sa takip-silim) saka binuksan nang boong pag-ibig ang radio set. Noo’y nakahanda na ang kanyang hamburger sandwich saka ang isang mansanas, saging na latundan, ang katas ng pinya, bago uminom nang kalahatian sa basong kristal na minamahal niya (sapagka’t galing pa sa Kopenhagen, Dinamarka).
. . . Saka siya humiga; ipinikit ang mga mata, bago binulay-bulay sa isip ang kanyang pinasimulan nang komposisyon. . . Parang tukso ng pagkakataon ay biglang narinig niya sa radio ang isang awit – tinig na habang lumalao’y napagkikilala niya kung kangino iyon.
Umaawit si Luisa sa klub niyang pinaglilingkuran: Parang may pinagpaparinggan. . . Waring may hinahanap. . . Tila may balisa. . . Mandi’y naghihintay, at . . . umaasa. . . umaasa. . . umiibig . . . umiibig. . . tinig ni Luisa (nagbago ng kanyang awitin!), awit ni Petula Clark sa labi ni Luisa!
-- Diyos ko, Luisa! . . . – Napabangon si Mirto; sumandig sa almohadon. Pinakinggang mabuti ang awit, ang “This is My Song”.
Sa ikalimang talata ng “lyric” ay boong lamyos at pag-ibig na ibinuhos ang kaluluwa ng mang-aawit, nang umabot na sa pandinig ng pinatutungkulan ang ganito:
Flowers are smiling bright
Sailing for our delight
Smiling so tenderly
For the world, you and me
I know why the world is smiling
Smiling so tenderly
Yet it’s the same story
Through all eternity. . .
At si Mirto’y napilitan nang bumaba sa katre.
-- Luisa, utang na loob. . .kung hindi ka maganda, kung wala ang hiyas na iyan sa katauhan, marahil, marahil ay iibigin kita. Hindi ako makapagtitiwala sa kagandahan lamang! Alam mo ako; kinakailangan kong makasalo sa ligaya’t makahati sa hilahil ang isang tunay na kinatawan ng sining. Paalam, Luisa! --
Pagkatapos ay tumindig si Mirto at pasugod na lumapit sa radio set. Pinihit ang patayan ng mekanismo at naparam ang tinig na nakaligalig sa binata! Sa ilang hakbang pa napagwari niyang dapat na siyang makatulog nang tuluyan. Hinipan ang munting dila ng apoy sa maliit na lampara. Noon di’y nagdilim ang munting daigdig ng baliw na artista. Ang artistang ayaw na paalipin sa dilag, sa salapi’t sa panahon.
DI MAKATITIG SA ARAW ANG MIRASOL
Kuwento ni Alberto Segismundo Cruz
"Namumugto na naman ang inyong mga mata, aling Teresa,” bating may himig pagpuna ni Aling Paula sa kasuno sa silid sa makabagong ampunan ng matatanda sa isang panig ng lunsod Quezon, matapos na sila’t ang iba pang kasamaha’y nakapag- agahan sa “dining hall” noong umagang yaon, na may kaalinsanganan kahit umulan nang tinalikdang gabi.
“Talaga pong mahirap ang lumuha nang wala nang iluluha,” pasang-ayong tugon ng binati. “Sa lahat po yata ng sugat ng puso ay sugat ng alaala ang hindi gumagaling kailan man. Maiba po ako,” dugtong pa, “namumula po yata ang inyong mga mata gayong hindi kayo napupuwing.”
“Ako man po kagabi ay pinukaw din ng mapapait na alalahanin,” pagtatapat ni Aling Paula sa kaisang-palad niya sa ampunan, sabay hagod ng dalawang palad sa baywang na waring dinadalaw ng rayuma.
