Isang linggo nang magkasama ang dating magkaeskwela sa high school. Galing sa Paris ang isa; ang isa naman ay galing sa San Jose del Monte at sa Pilipinas na tumanda. Magkabarkada sila sa high school at may magkatulad na pagkabata. Kapuwa sila mahirap at may extra baggage. Tatlumpung taon ang lumipas, naging napakalawak ang pagkakaiba ng kanilang mundo.
Nasa restaurant sila. Pagkahatid ng waiter sa mesa ng isang pulutan.
"Lagniappe!"
"Ano na namang kaburatan iyan. Pa lagniappe lagniappe ka pa. Gusto mong mapilipit ang dila ko. Saang tribu ba galing ang lagniappe? Sabihin mo na l'ang pulutan."
"You have no idea."
"Bilib na ako sa 'yo. Highfalutin ka, ratbu; pero tigilan mo na nga ang pa impress. Mabaho din ang utot mo."
"The most certain things in life are uncertainties."
"Kaya?..."
"Ako, isang bakla, iisipin mo bang magiging linguist at word whiz? Very uncertain. Pero nangyari. Heto ako, bigger than life."
"Saang ilog mo ba hinahalukay ang mga salita?"
"I'm an angler for words. A digger of precious stones."
"Multi-lingual ka ba, wide reader, mahusay sa scrabble, world traveller; o supot ka lang na hambog?"
"All of the above. By the way, hindi ako supot. Nagpa sex reconstruction na ako."
"Noong isang araw, ang suot ng babae, sabi mo 'risque'. Gusto na kitang sungangain, buti na lang napigilan ko ang sarili ko. Iyon pala gusto mo l'ang sabihin na iskanadalosa ang damit ng ale.
"Ang mga salitang binibitawan mo, nakapagdudugo ng ilong.
"Magaling ang memorya ko. Sabi mo, cri de coeur. Wagyu. Douchebag. Furnomenon. Doppelganger. Chutzpah! Pag kasama kita, kailangan may baon akong diksyunaryo."
"Pareho tayo bakla, di ba? So, makakarelate ka... Noong nasa high school tayo, binu-bully tayo ng lahat ng tao. Itinatago natin ang pagkabakla pero hindi successful. Kaya't tayo'y ginagaya, pinagtatawanan, at hinihipuan pa sa puwit.
"Sa bahay, ganoon din. Ang almusal, tanghalian, at hapunan ay sermon mula sa tatay. Ibig niyang maging lalaki ang anak na ang puso at kaluluwa ay babae.
"Salamat sa nanay. Inibig niya ako kahi't bakla. Kung kami lamang ang nasa bahay, okay na mag lipstick ako, magsuot ng bestida, isuot ang kanyang high heels, at ako'y magsayaw-sayaw.
"Ipinangako ko sa aking nanay na ako ay magiging mahusay na tao at magtatagumpay sa buhay. Ako'y ipagmamalaki ng aking nanay at tatay!
"Dahil sa kahirapan, hindi ako nakapasok sa kolehiyo; Nag waiter ako sa Hotel Continental. Doon ko nakilala si Francois. Guest ng hotel. Nagustuhan niya ang service ko at nakagaangan niya ako ng loob.
"Naging penpals kami ni Francois. Minsan ay sinabi niya sa sulat na matutulungan niya akong makakuha ng visa patungong France. Kung interesado daw ako.
"Ako pa? Eh di, oo kaagad.
"To cut the story short, nakuha ko ang visa, nagpadala ng airline ticket ang Francois, at parang panaginip, parang isang kisap-mata lamang, ako'y nasa alapaap na sakay ng isang Air France.
"Iyak nang iyak ang nanay ko. Bakit ko daw siya iiwan gayong ako lamang ang kanyang nag-iisang anak. Ayaw ipakita ng tatay ko, pero alam ko na napaiyak din siya, nang ako'y di nakatingin.
"'Au revoir' Filipinas!", sabi ko.
"O, ano, are you flummoxed by my fortuitous cinderella story? Itutuloy ko ba?"
"Sige, very interesting. Minimize mo l'ang iyong mga malalalim na salita."
"Obrigado. Doon ako tumira sa bahay ni Francois. Ang tatay pala niya ay may mataas na katungkulan sa pamahalaan. Mayaman sila. At si Francois ay grand couture - fashion designer - sa Ungaro.
"Hindi halata. Silahis si Francois. Kalahating babae, kalahating lalaki. Isang araw ipinagtapat niya na may interes siya sa akin at kung papayag ako ay magiging magsyota kami.
"Diyos ko, 'day. Gusto kong himatayin. Sa bait at sa guwapo ni Francois, paano ako magpapakipot pa? I could not be otiose. Oo kaagad."
"Ay naku, mapapaiyak yata ako sa istorya mo, sis. Saka pasensya ka na, rough ako sa iyo. Akala ko ikaw pa rin ang mahirap at low class na bakla, katulad ko, na noon ay kasakasama ko sa araw-araw.
"Wala akong ganyang success story. Wala pa rin akong datong. Isang kahig isang tuka pa rin. Alalay ng isang baklang director sa pelikula. Walang pinag-aralan. Pinagtampuhan ng tadhana."
"Kalamayin mo ang loob mo. Life is a mixed bag. I feel empathy for you. I'm not one who will gloat over your tragedy. Wala akong feeling na schadenfreudes.
"Anyway, sa tulong ni Francois ay naging jewelry designer ako. Nag design ako ng mga pulseras at kuwintas na ethnic ang itsura. Nagsabit ako ng mga boracay shells, colored stones, pira-pirasong kawayan at kamagong sa mga jewelry. Kwela, sis; putok! Naloka ang mga babae sa France.
"Ngayon, ang brand name na Joseh Tagulaylay, ako, ay mamahaling jewelry brand sa France at Europe.
"Nang dumating ako sa France, wala akong alam. Pilipit ang dila ko. Ang suwerte ko ay matalas ang aking tenga. Pag may narinig ako, natatandaan ko. Hindi nalilimutan.
"Iyon. Para akong tape recorder. Itini tape sa memorya ang naririnig at pagkatapos ay ni re replay. Panood ako ng sine, ng tv, pakinig sa radyo, pakinig sa mga usapan. Ngayon ako'y mahaderang bakla na magaling sa French, German, at English."
"Maiba ako, ano ba ang kakainin natin? Lagniappe lamang ba?"
"Absolutely not. I ordered foie gras and we will wash it down with vintage pinot gris."
"Ay naku, mare, hanggang kwek-kwek l'ang ako at Ginebra. Pasensya ka na."
"May sorpresa ako sa 'yo. Isasama kita sa Francia. Ikaw ang aking magiging super alalay.
"Ang masasabi ko sa iyo: 'A vaillant coeur rien d'impossible.' Walang imposible sa malakas ang loob."
"Talagang maiiyak na ako. Sa tuwa. 'Atsi' na ang itatawag ko sa iyo mula ngayon."
"Take a deep breath and dispel your agita. Don't worry."
"Balbaleg ya salamat!."
"Ano iyon?"
"Maraming salamat sa Panggalatok."