Pasko Ng Apat Na Ordinaryong Tao
Kuwento ni Percival Campoamor Cruz
1.
Sapatero si Salvador. Nang mahal pa ang halaga ng sapatos, malakas ang kanyang negosyo. Ngayon ang mga sapatos ay gawa na ng makina. Galing sa Tsina. Napakamura na. Nagsara ang pinapasukan niyang gawaan ng sapatos sa Marikina at ngayon ay taga-ayos na lamang siya ng mga luma at nasirang sapatos. Iyong napudpud ang takong o lumawit ang suelas o napunit ang tahi.
Noong kasagsagan ng hanapbuhay, malakas ang kita ni Salvador. Iyon lamang sapatos na ginawa niya para kay Imelda Marcos, hindi niya mabilang.
Pasko ang panahon ng pagbili ng mga sapatos, lalo na ang mga sapatos na pambata. Naging kaugalian ng mga magulang na ang mga anak ay bihisan ng maganda sa araw ng Pasko. Ang sapatos ay kabilang sa mga bagong kagamitan o kasuotan na ibinibigay sa mga anak sa nasabing pinakamahalaga at pinakamasayang pagdiriwang ng taon.
Noong araw na wala pa ang MRT sa ibabaw ng Avenida Rizal, ang kalyeng iyon at ang Echague ang katatagpuan ng mga naglalakihang department stores na nagtitinda ng sapatos. Pinakasikat sa kanila ang Good Earth Emporium at ShoeMart; oo, may ShoeMart na noon.
Akay-akay ang mga maliliit na bata, ang mga magulang ay lakad sa Avenida Rizal, pinapasok isa-isa ang mga tindahan, tinitingnan ang sapatos at naghahanap ng pinakamababang presyo. Katulad ng maraming bagay na binibili sa Filipinas, may tawaran sa pagbili ng sapatos. Kahi’t na piso lamang ang pinag-uusapan ay mahaba ang tawaran sapagka’t hindi madali ang pera; kahi’t na piso ay pinaghaharemonan.
Ang sapatos na ibinibili para sa mga bata ay mahaba, malaki kaysa paa nila. Ang katuwiran ay lumalaki ang paa. Kailangan ay hindi mapagkalakihan kaagad ang sapatos. Sayang ang pera.
Sikat noon ang sapatos na gawa ng Ang Tibay; at alam na ninyo ang dahilan. Kung sapatos na goma naman ay Elpo ang popular. Wala pa noong Nike at Adidas. Wala pa rin noong mall.
Ang kaisa-isang anak ni Salvador, pitong-taong gulang na lalaki, ay naghahanda sa pagdating ng Pasko. Katatapos lamang niya ng paggawa ng parol na hugis bituin at yari sa manipis na papel na kung tawagin ay papel de japon. Pag-uwi ng ama ay pagtutulungan nila ang pagsasabit nito sa bintana.
Taon-taon, ang dasal ng bata sa panahon ng Kapaskuhan, ay ipagkaloob sa kanya ng Santo Ninyo ang lakas at kalusugan na karaniwan ay angkin ng mga batang kaedad niya. Ang Pasko ay panahon ng pagbibigayan, ng pagkakamit ng pinapangarap. Hindi nawawala ang pag-asa sa puso ng anak ni Salvador.
Hindi maigawa o di kaya ay maibili ni Salvador ng sapatos ang anak. Hindi maaaring makapagsapatos ang anak, hindi siya nakalalakad. Siya’y pilay, putol ang mga paa sanhi ng isang sakuna.
2.
Nang dumating si Daniel sa buhay ng mag-asawang Ted at Mary, hindi siya mapalagay. Naninibago sa lugar at sa mga tao. Kamot siya nang kamot sa buong katawan at itsurang nayayamot.
Tatlong-taong-gulang si Daniel, katamtaman ang timbang, panot ang ulo. May mga sugat at pasa sa ulo. Nakatsinelas lamang at lumang-luma na ang kamisetang kasuotan.
Dinala ni Mary ang bata sa doktor. Binigyan siya ng gamot para sa mga galis na nakakalat sa katawan at ulo. Binigyan din siya ng gamot na pamatay ng “alaga” sa tiyan; pati bitamina na pampalakas at pampagana sa pagkain.
Nilinis, pinaliguan, dinamitan, binusog sa pagkain at pagmamahal ang bata. Makalipas ang isang linggo, ang bata ay nagsimula nang maging magandang lalaki. Nawala ang mga kati sa katawan at ulo. Nakuha na niyang tumawa at makipaglaro.
