Kagabi
Kuwento ni Alberto Segismundo Cruz
(Aliwan Blg. 124, Enero 5, 1948)
Ang akala niya ay kabaliwan lamang na lahat ang nakaraang kaugnay ng kanyang kabataan, lalo na nang siya'y nagkamal ng salapi . . .
SUMASAPIT ang takdang panahon sa isang tao, lalo na sa isang lalaking may mahabang karanasan sa buhay na isipin o isaisip kung saan siya patutungo. At, ang katotohanan ng bagay na ito'y lalong madarama sa isang binata.
Hindi ibig sabihin sa mga katagang "kung saan siya patutungo" ay kung saan siya hahangga, dili kaya'y aling landas ang tatahakin niya sa nalalabing bahagi ng kanyang buhay. Hindi nga! Ang ibig sabihin ay kung ano ang dapat niyang pagpasiyahan at isagawa pa, sa harap ng kanyang nakalipas at ng kasalukuyan ay sadyang kaugnay ng magiging kinabukasan niya. Nakalipas at kasalukuyan!
Akala niya'y kabaliwan lamang na lahat ang nakaraan na kaugnay ng kanyang kabataan, lalo na nang siya'y nagkakamal ng salapi sa negosyo, bago magdigma. Akala niya'y hindi na magwawakas ang tagumpay niya sa larangan ng pamilihan ng mga aksiyon ng ginto!
Akala niya'y laging "awit, alak at babae" ang buhay, lalo nga noong "malalabay na ang kanyang pakpak", sapagka't . . . hindi ba kawikaan iyang "kapag ang tao'y masalapi, walang hindi mararating, walang hindi maaabot, walang hindi magagawa."
Datapuwa't ngayong siya'y isa nang bigo at bumagsak na sa pamumuhunan, na ang pangunang dahilan ay walang iba kundi ang digma, ngayon siya naghahanap ng kanyang nakaligtaan wari sa kanyang buhay. Nguni't habang siya'y naghahanap ay walang iniwan siya sa isang bulag na nag-aapuhap na lagi, kahi't sa liwanag ng katanghalian. Kabalighuan wari, datapuwa't iyan ang katotohanan - ang mapalt na katotohanan.
Siya ay si Ernesto. Erni, sa kanyang mga dating kaibigan at Ernesto Miraflor sa lipunan at sa talaan ng mga komersiyante. Nasa katanghalian na ang kanyang gulang, nguni't hindi pa maituturing na pasuksok na ang kanyang buhay kung baga sa araw na palubog na sa kanluran. Tunay at nagkaroon ng bahagyang kulubot ang kanyang noo, nanlalim nang bahagya rin ang kanyang mga mata, at naalis nang bigla ang kulot ng kanyang buhok, datapuwa't sa katauhan at
sa anyo niya ay naroon pa rin ang dating tindig, tikas at balani ng katauhang tatak na sarili niya. Bukod diyan, si Erni'y makisig sa pagsasalita, katulad din ng kanyang pagdaramit; sa katotohanan, ang kalahati ng kanyang tagumpay, saan man, buhat sa kolehiyo ng mga hesuwita hanggang sa "pamantasan ng buhay", ang dila niya ang naging matalik at maabisang katulong sa lahat ng pagkakataon.
Nabanggit nating siya'y nag-apuhap sa isang nakaligtaan. Iyan ang tunay. Mula nang siya'y' mangalugi't bumagsak na komersiyante, ang kalagayan niya'y napatulad na lamang sa isang ahente o koredor, na may laging ipinagbibili, nguni't hindi matagpuan ang' tiyak na mamimili. Nabanggit din naman natin ang panahon ng kanyang pag-aapuhap na walang iniwan sa bulag. Sa bahaging ito ng kanyang buhay – sa yugtong ito --napilitan siyang' Iumingon sa nakalipas o sa kanyang tinalikdan.
. . . Sa isang kubling pook na malayo sa mataong lansangan, sa labas ng lunsod ng Maynila; sa isang ulilang kantinang wari'y pinangalugihan na ng dating may-ari nang umalis na ang mga Kano; sa pook na iyong maraming naririnig ang mga alagad ng batas, nguni't waring napipipilan o nahihintakutan ang magsisidako doon, isang gabi, itinaboy ang Bagong Belibeth na ito ng kapalaran. Kung ano ang layon niya ay mahirap matiyak, nguni't nabatid sa kanyang pinangangaserahan -- nangangasera na lamang si Erni sa isang dating utusan niya, si Aling Atsay na ngayon ay may isang karinderya sa isang mataong purok - na siya'y may hinahanap.
-- Bakit hindi naman ninyo usisain kung sino ang kanyang hinahanap, nanay? -- tanong na may ibig ipahiwatig ng anak na dalaga, ni Fely.
-- Hindi ko tungkulin, iha, ang mag-usisa sa lihim ng isang tao. Lalo na sa isang binata! -- ang payamot na nasabi ni Aling Atsay sa anak na dalaga. -- Saka, hindi dapat na mabahala sa mga bagay na gaya nito.
Si Fely ay nagmukmok na lamang sa isang silya, saka ibinulong:
-- Akala ko'y nahahabag kayo kay Erni. Ako pala Iamang ang nahahabag sa kanya.
Nang mga sandaling ito, sa pook na kinaligawan ni Erni ay nakaupo siya sa isang bilog na hapag. Nakatungga na siya ng tatlong baso ng serbesa, at matapos na marinig ang isang magandang "rhumba" sa isang Wurlitzer na hinulugan ng piseta nang kung sinong panauhin, ay nagkaroon siyang bigla ng masidhing hangad na humingi ng isang kopita ng creme de menthe. Pagkatapos, ay inulit pa. . . kung makailang ulit, at sa huli'y Schenley na.
Tinanaw niya, pagkatapos, ang maliit na bulwagan. Umiinog ito, katulad din ng umiinog na nagsisipagsayaw, dito niya nahinuhang talagang ang daigdig ay isa lamang tio vivo --isang bulwagang umiinog at ang hindi marunong na magsayaw ayisang tunay na ulol.
Kaya't siya'y nakitawa sa mga nagtatawanan. Sumayaw na katulad ng ibang anaki'y mga manekin ng Tadhana, lalo na sa mga mata niyang nanlalamlam dahil sa singaw ng alak. Ilan lamang saglit ang nagdaan at para bagang siya'y nagising sa isang pangangarap. Sa hapag, siya'y napaluklok at napasubsob ang ulo, nguni't malinaw pa ang isip niya. Walang anu-ano'y nakarinig siya ng yabag na palapit. Saka napatigil nang malapit na malapit sa kanya. Akala niya'y yumapak ang mga paang iyon sa kanyang puso. Para siyang hindi nakahinga, at isa inalihan ng pagkayamot. Itinaas ang kanyang ulo, at minasid ang "pangahas".
-- Ikaw? -- ang kanyang nasabi, na nanlilisik pa ang mga mata.
Sa paningin ni Erni ay malabo at gumagalaw ang mukha ng kinapal sa lupang
lumapit sa kanya.
-- 0o, ako nga! Sugo ako ng nakalipas . . . -- ang sabi ng nagsalita na ang
tlnig ay malakas-Iakas din, sapagka't nagkataong tumutugtog naman noon ang isang
maliit na pangkat ng mga gitarista.
-- Babae ka! -- ang sigaw ni Erni sabay turo sa mukhang hindi niya matunghan
nang buong Iiwanag dahil sa kalasingan. – Kung babae ka'y hindi ka anghel!
-- Hindi ako anghel! -- malungkot naa tugon ng babae.
-- Nguni't ako'y babaing katulad ng iyong ina! At, kung ano ang pag-ibig ng iyong ina ay siya ring damdaming naghahari sa aking puso, paniwalaan mo't dili.