Napuna ni Aling Teresa na may kabagalan sila sa pagkilos kaya nag-anyaya agad sa kasama na maglakad na sila upang mabanat ang kanilang kalamnan sa hita, binti’t paa. “Doon po tayo nakatakda sa paggawa ngayong umaga sa halamanan at bulaklakan,” sabay turo sa dakong silangan ng malawak na bakuran ng nasabing “institution”.
Sinikap ng dalawang matandang ampon na makahakbang nang matulin-tulin sa paglakad samantalang sila’y nag-uusap pa rin. “Mabuti po yatang alisan muna natin ng kulisap ang mga sanga at dahon ng mga halaman at bulaklak,” maagap na payo ni Aling Paula sa kasama, “pagkatapos ay makapagdidilig na tayo nang magkasabay,” dugtong pa.
Nakangiting tumango si Aling Teresa bago nag-ukol ng palagay sa kalagayan ng panahon. “Nakapagtataka po ang aring panahon ngayon. Gayong umulan kagabi ang alinsangan ay hindi nagbabawas. Palibhasa’y tigang na tigang ang lupa sa matinding init ng araw sa buong maghapon.”
“Talaga po naman,” katig ni Aling Paula.
Nang malapit na sila sa patutunguhan at katatakdaan sa paggawa, ang araw ay nakalaya nang ganap sa ulap at panginoring nagkukubli sa liwanag nito, simula nang magbukang-liwayway. Ang manaka-nakang simoy ng amihan ay nagpawasiwas sa kanilang buhok na nakapusod nang maluwag, at napalantad na marami nang hibla ng pilak. Sa kanilang halos ay magkasabay na hakbang, maliwanag na mapupuna ang pagkakaiba nila sa anyo, pangangatawan at kataasan. Si Aling Teresa’y humigit-kumulang sa limang talampakan at apat na pulgada ang taas, may kaputian, hawas ang mukha, na kababakasan ng kariktan noong kabataan, bagaman ay kulubot na ang noo; marahil ay dahilan sa mapapait na karanasan ng kanyang lumipas. May pagkabalingkinitan ang katawan na bagay sa kanyang malumanay na pagsasalita’t paglalakad na napagkaugalian na. Sa kabilang dako, si Aling Paula ay may katabaan, kayumangging kaligatan, may madilat na mga mata, na bagay naman sa kabilugan ng mukha, malakas magsalita at pabigla-bigla, kung minsan, datapuwa’t nakarating sa ikalawang taon ng “high school”; masigla ang katawan at kahit may katabaan ay matuling limakad. Sa gulang ay hindi na nagkakahulihan ang dalawa; maaaring sila’y nasa pagitan ng animnapu at animnapu’t limang taon na. Sa kanilang naging mapait na
karanasan, nadarama nila kapuwa na sila’y my pag-asa’t kaligayahan pang nalalabi; iya’y ipinaghihintay na nila sa pasiya ni Bathala. Mga busabos ng palad, na masasabi, ang dalawa’y humantong sa atas ng Tadhana’t kapalaran sa “Ampunan ng Matatanda”, sapagka’t sa katotohanan naman ay wala nang makalilingap pa sa kanila. Kung mayroon man silang kamag-anak at matatapat na kaibigan, sadyang hindi nila matatagpuan sa gayong katayuan ang tunay na kapayapaan man lamang ng kalooban.
Makaraan ang may dalawang oras na gawain sa halamanan at bulaklakin, ang batingaw sa punong-tanggapan ay umalingawngaw. Nabatid nila na sila’y makapagpapahingang pangsamantala sa loob ng apatnapung minuto upang makain ang kanilang baong “sandwiches” at “soft drinks” na kusang-loob na ipanamamahagi ng tagapangasiwa ng ampunan sa mga ampon na nakatakda sa ibat ibang gawain sa bakuran ng “institution”.