Magpapasko kung kaya’t ibinili ng bagong damit, sapatos, at laruan ang bata. Nang mamasyal ang mag-anak sa karnabal ay isinama si Daniel.
Galing si Daniel sa bahay-ampunan. Tuwing Magpapasko ay “ipinahihiram” ang mga ampon sa mga mag-anak na ibig maging “tagapag-alaga” sa panahon ng pagdiriwang. “Adopt-A-Child At Christmas”, pamagat ng programa ng bahay-ampunan. Sina Ted at Mary ay kabilang sa mga magulang na sumagot sa paanyaya.
Batang paslit pa si Daniel at di pa nauunawaan ang tunay na takbo ng buhay. Kapag nagkaedad na siya ay matututunan niya na hindi pala makatuwiran ang buhay. Magtataka siya bakit iba’t iba ang kapalaran ng tao. Bakit may mahirap, may mayaman. May malusog, may maysakit. May mga taong minamahal, may mga taong ulila, nag-iisa sa buhay. Kung sino ang nagpapasiya sa kapalaran ng tao.
Sa kanyang murang kaisipan, ano ang malay ni Daniel kung kanino siyang anak at kung bakit siya iniwan sa ampunan?
Nadama ni Daniel ang pagiging kabilang sa isang masagana at masayang tahanan. Natikman niya ang pakiramdam ng may nagmamahal. Nagkaroon siya ng pagkakataong makapaglaro. Nagkaroon siya ng sigla. Nagkaroon ng ningning ang kanyang mga mata. Naranasan niya ang makatulog sa gabi na may katabing “magulang”.
Sa bahay-ampunan, di mahalaga ang edad. Kahi’t na ang pinakabata, basta nakalalakad na at nakapagsasalita, inaatasan na magluto ng kanyang pagkain, maglaba ng kanyang damit, maglinis ng bahay, magtapon ng basura. Sa araw ay kailangang mag-aral at gumawa ng mga basket, kuwintas at pulseras, at kung ano pa mang mapagkakakitahan ng bahay-ampunan.
Makalipas ang Pasko at Bagong Taon ay ibinabalik ang mga bata sa bahay-ampunan. Nang si Daniel ay ihatid, ayaw niyang bumaba sa kotse. Binuhat siya ni Ted papalabas ng kotse at inilalapag siya sa lupa nguni’t ayaw siyang bumitiw. Pagkahigpit-higpit ang yakap sa “ama”.
Nagsisisigaw si Daniel at kay lakas ng iyak. Naghalo ang luha, pawis, at laway sa kanyang mukha. Hanggang sa huli ay nakapulupot siya na parang sawa sa binti ni Ted.
3.
Biyuda si Esperanza. Unang Pasko na hindi kapiling ang yumaong asawa. Ang mga anak niya ay may edad na at may kani-kanilang familia na.
Nag-iisa siya sa pagsapit ng bisperas ng Pasko. Ni maghintay ng hatinggabi, ng Noche Buena, ay hindi na binalak ni Esperanza. Iniisip niyang itutulog na lamang niya ang gabi.
Naaalaala niya ang mga nakaraang Pasko. Ang buong mag-anak ay magkakasama sa bisperas. Nagluluto siya ng hamon tsina at kakaning-Filipino. Nagkakantahan sila at nagma-mahjong buong gabi. Nag-iinuman ng beer ang mga lalaki; ang mga babae ay humihigop ng tsaa.
Di na mangyayaring muli ang gayong pagsasama-sama, pagsasaya. Wala na ang kanyang asawa; at ang mga anak naman ay may kani-kanila nang buhay.
Bago matulog ay binuksan ni Esperanza ang kanyang maliit na Bibliya at tinunghan ang isang pahina tungkol sa kapanganakan ni Hesu Kristo. Naging ugali niya na magbasa ng Bibliya sa tuwing siya ay may bagabag sa damdamin at nang siya ay makatamo ng kapayapaan.
Ang Pasko ay tungkol sa Bata na isinilang na ang paniniwala ay Siya mismo ang Diyos na nagkatawang-tao. May dalawang babae sa kasaysayan na naging daan upang mapasilang sa mundo ang Bata.
Luke 1:39-45.