-- Ha! Haaaa! Haaaaa Haaaa! -- at humalakhak si Erni, bagaman natigatig ang kaluluwa.
IKALABINDALAWA na ng tanghali, nang mapamulat si Erni. Kapagdakang maimulat ang
kanyang mga mata, na nasilaw na bigla sa tama ng Iiwanag ng araw na naglalagos sa isang bukas na bintana sa gawi ng hardin ng wari'y tsalet na iyon, ay dinalaw siya agad ng hindi
pangkaraniwang agam-agam, pagkabakla't panggigilalas. Saan siya naroon? Bakit siya napatungo sa tahanang iyon? Ano .ang kanyang kinalalagyan? At, lalo nang nalubos ang kanyang panggigilalas na kasabay ng masasal na sikdo ng dibdib, nang mamataang sa dako roon ay may isang makislap na piano de cola na sa ibabaw ay nakangiti ang dilag, na hindi maipagkakamaliang siyang kasintahan ng piyanong iyon.
Ang isip ni Erni ay biglang lumiwanag. Waring napalis ang ulap ng karimlan sa langit ng kanynag buhay at nasinag ang luningning na nakatanlaw sa katotohanang isang palaisipan pa rin sa kanyang katauhan.
-- Ikaw! -- tila kinakausap niya ang larawan. -- Ikaw nga ba, Pining?
-- Ako nga't walang iba! -- anang malambing na tinig na napasabay sa pagkakahawi
ng marikit na kurtina.
Hindi nakahuma si Erni. Naging para siyang maginoong tanso o estatuwang anaki'y buhay, nguni't walang kaluluwa. Sapagka't likha lamamg ng sining. Datapuwa't siya'y tao, may puso't kaluluwa, kaya't. . . makaraan ang ilang saglit ay . . .
-- Malaking molestiya, Pining, ang nangyaring ito! -- ang may hiyang wika ni Erni, at umanyong umalis na noon din, matapos na makapagsabi ng : -- Pagpaumanhinan mo ako; salamat sa iyo!
Nagdamdam ang may bahay; nagdamdam at sa katotohanan, ay ginitian ng luha ang
magagandang mata.
-- Diyata't makaraan ang maraming taon. . . ng pagpapakasakit . . . ng pag-hihirap. . . at ng pagka-alipin ng Tadhana'y iyan pa ang magiging gantimpala ko?
-- Pining! Utang na loob. Huwag mo nang banggitin ang ating kahapon, ang ating kabataan. Iyan ang aking nakaligtaan.
-- Nakaligtaan mo ang iyong kabataan. -- Lumuluhang wika ni Pining.
--Nakaligtaan mong ako'y sinawi ng iyong kabataang iyan. Hinanap kita, buhat sa ating nayon hanggang sa abutin ko ang karurmaldumal na wakas ng isang babaing katulad ko; datapuwa't ikaw'y napakailap, kundi man tumakas ka sa pananagutan, sapagka't nasa iyo, noon, ang kapangyarihan ng salapi!
-- Utang na loob, Pining, -- pahimutok na tugon ng binata.
-- Kung ako'y nagkasala sa iyo'y bakit hindi mo pa gawaran ng parusa. Kung buhay ko ang iyong kailangan, ano pa ang hinihintay mo at di pa kitlin ang buhay na ito na isang nang ganap na kabiguan.
-- Hindi kita ipagsasama sa tahanang ito kung inibig kong umugin ka sa pook na pinagmalabisan mo kagabi. Sa kilalanin mo't hindi'y sadyang iniligtas ko ang iyong buhay sa mga maton at ilang takas sa batas na nagpupugad sa kantinang iyon sa gabi-gabi.
-- Kung gayon ay inibig mo akong mabuhay upang paratangan mo lamang. – ang sumbat ni Erni.
-- Ibig kong mabuhay ka! – yamang natupad na rin Iamang ang nais ko na makita kita't mabigkas sa iyo ang damdamin ng aking puso't kaluluwa.
Hindi na nakapagsalita pa ang binata. Napatungo ang ulo na waring ninanammam ang katas ng mga pangungusap na kanyang narinig. Saka, pagkatapos, ay biglang Iumingap sa paligid-ligid at nagwika:
--Iyo ang lahat nang ito?. . .
- 0o, Erni, katimbang iyan ng aking buhay. Sapagka't ang puri ay buhay, hindi ba? – malungkot na pahayag ni Pining.
-- Ibig mong sabihing ikaw ay . . . -- ang biglang naitanong pa ni Erni, nang magunita ang kantina at ang mga nangyari nang gabing tinalikdan.
-- 0o, Erni, at ayaw kong sabihing dahilan din sa jyo kaya ko inabot ang ganitong kapalaran, -- ang may himutok nang wika ni Pining. -- Alam mo ang nangyari sa akin? Inupasala ako sa ating nayon, nang magluwal ng sanggol na walang ama; tumakas ako sa pag-uusig ng tao, hindi ng hukuman!
Hinanap kita upang matubos mo ako sa aking kapanganyayaan. Nguni't napakatayog mo! Hindi kita matanaw. Hindi mo marinig ang aking tinig. Hanggang sa mamatay ang aking bunso. At, hanggang sa ako'y mapa- bulid sa bangin ng kasawian, nang sagipin ako, sa pakunwang pagmamagandang-loob ng mag-asawang matanda na diumano'y magagawa nila ang makipagkita sa iyo. Datapuwa't dumating ang gulo, ang digma, hanggang sa mangyari ang hindi ko inaasahang mangyari sa aking buhay. Lumaya ang ating bayan, nguni't naging ganap naman akong alipin ng aking kasawian at masamang kapalaran!
-- Pining, patawarin mo ako! Ipagsasama kita kung saan mo ibig pumaroon. Lisanin natin ang Maynila, at kung maaari'y ang bayang ito . . . -- ang amuki ni Erni, sa laki ng pagkahabag kay Pining.
-- Huwag na, Erni! -- at nagbuntong-hininga pa si Pining sa kanyang pagtutol. -- Sukat nang gantimpala ang magunita mo pa. Kahi't huli, na sa panahon. At, pumasok nang silid si Pining. Nagbalot, at isang maleta ang dagliang inihanda. Pangiting lumabas pagkatapos, at nagpaalam kay Erni, sa kasintahan ng kanyang kabataan.
-- Mauuna na ako kaysa iyo! -- ani Pining, na lalong marilag sa kanyang kalungkutan. – Mabuti naman at napapigil ka sa akin kahi't sa ilang saglit. Paalam!
Ibig ni Erning na habulin si Pining. Nguni't naupos manding kandila ang kanyang katayuan, sapagka't saan niya dadalhin ang babaing iyon, sa siya man ay wala namang tahanan ni pook na maaaring matunguhan? . . .
Sa wakas ay lumapit na lamang siya sa piyano at nang mapawi na ang mga yabag sa lupa, sa paglisan ng babaing iyong nakaligtaan niya sa kanyang buhay, matapos na pagkasalahan, ay lumikmo, inilapag ang mga daliri sa teklado, itinaas ang mukha sa langit na nangulimlim, gayong katanghalian, bago tinugtog ang kanyang di nalilimot na "Hearts and Flowers".
Matapos ang kanyang tugtugin ay may tatlong lalaking biglang dumating. Nagpakilalang sila'y kinatawan ng serip, at taglay ang utos ng hukuman. Iilitin ang bahay na nanggaling ito at ang lahat ng kasail1gkapan at palamuti.
Nang makababa na si Erni sa tahanang iyon ay nagsimula na nang pagtatanggal ang mga manggagawa't tagabuhat.
-- Lumipad na ang kalapati! -- anang isa, at humalakhak na may tinig ng pag-uyam.