Naupo ang magkaibigan sa isang sadyang bangko na may pinturang luntian sa lilim ng isang malagang puno ng kaymito. Doon na sila kumain at nagpalamig. Ipinagpatuloy nila sa pagkakaton ang kanilang pag-uusap sapagka’t sa pamamaraang iyon lamang mapatitinghaw-tinghaw nila ang simbuyo ng sama ng loob at ang kirot ng sugat ng alaalang sa manaka-nakay nagdudulot pa rin sa kanilang puso ng matinding dalamhati,
“Wala na po ba tayong gagawin dito kundi ang lumuha na lamang, maliban sa paggawa,” pansin ni Aling Paula sa hindi nagbabagongk alagayan nila sa ampunan.
“Paano ko po malilimot, Aling Paula, ang aking asawa’t tanging anak na aktibista?” ang malumanay na tugon, na waring pagbubukas ng isang aklat ng talambuhay na ang mga dahon ay tigmak ng luha.
Napisil ni Aling Paula ang kanang kamay ng kasama.
“Masaya’t maligaya ang aming tahanan,” patuloy ni Aling Teresa. Isang “accountant” sa isang bahay-kalakal ang aking asawa, mayroon kaming sariling kotse. Nguni’t pinutol ni Bathala ang kanyang buhay.”
“Ano po ang naging karamdaman ng inyong tao?” Usisa ni Aling Paula na lipos ng pananabik.
“Kanser, ang pumuti po sa kanyang buhay,” ang may damdaming tugon ni Aling Teresa. “Lahat ng aming naitago sa banko, ang aking mga hiyas at iba pang mahahalagang kagamitang pambahay ay naitustos ko na sa aking asawa, gumaling lamang siya; datapuwa’t minarapat din po ng Diyos na kunin siya sa aming tahanan.”
“Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa!” nasabi ni Aling Paula, na ang mga mata’y nakatitig sa langit, samantalang nagku-kurus.
“Nguni’t hindi po iyan ang lalong matinding dagok ng kapalarang umabot sa akin,” habol pa ng nagsasalaysay na ibig mapaluwag ang nagsisikip na dibdib, “ang anak ko, si Andres, na minarapat na pabinyagan sa gayong pangalan ng aking kabiyak ng dibdib sa paghanga at pamimitagan sa alaala ni Andres Bonifacio, ay napatigil sa kanyang pag-aaral sa pamantasan. Wala na po akong itustos sa kanya; at sa kanyang ikalabingwalong kaarawan ay nagpasiyang maghanap-buhay, bilang kapalit ng kanyang yumaong ama. “Ako po’y maghahanap-buhay, mama. Huwag kayong mag-alaala,” sabi ni Andy (palayaw ni Andres). “Sa gabi po’y makapagpapatuloy din ako ng pag-aaral.” Nalugod ako sa pasiya ng aking tanging anak, at narama ko ang bahagyang pagngiti ng pag-asa sa aming tagbising kabuhayan.”
“Mabait na bata,” biglang namutawi sa labi ng nakikinig na Aling Paula.
“Sa kabila po ng pasiyang iyan, na natupad naman,” patuloy ni Aling Teresa, “ay inabot ko ang lalong masakit na yugto ng aking buhay. Naging lider po ng mapupusok na kabataan si Andres, sapagka’t ang anak ko po’y matalino – “isang honor student” – simula nang siya’y nasa mababa pang paaralan; ‘pogi’ po, ang sabi ng marami, mabuting magtalumpati at lalong magaling na sumulat. Datapuwa’t may kainitan po ang ulo, at sa dahilang siya’y isa ring “athelete”, hindi po maaaring ipahagis ng gayon na lamang ang karapatan at katuwiran.”
“Nagkasakit din po ba ng mabigat at biglaan ang inyong anak?”