Pinili ng Panginoon ang dalawang babae, dalawang pangkaraniwang babae, na maging bahagi ng Kanyang balak. Hindi, maging sa guni-guni, inaasahan ng dalawang babae na sila ang magiging lalagyan ng Tagapagligtas.
Si Elizabeth, ang maybahay ni Zechariah, pari sa simbahan ng Hudeo, may edad na na babae at nahahanda na sa pagkakaroon ng tahimik na buhay sa piling ng asawa; naging mabiyaya ang buhay bagama’t hindi nagka-anak. Matatapos ang lahi ni Zechariah sa oras na siya ay mamatay.
Masakit sa kalooban ni Elizabeth (na ang pangalan ay nangangahulugan ng “Ipinangako ng Diyos”) na hindi siya nagkaanak; sa paniniwala ng mga Hudeo, ang di pagkakaroon ng anak ay isang malaking bahid sa karangalan. Maipagpapalagay na may panahong inisip ni Elizabeth na siya ay nalimot ng Panginoon – hindi dininig ang matagal na niyang hinihiling. Malamang na sa huli ay tinanggap na niya ang kanyang kapalaran at sa kanyang pagtanda at pagkamatay ay maglalaho na lamang siya na tila bula.
Nguni’t may magandang balak pala ang Panginoon. Ginamit ng Diyos si Elizabeth, isang matandang babae, upang maging sisidlan ng binhi na naging si Juan, ang nagbukas ng daan para kay Hesus. Kung ano man ang mga hirap sa panganganak ay di naranasan sanhi ng pagpapala ng Diyos.
Si Maria, sa kabilang panig, ay bata pa at nasa tamang panahon ng pag-aasawa. Karaniwang buhay lamang ang kanyang inaasahan bilang asawa ng karpenterong si Jose, na higit na may edad kaysa kanya. Walang pambihirang katangian si Maria; walang nagawa siyang maituturing na kalugud-lugod; datapuwa’t pinili siya ng Diyos na maging “ang pinaka-namumukod sa lahat ng babae” sapagka’t siya ang magiging sisidlan ng kaisa-isang bugtong na anak ng Diyos, si Hesus.
Magkamag-anak sina Elizabeth at Maria kung kaya’t nang magdalang-tao si Elizabeth ay nalaman kaagad ni Maria ang kamangha-manghang pangyayari. At nang siya, si Maria, naman ang magdalang-tao sa pamamagitan ng Espiritu Santo ay hindi niya maitago ang kaligayahan. Ibig niyang puntahan kaagad si Elizabeth upang maibahagi ang magandang balita.
Nakiisa ang Diyos sa kasaysayan ng tao. Ang Diyos na lumikha sa buong universo at Siyang nagpapa-inog sa mga planeta sa kani-kanilang landasin ay nagpakumbaba at inilagay ang kanyang Sarili sa sinapupunan ng isang karaniwang babae at doo’y narinig Niya ang kuwentuhan at tawanan ng dalawang buntis na babae na nag-uumapaw ang kagalakan sa tinamo nilang pagpapala.
Naisip ni Esperanza na siya ay karaniwang babae rin na pinagkalooban ng Diyos ng mabuting asawa at malulusog na anak. Ang Pasko ay tungkol sa pagsilang ng Bata; ito ri’y tungkol sa kadakilaan, kabayanihan ng babae na mula kabataan hanggang sa katandaan ay siyang simula at wakas ng bawa’t mag-anak.
Siya’y naging babae, naging ina, naging lola. Kahalingtulad ng dalawang ordinaryong babae sa Bibliya na naging daan sa pagkakaroon ng magagandang kasaysayan sa buhay ng katauhan, siya ang nagdala ng binhi na naging simula ng masasayang kasaysayan sa buhay ng isang mag-anak. Natupad na niya ang kanyang papel sa mundong ibabaw.
Maya-maya ay nawala ang pangungulila ni Esperanza sa bisperas ng Pasko. Tiniklop ang Bibliya at humiga na upang matulog, dala ang paniniwalang siya, bilang babae, bagama’t maglalaho man na tila bula sa paningin ng kanyang mga anak at apo, ay nasa pagpapala ng Diyos.
4.
Trabahador sa Saudi si Mario. Ibig niyang masorpresa ang asawa at mga anak. Umuwi siya sa Filipinas na walang pasabi. Walang sumundo sa kanya sa airport. Dala-dala ang mga bagahe at kung ilang kahon na punong-puno ng mga pasalubong ay kumuha siya ng taksi at nagpahatid sa kanyang bahay sa Quezon City.