Sa Mga Bakas Ni Chopin
Ni Alberto Segismundo Cruz
(Sinagtala, Pebrero, 16 1950)
Ang mga hindi sukat akalain sa buhay ng tao ay dumarating. Ang pagdating ay malimit na napapaukol sa mga sawi sapagka't ang mga balighong pangyayari, kaapihan at kasawian ay sumasapit sa palad nang walang abug-abog ... biglaan .... at walang patumangga.
Katatanggap pa lamang ni Mauro Maravillas ng isang sulat buhat sa pinuno ng Konserbatoryo, na kanyang pinagtuturuan. Itinitiwalag siya, sa matuwid na naging labis ang kanyang pamumuhay sa sukatang kailangang maging panuntunan ng isang Propesor sa piyano.
Nang una ay nakangiti siya hanggang sa mga huling talata ng liham na iyon, datapuwa't nang makaraan na ang ilang saglit pa'y nanamnam na niya ang hapding idinudulot sa kalooban, ang pait na iniiwan ng hagkis ng mga pangungusap at ang paghamak wari sa kanyang karapatan sa kalayaang pinagsisiinayaang gaya ng ibang kinapal sa ibabaw ng lupa.
-- Ay, ano kung ako'y Propesor? -- pahayag niya sa sarili na waring nagtatanggol sa karimlan ng papawirin.
--Ang guro baga sa piyano o ang isang alagad ng musika ay hindi na maaaring umibig at ibigin? Kahibangan! Taong humahatol at nagpaparusa nang wala man lamang paglilitis! Daig pa ang hukuman! --
Ang dapit-hapon ay nagpapala na noon sa sangkalupaan. Sa simboryo ng matandang simbahan ng purok ay umaalingaw-ngaw ang orasyon. Napatahimik ang kalooban ni Propesor Maravillas. Napatahimik, paano'y nagunita ang kanyang "Steinway" na noo'y waring naghihintay sa kanya. At upang malimot ang dagok ng kapalaran ay pasugod na lumapit at waring isang matapat na kasintahang humagod nang buong pagsuyo sa mga teklado ng piyano.
Umalingawngaw ang "Ave Maria" ni Gonoud . . . parang nananalangin, waring may umaawit na mga anghel sa kanyang paligid at mandi'y may himutok ang mga nota, bagaman sa paraang lalong matimyas, kaakit-akit at lipos ng hiwaga.
Sa tulong ng kaliwang kamay ay inalis ang kanyang kurbata. Kailangan niyang huminga nang maluwag; nawawala na ang sikip ng kanyang dibdib, at minsan pang ang kaluluwa niya'y saklaw ng balani at kapangyarihan ng Diyosa sa Olimpo . . .
Musika! 0 . . . kung isipin niya. Ito ang simula at wakas ng lahat sa kanyang buhay at pag-ibig. Kung hindi sa musika ay hindi sana siya maghihirap; nguni't kung hindi rin sa musika ay hindi siya tatanghaling kompositor at isang matapat na alagad ni Rubenstein, na lalong nasa kaluwalhatian kung nakikipag-usap sa mga salamisim at hinaing sa pangarap ni Chopin; talagang kung hindi sa musika ay hindi niya makikilala ang dalagang naging kababata niya: si Beatriz . . . sa isang konsyerto, na kanyang pinagtagumpayan at nagpatanghal sa kanya at nagpatunay pang siya'y talagang isang Mago sa harap ng piyano.
Nguni't ang Beatriz na ito, na kanyang kababata, ay may isang kahapon.
Siya, si Mauro, sa labas ng kanyang pagiging Propesor Maravillas ay umibig sa isang babaing napahiwalay sa tunay na kabiyak, at itinuring ng matataas na pinuno ng pamantasan na siya'y salarin ng lipunan; siya'y hindi ipagkakapuri ng kabataang nagpupunyaging mag-aral ng musika sa isang konserbatoryong dati niyang pinagtuturuan. Kay lupit ng tao! Malupit pa sa Tadhana.
Kung malalaman lamang ng lahat ang katotohanan! Inibig ni Mauro si Beatriz sapagka't sumilang ang kanyang pag-ibig na ito, matagal na, sa panahon pa ng kamusmusan nilang dalawa. Sumilang at waring bituing naglaho nang magkahiwalay silang dalawa, sa atas ng Tadhana at ng mga pangyayari. Nguni't sa hiwaga ng mga pagkakataon at sa bisa ng batas ng Tadhanang ito ay nagkita silang muli, isang gabi ng luwalhati.
Sinariwa ni Mauro kay Beatriz ang kanilang kamusmusan at kabataan. Ipinagunita ang kanilang pamamangka sa lawa, hindi kalayuan sa Bitas. Ipinaalaala ang kanilang paghuli ng mga paruparong nagpapalipat-lipat sa siit, sa baybay ng lawang iyon. Pagkatapos ay ang kanilang pag-aaral sa isang matandang gurong dalubhasa sa "catecismo", hanggang siya'y nagsimula sa Letran, nguni't hindi
nakapagtapos o nakapagpatuloy, sapagka't talaga yatang siya'y nauukol sa Musika.
At, ang aklat na ito ng kanilang buhay at pag-ibig ay ipinatanaw at ipinaalaala ni Mauro sa pamamagitan ng kanyang piyano. Inulit niya ang "Hearts and Flowers", at nang magwakas na ang kanyang pagtipa sa mga teklado ang mga bisig ni Beatriz ay nasa kanya nang leeg. Kaya't, sino sa harap ng mga pangyayari, ang hindi maglalagda ng halik sa labi ni Beatriz na lalong maganda't kaakit-akit kung nasa gitna ng kalungkutan?
-- Iniibig kita! -- ang kanyang nasabi.
Ang sutlang palad ni Beatriz ay napatakip sa bibig.
-- Huwag, Mauro! – At lumuha si Beatriz. – Hindi na ako karapat-dapat sa iyo ....
-- Bakit, Beatriz? -- At pinahid ng panyolito ang luha ng paraluman.
Humihikbi na waring isang musmos ay binuksan ni Beatriz ang aklat ng kanyang buhay. Binuksan at ipinabasa nang malaya ang mapapait na katotohanan, hanggang sa mapasiwalat na, siya, ang babaing ito, ay hindi na ang dating makinis, malinis, matimtiman at marilag na Birheng anak ng kanyang mapagpalang ina.
-- Kailangang tulungan kita Beatriz! -- biglang namutawi sa labi ni Mauro.
-- Sa paanong paraan? -- ang buong pananabik na usisa ng babae.
-- Sa paano pa, kundi sa pag-ibig na rin! -- tugon ni Mauro. -- Sa pag-ibig ka napahamak; nasa pag-ibig din ang iyong katubusan!
-- Ang tao, ang dila ng tao! -- ang buong panginginig na nasambit ni Beatriz.
-- Huwag kang matakot sa madla ... sa kanila! – payo ni Mauro. – Sukat ang mabigyan ko ng bisa ang aking pag-ibig na sumilang noon pang una tayong magkaroon ng kamalayan sa kahulugan ng pag-ibig na iyan..
-- Nguni't ang iyong tungkulin? -- pangambang saad ng babae. -- Hindi ba maaaring ako'y makapinsala sa iyong mga tunguhin sa buhay, iyong tunay na kasintahan: sa musika? –
-- Huwag kang manibugho sa Musika! -- ani Mauro.
-- Lilikha pa ako ng isang komposisyon, at sa ating buhay at pag-ibig ko isasalig. Maaaring pawalan nila ng sayasay, nguni't ang susunod na salin ng lahi ay hindi makalilimot sa isang . . . Mauro Maravillas! --
Hindi umimik si Beatriz.
Hindi na rin nagpatuloy si Mauro.
Nalikha ang isang pugad ng pag-ibig na kubli man sa maraming mata ay nakatawag din ng pansin sa ilang mapunahin.
Patuloy sa pagtuturo si Propesor Maravillas. Patuloy siya sa paglikha ng mga komposisyon. Patuloy siya sa Gawain. Patuloy din siya sa kanyang panata . . .