“Hindi po,” tugon ng nagsasalaysay, “sa isa pong pamamahayag o “demonstration” ang anak ko pong si Andres, pagkatapos na makapagtalumpati sa harap ng isang gusali ng pamahalaan, laban sa pamamaraan ng gobyerno sa mabilis na pag-ilit sa mga bukirin sanhi sa hindi pagbabayad ng buwis na tumataas. . . ay may bumato! Nagkagulo po ang maraming estudyante at manggagawang kasama sa pamamahayag. Kapagdaka’y nagsilapit ang mga alagad ng batas, na kasama na ang isang pangkat ng hukbo. Ang maraming kabataan ay napilitang lumaban, kaya’t nagkaroon po ng putukan. Nang mahawi na ang usok, isa sa inabot ng diumano’y punglong-ligaw ay ang aking anak!” sabay hagulgol ng nagsasalaysay.
“Diyos na maawain,” nasambit ni Aling Paula at biglang nayapos ang kaibigan
“Katarungan! Hustisya! Nanambitan po ako’t sumisigaw at sa habag sa akin ng aking ilang kamag-anakan at kaibigan ng nasawi kong ana nerbyos. Isa ko pong pinsan ang nag-alok na ako’y kukupkupin niya, datapuwa’t nagpasalamat po ako, kasabay ng pagtanggi, sapagka’t mahirap po ang makisama sapagka’t siya’y may asawa na’t mga anak. Kaya dito po ako humantong.” . . .
“Aling Paula, bakit naman kayo lumuluha?” Biglang usisa ng nagsasalaysay nang napuna na ang kinukuwentuhan halos ay manambitan sa narinig.
“Nagsisikip po ang aking dibdib. Ipakikuha na lamang ninyo ako ng tubig sa gripo.”
Patakbong kumuha ng tubig si Aling Teresa at patakbo ring nagbalik. Tinulungang makainom si Aling Paula.
“Nabanggit ninyo ang ligaw na punglo,” patuloy ni Aling Paula na nakahinga na nang maluwag. “Iyan po ang pumuti rin sa buhay ng aking masipag at mabait na asawang si Kando.”
“Ano po ang nangyari sa inyong asawa?” Usisa naman ni Aling Teresa.
“Ang asawa ko pong si Kando, Nicandro ang tunay na pangalan, ay kapatas ng isang pangkat ng mga estibedor sa pier. Noon po’y nagbubuhat sila ng mga inangkat na bigas buhat, diumano, sa Thailand. May “overtime” po nang sinundang Sabado noon, dahilan sa ayaw nang paabutan sap ag-uulan ang mga sako ng bigas na dumating upang ipinaklolo, diumano, sa mga binagyo sa Kabisayaan at sa ilang panig ng Luzon. Nakaalis na po nang magmamadaling-araw ang marami sa mga nagbubuhat, kaya minarapat ni Kando na tapusin ang kanyang ulat sa mga naibaba, nguni’t napinsalang mga sako. Nasa ganito pong gawain ang aking asawa nang walang anu-ano’y may pumutok na riple; at nang magkatuusan, ay natagpuang nakabulagta ang kahabag-habag kong asawa.” Napahagulgol ang nagsasalaysay.
“Ano po ang nagawang masama ng aking asawa?” Nakatingala sa langit sa pagpapahayag, “Wala! Kundi tumupad lamang ng tungkulin, datapuwa’t lumitaw na naghahanda ng paraan upang, diumano’y maipuslit, ang isang sakong bigas. . .
“Nguni’t nasa gawain po siya,” pahayag ni Aling Teresa.
“Iyan nga po ang nakapaghihilakbot!” sambit naman ng nagsasalaysay. Nasa tungkulin ay lumitaw na magnanakaw o mamumuslit.”
“Hindi po ba nausig ang bumaril?” usisa pa ni Aling Teresa.