Ang taksi ay namaybay sa kalyeng maliit na maraming bata at asong nakahambalang sa daan. Ang mga nakaistambay sa kanto ay nagtapon ng paningin sa sakay ng taksi. “A, dumating na ang kapitbahay nating mayaman,” ika nila.
Bago marating ang bahay ay may humabol na binatilyo sa taksing bumagal na ang takbo at kinausap si Mario. “Pasakayin ninyo ako. Ituturo ko kung saang bahay lumipat si Aling Tessie,” sabi ng binatilyo.
Nagulat si Mario. Inutusan ang driver na sumunod sa direksyong ibinibigay ng binatilyo.
Ang bahay ay mas malaki kaysa dating bahay at maayos ang tindig at panglabas na desenyo. Ang asawa at mga anak ni Mario ay nasa umpukan sa harapan ng bahay at nang makita siya ay nagsigawan at nagtalunan sila sa tuwa. “Ang tatay ko! Ang tatay ko!”
Nang makapasok na sa bahay si Mario ay namangha siya sa nakita niyang pag-asenso ng kanyang mag-anak. Ang ipinapadala niyang salapi buwan-buwan ay nagamit ng asawa sa mabuting paraan. Maaliwalas ang bagong tahanan at puno ng mga kagamitan. Ang mga bata ay mukhang malulusog at masasaya.
Sabi ng asawa, "May isa pa akong sorpresa sa iyo. Ang batang iyan, at itinuro ni Tessie ang isang dalawang taong batang-babae na napakaganda ang mukha at tikas, "yan si Pinky, anak mo. Nang umalis ka patungo sa Saudi ay dalawang buwan na pala akong buntis."
Nilapitan ni Mario ang bata at sinipat ang mukha nito at niyakap. Sa isipin lamang niya ay nasabi sa sarili, “Siguro anak ko nga ito; hindi naman niya kamukha si kumpare.”
Sa bisperas ng Pasko, si Mario, na ibig sorpresahin ang familia ay siyang nasorpresa.
Bumalik tayo sa anak ni Salvador. Ang bata ay hinandugan ng Rotary Club ng isang wheel chair at hindi na naging problema ang "paglakad" papunta sa eskwela.
Sina Ted at Mary ay nag-apply sa Social Welfare Department upang maampon ang kanilang alaga sa bahay-ampunan. Naging "tunay" na anak nila si Daniel.
Dumating ang mga anak at apo ni Esperanza noong bisperas ng Pasko, nagkantahan sila buong gabi at nagsalo sa pagkaing dala ng mga anak.

Pasko Sa Nayon Nina Pepot At Pining
Maikling Kuwento ni Percival Campoamor Cruz
(Binasa sa radio program Tambalan sa Love Radio sa Pilipinas. December 10, 2017
https://m.facebook.com/story. php?story_fbid= 1508223425957256&id= 287296244716653)
Nakadungaw sa bintana si Pepot at si Pining. Madilim ang paligid sa labas ng kanilang dampa. Sa kalayuan, sa kalangitan, ay pinanonood ng magkapatid ang isang malaking bituin na kukuti-kutitap.
Malamig ang simoy ng hangin. Dala nito ang halimuyak ng dama de noche at ng bagong gapas na dayami galing sa bukirin. Malalanghap din ang amoy ng nilulutong pinipig mula sa kusina ng kapitbahay. Sa kusina ng mag-anak ay nagluluto ng pang-Noche Buena si Inay. Maririning ang bru-bru ng apoy at ang hihip ng ina sa putol ng kawayan na nagbubuga ng hangin at nagpapaliyab sa apoy sa tuwing humihina ito. Tiyak na may palitaw at bilo-bilo sa hapag-kainan pagdating ng hatinggabi. May arroz caldo din. At magkakaroon din ng mainit na pan de sal na may palamang matamis na bao.
Si Itay ay karga si Juanita, ang sanggol ng pamilya. Naroong nakabalot ang kamay sa katawan ng bata at itinataas ito sa hangin. Naroong ibinababa ito sa kandungan. Sabay hagikhik naman ang bata sanhi ng kasiyahan sa nakalulula na laro.
Sa sahig na yari sa kawayan ay nakadapa at nanonood sa mga pangyayari si Bantay, ang alagang aso ng pamilya.