Datapuwa't. .. sapagka't siya'y alagad ng musika, alagad ng sining at isang matapat na guro... ang kanyang naririnig ay hindi niya inaalumana. Hindi niya pinapansin ang mga aliingawngaw.
Isang araw nga'y dumating ang hindi sukat-akalain sa kanyang buhay.
Itinitiwalag siya sa pagtuturo sa Konserbatoryo sa ilalim ng kilalang pamantasan. Nang una'y tumututol ang kanyang mga tinuturuan. Nguni't siya na rin ang nagsabing pabayaan ang mga nabubulagan.
Gaya rin nang dati, hindi ininda ni Mauro ang hapdi ng mga pangyayari. Nagpatuloy siya sa kanyang sariling landas. Sa kaunti niyang kakayahan ay naging guro rin siya sa mga bahay-bahay. May ilan siyang matatapat na alagad, at ang mga tinuturuang ito ay nagpatuloy. Ito ang kanyang pinagkakakitaan.
Sa kabila niyan, hindi alam ni Mauro na si Beatriz ay nagdaramdam. Nakangiti man ay nagdurugo rin ang puso. Nakatawa man ay may dita sa dibdib. Hindi niya maatim ang dagok ng palad sa buhay ni Mauro. Hindi niya makayang tanggapin ang kabalighuan ng kapalaran ng tao.
Kung wala si Mauro ay lumuluha si Beatiz. Walang ginagawa kundi lumuha. Lumuluhang parang bata sa harap ng piyano ni Mauro. Nguni't kung dumarating si Mauro, ay nakangiti rin siya, nakatawa at lubhang
magiliw. Parang walang ano man.
Kaya't si Beatriz, ay nagkasakit sa puso. Hindi agad namalayan ni Mauro. Sadyang ikinaila at hindi ipinahalata ng matimpiing si Beatriz. May mga sandaling nag-uusisa si Mauro, kung nahahalatang waring nagsisikip ang dibdib ng kanyang Mahal; datapuwa't ito'y iiling lamang at magsasalita nang malumanay.
-- Tumugtog ka nga, Mauro . . . --
At siya, si Beatriz, ay sasandig sa sopa; maganda sa kanyang kalungkutan at lalong marilag at kaakit-akit, laIo na sa kanyang sinasariling damdamin, samantalang ipinaghehele wari siya ng isang likhang komposisyon ng kanyang kanyang kasintahang Musiko.
Isang dapit-hapon ay nagkagulo sa tsalet na iyon. Ang ilang kapit-bahay ay napilitang dumalo. Ang dalawang utusan ay hindi magkantututo sa pagtawag ng manggagamot.
Makaraan ang may kalahating oras ay dumating ang doktor. Pinulsuhan at pinakinggan ang tibok ng puso ng maysakit.
-- Huwag na kayong umalis sa kanyang piling! -- payo ng manggagamot, -- samantala'y ipainom sa kanya ito, pagkatapos kong maiturok ang gamut na ito . . . --
.
Kalahati pang oras ang nakaraan. Lumiwanag din ang mga mata ng maysakit. Tinawag si Mauro. Nangiti ang nasa banig ng karamdaman.
Akala ni Mauro ay mabuti na't mabubuhay si Beatriz!
-- Ano ang nais mo, Mahal ko? -- kanya pang usisa.
-- Nais ko ? -- ang marahang tanong ni Beatriz.
-- Walang iba, tumugtog ka! –
-- Iyon pala lamang, -- ang buong lugod na nawika ni Mauro.
Gaya ng dati ay ipinarinig ni Mauro ang dating tugtuging kanyang pinakagigiliw.
Nguni't makaraan ang kulang pang kalahating oras, at nang nalalapit na sa wakas ang tugtugin . . . ang maysakit ay hindi na kumilos, nag-ibang bigla ang kulay ng labi at sa ilang saglit pa rin ay . . . pumanaw
na.
Lumapit si Mauro sa maysakit na akala niya'y napahimbing lamang.
-- Beatriz, aking Mahal, nais mo bang tumikim ng katas ng dalandan? . . .
Hindi umimik si Beatriz . . . Talagang hindi na makaiimik!
At nang damhin ni Mauro ang palad ng kanyang kasintahan ay tumagos sa kaibuturan ng kanyang puso ang lamig na inihatid ni Kamatayan.
--Beatriz! Beatriz! -- buong lakas na naisigaw ni Mauro.
At nagulo na naman ang tsalet na iyon, ang dating pugad ng pag-ibig ni Mauro at ni Beatriz.
Parang baliw na hindi makapangusap ay tumindig si Mauro, nakiraan sa mga nakikiramay, at saka lumikmo na parang pagal na pagal sa harap ng kanyang piyano.
Ang mga unang nota ng "Plegaria de Una Virgen" . . . ang umalingawngaw! At narinig buhat sa mga tekladong tinitipa ni Mauro ang mga nota at himig na may luha at buntong-hininga ng isang malamig na dapit-hapon . . .
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

May Salita ang Bulaklak
Kuwento ni Alberto Segismundo Cruz
(Silahis, Marso 15, 1947)
Isang ganap na kagandahan at wagas na larawan ng dalagang makabago si Elsa. At, palibhasa'y makabago nga, kung kaya't naalinsunod siya sa takbo ng kabihasnan. Ang dati niyang malago, mapula-pula, at kulot pang buhok ay pinutol - nang lampas-batok sang-ayon sa hingi ng modang pangkasalukuyan; ang mga kilay niya ay inahit hanggang sa maging hubog-tari; ang mga pilik ng kanyang magagandang mata, ay pinabalantok, sa pamamagitan ng "maybelline"; ang busilak niyang pisngi ay pinahiran ng "colorete"; at ang munti niyang palatawang bibig, ay pinapula rin, kaya't anaki'y nakabukadkad na eskarlata sa mga sandali ng kanyang tagumpay at kaligayahan.
At . . . sa harap ng salamin ng kanyang aparadoraymalimit niyang hangaan ang sarili sa pagdadala ng masagwang damit sa katawan niyang balingkinitan. O! . . . at malimit pa ring kung nakabalabal sa kanya ang bughaw niyang"manton de Manila", ay siya na rin ang napapaswit, at anaki'y sinasabing: -- Hoy! mga binata, hindi ba kayo mababaliw sa akin? --
Ang pagka-makabago ni Elsa ay nagpatuloy sa tahanang mariwasa ng kanyang mayamang ale sa Sta. Cruz. Mahal siya ng matanda, sapagka't walang anak, kaya't ang lahat ng maibigan nito ay sinusunod. Sa katunayan, ay ang lalong mga mahal na damit at hiyas ang ibinibili sa kanya; at sa anumang makahiligan niya, nakatatagpo agad siya ng pagsang-ayon, na gaya, haIimbawa, ng pagkabili ng piyanong "Winklemann", gayong hindi pa man lubhang napakainam niyang tumugtog.
Anopa’t si Elsa - ang maganda at makabagong dalaga natin - ay naging kaakit-akit na bulaklak sa hardin ng lipunan; naging paru-parong nakabibighani ang iba't ibang kulay ng pakpak; at naging nakasisilaw na alitaptap sa mga gabi ng mariringal na pagtitipon at maningning na sayawan. . .
Sinungaling ang hindi mabalani ng dilag ni Elsa, lalo na't kung siya ay makakadaup-palad sa isang sayawan.