“Dumating nga po sa hukuman ang “security guard”, na pinaratangang pumatay,” patuloy ni Aling Paula. “Datapuwa’t naiba na poa ng istorya. Sa pahayag po ng “security guard” napalitaw na may, nang nagdaang gabi, bago nangyari ang pagkakabaril, nahuli siyang naghahanda sa pagpupuslit ng isang sako ng bigas, sa gayong anyo at pamamaraan. Kaya, pinaputukan niya ang sako upang madakip ang pinaghihinalaan. Sa kasamaang-palad ay talagang tumama ang punglo sa aking asawa, na diumano’y hindi sinasadyang pagbaril. Sa habag sa akin ng samahan ng mga estibedor ay naabuluyan ako ng ilang libong piso, datapuwa’t hindi po ako nakatira sa aking mga anak, dalawang babae at dalawang lalaki, na paraparaan namang may mga bunso at kamag-anak pang pinakakain. Kaya, ako na rin ang dumulog sa mga kinauukulan. . . at, sa wakas, ay narito na nga ako. . .
Niyapos ni Aling Teresa si Aling Paula; at gayon din ang itinugon ng huli sa una. Kapwa sila humagulgol na parang mga musmos. Sa wakas, sila na rin ang nagpahiran ng luha. Nangamumugto ang kanilang mga mata.
Ilang sandal pa’y nagunita ang kanilang dapat na ipagpatuloy na gawain, kaya’t ang dalawang matandang babae ay nagpilit na ngumiti, saka lumakad na; sa pagkakataong ito’y tuwiran nang binagtas ang isang bahagi ng sasakupin pang bakuran ng ampunan, datapuwa’t hindi pa nabubungkal. Sa katunayan ay naggugubat na roon ang iba’t ibang uri ng halaman, hindi napuputulang damo, talahib at napasingit na mga mirasol.
“Lalong malapit na magdaan dito sa gawi ng mga mirasol,” sabi ni Aling Teresa. “Hayun ang poso-artesiano, makapagdidilig na tayo agad at makasusulit na tayo sa ating gawain bago mananghali.
“Nabalam tayo sa ating pagbabalik,” tugon ni Aling Paula. “Nguni’t ngayon ko lamang napuna’t napansing mabuti ang maririkit na mirasol na ito! Panumbalik na pansin sa napasingit na mga mirasol sa mga ligaw na bulaklak na natgpuan.
“Lumilitaw na ang hindi nabubungkal at masukal na panig sy siya pang may kaakit-akit na mga bulaklak,” pahayag na may pagtataka ni Aling Teresa.
“Hiwaga ng Katalagahan!” tugong malaman ni Aling Paula.
“Katimbang ng hiwaga ng buhay!” pahayag naman ni Aling Teresa na wari’y may ibig na ipahiwatig sa lalong tumpak na kahulugan sa paksa na kanilang pinag-uusapan. “At ang napapansin ko ay ang mirasol sa gitna ng mga ligaw na bulaklak din sa turing. . . at ang mga mirasol ay nangakayuko na ang mga talulot. . .” (tumigil sandali sa pagsasalita) “At mga bulaklak na mandi’y nakikiramay sa ating palad. Sa tingin ko’y hindi na makatitig mandin sa mukha ng araw.”
“Tila po totoo ang inyong pansin,” palki ni Aling Paula. Nakayuko na ang mga mirasol. Nakikidalamhati kaya sa ating palad pati ang mga bulaklak na walang puso?”. . .
Magkasabay na nangiti ang dalawang matandang babaeng ampon, saglit na nagkatitigan, bago ipinagpatuloy ang paglakad na tuwiran sa pagsalok ng tubig sa poso-artesiano sa tulong ng mga latang pandilig na nangakahanda na roon. . .

“Namumugto na naman ang inyong mga mata, aling Teresa,” bating may himig pagpuna ni Aling Paula sa kasuno sa silid sa makabagong ampunan ng matatanda sa isang panig ng lunsod Quezon, matapos na sila’t ang iba pang kasamaha’y nakapag- agahan sa “dining hall” noong umagang yaon, na may kaalinsanganan kahit umulan nang tinalikdang gabi.