Sa kalayuan ay tumutunog ang teng-teng ng kampana na nagpapaalaala sa mga taga-nayon na malapit nang magsimula ang misa.
“Marikit na bituin, akayin mo sa iyong liwanag ang tatlong hari at nang matunton nila ang bahay namin,” bulong ni Pining sa sarili.
“Ate, padating na ba ang tatlong hari? Dala kaya nila ang hiniling kong sapatos na balat?” usisa ni Pepot kay Pining.
“Humiling ka sa bituin na iyon, at ang iyong hiling ay matutupad.”
Panglamig ang isinuot na damit ng buong mag-anak. Isinakay ni Itay ang mag-iina sa isang kariton na nakasingkaw sa isang kalabaw. Siya naman ay umupo sa likuran ng kalabaw at siyang nagpalakad sa mumunting sasakyan patungo sa kapilya sa kalagitnaan ng nayon. Nakiisa ang pamilya sa pakikinig sa misa, ang ika-siyam na misa na gabi-gabi ay ipinagdiriwang ng mga taga-nayon, alinsunod sa kaugalian.
Ang hanay ng mga bahay na nakita ng mag-anak sa daraanan ay may makukulay na parol na nangakasabit sa durungawan. May nakasalubong silang pangkat ng mga bata na umaawit ng kantang pamasko sa bahay-bahay kapalit ng limos.
Ang maliit na simbahan ay naliligo sa liwanag na mula sa mga bumbilya at sulo na lahat ay nagniningas nang napakarikit. Nakasabit ang sari-saring parol na hugis bituin at sa ilalim ng pinakamalaking parol ay nakatanghal ang isang belen – ang larawang may hugis ng sanggol na Hesus na nasa sabsaban at napaliligiran nina Jose at Marya, mga tupa at baka, at mga anghel na lumulutang sa alapaap.
Masaya ang misa. May tuwa at pag-asa sa bawa’t puso. Tinanggap ng mga taga-nayon ang bagong silang na Hesus sa kanilang buhay bilang lakas na magpapairal sa kapayapaan at pagmamahalan sa tahanan at sa nayon. May koro ng mga bata na umawit ng mga kantang pamasko, saliw ng gitara na pinatugtog ng mga kabataan, na lalong nagpasaya at nagbigay-buhay at kulay sa pagdiriwang.
Pagbalik sa bahay ay nag-uunahan sina Pepot at Pining sa pagpasok at paghanap sa mga aginaldo. Sa ibabaw ng dulang ay naroroo’t naghihintay ang mga regalong pamasko na matagal ring inaasam-asam ng mga bata, inihatid ng tatlong hari, ayon sa kanilang paniniwala.
Nakapaloob sa isang lalagyan na yari sa banig ang bagong sapatos ni Pepe na yari sa balat ng kalabaw. Nasasaloob naman ng isang maliit na bigkis na yari sa buli ang sari-saring laruang pambabae ukol kay Pining, kabilang na ang mga palayuk-palayukan na yari sa lumad at isang manyika na ang balat ay yari sa tela at ang katawan ay nagkahugis sa pamamagitan ng isiniksik na malambot na bulak.
Pag-uumaga, ang mag-anak ay tutungo sa bahay nina lolo at lola upang ang kamay nila ay halikan at makipag-salu-salo sa tsaa at puto-bumbong na gawa ng mga tiya. Si Pepot at si Pining ay tatanggap ng regalong pera, mga malulutong na perang papel mula sa matatanda, bilang sagisag ng magandang kapalaran, gayon din, alinsunod sa kaugalian.
Isang masayang mag-anak: Masipag at mapag-arugang ama, mapagtangkilik at mapagmahal na ina, mga batang pinalaki sa gatas ng ina at ng alagang kalabaw at sa pamumuhay na salat man sa karangyaan ay sagana naman sa sariwang pagkain, malinis na hangin, at magagandang simulain. Tahanang yari sa pawid at kawayan na ang hangin ay tagusan kaya’t kaaya-aya ang pakiramdam ng mga naninirahan doon; tubig na matamis galing sa bukal, kusinang gamit ay uling na galing sa bao ng niyog at pinagliyab ng hihip ni Inay. Kalabaw at aso ang kapisan sa bakuran – ang kalabaw na sagisag ng kasipagan at ang aso na sagisag ng katapatan. Isaisip ang magandang larawang ito – ang Pasko sa nayon nina Pepot at Pining.