At, ito ang nangyari kay Lauro Mijares nang makatagpo si Elsa sa bulwagan ng "Club Filipino", sa dakilang sayawan ng mga manunulat. Humanga, nabalani, at naging "bihag" na ganap ang binatang manunulat! Magmula na noon sa hukbo ng mga taga-hanga ni Elsa ay napabilang pa ang isang baliw. Baliw nga si Lauro, sapagka't hindi niya nalalaman ang natatagong lihim sa mga ngiti, sulyap, titig, anyaya, at pakitang mapangarapin ng dalaga. At, sa katotohanan ang kahabag-habag na manunulat na kumikita lamang ng dalawang daang piso isang buwan ay nagpakaibayo pa sa paggugol. . . magkaroon lamang ng mainam na pagkakataon sa pakikipanayam sa umakit na dalaga.
-- Elsa, butihing Elsa! – ani Lauro, samantalang sila ay nagkakapiling sa isang likmuan sa pagtitipong nasabi. -- Sa mga mata mo'y tila nanunungaw ang mga bituin. --
-- Tunay kaya, Lauro? . . . --
-- 0o, tunay, at ang silahis ng liwanag ay umaabot hanggang sa aking pusong napupukaw . . . --
-- Napupukaw? . . . --
-- 0o, Elsa, napupukaw upang paalipin sa iyong sanghaya! --
Humalakhak si Elsa! . . .
Paano'y nababatid ni Elsa na si Lauro ay isa lamang kumikita ng napakaliit na halaga. Nalalaman niyang ang binata ay isa lamang manunulat, na kung hindi gamitin ang panitik ay mamamatay ng gutom. At, malabis niyang natatalos na, sa mga pabango at pulbos lamang niyang ginagamit, ay hindi pa makasasapat ang dalawang daang piso ng binatang nahahaling.
Subali't para kay Lauro - sa bida nating baliw sa pag-ibig kay Elsa ay - ang halakhak na iyon ay kasiyahan ng puso at kaluguran ng kaluluwa. Laking kahibangan!
Ang makabagong pag-uugali ng dalaga na pinipintuho ng haling na manunulat ay katugon ng kanyang mapag-imbot na pag-ibig. Hindi puso ang pinahihirang ni Elsa. Hindi dibdib ang pinagsasanggunian niya sa pamimili. Ang isip ang kanyang ginagamit sa pagpili. Ang utak ang pinahahanap ng wastong katugunan. Dahil dito, ang damdaming wagas at dalisay ay nadadaig ng pangangatwiran at pag-iimbot.
Sa mga sandaling siya ay ganap na napag-iisa, ay paminsan-minsan ding sumasagi sa kanyang gunita ang binatang manunulat. Ang puso niyang malimit na daingan at hantunganng mga himutok ng kaluluwang nananawagan ni Lauro ay napatitibok din; at, sa katotohanan, ay may mga sandaling ibig na rin niya ang tumugon at sumuko sa pag-ibig ng binata. Datapwa't. . . O! . . . ang karalitaan ni Lauro, ang kaliitan ng sinasahod nito, kaya't hindi mangyayaring makasunod sa hinihingi ng kanyang katawan at kaugalian, ay ganap nang naging sanhi upang ipagtabuyanniya sa pinid na pinto ng kanyang puso.
Ang isip ni Elsa ay minsan na namang namayani. Naging ganap na naman ang kapangyarihan ng kanyang utak sa ibabaw ng damdamin; at, dahil dito, may pag-ibig man at pagtingin sa binata, ang sariling tibukin ay giniyagis, tinimpi ang silakbo ng dugo sa dibdib; at sa halip, ay iginawad ang ganitong katugunan kay Lauro, bilang gantimpala ng paggugugol at paghihirap sa pamimintuho:
“Lauro,
“lnaanyayahan kita sa aking pakikipag-isang dibdib sa Linggong darating. Ang pagkakataon ay ipagdiriwang sa aming tahanan. lnaanyayahan nga kita, aking manunulat!
“Elsa”
Anong pait na anyaya!
Nadama ni Lauro noon, ang isang balaraw na naglumagos sa kaibuturan ng kanyang puso. At, sa tindi ng dalamhati ay inihinga sa isang tula sa pahayagan niyang sinusulatan, ang kasawian ng bugtong niyang pag-ibig kay Elsa.
“Panahon ang lumulunas sa sugat ng puso”, anang isang sawikain. At, sapagka't nagdaan ang ilang taon sa kabuhayan ni Lauro, kung kaya't nangyaring ang lahat ng kanyang damdamin sa pagkabigo ng pag-ibig kay Elsa ay napawi na ring katulad ng usok sa himpapawid.
Mayaman ang napangasawa ng ating makabagong dalaga. Utak niya ang nagpasiya kung kaya’t hindi mandin siya nalito sa pagpili. Ang kilalang mangangalibkib na taga Tayabas ang nagluklok kay Elsa sa dambana ng ginto at bulaklak. Panginoon siya ng tahanang mariwasa, at sa isa niyang utos, ay may mga tapat na utusang kahi't na may ginagampanan pang tungkulin ay agad dudulog sa kanyang harapan at handang tumalima. May maiinam siyang damit, may kumikislap na mga hiyas, may lahat na ng kagamitang maaaring ipagparangya sa lipunan. Bukod dito'y may pagkain pa siyang masasarap araw-araw, at may mga “surtidos” at iba pang uri ng matamis, bukod sa sorbete pang pampalamig ng dibdib. Saka kung siya ay nalulungkot, ang kanilang tsuper, ay laging handa sa kanyang mga pagpapasyal, kaya’t ang Luneta, ang Pasay, ang baybay-dagat ng Tundo, at ang lahat ng maibigan niyang pook na patunguhan, ay kinakalapit-bahay lamang niya. Ano pa nga ba ang kanyang nanasain? Hindi pa ba naman maituturing na talagang siya ay hindi nagkamali sa pagpili? . . .
Nguni't ang kapalaran ng tao ay parang gulong. Minsang mapaibaw, minsan namang mapailalim! Si Elsa na nasa karurukan, ay napailalimnaman, pagkatapos ng limang taong mahigit, sapagka't nangalugi nang malaki ang asawang dati'y may inaasahang libu-libong piso sa isang buwan. Sa malungkot na nangyari, ay naging maliit na lamang ang tahanan nina Elsa sa San Juan, paano'y naipagbili ang dating malaking gusali nila. Saka, ang mga alahas, awto, at lahat na halos ng kanilang ari-arian ay naipagbili na ring pawa upang matakpan ang malaking pagkakautang ng asawa sa Banko Nasyonal.
Samantala, si Lauro Mijares naman, na dating manunulat na patay-gutom halos sa napakaliit na kinikita, ay nagkaroon ng mainam na kapalaran. Ang pagkabigo niya sa pag-ibig ay naging landas sa kawastuan ng kanyang buhay. Hindi na siya nag-aksaya ng panahon simula noong siya ay mapariwara sa pamimintuho kay Elsa. Naglamay siya sa paglutas ng mga sinusulat; nagtipon siya ng salapi at ginugol sa kanyang mga aklat; at sa gayon at ganitong mabuting kaparaanan, ay nakapagpatayo siya ng isang maliit na palimbagan. Pagkatapos ng isang taon, ay nakapagpalabas na siya ng isang rebistang Tagalog na sinusulatan ng mga bantog na manunulat na gaya nina Lope K. Santos, Balmaseda, Ramos, Dianzon, Regalado, Almario, Dionisio, Esperanza Cruz, Hernandez, Evangelista, Rivera, Lazaro, at iba pang pawa niyang ginagantimpalaan sa bawa't akdang sinusulat. Sapagka't magaling na babasahin ang bagong lingguhan, kaya't lumaganap agad sa buong Kapuluan; naging malakas ang mga anunsyo at kumapal ang bilang ng mga mambabasa. O! Kung maghulog sa banko si Lauro, ay umaabot sa libo-libo buwan-buwan, labas na ang lahat ng mga gugol. Bukod pa sa pangyayaring ito, ang manunulat ay nakapag-asawa pa ng isang maykaya, na nakatutulong sa kanyang buhay, kung kaya't naging mabilis ang kanyang paghagdan sa rurok ng kasaganaan. . .