---------------
It was a cold and wet Christmas Eve in San Clemente, California. The attention of Miriam and Mandy was glued on the television. Charlie Brown’s Christmas story was playing. Musical, multi-colored Christmas lights hanged around the eaves of the house and were blinking to the tune of “Jingle Bells”. There was a living Christmas tree in the living room adorned with lights and shiny balls and red stockings.
Their mom was in the kitchen putting the finishing touches to a baked turkey. The whistle of the coffee-maker and the chime from the microwave cooker were tell-tale signs that the midnight dinner was almost ready.
Their father was in the den doing stuff with the computer, sending Christmas messages, maybe.
Baby was sitting in his mechanical seat that swayed by itself.
“Mom, what time is Santa coming in to bring my present?” Miriam yelled at her mom.
“Soon, honey,” the mom assured her from the kitchen.
In the meantime, the family’s pet dog, Chiqui, was comfortably slouched on the hardwood floor of the modern-looking house while watching the unraveling scenario of a Filipino Christmas eve in America.
The alarm went off, which meant 15 minutes to midnight.
The father dropped what he was doing and quickly herded his family into the garage. The family hopped into a Mercedes Benz, the garage door opened electronically, and they were off to church.
The church was brimming with celebrants – people of different colors but with common looks all glowing in smiles and in their best, expensive clothes, shoes, hats and handbags. A choir dressed in bright red gowns sang to the accompaniment of an electronic organ that had huge pipes and it filled the air with happy Christmas tunes. Everybody looked joyful and content. Now and then camera flashbulbs popped.
Rev. Bill Adams’, the priest’s, homily was very inspiring:
“What if I had been born to another set of parents? I would never have known the love of the parents I know and love now. Christmas is a crossing of paths... Christmas is where we find the Christ of God intersecting with humanity! Christmas is our first best meeting with the God who has desired us from the very beginning.
“Mary and Joseph, far from home because of imperial rule, a peasant mother giving birth in unsanitary substandard housing... There was no fanfare, no royal delegation. . . They just laid him in that manger and they watched his little face, and they listened for his breathing, just like every new parent does. This couldn't be anything but true love!
“True love accepts the beloved for who they really are; God chooses to love us precisely because we are subjects of the human condition... not because of a favorable bottom line on a social and moral profit and loss statement. Mary and Joseph had nothing to commend them save their humanity.”
The donation baskets passed around the church during the thanksgiving portion were laden with crisp dollar bills and personal checks. Everybody joined in the singing of “Joy to the World” as the priest came down from the altar to greet his parishioners. There was a lot of hugging and kissing, brief chit-chats, and then the people headed back to their heated homes.
Miriam and Mandy, upon reaching home, raced to the Christmas tree and underneath this American symbol of Christmas their gifts wrapped in richly-colored silver paper were waiting: A complete set of classic Disney children’s movies for Miriam and a new wii virtual sports machine for Mandy.
“Miriam, did you see Santa take off from our roof riding on his sleigh?” The mother said in a matter-of-fact tone. “He brought your presents and couldn’t wait for you because he has to deliver a lot of gifts to other children tonight.”
“Oh, mom. I missed him again. We should have come home sooner,” Miriam rued.
On Christmas Day, the family went out to the beach to be together since there were no relatives to visit. The closest relative was the father’s brother who was in the East Coast, 5,000 miles away. The grandpas and grandmas were in the Philippines, 8,000 miles away. Last night, Miriam’s and Mandy’s father was on his skype trying to reach out electronically to his parents in the Philippines.
Imagine this picture: A Filipino family already adapted to the culture of a second country, enjoying the American dream – a home in a nice community; well-paying jobs commensurate to the education and talent the parents brought to America; good education and a future of great opportunities for the children; the modern conveniences and technology available in America; and a pet dog loyal to his immigrant and well-off masters; similar to the dog in the far-away Philippine village that was just as loyal no matter that its adopted family led a simpler life, the decent, hard-working family of Pepot and Pining.
Different places, different circumstances. Christmas to Filipinos is always and will forever be a family affair. The midnight masses and the misa de aguinaldo on Christmas Eve attest to the deep, religious meaning of the event. Three Kings or Santa Claus, puto-bumbong or baked turkey, carabao-driven cart or Mercedes Benz, modest or well-to-do, simple or elaborate gifts, and whatever trivial differences there may be in the observance. . . Jesus, peace and love, remain at the center of the Filipino Christmas celebration. Anywhere.