Isang makabagong tsalet ang ipinatayo ni Lauro Mijares sa kanyang nabiling lote sa San Juan del Monte. At, sa buong bakuran, ay itinanim ang malalabay na gumamela, na nang sumapit ang panahon ng pamumulaklak ay naging parang pula ang buong bakuran, bagay na lubos na nakatawag ng pansin ng mga nagsisipagdaan. Ang kagandahan ng mga bulaklak, na nagdulot ng kaakit-akit na kulay ay lagi nang nakatatawag ng pansin ng mga kalapit-bahay. May mga babaing sa tuwing magbubukang-liwayway ay pinagmamasdan ang mapupulang gumamela sa tsalet ng mga Mijares. May isang magandang babai, na kung namamasdan ang mga bunso ng mag-asawang Mijares -malilikot na batang nagsisipagtaguan sa likod ng malalabay na punong-gumamela - ay napapaluha sa kagalakan at para bagang siya ay nahihili. Paano'y wala na siyang pilak ay wala pa ring anak.
Opo, ang babaing iyon ay walang bunso. . . walang kapilas ng puso!
Sa katuwaan ng babaing iyon, ay naging panata na ang laging manungaw pagkagising, kung umagang namimitak ang araw sa Silangan. Tinatanaw ang mapupulang gumamela! Kinakausap sa guniguni ang kulay ng naglahong kaligayahan. At binubusog ang paningin sa dilag at kasariwaan ng mapupulang bulaklak na
yaon. . .
Akay palibhasa ng malaking pagka-akit kung kaya't isang umaga ay napilitan ang babaing nabanggit na pumasok sa bakuran at pumitas ng isang bulaklak upang mailagay sa “plorerang” malaon na niyang napabayaan. Nang siya ay papasok na sa bakuran, ang mga batang anak ng may tsalet ay sumalubong sa kanya nang buong giliw at kagyat na itinanong kung ano ang pithaya.
-- Wala, mga anak, ibig ko lamang na humingi sa inyong ina ng ilang gumamela para sa aking “plorera”. --
Nang mabatid ng mga bata ang gayong pithaya ng kung sinong nakapipita sa kanilang mga buIaklak, ay nag-uunahang nagsabi sa kanilang ina na, noon, ay kasalukuyang naaabala naman sa pag-aayos ng korbata ng kanyang kabiyak ng dibdib.
-- Sino bang babai iyan? -- wika ng ginang ng tahanan.
-- Humihingi daw po sa inyo ng ilang bulaklak! -- anang panganay.
-- Sabihin mong maghintay; papanaog na kami ng iyong ama. --
Ang mga bata ay nagsipag-unahang pumatungo sa bakuran at sinabi sa nanghihingi ng bulaklak ang sagot ng kanilang ina . . .
IIang sandali ang nakalipas. Tumugtog ang ika-anim sa orasan;
at. . .
-- Diyos ko! -- anang babaing nahahaling yata sa mga bulaklak, bago siya ganap na nawala.
Paano'y may natanawan ang babaing iyon na parang anino ng kahapongnoon ay biglang napakikita. At, anong lungkot! Ang natutunghan noon ng kanyang mga mata ay hindi na ang dating kanyang pinahihirapan at pinangangambahang maging kaisang-dibdib. Sa kasalukuyan, ay mayaman na, may pangalan at marangal na namumuhay sa piling ng ulirang asawa't mga anak. Higit sa lahat ay may mga bulaklak pang sa pagkakatanim, ay tila minarapat ng Diyos upang kanyang mapag-ukulang lagi ng pansin.
A! kahabag-habag na Elsa! . . . na sa tuwing magbubukang-liwayway ay dinudulutan na lamang kasiyahan ang mga mata.
Datapuwa't. . . si Bathala ay talagang mahabagin! Si Elsang mamatay na lamang sa kalungkutan ay nangyari pa ring madulutan ng kaluguran ng isang maawain.
-- Kapit-bahay naririto ang inyong pinipitang bulaklak! --
Ang nagsasalita ay si Lita, ang kabiyak ng dibdib ni Lauro.
-- Kayo? . . . -- pagulat ni Elsa na wari pang nag-aalinlangan.
-- Opo, ako nga po ang inyong kapit-babay na laang tumulong sa inyo sa lahat nang oras, kung mamarapatin. --
Inabot ni Elsa ang pumpon ng mga bulaklak, subali't nag-unahang dumaloy ang masaganang luha sa kanyang magagandang mata.
-- Lauro! Lauro! Salamat iyo, at may pagtingin ka pala sa akin, -- ang naihimutok ni Elsa pagkaalis ng maybahay ng manunulat. . .
At, tuwing magbubukang-liwayway, gaya ng dati ay nakatingin din siya sa tsalet ng mapupulang gumamela. Sinisinag niya ay larawan ni Laurong binigo niya sa pag-ibig dahi sa karilitaan. Nguni't noon, siya pa niyang “pinaghihilian”. O! ang palad nga naman ng tao . . . At, kung maging alabok nga naman ang pag-ibig.

Gunita sa Dapit-hapon
Alberto Segismundo Cruz
(Silahis-Balaghari, Oktubre 2, 1948)
Kasabihang ang mga pagkakataon ay mapaglikha ng mga kababalaghan at ang matutunghayan dito’y minsan pang makapagpapatotoong ang kababalaghan ng mga pagkakataon ay kusang dumarating na parang pangarap sa isang buhay.
Nagkakilala sila, nagkabatian hanggang sa magkausap sa loob ng tren — ng Bicol Express — hindi pa man nangangalahati sila ng lakbayin. Magkatapat sila o sa lalong tumpak na pagsasaysay ay magkaharap sila sa likmuan. Sa katotohanan, ay nauna si Delio at siyang unang umupo roon, nguni't walang anu-ano nang patulak na ang tren at tumutugtog na ang mga batingaw, ay dumating siya, ang di-kilalang dalaga — isang bahagi ng nagdaang luwalhati sa harap ng binatang manunulat.
Ang pabango ni Minyang ay parang gumuhit sa daanan sa pagitan ng mga upuan at bala na'y natawag ang pansin sapagka't nalanghap ang halimuyak ng isang pabangong bukod sa mahal ang halaga'y may tatak pang pang-lipunan. Si Delio'y nakaharap noon sa pangitain sa dakong Kanluran, samantalang tumatakbo na ang tren; natatanaw pa niya ang huling hanay ng mga dampa at tirahan ng maralita sa purok na kinagisnan, nguni't hindi na niya ngayon pinamamayanan.
Sa ilang saglit lamang ay nalanghap na niya ang pabango, at noon niya natiyak na ang babaeng iyon ay may kaya at isang pihikan sa pagpaparilag at pagbalani sa pusong-lalaki.
Nakapagdaan sila sa unang himpilan, sa ikalawa, hanggang sa ikatlo. Maliban sa panakaw-nakaw na tingin ni Delio ay wala na itong magawa pa. Sa wakas ay nayamot na siya sa pagtingin ng panakaw, ang ginawa nama'y minasid ang paningin sa durungawan ng tren hanggang sa mapagal ang kanyang leeg. Napilitan siya sa nangyaring ito na ibaling na nang tuwid ang kanyang paningin sa marilag na dalaga na nasa harap niya.
Noon niya namasid na sadyang maganda ang kanyang kasakay sa tren. Hindi lamang maganda kundi lalo pang gumaganda habang nagtatagal ang pagtitig sa kanyang mukha at boong anyo. At hindi lamang may ganyang katangian kundi talagang nagpapasasal pa ng tibok ng puso.
Sa ilang saglit pa ay naniwala na sa sarili si Delio, na siya'y umiibig; kung hindi, ay binabaliw siya ng sariling guniguni, sa harap ng masanghayang dilag. Sino kaya ang babaeng ito? Sino kaya ang dilag na ito na sa isang saglit lamang ay nakapagpaligalig na sa kanyang kaluluwa? Nagtatanong
siya sa kanyang sarili at inihahanap ng kasagutan ang hiwaga sa gayong pagkakataon.
Sa katotohanan ay hindi masasabing siya'y hikahos sa magandang palagay ng kababaihan. May mga nagtatangi sa kanya — ilang maririlag ding katulad ng kasakay niya. Nguni’t, habang lumalaon ang pagkabinata niya ay waring nagiging pihikan siya, at hindi lamang pihikan, kundi nagiging maselang pa mandin sa pagpapahalaga sa mga katangian ng isang babae.
Natitiyak niyang hindi siya mapintasin. Sapagka't hindi lamang dilag ng babae ang batayan niya kung siya rin lamang ang makapagpapasiya. Higit sa dilag ay nababatid niyang may lalong dakilang hiyas ang isang babae — hiyas na iniingatan sa ubod ng kanyang kaluluwa. Marilag, mahinhin, masipag, masunurin, malambing, mapagbigay, mapagtiis — ang lahat na iyan ay talagang mahirap na matagpuan sa isang babae, lalo na nga sa isang makabagong Eba, nguni't nananalig si Delio na ang bahagi ng lahat ng kabuuan ay sukat na, samantalang siya'y nagmamasid sa isang mukhang kabigha-bighani, sa mga matang may bituin ng pagasa, sa labing may pula ng dugo ng kasiglahan, sa mga pisnging nagpapagunita ng bulo't kasariwaan ng mga bungang-kahoy at talulot ng bulaklak, sa baywang at mga bisig na malambot sa kanyang pandama sa pagyapos at sa katauhan at kaluluwang kahi't nasa malayo o nasa malapit, ay waring kaugnay ding lagi ng kanyang buhay at kaluluwa.
Nang itaas ni Delio ang kanyang paningin ay napansin niyang napapikit ang mga mata ng dilag na kanyang di pagsawaang titigan nang panakaw. Nakahilig nang bahagya sa sulok ng durungawan ng kotse ang kanyang ulo at ang isang bahagi ng mamula-mula't mamurok-murok na pisngi'y hinahampas-hampas ng sutla’t maririkit niyang bandana na nilalaru-laro ng hanging buhat sa bukirin.
Lalong maganda nang mga sandaling yaon ang di-kilala niyang sakay ng tren. Nagunita niya tuloy ang isang kuwento hinggil sa isang marilag na Sultanang nakatulog sa banig ng mga bulaklak gayong nakapikit ang mga mata'y waring nakangiti pa rin at may pulot-pukyutan ang labing may “piping awit” ng pag-ibig. . .
Sa ilang saglit pang nagdaan ay napuna ng binata na ang dalaga'y may aklat palang binabasa, at nakabukas pa ito sa kanyang kandungan sa tabi ng handbag. Ang aklat ay nakapagpatibok sa puso ng binata. Lungtian ang takip at ang labas ay may isang pumpon ng mga bulaklak-gubat. Saka sa ibabaw — sa pinakagitna — ay nakasulat sa titik ginto ang pamagat: “HALIMUYAK”.
Nguni't natawag ng antok ang dalaga, kaya't napapikit ang magagandang mata at naiwan ang aklat sa gayong ayos hanggang sa lumagpak sa paa ng binata. Dinampot na mabilis ni Delio ang aklat, na sa isang masid pa'y natiyak na niyang isang kathang-buhay at lalong natiyak pa rin niya kung sino ang may-akda.
Ang tunog ng pagkakalagpak ng kathang-buhay o ng aklat ay nakagitla sa dalaga, kaya't dali-daling idinilat ang mga mata at nagmasid sa kanyang kandungan. Bago naging ganap ang kanyang pangwari, nakita niya ang kamay ng binatang kasakay na ini-aabot na sa kanya nang boong pitagan ang aklat.
—Ipagpaumanhin ninyong iabot ko sa inyo ang aklat na inyong binabasa, — ani Delio sa tinig na marahan, nguni't magalang.
Ngumiti ang dalaga:
— Makapangyarihan ang antok! — ang sabing nakangiti pa rin ng dalaga, bago:
— Salamat, marami pong salamat. — Saka ngumiting muli, ngiting lalong nakahahalina.
— Wala pong ano man! — ani Delio at talaga sanang tatanaw na naman sa kalawakan.
— Kayo yata'y patungo sa. . . — ang biglang basag ng dilag.
—Sa Legaspi po! — ang matapat na tugon ng binata.
— Anong pagkakataon! — pahayag ng dalaga. — Doon din po ako patutungo. Dadadalaw sa aking ale at sasamantalahin ko ang Tag-araw na ito.
Sa mukha, sa tinig at sa gayong anaki'y “katapangan” ng dalaga ay may biglang nagunita si Delio. At, ang pagkakagunitang ito'y bumibilang ng maraming taong ring kaugnay ng kanyang “kahapon”.
— Hindi maaaring ito siya! — ang naibulong sa sarili.
Napangiti ang dalaga sa anyo ng binatang anaki'y nag-iisip.
— Maari din namang siya na nga! — naibulong ni Delio uli sa sarili, lalo na nang mapansin ang nakaburdang titik na “M” sa bestido sa tapat ng dibdib ng dalaga. Ang dalaga naman nang mga sandaling yaon ay waring may bagay na biglang sumilid sa isip. May tinig siyang narinig — ang tinig ng binata. Bukod dito'y waring nasisinag niya sa mukha nito ang anyo noong kabataan, ang bahagyang kulot ng buhok saka ang taling sa gawing kanan ng noo. Saka, ang kabulasang iyon at pangangatawan, makaraan ang may labinglimang taon, ay naroon pa rin, sa akala niya.
— Ito kaya si Delio? — ang kutob ng loob ng dalaga.
Nangiti si Delio, sa pagkakamaang ng kasakay. Paano’y hindi niya napagwari na ang kasakay niya pala’y iniakyat din sa alapaap ng pakpak ng mga alaala ng kanyang nagdaang kamusmusan.
—Si Delio nga ito! — sigaw mandin ng kanyang budhi.
At sila'y nagkausap uli. Binata't dalaga, palibhasa, ay nagkausap na waring bubuyog at bulaklak sa isang halamanan. Napapatingin lamang na may pagkainggit ang iba pa. Sa kanilang pagsasalaysayan ay may isang nabanggit si Delio, na nakatawag ng pansin sa dalaga.
— Piyano ang wika ninyo? — ang usisa ng dalaga.
— Opo, natatandaan ko po ang isang dalagitang kamukha ninyo, na sa tuwing dapithapon kung araw ng Linggo, ay kinariringgan ko ng “Remember Me” — pagtatapat ni Delio sa kasakay na dalaga.
— Narinig ninyo sa labas ng tahanan? — usisa pa rin ng dalaga.
— Narinig ko po na ako'y nasa kanyang likuran, at bawa't tipa ng kanyang teklado'y waring napapatuon sa pitak ng aking puso! — ani Delio.
—Kung gayo'y mahal na mahal ninyo ang dalagitang iyon? — ang tanong na mapangahas ng dalaga.
— Hindi ko po lamang mahal at iniibig, kundi sadyang pinag-uukulan ko pa ng panata! — anang binata.
Hindi nakaimik ang dalaga. Parang sinaksak ng dalamhati ang kanyang dibdib. Kay lungkot nga naman ng Tadhana, kung minsan. Marahil kung hindi siya napalayo sa purok ng mga maralita'y nakapiling sana niyan lagi ang binatang iyon, na malaon ding panahong kanyang pinananabikan. Sa
ngayon, ang binatang iyon, bagaman hindi pa niya tiyak ay kinariringgan niya ng mga katibuyan sa pagtatapat at sa pag-ibig, na naging tunay na panata na.
“Remember Me”. lyan nga ang kanyang kinahihiligang tugtugin, Hindi miminsan, hindi mamakalawa lamang kung magdarapit-hapon kung araw ng Linggo ng pagdalaw sa kanilang tahanan ng binatilyong iyon; datapuwa't ang lahat ng ito ay lumipas. . . naging parang bula na lamang. . . palibhasa'y pinaglayo sila ng mga pangyayaring namamagitan sa buhay at kabuhayan ng mga tao.
Ang ama niya, na isang mangangalakal ay lumipat na sa isang pook sa labas ng maalikabok na lunsod, palibhasa'y may kaya namang makapagpatayo ng malapalasyong tahanan. At, siya na lumaki't naging ganap na dalaga ay nakabilang sa kadalagahan ng mataas na lipunan; datapuwa't hanggang nang mga sandaling yao’y para bagang inaasam pa rin niya ang pagdating ng kanyang “kasintahan” sa panahon ng kabataan.
Nguni't nagdilim ang kanyang mukha sa di-kawasa. Sa kanyang mga pangarap at sa lunggati ng puso ay nakatakda na ang tadhana ng kanyang palad. Para sa kanya'y may nahirang na ang kanyang mga magulang — isang binatang may titulo rin at may niyugan pa, diumano, sa isang lalawigang maniyog. Ibig na ibig ito ng ama niya, sapagka't isang mangangalakal din. Sa malas ay walang magagawa ang kanyang damdamin at pangangarap.
Ang mapait na alalahanin ay biglang napawi nang tumigil ang tren sa isang sangang daang-bakal upang paraanin ang isang lalo pang matulin na pabalik na sa Maynila. Tumanghali, atkinailangang kumain ng baon ang dalaga. May baon ding “sandwiches” si Delio at isang kilong ubas, bukod sa marami pang biskuwit. Naghandugan sila at kumain na para bagang dati nang magkakilala.
—Maganda ang aklat na ito at hindi nawawala sa akin, saan man ako maglakbay! — pahayag ng dalaga na parang walang ano man.
— Nabasa ko na rin ang kathang-buhay na iyan, — tugon naman ng binata — datapuwa't sa palagay ko'y bigo ang pag-ibig sa buhay na iyan, na siyang kahinaan ng aklat.
— Iyan nga ang lalong matimyas, — anang dalaga. — Sapagka't habang pumapait ang pag-ibig ay lalong naiiwan ang kakanggata ng pagmamahal. — pahayag ng dalaga, na sinundan pa ng malalim na buntong-hininga.
— Kung gayo'y ibig ninyong mabigo ang pag-iibigan ng dalawang magkasintahan? — ang mapaghamong tanong ng binibini.
—Ah! — ang pabiglang nasabi ng binata — Iyan ay nasa kanila. Sila ang makapagpapanatili
ng kanilang pag-iibigan at sila rin ang makapagpapawalang-saysay sa kanilang damdamin.
—May katuwiran ang awtor nito, — pagtatanggol ng dalaga, bago minasdang mabuti ang iaanyo ng kausap — sapagka't siya'y naniwalang bigo siya sa pag-ibig, gayong hindi naman.
—Kung bigo ang mayakda, — ang paliwanag ng binata, — ipagpatawad kong sabihin sa inyo na kayo'y manghuhula, sapagka't nadadarama pati tunay na loobin ng awtor.
— Bakit po hindi, — walang kagatul-gatol na wika ng dalaga. — Siya ang tinutukoy ko sa inyong. . . nakikinig sa likuran ko, sa tuwing tutugtugin ko ang “Remember Me”. ..
Napagitlang parang nahintakutan si Delio sa kanyang narinig. Sa katotohanan ay namutla siya't pinagpawisan ng malamig. Paano'y batid na niya ang tinutukoy at ibig na tukuyin ng kanyang kasakay na dalaga. Diyata't ito ang dalagitang iyon — si Minyang — na halos ay umagaw sa pag-ibig niyang nauukol na dati sa kanyang ina? Diyata't ito ang kapilas ng langit na inihulog sa kanya ni Bathala, kaya siya napahilig sa pagsulat at naging makata ? Diyata't ito ang nagpalimot sa kanya ng halaga ng salapi, sapagka't tinalikdan niya ang pangangalakal at sa halip ay hinarap ang pagsulat na walang ano mang maidudulot na magandang biyaya't kapalaran sa buhay ng isang lalaki? Diyata't ito ang naging dahilan ng lahat upang siya ngayon ay magtungo sa Kabikulan at sumulat ng boong kasaysayan ng mga lalawigan at ng mga huling pangyayari roon hinggil sa buhay, kabuhayan at hinaharap ng mga tao ?. . .
Sapagka't nababatid ni Delio na malapit na ang huling himpilan, kaya't nagpasiya siyang ipagtapat sa dalaga kung sino siya sa sandaling makalunsad.
Siya ngang nangyari. Nang bumaba siya sa plataporma ng tren ay inabot niya ang isang kamay ni Minyang na lumukso pa upang mapahilig nang paharap sa kanya ang katawang anaki'y nilalik at mabangong-mabango.
— Hanggang dito na lamang ako! — at inalis ni Delio ang kanyang sambalilo.
— Salamat sa inyong magandang pagkakataong ipinatanaw sa akin sa paglalakbay na ito. Ang inyong bagong kakilalang si De. . . — nguni't napauntol ang binata.
— Utang na loob, maginoo — wika ng dalaga. — Hindi ba maaaring samahan ninyo ako hanggang sa kabayanan. Doon po naroon ang tahanan ng aking tiya, — at ngumiti — ngiting nakababaliw na talaga.
Bumagtas sila sa makipot na lansangan sa likuran ng himpilan. Napalabas sila sa isang lansangang aspaltado na ang magkabilang panig ay nalililiman ng mayayabong na punong-kahoy. Nagdaan sila sa lilim, at sinadyang huwag na sumakay sa ano mang sasakyan, bagaman mapilit ang binata na sila'y sumakay na.
Nang sila'y mapalapit na sa tahanan — na malapalasyo — ng kanyang ale, ay nagsalita ang dalaga:
— Hayun! — sabay turo sa tahanan — ang aking tutuluyan. Ihatid ninyo ako hanggang sa lilim ng mga balag ng “cadena de amor”, kung maaari. Huli kong pakiusap.
Sumunod na parang utusan si Delio. Nang sila ay makapasok na sa halamanan — sa isang malaking bakurang nakukublihan ng mga balag na may “cadena de amor” at iba't ibang uri ng dapo't orkideas, ang dalaga'y biglang tumigil.
—Halikayo, utang na loob. . .— anang dalaga.
Lumapit si Delio, na sa palagay niya'y may ibubulong lamang ang marilag na kasakay sa tren at butihing kakilala. Nguni't. . . sa isang iglap ay nakayapos na ito sa kanyang leeg, bago nagwika sa pagitan ng mga hikbi ng gayari:
— Sinungaling ka, Delio! — ang paratang niya! — Mapagmalaki ka! Halikan mo ako! Utang na loob. . . Halikan mo ang iyong Minyang na di nakalilimot!
At si Delio ay humalik — gaya ng dati — halik na mainapoy na tulad noong panahon ng kanilang kabataan.
Nang masdan ni Delio ang mukha ni Minyang ay natiyak niyang talaga palang may luha ang mga mata nito.
—Delio, ako'y ikakasal pagbabalik ko sa Maynila. Hindi nakahuma ang binata, at tumalikod noon din nang walang paalam sa kausap. Aywan niya kung saan siya tutungo. Nalimot na niya halos ang layon niya sapaglalakbay. Parang bumagsak sa kanyang katauhan ang bigat ng boong daigdig. Wala siyang naibulong sa paghakbang na anaki'y isang lagalag kundi ang ganito:
—Minyang, pinarurusahan mo ako habang buhay! --